Chapter 2


CHAPTER TWO

ANGER OVER LOVE

“NAKAKAINIS talaga! Hindi ko matanggap na mas magaling si Elisa kaysa sa ‘kin! We all knew naman na mas magaling ako sa kaniya,” panghihimutok ni Isabelle kasama ang kaniyang tatlong kaibigan na sina Bea, Jielvi at Jane.

Kasalukuyan silang nakatambay sa rooftop ng school kung saan madalang lang ang estudyanteng tumatambay. May kumakalat na isyu kasi na may namatay raw sa lugar sa nakalipas na taon. Kaya wala masyadong gustong tumambay roon. Pero para kay Isabelle at sa mga kaibigan niya, gawa-gawa lang ang usaping ‘yon. Ginamit lang ‘yon na panakot para walang tumambay roon.

Ito ang tambayan nila na masasabing ‘perfect place’ para mag-chill. Walang ingay at gulo. Nagagawa nila ang gusto nila.

“You know naman Belle, ‘di ba? Remember, wala kang maayos na study last week because of James,” mataray na saad ni Bea matapos maglabas ng inis ang kaibigang si Isabelle. Awtomatikong tumaas ang kilay ni Isabelle sa sinabing ‘yon ni Bea.

“Don’t mention that name again! That asshole. Pagkatapos na ibinigay ko ang lahat sa kaniya ay iiwan lang ako. Akala niya siguro maghahabol ako. The hell! Ang kapal ng mukha! Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo, no!” naka-cross-armed na panghihimutok ni Isabelle at pagkatapos ay tinalikuran ang mga kaibigan.

Dinama niya ang simoy ng hangin na dumadampi sa kaniyang balat. Pilit na pinapakalma ang sarili sa panloloko ng ex-boyfriend.

“In the first place, alam mong playboy si James pero minahal mo pa rin. Minsan kasi, kailangan rin natin paganahin ang utak natin nang sa huli hindi tayo masaktan at walang pagsisisihan,”  pangaral ni Jane sa kaibigan sabay tapik sa balikat nito.

“What the hell, Jane! Love comes in unexpected ways. Hindi mo naman mapipili kong sino ang mamahalin mo, eh. Sadyang naging tanga lang ako. And I admit it. I was blind by emotion I thought that was love.” Hindi mapigilang mapahagulgol ni Isabelle. Hindi niya maiwasan na maalala kung gaano niya ang kamahal ang dating nobyo. Mahal na mahal niya ito kasi ito ang unang boyfriend niya. First boyfriend at first heartbreak.

Agad siyang niyakap ng mga kaibigan dahil ramdam nila ang hinanakit nito. Alam nilang pinapakita nito na malakas siya at walang pakialam sa lalaki pero sa kaloob-looban ay wasak ang puso at nagsusumamo pang bumalik si James.  Matagal na pinapangarap ni Isabelle ang lalaking 'yon. Kaya nang nagkataon na niligawan siya ay sinagot niya naman agad.

Kaklase nila si James Rafael Natividad. Sikat dahil varsity player ng basketball team. Gwapo. Iyon nga lang, papalit-palit ng babae. In short, playboy.

 Pinagsabihan na siya ng mga kaibigan na huwag patulan ang lalake pero hindi ito nakinig. Sinunod pa rin nito ang kagustuhang maging kasintahan ang lalake sa kabila ng pagpigil sa kaniya ng mga kaibigan.

Naibahagi na rin ni Isabelle sa mga kaibigan ang pinagdaanan niya sa pamilya. Palagi siyang kinukumpara sa kapatid at ipinapamukha na hindi siya makakapagbigay karangalan sa kaniyang mga magulang. Kahit marami ang nasalihan at naipanalo, hindi pa raw ‘yon sapat para maging proud ang kaniyang parents. At ang pagiging valedictorian ang nakikitang paraan ni Isabelle para mapatunayan sa mga magulang na maipagmamalaki rin siya nito.

Kaya naiintindihan nila ang kaibigan kung bakit galit na galit ito sa ranking of honors na nailabas kanina. Second place lang ito at wala pang kasiguraduhan dahil mahigpit na kalaban niya si Elisa Marquez.

“You are right, Jane. Palagi na lang puso ang sinusunod ko. This time, I will use my mind to get everything what I want,” seryosong wika ni Isabelle at hinigpitan ang yakap ng mga kaibigan. Sila na lang ang mayroon sa kaniya, kaya laking pasasalamat niya dahil naroon ang mga ito sa panahon na kailangan niya.

“Sawa na akong maging pangalawa. In family, love and ranking. This time, sisiguraduhin kong makukuha ko ang dapat para sa ‘kin.” Mga salitang binubulong ni Isabelle sa kanyang isipan. Nagsawa na siya sa mga pangyayaring paulit-ulit na nararanasan. Kaya gagawin niya ang lahat upang sa huli ay hindi na siya mapag-iwanan.

Isasampal niya ang karangalan sa mga magulang niyang walang tiwala sa kaniyang kakayahan. Babalik din si James sa piling niya. Nasisiguro niya iyon. At si Elisa, sisiguraduhin niyang bubulusok ito pababa matapos makuha niya ang tagumpay.

 Sumilay ang ngiti niya sa isiping ‘yon. Hinding-hindi na siya makakapaghintay na matutupad ang lahat ng minimithi niya.

“THIRD PLACE is not enough, Marco! Ginawa ko na ang lahat pero hindi ko pa rin maungusan sina Elisa at Isabelle.” Kulang na lang ay magwala si Valerie sa corridor sa labis na galit. Hindi niya matanggap ang resulta ng ranking. Pangatlo lang siya at hindi niya matanggap ‘yon. Ginawa naman niya ang lahat. Mag-aral tuwing gabi at class break pero tila hindi niya matatalo ang dalawang kaklase.

“Valerie, magpasalamat ka na lang. Don’t you ever see me? Sixth place lang ako and we both know na hanggang fifth place lang ang makakatanggap ng School Award Excellence. Kailangan ko ‘yon dahil nakapag-promise na ako sa parents ko. Ayaw kong ma-disappoint sila sa ‘kin,” ani Marco habang kumukumpas ang kamay sa pagpapaliwanag.

“Hindi ko pinangarap ‘yang pisteng award na ‘yan. All I want is to be on top. Iyon lang at wala nang iba pa. Kaya kailangang mag-isip tayo nang mabuti kung paano mag-step up sa standing na gusto nating makuha,” pangungumbinsi ni Valerie. Hindi niya inisip ang pagtaas ng kaniyang boses. Wala na siyang pakialam kung may makarinig sa kanila.

“Fifth place lang naman ang gusto kong maabot and that is possible. Kayang-kaya kong abutin 'yon. Pero ‘yong sa ‘yo, mukhang malabo. Kita mo naman ‘di ba? Masyadong magaling at matalino sina Elisa at Isabelle. I’m sure hindi rin sila magpapatalo.” Agad na umigting ang tenga ni Valerie matapos marinig ‘yon sa kaniyang boyfriend.

“Kanino ka ba kampi?” napairap nang wala sa oras si Valerie. Sinungitan niya ang nobyo.

“Are you insulting me, Marco? Kaya kong ungusan sila. Tandaan mo ‘yan!” Dinuro niya ang nobyo dahil pakiramdam niya ay tinapakan nito ang kaniyang pagkatao.

Patuloy na nagsasagutan ang magkasintahang Valerie at Marco sa corridor malapit sa exit gate ng kanilang campus. Wala silang pakialam sa mga estudyanteng tumitingin sa kanila.

They don’t see them as their fellow students. For them, they are nothing but a low class students who can’t get what they had.. Students who were not belong in Sampaguita is like a sun—ang sakit sa mata kung titignan.

Hindi na nakatiis si Marco sa dalaga at iniwan niya ito. Lagi na lang silang nag-aaway at kadalasan ang dahilan ay tungkol sa academics. Pareho silang magaling at matalino pero itong si Valerie ay masyadong competitive. Mataas ang tingin nito sa sarili na maging top one. Masyado itong desparada na maabot ang unang puwesto ngunit alam naman nito na may mas magaling pa at si Elisa iyon.

Naiwan si Valerie sa corridor habang pinagtitinginan siya ng mga kapwa estudyante. Tinarayan niya lang ang mga ito at dali-daling umalis sa lugar at bumalik sa classroom.

Lingid sa kaalam ni Valerie na may nakamasid sa kaniya. Mga matang kanina pa nakatutok sa kaniyang bawat kilos. Malaki-laki ang hakbang na sinundan siya ng kaklase pabalik ng kanilang silid. May tuwa at ngiti na sumilay sa labi  dahil sa nasaksihang pag-aaway ng magkasintahan. At ang mas nagpapasaya pa ay tungkol sa ranking of honors ang pinag-aawayan nila.

“Mukhang malapit-lapit na ang paghihiwalay ninyo. Uungusan ko pa kayo sa final standing nang sa gayon ay tuluyan kayong babagsak,” bulong sa isipan ng kaniyang kaklase at sa pagkakataong ‘yon ay hinawakan niya ang balikat ni Valerie at sinubukang pigilan sa paglalakad.

Naging matagumpay naman siya sa ginawa at kaagad bumungad ang galit na mukha ni Valerie. Nakataas pa ang kilay at natitiyak nitong dahil ‘yon sa kaniyang ginawa. Matagal na siyang may galit kay Valerie dahil sa isang malalim dahilan at ‘yon ay ang pagtatraydor sa kaniya.

“Bitiwan mo akong bruha ka! Huwag mo akong simulan. Marami akong problema  ngayon at huwag munang dagdagan pa.” Nagulat ang kaklase nito sa sinabi ni Valerie. Agad siya nitong tinalikuran ngunit naging mabilis siya at hinawakan ang braso na ikinahinto ng dalaga sa paglalakad. Mas nagulat siya sa susunod na nangyari. Biglang lumingon si Valerie at sinampal siya nito. Malakas ang pagkakasampal na talaga namang namula ang kaniyang pisngi. Tigalgal habang sapo ang pisngil.

“Oh, ano? Titigil ka na ba? O gusto mo pa ng isa para tumigil ka na sa pambubuwisit mo sa ‘kin? Nakakasira ka ng araw.” Pagkatapos sabihin ‘yon ni Valerie ay iniwanan niyang tigalgal at sapo sa pisngi ang kaklase. Hindi siya nagpatalo. Naumpisahan na niyang sirain ang buhay nito noon at mainam na tapusin na niya ito ngayon.

“Ang sarap mong asarin, Valerie,” sigaw na panunukso ng kaklase at sinadya niya talagang bagalan ang pagsambit ng pangalan upang mang-asar. Naging matagumpay naman ang ginawa niya at napalingon si Valerie ngunit tinapunan lang siya nang masamang tingin na may pagbabanta. Nakaramdam siya nang kaunting takot pero nakahanda na siya rito.

Buong lakas siyang naglakad patungo sa classroom. Masaya siya at naging matagumpay ang unang plano niya kay Valerie. Inaabangan na niya ang susunod pang paghaharap nila. Bu-bwisitin niya ito nang bubwisitin hanggang sa mapuno ito sa kaniya. Dito na makikilala kung sino si Valerie sa harap ng mga klase. Masyadong nagbabait-baitan sa loob ng klase pero naroon sa loob nito ang nakakasukang pag-uugali. Ang tingin ng mga kaklase nila rito ay mabait maliban na lang sa kanilang dalawa ni Marco. Alam nila ang tunay at mabaho nitong sekreto. At ito ang kailangan niyang gawin, ang ilabas ang tunay niyang ugali upang makabawi at makaganti siya sa ginawa nito noon. Hindi na siya makakapaghintay na dumating ang araw na ‘yon, ang isiwalat ang kaniyang totoong kulay habang umiiyak ito  sa isang sulok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top