Chapter 17
CHAPTER SEVENTEEN
BEHIND THE MASK
TATLONG ARAW bago ang kanilang graduation ay nagsagawa ng three-day vigil ang Bernard V. Consuelo National High School. Isa itong gawain bilang pagbibigay dasal sa mga estudyanteng namatay sa section Sampaguita. Ang buong administrasyon ng school ay umaasang matitigil na ang patayan na nagaganap. Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang pulisya sa naturang paaralan upang imbestigahan ang mga nangyari. Sa kasalukuyan, naroon ng sapantaha ang mga pulis na hindi lang iisa ang killer. Posibleng marami ito.
Ilang araw bago ang graduation ay puspusan na ang pag-e-ensayo nila. Ramdam na ng karamihan ang excitement at saya. Sa kabila ng nangyari naroon pa rin ang lungkot dahil kaunti na lang sila. Nalagas ang klase nila habang ang lima ay nanatiling nagpapagaling pa rin matapos malason.
Nakaligtas si James sa panlalason na iyon. Kaunti lang ang nainum niya kaya hindi siya gaanong naapektuhan. Nakapasok na rin siya dahil ayos na ang kalagayan niya. May ilang vitamins na ibinigay ang doktor para bumalik ang kaniyang sigla.
Pagkatapos ng ensayo ay nagtungo si James sa comfort room. Ihing-ihi na siya sa dami ng tubig na nainom. Ayon kasi sa doktor, kailangan eight to ten glasses of water ang dapat inumin para maibalik sa normal ang lagay niya.
Hindi nito alam na nakasunod si Elisa sa kanya. Binilisan ni Elisa ang paglalakad para maabutan si James. Papasok na ang lalaki sa comfort room kaya inihanda na ni Elisa ang sarili. Isinuot niya ang sumbrero at mask upang walang makakilala sa kanya. Nang nasa likuran na siya ni James ay kaagad niyang tinakpan ang bibig ng lalaki. Gamit ang isang panyo na may inilagay na mabahong amoy ay napangiwi ang lalaki at nahilo.
Kahit mabigat ay inilalayan ni Elisa ang lalaki papunta sa comfort room. Pinihit niya ang doorknob at sumalubong sa kanila ang kadiliman. Nakaramdam ng kaba si Elisa sa oras na iyon. Nagtaka siya kung bakit nakapatay ang ilaw sa loob. Rinig na rinig niya ang kantang Señorita na ipinapatugtog sa gymnasium.
Manaka-naka siyang naglakad dahil may kabigatan si James. Binitawan niya ito at bumagsak sa sahig. Tanging ang liwanag mula sa labas ng pinto ang nagbibigay ilaw sa loob. Akmang isasara na sana niya iyon upang walang makakita nang biglang malakas itong isinara ng isang tao. Lalong lumakas ang kaba ni Elisa dahil sa pangyayari iyon. May tao sa loob at alam nito ang ginawa niya.
"Sino ka? Ano ang kailangan mo sa 'kin?' buong lakas na sigaw ni Elisa na umaalingawngaw sa silid. Wala siyang natanggap na sagot. Tanging yabag ng mga paa lang ang naririnig niya.
Umaatras si Elisa at naghanap ng anumang bagay na magagamit upang idepensa sa sarili. Nagpatuloy siya sa pag-atras at may kung anong bagay siyang natapakan. Nasisiguro niyang si James iyon pero ang ipinagtataka niya ay bakit mamasa-masa ang sahig. Alam niyang hindi tubig iyon dahil malapot ang natatapakan niya.
Lumuhod siya at kinapa ang natapakan. Masangsang ang amoy. Dugo. Hindi siya pwedeng magkamali. Dugo ang naapakan niya.
"J-james!" Rumihestro sa utak niya na posibleng galing ito kay James. Pinatay si James ng taong narito sa loob at pinaglalaruan siya. Niyugyog niya ang katawan nito at doon niya nahawakan ang isang matulis na bagay. Kutsilyo. Iyon ang nahihinuha niya.
Dahil sa ingay na nilikha niya ay nagtungo ang tao sa kinalalagyan niya. Malakas at mabilis ang mga yabag ng paa nito. Bawat hakbang ay tila katapusan na ng buhay ni Elisa.
Tumayo si Elisa at tumakbo ng mabilis. Rinig niya ang yabag at nagkasunod ito sa kaniya. Nagtago siya sa ilalim ng lababo. Kahit may kaunting mabahong amoy ay tiniis niya para lang makaligtas. Pigil hininga siya nagtago roon at sinubukang hindi mag-ingay. Bawat papalapit na lakad patungo sa kinaroroonan niya ay napapaiyak si Elisa. Tinakpan niya ang bibig. Nang marinig na wala na ang yabag ay nagpasya siyang umalis sa kinalalagyan. Kinapa niya ang bawat dingding at nagbabakasakaling may switch ng ilaw. May nahawakan siya. Kamay. Isang malambot na kamay at mabilis na hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
"Please! Maawa ka! Huwag mo 'kong patayin!" napahagulgol si Elisa habang nagmamakaawa. Alam niyang wala siyang karapatang magmakaawa dahil isa rin siyang mamamatay-tao. Winakasan na sana niya ngayon si James kung hindi lang nakigulo ang taong hawak-hawak ang kamay niya.
Napaatras sa gulat si Elisa nang magkaroon ng ilaw sa loob ng comfort room. Binuhay ito ng taong kaharap niya na may suot na puting maskara. Maskarang kagaya sa multong nasa pelikulang 'It'. Tinitigan niya ang kabuuang mukha ng nakasuot. Nilalaban niya ang matatapang na tingin nito. Kilala niya kung sino ang nasa likod ng maskarang iyon. Hindi siya pwedeng magkamali.
Nakuha ang atensyon niya sa kutsilyong hawak nito. May bahid iyon ng dugo. Binitawan ang kamay niya na ipinagtaka niya nang husto.
Tumalikod siya at doon nakita ang yapak na may dugong marka. Sinundan niya ang iyon at hinatid siya sa patay na katawan ni James. May malaking hiwa ang dibdib nito. Nilingon niya ang taong may gawa niyon.
"Zeph?" pagtatakang tanong ni Elisa na ngayon ay kaharap ang nobyo habang hawak-hawak ang kutsilyong ginamit sa paghiwa sa dibdib ni James.
"I-ikaw ang m-may g-gawa nito?" Naitutop ang mga kamay ni Elisa sa kaniyang bibig. Hindi siya makapaniwalang ito ang may gawa. Kaibigan ni Zephyr si James kaya imposibleng magagawa niya ito.
"Hindi. Niloloko mo lang ako. Kaibigan mo siya, hindi ba?" tanong niya sa lalake.
"Oo kaibigan ko siya pero mahal kita. Kung hindi ko papatayin si James ay ikaw ang papatayin ni Samantha," wika ni Zephyr. Nakayuko ito at tila naiiyak.
"Well, gusto ko lang muna kitang i-congratulate dahil sa ginawa mo. At especially to my dearest ex-best friend for being the valedictorian this year. Masaya ako sa inyong dalawa," turan ni Samantha na sinabayan pa ng palakpak.
Akala mo ay kasali sa isang beauty pageant kung maglakad patungo sa harap ni Elisa. Napaatras si Elisa nang makita ang hawak ng babae. May hawak itong baril at natatakot siyang baka maiputok iyon.
"Afraid much? Tama si Zephyr. Kung hindi niya papatayin si James ay ikaw ang papatayin ko." Itinutok ni Samantha ang baril kay Elisa matapos sabihin iyon.
"Nagawa ko na ang sinabi mo Samantha. Ano pa ba ang kailangan mo?" galit na galit na turan ni Zephyr.
"Wow! Sana lahat may mapagmahal na boyfriend. Sinusubukan ko lang naman kung ano ang tamang puwesto kung babaril. You know it's my first time. Well anyway, one last thing you must do, kailangan na hindi ka magsusumbong or else. . ." pambibitin nito at muli niyang tinutukan si Elisa. "Ba-bye!" dagdag niya.
"Okay! Hindi ako magsusumbong kahit kanino. Just let us go!" Akmang pupuntahan na sana ni Zephyr si Elisa pero muling humirit si Samantha.
"But first, just clean up our mess!" Naghanap ng maaring paglagyan sina Elisa at Zephyr sa katawan ni James habang si Samantha ay nanonood lang sa kanilang ginagawa.
"Putangina! Ang lakas mang-utos pero hindi marunong magligpit sa sarili niyang inutos. Bwiset!" mahinang reklamo ni Elisa habang naghahanap.
"May sinasabi ka?" mataray na tanong ni Samantha.
"Sa tingin mo meron?" Hindi na nakapagtimpi si Elisa at nilabanan niya ang katarayan ni Samantha. "Lumalaban ka na ngayon, a! Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo," isang makahulugang ngiti ang ipinakita ni Samantha kay Elisa.
"May nakita na ako." Napalingon silang dalawa nang marinig si Zephyr. May dala na itong malaking lalagyanan ng tubig. Ipinagkasya nila doon si James nang pilit.
Si Elisa na rin ang naglinis sa dugong kumalat sa sahig. Nilagay na lang nila sa sulok ng comfort room ang water drum. Tinakpan nila iyon nang maayos. Babalikan na lang nila iyon kapag nagkaroon ng tiyempo.
Nag-ayos na silang lahat. May ilang damit silang dala kaya agad silang nagbihis. Alam nilang matatapunan ng dugo ang suot nila sa ginawang pagpatay kaya nagdala sila. Pinaaalahan ni Samantha ang dalawa sa plano niya na parehong hindi ni Elisa at Zephyr ang kahahantungan ng lahat.
Inipit nito si Zephyr na patayin ang lalaki dahil sa pananakot niya. At si Elisa na naging sunod-sunuran ni Samantha. Walang kaalam-alam ang dalawa sa plano niya. Naging matagumpay iyon pero hindi siya nakakampante kay Zephyr. Kailangan niya pa ring mag-ingat dito.
Nangako si Zephyr sa sarili na ipaghihiganti niya ang kaibigang si James. Alam niyang naging mahina siya kaya niya nagawa iyon sa kaibigan. Mahal na mahal niya si Elisa kaya kaya niyang gawin lahat hindi lang ito mapahamak. Naging mahina siya at hindi lumaban kaya sa oras na ito ay kikilos na siya upang wala ng buhay ang mawawala at matigil na rin ang kabaliwan ni Samantha. Gusto niyang pagbayaran ni Samantha ang lahat. Igaganti niya ang mga kaklaseng pinatay nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top