Chapter 18

CHAPTER EIGHTEEN

BLACKMAIL

MATAPOS ang kanilang pag-eensayo, naghintay si Samantha na lumabas ng paaralan si Zephyr. Sinundan niya ang lalake kasi alam niyang magsusumbong ito. Nagbayad siya sa mga tambay kaninang lunch break sa labas ng kanilang school. Hindi siya kampante kay Zephyr kaya nagsuhol siya ng mga tambay sa labas upang ipapatay ito.

Nang makitang tuluyan na itong nakalabas. Tinawagan niya ang kaniyang inutusan. Nakatayo siya sa gilid ng gate. Hinintay niya ang pag-atake ng mga tambay.

Hinila si Zephyr ng mga barumbadong tambay. Malalaki ang katawan nito at marami sila kaya hindi magawang makalaban si Zephyr. Dinala siya sa isang masikip na daan sa gilid ng gate.

Bugbog sarado ang naabot ni Zephyr sa mga taong inutusan ni Samantha. Napasuka siya ng dugo nang bugbugin siya baba nito. Tinadyakan pa siya at pinalo ng matigas na kahoy.

Napadasal si Zephyr sa natamong kalagayan. Napaisip siyang humingi ng tawad sa kaibigan sa ginawa at sa hindi pagtupad ng kaniyang pangako.

Gumapang siya habang sumusuka ng dugo. Ang puting uniporme niya ay napuno ng dugo at dumi. Sinubukan niyang tumayo pero dumilim ang kaniyang paningin matapos tinadyakan ang kaniyang ulo. Nahihirapan na siyang huminga matapos ang ginawang tadyak ng lalaki sa kanya hanggang sa nilamon na siya ng dilim.

HINDI mapakali si Elisa sa loob ng kaniyang kuwarto matapos tumawag sa kaniya ang mga magulang ni Zephyr. Tinawagan siya na hindi pa umuuwi si Zephyr sa kanilang bahay. Pasado alas nuebe y medya na ng gabi. Kinabahan si Elisa nang husto sa balitang natanggap. May kutob siyang may hindi magandang nangyari. Nasisiguro niyang may hindi magandang ginawa si Samantha sa kaniyang nobyo.

Kinuha niya ang cell phone at kaagad na tinawagan si Samantha.

"Napatawag ka? Do you need something?" Napairap si Elisa matapos marinig ang boses ni Samantha. Simula nang malaman niya ang totoong pakay nito ay hindi na niya nagugustuhan ang boses ng babae. Nakakarindi itong pakinggan para sa kaniya. "Alam kong may masama kang ginawa kay Zephyr," tugon nito.

"At kung mayroon nga, may magagawa ka ba?" tanong na may kasamang pang-asar ni Samantha na sinundan pa nito nang mahinang tawa. Napakuyom ng kamay si Elisa matapos marinig ang sinabi ng babae. Tama nga siya. Si Samantha lang ang puwedeng gumawa nito. Siya lang at wala nang iba pa.

"Huwag kang magtangkang magsumbong. Kilala at malapit ang pamilya namin sa isa't isa. Baka pagsisisihan mo ang gagawin mo." Kaagad na pinatay ni Samantha ang tawag.

Magkaibigan ang ina nina Samantha at Zephyr. Kaya madali lang sa kanya na baliktarin ang lahat. Malakas rin ang paniniwalang hindi siya paniniwalaan kung sakaling magsusumbong si Elisa.

Mas lalong lumakas ang pambablack-mail ni Samantha kay Elisa. Napaupo si Elisa sa kama at tahimik na umiiyak. Hindi na niya alam ang gagawin. Pakiramdam niya ay kontrolado ang bawat galaw niya. Gusto man niyang manlaban pero inuunahan siya ng takot. Alam niyang mas malakas si Samantha dahil sa mga koneksyon nito. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa.

Hinila niya ang drawer na nasa side table ng kama niya at may kinuha siyang isang bagay roon. Isang kutsilyo. Gulong-gulo na ang kaniyang isip. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin.

"Mas mabuti sigurong tapusin ko na ang lahat. . ." Panay hikbi habang itinapat niya ang kutsilyo sa bandang palapulsuhan ng kaniyang kaliwang kamay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top