Chapter 3


CHAPTER THREE

IN MEMORY OF OUR FRIENDSHIP

BEING on top is never been easy. You have to put efforts para maabot ‘yon. Ito ang palaging itinatak sa isip ni Samantha Roux Hidalgo.  Alam niyang marami siyang kaagaw paakyat sa tuktok pero alam niyang sa huli, sa kaniya pa rin ang huling halakhak. At the end, she’s still the number one. Siya lang at wala nang iba pa.

Samantha Roux Hidalgo is a girl who can get what she want. Ika-apat siya ranking of honors at talaga namang malaking dismaya ‘yon sa kaniya. Well known ang kaniyang pamilya. Food business ang pinagkakaabalahan ng kaniyang mga magulang. Siya lang ang inaasahan na magmamana niyon. Kaya laking inis at pangamba niya nang malaman ang resulta. Tiyak na madidismaya rin ang parents niya kapag nagkataon na malaman ito.

Kung tutuusin, kayang-kaya niyang ungusan ang tatlong kaklaseng nakaharang sa puwestong gusto niya, sina Isabelle at Elisa. She knew that money is powerful. Kayang-kaya ng pera na baguhin ang lahat. Pero gusto niyang lumaban ng patas. Utak laban sa utak. After all, she’s confident na para rin sa kaniya ang puwesto na 'yon and besides mas masarap pa rin ang bagay na pinaghihirapan. Kaya, she promised to herself na mag-aaral siya nang husto ngayong fourth quarter.

She can’t focus on her studies these past few days. It’s because of James, ang boyfriend niya na ex-boyfriend ni Isabelle. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya gaanong nakapag-aral at humantong pa ‘yon sa scores niyang sakto lang na pumasa. Gusto ng lalake na gumala sa mall. Nagpapabili pa ito ng mamahaling relo na bagong edition galing sa isang sikat na brand.

James wanted a date but unfortunately, hindi siya pumayag. Sa susunod na buwan na ang final exam kaya kailangan niyang mag-aral. But James insisted his plan, pero bigo ang lalake. Kaya sa huli, nag-away sila at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos. Wala siya sa sariling pumasok sa school dahil sa nangyari. Sa katunayan, hindi rin siya nakatulong nang maayos. Pakiramdam niya nagi-guilty siya sa kaniyang desisyon na paghindi sa lalake.

Nagulantang siya sa kaniyang nasaksihan pagpasok ng classroom. Kitang-kita ng dalawang mata niya na naghahalikan sina James at Isabelle.

“Ang mga walang hiya. Mga hayop!” mga salitang nais sabihin ni Samantha pero hindi niya masabi. Tila nagmukha siyang istatwa matapos makita ang dalawa sa ganoong posisyon.

Napakuyom siya sa kaniyang kamay at akmang susugurin ang dalawa, pero agad siyang napatigil nang may biglang humarang sa kaniya. Tinignan niya ito nang may galit. Si Marco. Siya ang pumigil sa pagsugod niya.

“Huwag mo akong pigilan!" giit niya sa lalake. Kinuha niya ang kamay ngunit nagpupumilit pa rin ito. Tinulak ni Samantha si Marco pero masyado itong malakas kaya hindi ito natinag.

Nagsimula nang mamuo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Masakit pala talaga kapag harap-harapan mong nakikita kung paano ka niloloko ng taong mahal mo.

She can accept the truth na niloloko siya. Pero ang masaksihan ‘yon sa harap niya, iyon ang hindi niya matatanggap. Parang sinaksak ng ilang kutsilyo ang kaniyang puso. Ang gusto niya lang naman ay ang mahalin at punan ang puso niyang nangungulila ng pagmamahal. Mayaman nga siya pero hindi  niya kayang bilhin ng pera ang pagmamahal. Buong buhay siyang nangarap na makaranas ng pagmamahal pero panandalian lang pala ang lahat.

Her parents are both busy on their business. Wala silang oras kay Samatha. At the age of sixteen, puro katulong lang palagi ang kasama niya. Even in her special moments in life na dapat kasama niya ang mga magulang ay hindi niya naranasan. Kaya gan’on na lamang kasakit sa kaniya ang nangyari. Ang  kasiyahan at pagmamahal na tinatamasa niya ay agad na binawi.

Nakita niya sina James at Isabelle na nakatingin sa kaniya. Lihim na nakangiti ang babae, habang ang manloloko niyang kasintahan ay nakayuko at tila nahihiya sa ginawa.

Agad siyang tumakbo palabas ng classroom at dinala ang kaniyang mga paa patungong rooftop.

Unang sumalubong sa dalaga ang malamig na simoy ng hangin. Dumampi ito sa makinis at maputi niyang balat. Niyakap niya ang sarili dahil sa ginaw na nararamdaman. Nililipad-lipad ang buhok niya sa lakas ng hangin.

Hindi niya maintindihan kung bakit mabigat ang kaniyang pakiramdam. Pinagpapawisan siya kahit mahangin at tila may humihila sa kaniyang sarili. Ipinagwalang-bahala na lang niya ang pakiramdam na ‘yon dahil alam niyang dulot lang ito sa nangyari. Nasisiguro niyang ito ang naging epekto sa panloloko ni James.

Tinanaw niya ang kalawakan ng campus. Doon niya binuhos ang lahat ng hinanakit. Umiyak siya nang umiyak nang sa gayon ay maibsan nang kaunti ang sakit na nararamdaman.

“Hindi ako papayag na dito lang magtatapos ang lahat," bulong ni Samantha sa sarili. Pinunasan niya ang kaniyang luha at matalim na tinignan ang payapang kalangitan.

“Tama ka. Nararapat lamang na hindi lang dito magtatapos ang lahat. Papayagan mo na lamang ba na maging masaya sila tapos ikaw ay magiging kawawa?” seryoso ngunit nanghahamon na wika ng isang babae  mula sa kaniyang likuran.

Nagulat si Samantha at mabilis na nilingon ang may-ari ng boses. Napakunot siya ng noo nang makitang nakatayo sa kaniyang likuran ang kaklase niyang si Charlotte. Seryoso ang mukha at hindi kakikitaan ng ekspresyon. Tila may malalim na iniisip kaya hindi niya mabasa ang babae base sa tingin nito.

“Why are you here?" tanong ni Samantha sa kaklase. Napacross-armed siya habang nakataas ang kilay. Alam niyang may masamang balak na naman ito. Kilala kasi si Charlotte sa klase nila na mahilig gumawa ng kalokohan. From bullying to vandalism. War freak kumbaga.

“I’m just trying to help you," malabing ngunit nanunuksong sambit ni Charlotte sa kaharap. Kitang-kita nito ang biloy na lumilitaw matapos ngumiti.

Lumakad nang bahagya si Samantha at hinarap nang masinsinan si Charlotte. “Well, anumang tulong  ‘yan, hindi ko ‘yan kailangan. Alam kong marumi kang mag-isip. No wonder walang gustong sumama sa ‘yo even before,” wala sa sariling tugon niya na sinamahan pa ng pag-irap.

Isang malutong na sampal ang natanggap ni Samantha. “Ang akala ko’y malakas ka na. Nagkamali pala ako.” Gaganti sana si Samantha ngunit nakatalikod na ito at nagsimulang maglakad habang siya ay sapo ang pisnging namumula sa sampal na natanggap.

CHARLOTTE DOROTHY ANGELES has bad attitude na hinding-hindi magugustuhan ninuman. Hindi niya ‘yon d-in-i-deny dahil totoo naman ‘yon. She is known to be a classy and trouble maker inside the class. Lahat yata ng kalokohan ay siya ang pasimuno. Maldita at bully. Kaya niyang makipagsabayan sa mga lalake. Minsan nga, mas lamang pa siya sa mga ito. Wala siyang kinatatakutan kahit ilang bad records pa ang makuha niya. Pakiramdam niya kasi kapag gumagawa siya ng kalokohan, makakaramdam siya ng saya. Ito yata ang dahilan kung bakit hindi mabago-bago ang class standing niya dahil kali-kaliwang suspension ang natatanggap niya.

Good character ang isa sa mga qualifications upang maging class valedictorian. Dapat magandang ehemplo sa kapwa mag-aaral.  Kaya pagod na siyang abutin ang pagiging top one. Dahil ang totoo, imposibleng makuha niya ‘yon. Hindi na rin mababago ang ugali niya. Kung ano ang ipinapakita niya ay ‘yon talaga ang totoong siya. Walang pagpapanggap at pagkukunwari.

She is known for her bad attitude pero hindi alam ng karamihan na may malalim na dahilan kung bakit naging ganito ang kaniyang ugali. Napagtanto niyang mabilis talagang manghusga ang tao. Kahit na hindi alam ang buong kuwento ay gagawa na ito ng konklusyon.

All her life was became miserable. Lumaki siya na hiwalay ang mga magulang. Ang daddy niya ay nagtatrabaho sa isang factory habang ang mommy naman niya ay manager sa isang fast food restaurant. Kapwa may kanya-kanyang pamilya na ang mga ito.

And Charlotte, grew by herself. She became independent at the age of twelve. Umupa siya sa isang maliit apartment. Binibigyan naman siya ng pera ng mga magulang para panggastos sa mga pangangailangan niya araw-araw, pero hindi niya ‘yon tinanggap. Gusto niyang ipakita na kaya niyang tumayong mag-isa. Nag-apply siya bilang cashier sa isang open twety four hours store. Sa tatlumpong daan na sahod, naigapang niya nang maayos ang buhay kahit minsan kinukulang.

Lihim siyang napangiti nang matamaang niloloko si Samantha ni James. Totoo nga na ang matalino ay nagiging bobo pagdating sa pag-ibig. She pity for Samantha, her ex-bestfriend. Hindi niya maiwasang maalala ang mga kaibigan. Ang mga kaibigan na isa sa mga dahilan kung bakit naging ganito kagaspang ang ugali niya.

“Hello! Dito ka na umupo. Wala namang nakaupo rito. By the way, I am Charlotte” masayang imbitasyon at pakilala ni Charlotte sa bagong kaklase. “I’m Samantha Roux. Nice to meet you!” sagot ng babae.

“Wala ba kayong mauupuan? Dito na kayo, may space pa rito.” Itinuro ni Samantha ang dalawang bakanteng upuan sa harapan. Kapapasok lang ng tatlong babaeng estudyante. At sa tingin nila ay walang mauupuan ang mga bagong kaklase.

“Ako nga pala si Maria Elisa. Siya si Valerie at itong isa naman ay si Isabelle. Hello sa inyong dalawa. Salamat nga pala sa pagpapaupo ninyo sa ‘min,” kitang-kita ang saya ni Elisa sa mga ngiti nito.

Naging magkaibigan sila ni Samantha, Elisa, Valerie at Isabelle. From the very start, sila ang laging magkasangga at magkasundo sa lahat ng bagay. Silang lima ang laging magkasama kahit saan.

They became friends because of the same goals—ang makapagtapos with flying colors. Nais nilang maabot ang kani-kanilang pangarap upang maging inspirasyon sa iba at magbigay hatid ng karangalan sa kani-kanilang pamilya. Ngunit ang pangarap na ‘yon din pala ang wawasak sa pagkakaibigan nila. Unti-unting naging makasarili ang bawat isa sa pagharap ng sariling pangarap.

That was before, noong panahon na hindi pa nila lubusang kilala ang isa’t isa. Dumating ang panahon na nagbago ang lahat.

Third year high school sila nang masira ang kanilang friendship. Nag-iba ang ihip ng hangin at tinangay nito ang lahat ng mga pangakong kanilang pinanghahawakan. Si Charlotte ang unang nakadiskubre sa totoo nilang pag-uugali. Napag-alaman niyang ginagamit lang pala nila ang pagkakaibigan para umangat. Inamin ni Charlotte na naging makasarili rin siya dulot na rin ng pagiging independent niya sa buhay.

One’s became selfish to achieve her dreams at iyon si Elisa. Competitive sa lahat ng bagay. Lagi na lang hindi sumasama sa grupo dahil tutok sa pag-aaral.  Si Valerie na inihas si Marco na boyfriend ni Samantha. Dahil sa lalake, nalimutan nila ang pagkakaibigan. Nawasak ang pagkakaibigan dahil sa inaakalang totoong pagmamahal. At siya naman, naging tutok sa pagtataguyod sa sariling buhay. Hindi nila maintindihan ang pinagdadaanan niya. Nasaktan man siya pero laking pasalamat niya dahil nalaman niya ang totoong kulay ng mga ito.

Si Isabelle na nahuling may kodigo sa isang exam. Ibinunton niya iyon kay Charlotte na ito raw ang may gawa at ibinigay lang sa kaniya. At dahil sa kilala na masamang impluwensiya sa klase si Charlotte,  ito ang nagmukhang may kasalanan. Wala na rin siyang ibang ginawa dahil hindi na mababago ang isip ng lahat. Hindi na mababago kahit ni isa ang paningin ng mga kaklase niya na gano’n talaga siya kasama.

Hinayaan niya lang ‘yon. Wala siyang mapapala kung ipagtanggol pa ang sarili. Mas lalaki pa ang gulo kung dedepensa pa siya. Hindi pa rin siya ang paniniwalaan kasi sa mata ng lahat, siya ay masama. At ‘yon ang masaklap na katotohanan. Kung ang taong kilala dahil sa masama nitong gawain, mananatiling masama ang paningin ng lahat. Hindi paniniwalaan na kayang gumawa ng kabutihan.

At doon naputol ang ugnayan nila. Charlotte known for her unpleasant attitude but she was true to herself, unlike sa mga kaibigan niyang mga plastic pala. Mga kaibigang nagbabalat-kayo. Kaya ngayon, tanging ang sarili na lang niya ang maaasahan.

Hindi maiwasang mapangiti at maluha si Charlotte matapos maalala ang mga pinagsamahan nila ng kaniyang mga dating kaibigan. They got through ups and downs before pero hanggang alaala lamang na ‘yon. Hinding-hindi na maibabalik pa. She wipe those little tears. Sinubukang maging malakas upang harapin ang bukas mag-isa. Pero sa puso niya ay naroon ang parteng nangungulila siya sa pagmamahal ng mga kaibigan at umaasang magkakaayos sila balang araw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top