Chapter 16
CHAPTER SIXTEEN
COMPETITION IS OVER
LUNES ng umaga ay kumalat ang balitang panlalason sa seksyon Sampaguita. Plano ng guro nila na hindi muna iaanunsyo ang resulta sa final exam at ang final standing ngunit ayon sa utos ng principal ay dapat na itong ianunsyo para makapaghanda ang valedictorian sa speech nito. Walang siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ng principal.
Labis ang pag-aalala at pagkalungkot ng guro nila sa nalaman. Lima ang naisugod sa ospital dahil sa lason na nainum. Kasali doon sina Genesis at Jomar.
"Ang nakakuha sa panlimang puwesto ay si. . . Paul Zephyr Aragon." Nagpalakpakan ang lahat matapos tawagin ang mga kabilang sa honor's list. Isang malaking ngiti ang pinakawalan ni Marco. Nakita rin niya si Elisa na malapad ang ngiti dahil sa naabot niya. Ramdam niya ang pagiging proud ng nobya.
"Garnering of 96.84 average, ikaw ang fourth place. . . Charlotte Dorothy Angeles." Ngumiti si Charlotte matapos tawagin ang pangalan niya. Sa kabila ng ngiting iyon ay nakatago ang pagkadismaya niya sa resulta. Ito talaga ang katotohanang hindi niya matatalo si Elisa. Tanggap niya iyon.
"The one who got the third place is. . . John Marco Abad. Congratulations!" Tumayo si Marco at nagpasalamat sa guro nila. Napaiyak siya sa tuwa dahil sa wakas ay natupad niya ang kahilingan ng mga magulang niya. Nasisiguro niyang matutuwa ang mga ito kapag nalaman na nakapasok siya sa top five outstanding students.
Nakatanggap siya ng pagbati kay Valerie. Isang pekeng ngiti lang ang tugon niya sa dalaga. Tiningnan niya si Samantha at nakita niyang masayang-masaya ito sa ekspresyong ipinapakita.
"Getting into second place is. . . Samantha Roux Hidalgo." Napatayo si Samantha sa narinig. Talagang mas matalino sa kanya si Elisa. May kaunting dismaya man ay sinusubukan niyang tanggapin ang katotohanang pangalawa lang siya.
Nang mag-sink-in na sa utak niya na pangalawa lang siya ay bumuhay ang isang galit.
Hindi maaaring second place lang ako! Ano na lang ang sasabihin ng parents ko?! Bobo ka talaga, Samantha. Mahina at palaging second place lang ang kayang maabot mo!
Bumalik sa alaala niya ang mga panahong nasa elementary pa lang siya. Grade six siya noon nang maisipan niyang mag-cheat para lang maging class valedictorian. Sawang-sawa na siya sa pagiging second place. Gusto niyang patunayan sa mga magulang na kaya niyang maging number one.
Nag-cheat siya sa final exam noon pero hindi pa rin umubra ang ginawa niya dahil second place pa rin ang naabot niya sa final standing. Umiyak siya ng umiyak noon. Talunan pa rin siya kahit anong gawin niya. Doon simulang nakaramdam ng galit ang batang Samantha. Nagsimula roon ang hangarin niyang itutumba niya ang mga taong haharang sa kanya.
"At ang ating class valedictorian this year na nakakuha ng 98.67 average ay walang iba kundi si. . ."
Kinakabahan ang lahat sa pambibitin ni Teacher Cindy. Mas dumoble ang kaba ni Elisa na baka ay hindi siya ang matawag. Tiningnan niya si Valerie dahil ito ang naramdaman niyang kaagaw sa unang puwesto. Tinapunan siya nito ng mapang-asar na tingin. Tingin na siguradong siya ang tatawagin. Kinabahan siya sa ipinakita nito. Ibinaling na lang niya ang tingin sa guro at hinihintay ang pangalang tatawagin.
". . . Maria Elisa Marquez."
Sa huli, si Elisa pa rin ang namamayagpag sa loob ng kanilang klase. Matapos mamatay ni Isabelle o mas tamang tawagin na pinatay niya na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng mga pulis ay siya pa rin ang nangunguna sa klase. Masaya si Elisa dahil sa wakas ay siya ang makakakuha ng scholarship at ang valedictorian sa taong ito.
Hindi pa rin makapaniwala sa inanunsyo ng adviser nila na si Teacher Cindy. Ipinaskil ng adviser nila ang ang resulta sa board. Nagsitakbuhan naman ang lahat upang alamin ang mga standing ng bawat isa at ang nakuhang average.
Nakatanggap ng maraming pagbati si Elisa. Masaya rin ang nobyo nito sa naabot niya. Masaya man siya ay nakaramdam siya ng takot kay Valerie.
Namula ang mata nito dahil sa kagagaling na iyak. Nasisigurado niyang hindi nito tanggap ang resulta. Tumungo siya sa board at tiningnan niya kung pang-ilan si Valerie. Sixth place ang nakuha nito.
Agad niyang tiningnan muli si Valerie ngunit wala na ito sa puwesto kanina. Naging panatag na rin ang loob niya dahil naroon naman si Rochelle ang kasama niya kung sakaling may masamang binabalak ito.
"Please prepare a valedictory speech for the graduation rites. Again, congratulations, Elisa!" Niyakap si Elisa ng kanilang guro. Nagpasalamat naman siya rito.
Matapos makita ni Marco na lumabas si Valerie sa room ay agad niya itong sinundan. Bumaba ito sa building at natagpuang nagtungo sa likod ng naturang building. Nakita niya itong umiiyak. Gusto niyang sabihin ang katotohanan pero mukhang hindi ito ang oras dahil nalungkot ito sa nangyari na kagagawan rin niya.
Babalik na sana siya pero nagulat siya nang makitang kaharap niya si Samantha. Blangko ang mukha at nakatitig sa kaniya. Nakakatakot ang blankong ekspresyon ng kaniyang mukha. Hindi niya mababasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
"Ano? Wala kang balak sabihin sa kaniya ang totoo?" Lumapit nang bahagya si Samantha kay Marco. Nagkatinginan sila at biglang nagulat si Marco sa ginawa ng dalaga. Hinalikan siya nito sa labi na hindi niya inaasahan. Mapusok iyon at ginalingan nang husto ni Samantha na umaasang magugustuhan ng lalake at matugunan ang halik na 'yon.
"Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin natin ito sa kaniya," paliwanag ni Marco.
"At kailan mo balak sasabihin? Baka nakakalimutan mong kung hindi dahil sa 'kin ay wala ka sa posisyon mo ngayon. Sabihin mo na kay Valerie ang totoo para maglupasay 'yan sa katotohanang pinaglalaruan siya."
"Ano ang dapat kong malaman? Sabihin n'yo sa 'kin ang totoo!" galit na saad ni Valerie. Kanina pa ito nakikinig sa dalawa.
"Ayaw mong sabihin? O sige, ako na para naman hindi ka na mahirapan," buluntaryo ni Samantha. "Hanggang ngayon kami pa rin ni Marco. At ang pakikipag-relasyon niya sa 'yo ay parte ng plano namin kapalit ang mapasama siya sa top five. Ginawa lang naman niya iyon para hindi ka makapag-review nang sa gan'on ay hindi ka mapabilang sa top five outstanding students."
"Tama na!" umeksena si Marco. Kahit gan'on pa man ang nagawa niya ay nakokonsensya pa rin siya. Sinira niya ang pagkatao ni Valerie kahit hindi nito deserve. Kahit pa masama ang ugali nito ay hindi pa rin dapat gantihan ng masama at 'yon ang pinagsisihan niya.
"Totoo ba, Marco?" Umiiyak na tanong nito sa lalake. Tanging yuko na lang ang nagawa ni Marco.
"Minahal kita at pinagkatiwalaan pero ito lang ang ikagaganti mo? How dare you! Pagsisisihan n'yo ang ginawa n'yo sa 'kin," banta ni Valerie sa dalawa.
"Subukan mo lang at hindi kita aatrasan. Tanggapin mo na lang kasi na talo ka sa anong bagay." Pinandilatan ni Samantha ang babae at saka iniwan ito roon. Hinila pa niya si Marco dahil mukhang naaawa ito sa babae.
"Simula pa lang ito ng paniningil ko."
Lalong umigting ang galit ni Valerie matapos malaman ang lahat ng katotohanan. Niloko lang siya ng taong ang akala niya ay mahal siya. Dagdag pa ang natamo niyang standing na nasa sixth place.
"Magbabayad kayong lahat!"
Pinangako niya sa sarili na gaganti siya sa ginawa nina Samantha at Marco. Hindi siya makakapayag na maging masaya ang mga ito habang siya ang naglulupasay sa lungkot at nawasak ng tuluyan. Kung mayroon mang magdusa ay hindi siya 'yon. Lintek lang ang walang ganti!
Uwian nang magkasabay sina Charlotte at Valerie. Nakita ni Charlotte ang malungkot na mukha ni Valerie. Kitang-kita niya rin ang matang kagagaling lang sa iyak. Gusto niya sanang kausapin ito pero natatakot siya. Natatakot siya dahil naramdaman nito ang lalim na galit.
Nakatitig siya rito pero nang mahuli siyang nakatingin ay umiwas siya. Pareho silang bigo sa kani-kanilang pangarap. Tuluyan niyang iniwasan ng tingin ang dating kaibigan. Wala siya sa sarili para makisawsaw. May kaniya-kaniya sipang problemang kinakaharap. Siguro, mainam na ang sarili lang nila ang maghanap ng solusyon.
Wala sa sariling naglalakad si Valerie. Masyadong binagsakan siya ng katotohanang talunan pa rin siya. Sa malalim na pag-iisip niya ay wala siya sa isip na tumawid sa kalsada. Tumawid siya at hindi napansin ang rumaragasang ten-wheeler truck.
"Valerie!" Napatingin siya sa babaeng tumawag sa kaniya at doon nakitang babangga na sa kanya ang sasakyan anumang segundo.
Wala na siyang nagawa kundi ang pumikit at hintayin ang katapusan niya. Makalipas ang ilang segundo ay wala siyang naramdamang anumang sakit. Wala rin siya naramdaman na dumikit ang sasakyan.
Ang tanging naramdaman niya bago mabangga ay may isang kamay ang humila sa kanya. Dumilat siya at habol ang hininga. Muntikan na siyang mamatay doon. Mabuti na lang at may taong tumulong sa kaniya.
Hindi pa rin siya makapaniwala. Tiningnan niya kung sino ang humila sa kaniya. At doon napag-alaman niyang si Faith ang tumulong sa kaniya.
Si Faith Domingo ang kaklase nilang aktibo sa lahat ng activities sa church nila. Mabait at laging nagdadasal. Itong kaklase na 'to ang masarap pakisamahan kapag gusto mong humingi ng tulong dahil tutulong ito ng kusa at walang pag-aalinlangan.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay dinala ni Faith si Valerie sa isang café na katapat lang sa school nila. Alam niyang may pinagdadaanan ito kaya ganoon na lang ang nangyari. Pagpasok nila sa nasabing lugar ay naghanap si Faith ng puwesto at nang makahanap ay nag-order siya. Nilibre niya ang kaklase dahil siya naman itong nagyaya.
Pagkatapos ng order ay naghintay sila ng ilang minuto. Habang hinihintay ay sinubukan niyang kausapin si Valerie kung ano ang problema nito.
"Alam mo naman siguro kung bakit. Pang-anim lang ako at iisa lang ang dahilan kung bakit nangyari 'yon," pag-o-open up ni Valerie sa kaklase.
"Ano ba kasi ang nangyari at sino ang dahilan? Sorry kung medyo nakikialam ako. Gusto ko lang kasi kitang tulungan dahil nakikita ko kung gaano ka kalungkot ngayong araw," turan ni Faith.
"Kasalanan ito ni Samantha at ni Marco. Sila ang dahilan kung bakit ako nagkaganito." Bumuhay muli ang galit sa puso ni Valerie matapos sumagi ang panloloko ng mga taong dahilan kung bakit siya ngayon nagdudusa.
"Pinaglaruan ako ni Marco upang hindi ako makapag-review sa exam natin at plano nila 'yon ni Rochelle para hindi ako mapasama sa top five. Mga walang hiya sila!" gigil na dagdag nito.
"Huwag ka sanang magagalit pero kung may dapat mang sisihin dito ay ang sarili mo," malumanay na saad ni Faith. Nanatiling kalma ang boses upang hindi ma-offend ang kaklase.
"What?! Ito ba ang dahilan kung bakit dinala mo ako rito? Para isisi sa 'kin ang lahat? Mas mabuti pang aalis na lang ako," nakatayong sabi ni Valerie at medyo tumaas na rin ang kaniyang boses. Nakakuha na rin sila ng atensyon kaya nakaramdam siya ng kahihiyan sa ginawa.
Balak niya sanang iwan ang kaklase nang makita ang demonyong si Lucho sa likod nito na tila may binubulong. Aalis na sana si Valerie sa lugar na 'yun pero hinawakan ang kamay niya ni Faith. Pagkahawak niya roon ay nakaramdam siya ng pag-alala kaya napaupo siya muli.
"Makinig ka muna sa 'kin. Narito ako para tulungan ka. Hindi naman siguro mangyayari ito kung hindi ka nagpadala kay Marco, hindi ba? Kung nagawa mong iwasan ang lalakeng 'yon, siguro ay nakapag-review ka sa exam, tama?" ani Faith.
Natauhan si Valerie sa mga sinasabi ni Faith. Hindi man niya ito gaanong ka-close ay naglakas-loob itong magsalita sa kanya. May punto naman ang pinagsasabi ng kaklase. Kung simula pa lang ay umiwas siya ay hindi sana darating ang puntong ito na pagdudusahan niya. Kung hindi sana siya nagpadala sa emosyon at bugso ng damdamin ay magiging parte sana siya ng top five.
Nangyari na ang dapat mangyari. Huli na para pagsisisihan ang mga maling ginawa niya. Napagtanto ni Valerie na may malalim na dahilan kung bakit niya iyon nagawa. Iyon ay dahil sa labis na pagmamahal niya kay Marco.
"Nagmahal ka na ba? Minahal ka na ba?" seryoso at nakatitig si Valerie sa mata ni Faith.
Nagulat si Faith sa sinabing iyon ni Valerie. Napatigil siya at hindi ako nakasagot sa tanong nito.
"Nagawa ko naman ang lahat ng 'yon dahil sa labis na pagmamahal ko kay Marco. Kung hindi mo naranasang magmahal, hindi mo ako maiintindihan," turan ni Valerie.
"Hindi man kita maiintindihan ay sana mapatawad mo sila. Huwag ka sanang magtangkang maghiganti sa kanila. Alam kung labis ang galit na nararamdaman mo ngayon pero sana huwag kang magpadala sa emosyon mo. Magiging maayos rin ang lahat. Magtiwala ka lang sa Diyos," paalala ni Faith sa kaklase.
Alam ni Faith na may naiiwan pang kabutihan sa loob ng puso ni Valerie at naniniwala siyang hindi nito kayang pumatay. Saksi siya sa pinagsamahan ng kanyang mga kaibigan at nakikita niyang may pagmamahal siya sa mga ito.
Hindi na nakapagsalita si Valerie. Tanging pag-iyak na lang ang nagawa niya. Yayakapin sana siya ni Faith ngunit mabilis siyang tumayo at umalis sa Café.
Tulala at lutang sa sariling umuwi si Valerie. Gusto niyang makinig sa sinabi ni Faith at magsimula muli ngunit nababahala siya dahil alam niyang pagkatapos ng graduation ay sa drug business siya babagsak. Wala na siyang pag-asang makalabas sa impyernong kinalalagyan niya.
Naguguluhan siya kung ano ang kaniyang gagawin. Nagpabalik-balik siyang naglalakad sa loob ng kuwarto. Napatigil siya sa ginagawa ng biglang sumulpot sa harapan niya si Lucho at nakikita niyang malapit na itong magmukhang-tao. Kinumbinsi siya nitong pumatay at hindi dapat makinig sa sinasabi ni Faith.
"Nakalimutan mo na ba ang ginawa nila sa 'yo? Ganiyan ka na ba kadaling lokohin at hindi ka gaganti?" pangungumbinsi ng demonyo.
Ipinaalala ng demonyo ang lahat ng pasakit na dinanas ni Valerie sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nagsimulang uminit ang ulo ni Valerie at nakaramdam siya ng labis na galit matapos maalala ang lahat. Tuluyang siyang nilamon ng galit at nakaramdam ng panghihilo.
Maya maya ang dumilat ang kaniyang mga mata na ngayon ay nagiging kulay pula. Sumapi sa kaniyang katawan ang demonyong si Lucho para maisakatuparan ang paghihiganti na nais nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top