Chapter 20
CHAPTER TWENTY
REVELATION
MATAPOS ang kanilang graduation ay kaagad na hinanap nina Samantha at Elisa si Valerie. Nakita nila ito at sinundan kung saan ito patutungo. Sinundan nila ang babae at dinala sila ng kanilang mga paa sa rooftop ng school. Sinadya ni Lucho na papuntahin si Valerie sa rooftop upang mapasunod din sina Elisa at Samantha para sa kanilang plano.
Hindi nga nagkamali si Lucho dahil nakasunod kay Valerie sina Elisa at Samantha.
"Dahil nandirito naman tayong tatlo, may surpresa akong inihanda." Kinuha ni Samantha ang baril mula sa pantaas na suot nito. Nilagay niya ang baril sa loob ng kaniyang bra upang hindi makita ng security guard pagpasok niya sa school.
Napaatras si Elisa nang itutok ang baril nito sa kaniya. Tuwid na tuwid ang pagkakahawak ni Samantha. Anumang oras ay maaari itong maghatid sa kamatayan ni Elisa dahil saktong-sakto ang posisyon nito. Bulls eye kapag nagkataon na ipapaputok ito
"Ang akala ko ba si Valerie ang papatayin natin. Bakit ako ang tinutukan mo?" Napalunok na tanong ni Elisa nang matamaang mahigpit ang pagkahawak ni Samantha sa baril na nakatutok sa kaniya.
"Hindi naman ako tanga. Do you think I will save you? No way! Devil knows how much I want to kill you with my bare hands. I thought you're the smartest? Class valedictorian nga e." Tumawa nang mapait si Samantha. "Nagkamali pala sila ng napili. It's so disappointing na hindi mo naman deserve ang natanggap mo. And since narito naman kayong dalawa, hindi naman ako maramot. Hindi ko ipagkakait sa inyo ang buong katotohanan," saad ni Samantha at ngumiti ito.
Kapwa nagtataka sina Elisa at Valerie sa sinabi ng kaklase. Walang silang kaide-ideya sa pinagsasabi ng babae. Ang akala nila ay nasisiraan na ito ng ulo. Baliw na nga ito sa paningin nila. Tumatawa at minsan umiiyak at nagiging seryoso.
"Shall we start? Nagsimula lang naman ang lahat sa sunog. Pareho n'yo bang naalala?" Nagpalipat-lipat ang pagkatutok ni Samantha ng baril sa dalawa.
Tumango si Valerie sa sinabi nito. Si Elisa ay walang alam kung ano ang likod sa sinasabi nitong sunog.
"Sa isang sunog, nakaligtas ang isang babaeng nangngangalang Rebecca." Nagsimulang kabahan si Valerie nang marinig ang sinabi ni Samantha.
Nagulat si Elisa sa sinabi ni Samantha. Pangalan ng ina ang sinambit nito pero hindi siya pamilyar sa sunog. Inakala niyang ibang Rebecca ang tinutukoy nito.
"The woman who survived with the help of my father. Ang babaeng inakala kung mabait pero ito pala ang sisira sa pamilya namin," patuloy na saad ni Samantha.
"May asawa si Rebecca at kasama niya ito sa sunog na nangyari, iyon nga lang, hindi ito nakaligtas. Nabuhay si Rebecca at nakitira sa bahay namin dahil buntis pala ito. Nang manganak ito ay umalis na ito sa bahay namin. Ang buong akala namin ni mommy ay lumayo na ito pero nagkakamali kami. Kaya nga siguro, palaging late umuuwi si daddy kapag gabi ay dahil pumupunta ito sa bahay na binayaran niya para sa babaeng 'yon. Naging kabit ni Daddy si Rebecca. Ang masaya naming pamilya ay sinira ng babaeng 'yon," mangiyak-ngiyak na sabi ni Samantha. Pinunasan naman niya ang luha.
Nagkaroon na ng ideya si Valerie sa mga sinasabi ni Samantha maging si Elisa rin.
"Buhay ang nanay ko? Ang akala ko ay namatay na siya dahil 'yon ang sinabi ng mga taong kumupkop sa 'kin," paliwanag ni Valerie.
"Rebecca ang pangalan ng nanay ko pero hindi siya isang kabit," sumingit si Elisa sa usapan.
"Iyon ang akala ninyong dalawa. It seems you got my words. Buhay si Rebecca at iyon ang ina mo Elisa hindi ba? At alam kong siya rin ang nanay mo Vangelyn dahil sinadya ni Daddy na sina Mr. Jose and Mrs. Regina Ocampo ang kumupkop sa 'yo dahil magkaibigan sila. So, it's clear na magkapatid kayo. Kung bakit alam ko ay wala na kayong pakialam doon?"
Mabilis na binunot ni Samantha ang baril at pinaputukan si Valerie. Natamaan ito sa dibdib. Napangisi si Samantha nang makitang nakalupasay na sa sahig ang babae habang hawak ang dibdib nito. Lumapit si Elisa kay Valerie at sinubukang tulungan ang kapatid. Napaiyak siya sa sandaling nalaman niya kapatid niya si Valerie. Hindi niya ito inakala at inaasahan sa kaniyang buhay.
"Gumising ka, A-ate!" Hinawakan ni Elisa ang mukha ni Valerie. Kusa niyang naisambit ang salitang 'ate'. Sinubukan niyang yugyugin pero hindi na ito gumagalaw.
"It's time to end another life," nakangising sambit ni Samantha.
Itinaas muli ni Samantha ang baril at tinutukan nito si Elisa. Nanlaki ang mata ni Elisa nang makitang paglingon niya ay nakatutok na sa kanya ang baril.
Bago pa man magawa 'yon ni Samantha ay tumakbo ng mabilis si Elisa upang pigilan ito. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Samantha. Nag-agawan sila sa baril.
"Hindi mo ako kaya, Elisa," saad ni Samantha na may malalim na boses.
Tuluyan ng nakontrol ni Lucho ang katawan ni Samantha. Siya na ang may hawak at nagdidikta kung ano ang gagawin. Itinulak niya ng malakas si Elisa at napasadsad ito sa sahig.
"Mamatay ka na!" sigaw ni Samantha.
Pinakawalan niya ang bala ngunit nakailag si Elisa. Naging agresibo si Elisa sa bawat galaw niya.
"Hindi ako papayag na sa isang katulad mo ang papatay sa 'kin," sagot ni Elisa. Nagngingit ang ngipin niya sa labis na emosyong nararamdaman. Naghahalong galit, takot, at pakikipaglaban kay kamatayan.
"Sa ayaw at gusto mo, magpapaalam ka na sa mundong ito." Pinaputok ni Samantha ang baril ngunit wala ng balang lumabas doon. Naubusan na ito. Itinapon niya ang baril at inilabas niya sa bulsa ang dala-dalang kutsilyo.
Tumakbo siya sa patungo sa kinatatayuan ni Elisa. Nakipaglaro si Elisa kay Samantha. Nakipaghabulan siya hangga't kaya niya.
"Tumakbo ka hanggang kaya mo pa. Sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatin ng araw," nakangiting sabi ni Samantha.
"Kung may hindi sisikatan man ng araw, ikaw 'yon at hindi ako!" gigil na turan ni Elisa.
Hinihingal si Elisa at napatukod sa kaniyang tuhod. Napalingon siya paligid at napagtantong wala siyang nakikitang anong bakas mula kay Samantha. Kinabahan siya nang mapagtantong nawaglit ang tingin niya sa babae.
Nilukob na ng takot ang kaniyang puso. Nagsimula siyang maging alerto. Akmang lilingon na sana siya nang mabilis na naiturok ni Samantha ang kutsilyo sa balikat. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Bumaon ito at narinig pa niya ang pagtunog niyon. Malalim ang pagbaon ng kutsilyo. Impit siya napasigaw ng malakas ng hugutin ito ni Samantha. Bumulwak doon ang maraming dugo.
Nakita niyang itinaas ni Samantha ang hawak nitong kutsilyo. "Mamatay ka na!" sigaw nito at akmang isaksak na ito sa kaniya. Mabilis siyang nakailag. Hinawakan niya ang sugat at sinubukang takpan upang matigil saglit ang pag-agos ng dugo. Nakaramdam si Elisa ng panghihina ngunit nilaban niya 'yon upang hindi magtagumpay si Samantha.
Muling sumugod si Samantha ngunit sa pagkakataong ito ay nahawakan niya ang kamay ni Samantha. Mahigpit niya iyong hinawakan at inikot. Tumilapon ang kutsilyo. Tiningnan siya nang mariin ni Samantha at ngumiti ito ng pagkalawak.
"Mas malakas pa rin ako sa 'yo." Mabilis na hinawakan ni Samantha ang sugat ni Elisa at pinisil niya 'yon ng malakas. Napasigaw si Elisa at masayang-masaya siya sa nakikita niya. Masaya siyang nakikitang nahihirapan ang dating kaibigan. Itinulak niya ito at napasubsob ang babae sa sahig.
Nanlalabo ang paningin ni Elisa habang napasubsob siya sa sahig. Masakit ang katawan niya sa nangyari. Maraming dugo na ang nawala sa kaniya. Masakit man ay pinilit siyang bumangon pero napasigaw siya nang tadyakan ang likod niya. Napaubo siya.
Nakikita niya ang mga paa ni Samantha. Hinawakan nito ang kaniyang mukha at pilit na iniharap sa kaniyang pagmumukha. Kitang-kita niya ang saya sa mga mata nito sa kaniyang ginawa. Inilabas nito ang kutsilyo at unti-unting sinugatan ang kaniyang pisngi. Sinugatan ito sa hugis na krus habang tumatawa nang pagkalakas-lakas.
"Kung hindi ka sana naging hadlang ay hindi mo ito mararanasan." Binitiwan nito ang mukha ni Elisa. Tumayo ito. Nakaramdam ng kaunting pag-asa si Elisa nang maaninag na wala na sa paningin niya si Samantha. Gumapang siya at akmang tatayo.
Nanlaki ang mata niya at napanganga siya matapos saksakin siya sa kaniyang likuran. Napaubo siya sa sakit at lalim ng saksak. Bumagsak ang kaniyang katawan at tuluyang nanlabo ang kaniyang paningin. May narinig siyang iyak bago siya nilamon ng kadiliman.
Napaiyak si Samantha matapos makita siya ng kaniyang mga magulang.
"Mommy, hindi ko sinasadya. Patawarin ninyo ako! Aksidente lang ang lahat! P-please!" Lumuhod siya sa harapan ng mga magulang. Alam niyang malaking disappointment ang ginawa niya. Niyakap siya ng mga magulang habang umiiyak.
"Patawarin mo kami sa pagkukulang namin. Sorry for being how selfish am I." Napahagulgol ang ina ni Samantha at niyakap ang anak.
Nagpapasalamat si Samantha sa mga magulang niya ngunit nanlaki ang mata niya nang habang yakap-yakap ay nakita niya ang mga pulis na lumabas sa may entrance ng rooftop.
Kararating lang ng mga pulis matapos tawagan ng school security guard. Mabuti na lamang at naabutan pa nito ang pangyayari.
"No! Hindi ito pwede. Hindi pwedeng makulong ako." Agad siyang kumalas sa pagkakayakap at tumakbo sa may isang sulok.
"Sumuko ka na Miss Samantha Raux Hidalgo. Wala ka ng kawala!" Itinapat ng isang pulis ang baril nito. Nilingon ni Samantha ang mga ito. Marami na ring tao sa lugar na iyon. Kitang-kita niya ang kanyang mommy na kayakap ang daddy habang umiiyak at para siyang sinaksak ng paulit-ulit sa nakita.
Mas masakit pa pala ang makitang umiiyak ang mga mahal sa buhay. Mas doble ang sakit at hinding-hindi mo mapapatawad ang sarili mo dahil sa iyong ginawa.
"Anak, sumuko ka na!" pagsusumamo ng mommy niya.
"Sorry mommy pero wala na akong mukhang maihaharap. Masyadong malaki na ang pinsalang ginawa ko sa mga taong nasa paligid ko."
Itinaas niya ang kaniyang paa at tumuntong siya sa railings. Tinanaw niya ang paaralang naghatid sa kaniya ng galit at poot. Sa pag-agos ng luha niya ay kasabay rin ang pagtalon niya sa kaitaasan ng paaralan. Pumikit siya at inihanda ang sarili sa kamatayan.
Wasak at nagkalasog-lasog ang katawan ni Samantha. Nagkaroon ng malaking hiwa ang kaniyang ulo dahil ito ang unang tumama sa matigas na semento. Naliligo ito sa sariling dugo at ang suot na maputing toga ay naging kulay pula dahil sa dami ng dugong tumalamsik. Dilat ang mga mata nito habang nakahandusay sa sementong naghatid sa kaniya sa kamatayan.
Naalala ni Elisa ang pangyayaring ito sa kaniyang panaginip.
KASABAY ng pagkamatay ni Samantha ay ang pagbagsak ni Lucho sa kaniyang pinanggalingan.. Labis ang kaniyang naramdamang galit nang mabigo siya sa kaniyang misyon.
"Hindi! Hindi ako papayag!" gigil niyang turan sa sarili.
"Malapit na sanang makuha ko ang huling dugo upang maging ganap na tao. Hinding-hindi ako makakapayag na ditto lang magtatapos ang lahat. Babalik ako at pagbabayarin ko ang lahat ng nagkasala sa 'kin," sumigaw nang sumigaw ito upang ilabas lahat ng kaniyang hinanakit.
"Huwag kang mag-alala, Lucho. Nalalapit na ang 'yong pagbabalik sa mundo. Maghintay ka lamang sa tamang panahon," Napalingon sa gulat si Lucho dahil sa takot matapos marinig ang malalim at nakaririnding boses. Ang demonyo pala na si Sitan.
Kapwa sumilay ang nakakatakot na nilang ngiti. Tiyak na may nagbabadyang masamang balak ang isinumpang nilalang.
NAGING USAP-USAPAN sa buong bansa ang nangyaring krimen na kinasasangkutan ng Bernard V. Consuelo National High School. In-imbestigahan ang school principal at staff ng school tungkol sa pangyayari. Lumabas sa imbestiga ang pagiging kulang at walang maayos na pagbabantay ng school sa mga estudyante nito. Natuklasan rin ng mga imbestigador na nagkaroon ng lihim na patakaran ang school na wala sa guidelines ng gobyerno. At ito ay ang pagkakaroon ng inequality rights ng mga estudyante mula sa kaniwang pamilya. Isa rin ang pagtanggap ng suhol ng administrator mula sa makapangyarihang pamilya.
Dahil rito ay sapilitang isinara ang school dahil sa paglabag ng batas. Kinasuhan nito ang ilang school administration na sangkot sa baluktot na sistema.
NAKATINGIN sa kawalan si Elisa habang sinasariwa ang mga pangyayaring hindi niya inaasahan. Tinapik-tapik niya ang sarili dahil pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat. Nilunod niya ang kaniyang sarili sa dagat ng kalungkutan. Nagpatinaod siya sa agod ng pagsisi at minsang nalunod sa sariling pagpapasiya.
"Aray!" daing niya matapos ginamot ng kaniyang inang si Rebecca ang sugat sa kaniyang palapulsuhan matapos magtangka siyang magpakamatay sa pamamagitan ng paglalaslas.
Sobra niyang pinagsisihan ang desisyong 'yon. Labis lang siyang nadala sa mga pangyayari at bugso ng damdamin dahil sa mga ginawa niya.
"Maraming salamat, Ma. Hindi ko maisip ang buhay ko ngayon kung wala ka. Ito na ang simula upang magbagong buhay ako na kasama ka. Patawarin n'yo ako," mangiyak-ngiyak na sambit ng dalaga sa kaniyang ina at pagkatapos ay niyakap niya nang mahigpit.
"Patawarin mo rin ako anak sa 'king pagkukulang bilang ina. Dito sa kinaroroonan natin ngayon, ditto tayo magsisimula. Malayo sa sakit at galit," tugon ng Rebecca sa kaniyang anak.
Kasalukuyan silang nasa Maynila. Umuupa sa isang maliit na bahay na kasya para sa kanilang dalawa. Dito na rin plano ni Elisa na magkolehiyo matapos matanggap ang scholarship. Nangako siya sa sarili na hinding-hindi na niya uulitin ang naging pagkakasala noon— ang pagpatay para lang sa inaasam na pangarap. Hindi bale nang hindi matupad ang pangarap kung kapalit naman nito ay ang paggawa ng masama. Mas mabuti nang maging talo basta sa malinis na paraan.
"You are officially enrolled, Miss Maria Elisa Marquez. Welcome to College of St. Benedict." Ngumiti nang pagkalawak-lawak si Elisa matapos marinig 'yon mula sa school registrar. Labis ang sayang naramdaman niya nang sa wakas ay isa na siyang ganap na college student. Ito na ang simula sa pagtupad ng kaniyang pangarap.
Naglakad siya at sinulyapan ang kabuuan ng school mula sa kaniyang harapan. Lalo siyang sumaya sa tanawing kay ganda. Mula sa malaking ground at nagtataasang college buildings mula sa iba't ibang departamento.
"Ito na ang bagong simula, Elisa. Nawa'y maging matagumpay sa 'yong pangarap," sambit niya sa sarili habang nakapikit. Mataimtim siyang nagdasal at nagpasalamat sa Panginoon. Malaki man ang naging kasalanan niya ay nagawa pa rin ng Diyos na bigyan siya ng magandang handog. Aniya, tunay ngang mabait ang Panginoon.
Bitbit ang malawak na ngiti ay tinahak ni Elisa ang building papunta sa College of Education bilang guro ang kaniyang kinuha at napiling kurso.
This is it. This is the dream I've been wishing for.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top