Chapter 15

CHAPTER FIFTEEN

SUCCESS TO DEATH

NAGKASIYAHAN ang mga estudyante ng Sampaguita dahil sa wakas ay natapos na ang kanilang final exam. Nagpunta sila sa isang mamahaling resto bar pagkatapos ng nakaka-stress na pasulit. Gumastos sila para doon kahit mahal bilang gantimpala sa kanilang mga sarili. Nagdiwang ang lahat dahil wala na silang iisipin maliban na lang sa nalalapit nilang graduation rites.

Nagkatuwaan ang lahat at saglit kinalimutan ang mga problema. "Guys, para sa success nating lahat. Cheers!" Itinaas ni Genesis ang baso. Masayang-masaya ang lahat at nagpalunod sa nakakalalasing na alak.

Sa gitna ng kanilang selebrasyon ay biglang nakaramdam ang mayor nila na si Genesis ng pananakit sa lalamunan. Naramdaman niya ito matapos uminom ng rhum sa isang shot glass. Hindi niya iyon pinansin dahil ang akala niya ay sa tapang lang iyon ng alak na ininum. Inilagay niya ang walang laman na baso sa mesa at pasimpleng hinagod niya ang leeg.

Ngumiti siya ng peke sa harap ng kaniyang mga kaklase.

"Oh, isang tagay para sa exam na matagumpay," turan nito at nilagok ang alak ngunit sa pagkakataong ito ay napaubo siya sa lakas ng tama nito at naisuka ang ininum.

"Oh, akala ko ba malakas ang tolerance ng president natin? Mahina pala ito e," ani James na nagdulot ng kantiyawan.

"Teka lang! Sino bang may sabi na mahina ako? Papatunayan ko sa inyo na hindi ako mahina." Agad na tinungga ni Genesis ang isang baso ng alak.

"Iyan, ganiyan ang president naming. Woah!" Nagsigawan ang lahat ngunit sa kaloob-looban ni Genesis gusto na niyang tumigil. Pero naisip niyang baka magtampo ang mga kaklase niya. Siya pa naman itong naglakas-loob na magdiwang tapos siya itong aatras? Siya itong malakas manghamon ng inuman tapos siya itong aayaw? Paninindigan niya ang sinasabi niya kahit gusto na niyang umayaw.

"Guys, punta muna ako sa c.r, ah. Naiihi na ako, eh." Tumayo si Genesis upang magtungo sa nasabing lugar pero nang sinubukan niyang ilakad ang mga paa ay biglang nanlabo ang kanyang paningin at namimilipit sa sakit at hapdi ang kanyang lalamunan.

Ganoon na lang ang pagkataranta ng mga kaklase niya nang matumba siya habang hawak-hawak ang leeg. Si Elisa ang unang tumulong sa kaklase. Hinawakan niya ito at kinakabahan siya nang maramdamang naninigas ito. Nagdidiliryo na rin ang mga mata nito.

"Guys, hindi ako makahinga. Tulong! Tulungan n'yo ako!" Napakapit si Jomar sa katabing si Valerie. Sumuka ito dahil sa lasang hindi niya nagustuhan. Lumabas at umalinsangsang ang mabahong amoy ng rhum. Nakaramdam siya ng kaunting ginhawa nang mailabas iyon ngunit ilang sandali pa ay may kung anong bagay na humugot sa kailaliman ng kaniyang lalamunan. Masyado itong mahapdi at hindi maipaliwanag ang lasa.

Sinubukan niyang sumuka ulit ngunit sa pagkakataon 'yon ay dugo ang lumabas sa kaniyang bibig. Nagulat na lang at nagsisisigaw ang ilang kaklase niya sa nakita. Nagkagulo sila na agad nakakuha ng atensyon sa mga nandoon. Nagtawag na sila ng tulong at dali-dali rumesponde ang mga taong naroon sa resto bar at ang mga staff.

Nakaramdam na rin ang ilang estudyante ng paninikip ng dibdib at pagkahilo. Ang ilan ay nagsusuka at pilit inilalabas ang nainum na alak. Mangiyak-ngiyak ang ilan sa sinapit nila. Ang kasiyahang kanilang naramdaman ay biglang napalitan ng nakakalungkot na pangyayari.

Sa gitna ng pangyayari, nakangisi ang isang babaeng may gawa ng lahat. Ang taong nasa likod ng kaguluhang nangyayari sa mga kaklase niya. Si Samantha, siya at ang napasunod niyang si Elisa.

"Ang akala ko ba ay malalakas ang tolerance ninyo? Hanggang salita lang pala kayo, e."

Nilagyan niya ang mga inumin ng isang likidong pampalason. Lasong pamatay ng peste kagaya ng mga kaklase niyang peste sa buhay niya.

Sa totoo lang ay gusto niyang ang mga dating kaibigan ang lalasunin ni Samantha pero wala siyang magagawa dahil narito ang lahat at alam niya siya ang pagbibintangan dahil siya lang ang may dahilan na pumatay sa mga ito. Kaya ang ginawa niya ay idamay ang lahat para walang pagbibintangan. Damay-damay na lang.

Mas pumeste ang pakiramdam ni Samantha nang makitang buhay at hindi nagdidiliryo ang mga mata ng mga dating kaibigan na sina Charlotte at Valerie. Humihinga pa rin ito.

Pinandilatan niya ng mata si Marco dahil sa palpak na plano nito. Hindi niya napainum ng alak si Valerie na ikinasira ng plano niya at talagang ikinagalit niya iyon ng husto.

"Tulong! Dalhin natin sila kaagad sa hospital para maagapan." Umaarteng umiiyak sila Elisa at Samantha upang hindi sila mahalata. Napatawa nang bahagya si Marco sa ginawa ng dalawa ngunit agad naman itong binawi matapos makitang tinapunan siya ng nakakamatay na tingin ni Samantha. Tingin na may sinasabing 'humanda ka'.

Tumawag na ang manager ng resto bar ng ambulance. Ilang minuto rin ang hinintay nila bago dumating. Isinakay ang mga kaklase nilang nalason at sila ay susunod na lang sa ospital.

Hinila ni Erika si Samantha papunta sa labas ng resto bar. Gusto niyang kumprontahin ito na itigil na ang ginagawa nila dahil marami na ang nadadamay.

"Bakit mo 'ko dinala rito? Don't tell me, ayaw mo na?" Napataas ang kilay ni Samantha matapos sabihin iyon kay Elisa.

"Marami na ang nadadamay. Wala silang ginawang masama sa 'tin para gawin natin ito sa kanila. Ayaw ko na!" Tinalikuran ni Elisa ang kaharap na kaklase at akmang iiwan na sana niya ito.

"Sige, gawin mo! Baka gusto mong ikalat ko ang ginawa mong pagpatay kay Isabelle? I'm sure ikaw ang pagbibintangan ng kamatayang nangyayari sa room natin. At nakasisiguro rin akong ikaw ang pagbibintangan sa nangyayari ngayon. Gusto mo ba 'yon na mangyari, Elisa?" Lumapit na si Samantha sa likuran ni Elisa na ngayon ay nakatalikod pa rin.

"Think of it, Elisa. Baka sa huli, pagsisisihan mo ang magiging desisyon mo," dagdag nito at nilampasan ang kaklase.

"And by the way, dahil failed ang naging mission natin, you better prepare yourself to kill Valerie and Charlotte. Bye for now!"

Tulala at nanlulumo pa rin si Elisa sa sinasabi ni Samantha. Wala siyang ibang magawa kundi ang sumunod na lang sa utos nito. Gustuhin man niyang bawiin ang pinagkasunduan nila pero malalagay naman siya sa alanganin. Bina-blackmail siya nito dahil mismo sa ginawa niya.

Nagi-guilty siya sa ginawa niya sa mga kaklase. Marami ang nadamay sa away nilang magkakaibigan. Lahat nadamay dahil lang sa kanilang away noon. Si Samantha ang naglagay ng lason sa mga pagkain habang si Elisa ay sa inumin.

Nag-imbestiga na ang mga pulis sa nangyari. Ang may-ari ng resto bar ang nadakip at napagkamalan na may kasalanan sa panlalason na nangyari. Naawa siya rito matapos kinuyog ito ng mga magulang ni Genesis at Jomar. Todo tanggi ang may-ari pero ito lang ang maaaring suspek matapos itinanggi nila at ng mga kaklase niya ang posibilidad na sila ang may gawa.

Gustong bawiin ni Elisa ang pinagkasunduan nila ni Samantha pero bina-black mail siya nito. Kung magba-back-out siya ay ibubunyag nito ang pagpatay niya kay Isabelle. Ayaw niyang mangyari iyon dahil paniguradong sa kulungan ang bagsak niya. Hindi niya maisip kung ano ang magiging buhay niya sa loob ng kulungan.

"Bwiset! Bakit ko ba kasi nagawa 'yon? Sana hindi ako humantong sa sitwasyong ito." Nagsisisi pa rin siya kung bakit nagawa niyang patayin si Isabelle. Kung bakit nagpadala siya ng kanyang galit at emosyon.

Napaisip rin siya na tama lang ang ginawa niya. Dapat lang na mamatay ang isang taong kagaya ni Isabelle. Mga taong manloloko at mangagamit.

"Naumpisahan ko na. Siguro, dapat ko lang itong ituloy. Wala na rin akong ibang magagawa. Pasensiyahan na lang," turan niya na tila may kinakausap ngunit nag-iisa lang siya sa isang madilim na lugar.

Isang lugar na ikinagulat niya nang husto kung bakit napunta siya roon. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top