Chapter 19

CHAPTER NINETEEN

STORY BEHIND THE MISSION

"ELISA!"

Agad na nabitawan ni Elisa ang hawak na kutsilyo at tumakbo papunta sa kaniyang ina. Niyakap niya ito habang umiiyak na tila takot na takot.

"Tahan na. Nandito na si Mama." Hinalikan siya sa noo nito at tumungo sila sa sala. Uminom na rin ng tubig si Elisa upang mahimasmasan at doon siya tinanong ng ina kung ano ang nangyari at bakit naisip nitong magpakamatay.

HINDI nakapagpigil si Valerie at pinatay na niya ang mga magulang na kumupkop sa kaniya. Matapos lagyan ng moriatic acid ang ininum nitong juice ay nalalapnos ang mga lalamunan nito. Matapos mawalan ng mga ulirat ang mga magulang ay pinagsasaksak niya nang walang kaawa-awa. Sinigurado niyang hinding-hindi na mabubuhay pa ang mga ito sa dami ng saksak na ibinigay.

Inilagay niya ang mga patay na katawan sa bathtub at tinakpan niya ng makapal na kumot at bed sheet na may bahid ng dugo upang hindi kumalat ang amoy nito.

Hindi niya akalain na magagawa niya ang bagay na 'yon. Siguro dahil sa tulong ni Lucho na nasa katawan niya. Hawak nito ang kaniyang katawan at ito mismo ang gumagawa ng mga bagay na imposibleng gawin niya. Naiisip niyang kontrolado siya ng demonyo at tila pinaglalaruan.

Doon na lang ito umalis nang mahimbing na nakahimlay ang mga magulang sa bathtub. Napanganga at napasigaw si Valerie sa nakita. Mayroong kaunting awa pa rin siya sa mga magulang kahit ganoon ito sa kaniya. May malaking utang pa rin siya dahil ito ang bumuhay at nagpalaki sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagsisisi sa mga nangyari.

"Ano? Gusto mong umatras? Isipin mo ang sarili mo. Binuhay ka lang nila para gamitin sa negosyo nila." Todo sulsol si Lucho sa babae na ngayon ay nagmukhang-tao na. Dalawang tao na lang ang kulang upang maging malaya at ganap na siyang tao. At si Valerie ang magsasakatuparan niyon. Dalawang tao na rin ang papatayin nila. Si Elisa at Samantha.

"Ayoko na! Ginawa mo lang ito para sa sarili mo. Ako ang dahilan kung bakit naisasakatuparan na ang mga plano mo. Graduation ko na bukas. Sino na lang ang sasabay sa 'kin sa graduation march? Ikaw?" Napaiyak si Valerie sa isiping iyon. Bawat recognition rites ay naroon ang mga magulang na kumupkop sa kanya para isabit ang medalyang nakukuha niya. Hindi ito nagkulang para suportahan siya.

"Nandiyan sila laging sumusuporta dahil kailangan ka nila. Ganiyan ang mga tao, ipaparamdam nila sa'yo na nandiyan sila pero ang totoo ginagamit lang nila ang kahinaan mo. Matuto kang makiramdam kung sino ang tunay at hindi." Titig na titig si Lucho kay Valerie habang sinasabi ang mga salitang iyon. Nagulat si Valerie dahil tila nababasa nito ang nasa isip niya.

"Hangga't paiiralin mo ang 'yong emosyon, lalo kang magmumukhang mahina. Tandaan mo 'yan." Umalis si Lucho sa harapan nito. Gusto niyang pagnilayan ni Valerie ang bawat salitang sinabi niya. May gusto siyang makuha at matupad ngunit parte niyon ang pagtulong kay Valerie kapag nahihirapan ito.

Mabuting mag-aaral si Lucho. Palaging nag-aaral kaya palaging nasa top one. Ngunit dahil sa kasakiman ng mga kaklaseng sina Cindy, Jean at Rudilyn ay ipinahiya siya nito sa buong paaralan. Na kaya raw naging top one si Lucho ay dahil sa pandaraya nito. May nakitang answer sheet sa loob ng kanyang bag kaya nagmukhang-totoo ang paratang nina Cindy sa kaniya. Ngunit sa tulong ni Rebecca ay nagbago ito. Ipinakita nito ang litratong kuha niya na si Cindy ang naglagay ng answer sheet sa bag.

Si Rebecca ang nakakabata niyang kapatid. Isang taon lang ang agwat nila. Huminto ng isang taon si Lucho dahil sa kakulangan ng pera. Labis ang tuwa ng mapatunayang hindi siya nandaya. Ngunit hindi nagtatapos sa kasamaan si Cindy, binayaran nito ang adviser nila para baguhin ang nakuha grade ni Lucho at ang final standing. Dahil sa malaking halaga ng pera ay natupad ang gusto ni Cindy. Ito ang naging valedictorian at siya naman ang salutatorian.

Ang akala ni Lucho ay nagtatapos na ang lahat doon pero nagkakamali siya. Sa araw ng graduation, habang papauwi na sana siya kasama ang pamilya nila ay binaril ang ama at ina niya. Mabuti na lang ay nakatakbo si Rebecca at siya ay hindi natamaan. Labis ang pag-iyak niya habang tinitingnan ang patay na katawan ng mga magulang.

Naging tama ang hinala. Kagagawan ito ni Cindy. Lumabas ito sa paaralan habang nakasakay sa mamahalin nilang sasakyan. Malawak ang ngiti nito habang tinititigan siya. Nangako si Lucho na pagbabayaran ni Cindy ang ginawa nito. Wala siyang nagawa sa magulang dahil wala rin siyang hawak na ebidensya.

Pagtuntong ng college ay naging mapait ang buhay niya. Nagpatuloy siya sa pag-aaral habang si Rebecca ay maagang nag-asawa upang hindi maranasan ang hirap. Nag-part-time job siya para makapagtapos ngunit naging tinik pa rin sa lalamunan niya si Cindy.

Nilagyan ng cell phone at alahas ang bag niya at napagbintangan siyang siya ang nagnakaw sa gamit ng kanilang professor. Nakulong at doon naisipan niyang magpatiwakal sa loob ng kulungan. Sumumpa siyang babalikan niya si Ana para maghiganti.

Dahil sa kagustuhan niyang bumalik sa lupa upang maghiganti ay binigyan siya ng pagkakataon ni Lucifer. Magiging tao lamang siya kung ang kadugong mapipili niya ay makakahandog ng apat na buhay kay Lucifer.

Nag-aalinlangan si Lucho sa kasunduang iyon. Wala siyang maisip na taong pwedeng gamitin para sa paghihinganti niya. Dahil sa lawa ng apoy ay ipinakita ni Lucifer kay Lucho ang mga taong kadugo niya. Nakikita niya roon sa lawa ang isang babae at sigurado siyang si Rebecca iyon. May kasama itong lalaki at hawak-hawak ang batang nasa edad na apat na taon. Isang masamang pangyayari ang sumunod na ipinakita, nasunog ang isang pabrikang tinatrabahuan ng kapatid niyang si Rebecca at asawa nito.

Napunta ang batang babae sa isang ampunan at ilang buwan ay may kumupkop rin. Masama ang mga taong kumupkop sa batang babae. May masama silang balak. Nawala at naging kulay itim ang lawa.

"Iyon ang batang magbibigay sa 'kin ng apat na buhay," malakas at nakakatakot na saad ng demonyo kay Lucho. "Sa pagtuntong niya ng sampung taon ay makakapunta ka sa lupa at magsisilbi gabay sa kaniya. Sa ika-dise otso niya ay doon magbubukas ang pinto na makausap mo siya at makakapagsimula ka na sa pagsunod sa kaniya," dagdag nito.

May halong kaba man ay buo na ang desisyon niyang gamitin ang kanyang pamangkin. Hindi naman ito malalagay sa panganib dahil siya ang magsisilbing gabay sa bawat gagawin nitong pagpatay ng apat na buhay. Apat na buhay kapalit sa paghihingati niya kay Cindy sa pagsira sa buhay niya. Oras na maisakatuparan niya ang plano ay ipaparanas niya rito kung anong demonyo ang sinira niya noon.

Kumuha ng ilang pera at alahas si Valerie sa drawer ng mga magulang. Plano niyang aalis siya pagkatapos ng graduation nila bukas. Wala na siyang pakialam kung wala siya kasabay bukas sa isa sa mga importanteng araw sa buhay niya. Magpapakalayo siya pagkatapos ng graduation. Nag-impake na rin siya ng ilang gamit. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya sa nagawa niya. Natatakot siyang mahuli ng mga pulis. Ayaw niyang makulong. Ayaw niyang mauwi sa wala ang lahat ng ginawa niya.

"Kung 'yon ang gusto mo ay maghanda ka na bukas." Napaatras si Valerie sa takot matapos marinig si Lucho.

Nagbigay ito ng isang makahulugang tingin na naghatid sa kanya ng takot at pag-aalinlangan. Nakaramdam din siya ng hindi maganda bukas. Bumuntonghininga siya at ipinauubaya ang lahat kay Lucho. Alam niyang hindi siya nito pababayaan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top