Chapter 11
CHAPTER ELEVEN
CAUGHT IN THE ACT
NAKARAMDAN ng inggit at selos si Charlotte matapos makitang sabay naglalakad papuntang Caféteria ang dati niyang mga kaibigan. Elisa and Isabelle are now in good terms. Hindi niya maiwasang maalala ang mga panahong silang lima ang magkasamang pumupunta sa naturang lugar. At imbes na kumain doon ay nagchi-chikahan lamang sila.
Nakaramdam siya ng inggit pero sa kabila nito ay alam niyang may nagbabalat-kayo sa dalawa. And she was surely na si Isabelle ito. Her ex-bestfriend na wise pagdating sa mga bagay-bagay . Magaling itong manloko at maglaro sa sarili nitong plano.
Naaawa siya para kay Elisa. Nagmumukha itong tanga.
Masama ang ugali niya pero mayroon pa rin itong kabutihan. Kabutihan na deserve mabigyan ang taong nangangailangan nito.
Nag-abang siya sa isang room na malapit sa canteen. Binantayan niya ang paglabas ni Elisa. Kung magkasama pa rin ang dalawa ay kakapalan na lang niya ang mukha na hiramin muna saglit si Elisa. Kung mag-isa lang ay suwerte siya kapag nagkataon.
Masuwerte nga si Charlotte dahil matapos ang ilang minuto ay mag-isang lumabas si Elisa. Sinundan niya ito at napag-alaman niyang paakyat ito sa room nila. Binilisan niya ang paglalakad at sinubukan niyang habulin ito upang harangin ang daanan.
Hinarang niya ang kaniyang dalawang kamay. Nagtaka si Elisa sa ginawa ni Charlotte. Ngumiti ito at ginulo ang buhok niya.
"Na-miss kita! Na-miss ko ang kaibigang laging inaaway at iniinis ko," turan ni Elisa at ginulo muli ang buhok ni Charlotte. Bagay na nagpapainis sa dalaga.
Ang paggulo ng buhok ni Charlotte ang tanging kinaiinisan nito. Ito ang tampulan na gawin ni Elisa sa kaniya noon na nagpapainis sa kaniya. Na-miss niya rin ang kaibigan hindi lang sa pang-iinis nito gamit ang buhok niya kundi pati na rin ang presensya nito na nagpapagaan ng kaniyang kalooban.
"I missed you too, Elisa!" Hindi niya mapigilan na yakaping muli ang kaibigan. Na-miss niya rin ang yakap nito.
"Puwede mo ba akong samahan? Doon lang sa library," turo ni Charlotte sa library na nakikita sa sa hindi kalayuan na naroon sila. "May sasabihin lang ako sa 'yong importante," dagdag nito.
Dinala niya si Elisa sa isang lugar na pamilyar sa kanila. Ang library ng school na tambayan nila noon. Ang buong akala ng mga kaklase nila na aapaw na ang kanilang katalinuhan. Ngunit nagkakamali ang mga ito. Ang silid-aklatan kung saan dito nag-aaral ay ginawa nilang silid-tulugan.
Minsan na silang nakita ng librarian na natutulog doon kaya napaalis sila nang wala sa oras. Sobra ang kahihiyan na naramdaman nila noon dahil maraming mag-aaral ang nakakita sa ginawa ng librarian. Iyon ang isa sa mga karanasang hindi nila makakalimutan.
Pagpasok nila roon ay bumungad sa kanila ang galit na mukha ng librarian. Ganito palagi ang ekspresyon ng mukha kaya nasanay na sila rito. Isa rin ito sa dahilan kung bakit kaunti lang ang nais pumasok sa nasabing library ay dahil pagiging mainitin nito ng ulo.
Naghanap muna sila ng aklat na kunwaring babasahin. Hinablot lang ni Charlotte ang dalawang encyclopedia. Nagtungo sila sa pinakasulok na bahagi para hindi makita ng librarian ang gagawing pag-uusap nila.
"Ano ba kasi ang importanteng sasabihin mo at bakit dito pa? Alam mo namang mainit ang ulo ng librarian sa 'tin," saad ni Elisa matapos mahawakan ang aklat. Umupo na rin ito sa harap ni Charlotte.
"Okay na pala kayo ni Isabelle. I have this feeling kasi na may hindi magandang gagawin ang babae 'yon sa 'yo," mahinang sabi ni Charlotte.
"Alam mo feeling mo lang 'yan! Kitang-kita ko ang sincerity niya kahapon na magkabati ulit kami," masayang saad ni Elisa habang ngumingiti.
"Basta alam kong may hindi magandang binabalak si Isabelle. Alam mo naman 'di ba? Wise 'yon kapag nag-iisip? Hindi ka na natuto noon." Pinanlakihan niya ng mata si Isabelle. Concern lang siya rito dahil pakiramdam niya na may binabalak si Isabelle rito at kutob niya ay hindi ito maganda.
"Pinapunta mo lang ba ako rito para sirain na naman ang nabuo naming pagkakaibigan? Ganiyan ka na ba talaga kasama, Charlotte? Hindi pa rin pala talaga nagbago ang ugali mo." Malakas na binagsak ni Elisa ang hawak na encyclopedia at iniwan doon si Charlotte sa library.
Napahilamos si Charlotte sa ginawa niya. Siya na naman ang nagmukhang masama.
"Ako na nga itong tumulong, ako pa ang lumabas na masama. Ang galing lang! Bwiset!" himutok niya sa sarili.
Ang gusto lang naman niya ay pagsabihan ang kaibigan pero siya pa itong napagsabihan. Nag-alala lang siya sa anumang gawin ni Isabelle.
Napaisip si Charlotte kung hindi man nakinig si Elisa sa sinabi niya ay wala na siyang magagawa. Nagawa na niyang pagsabihan ang kaibigan at 'yon ang bagay na maitutulong niya. Nasa kaniya na ito kung paniniwalaan ang sinabi niya o hindi. Ginawa lang niya ang kaniyang parte.
NAGBALIK alaala si Valerie sa karanasan niya sa pagpasok sa Bernard V. Consuelo National High School. Nakaupo siya sa room at naghihintay sa susunod na klase habang inaalala ang pambu-bully ng mga klase noon. Binu-bully siya ng ilang mga kaklase dahil sa pagiging masama niya noong elementary. Kumbaga, gumanti lang ang mga ito sa kaniyang ginawa. Karamihan kasi sa mga kaklase niya ngayon sa Sampaguita ay kaklase niya rin noong elementary.
Naramdaman niya ang bawat masasakit na salita na binabato sa kaniya. Ang mga pananakit ng pisikal na tinitiis niya lang. Nalaman niya ganoon pala ang pakiramdam ng mga taong sinaktan niya noon. Na-realize niya ang mga masasakit na ginawa nang siya na mismo ang makaranas nito.
She wants to fight back. Gusto niyang sugurin ang nanakit sa kaniya pero nakapag-promise na siya sa mga magulang na magbabago. Nag-promise siyang hindi na mananakit. Tiniis niya ang mga araw na paulit-ulit na ginawa ng mga estudyanteng na-bully niya noon. Sina Jomar, Diana, Genesis, Jielvi at Jane.
She had also a planned, that's why she remain nice. Nagtiis siya at nanatiling tahimik hanggang napagod na rin ang kaniyang mga kaklase sa pananakit. Nag-sorry rin ang mga ito nang ma-realize ang kanilang ginawa. Tinanggap niya ang paghingi ng tawad ng mga kaklase. Tinanggap ngunit sa kaibuturan ng isip at puso niya ay kinasusuklaman niya ang mga ito. Balang araw ay gaganti siya.
Nakapaghiganti na rin naman siya sa mga iilang kaklase na may utang sa kaniya. And that's a fulfillment to her.
With the case of her ex-bestfriends, plano niya na lumapit kina Charlotte, Isabelle, Elisa at Samantha. Sila rin ang nag-offer sa kanya na maging parte ng grupo nila, kaya sumama siya. Plano niya mapalapit ang damdamin nila sa kaniya ngunit hindi niya sukat akalain na mapamahal siya sa mga kaibigan. Wala sa plano niya ang mapamahal sa mga ito.
Naguguluhan si Valerie. Napahilod siya sa kaniyang noo nang wala sa oras. Gusto niyang patawarin ang mga kaibigan. She can't take it na ipapahamak niya ang mga ito matapos matutunan niya itong mahalin. Mayroon na itong puwang sa kaniyang puso. Itinuring na rin niyang parang kapatid ang mga ito.
One thing pushes her to continue what she promised.
Nagbalik ang alaalang nagdulot ng sakit sa kaniyang puso nang malaman ang mga balak nito. Si Elisa na naging makasarili upang maabot ang gusto. Iniwan sila at ibinagsak na parang hindi kaibigan at walang pinagsamahan. Si Isabelle na ginamit sila para manguna sa klase. Gahaman na katulad rin ni Elisa. Si Charlotte na naging mapanakit in terms of verbal at physical. Matagal na niyang tinitiis ang pananakit nito. At si Samantha na nang-iinis sa kaniya. Ang babaeng nasampal niya noong nakasunod ito. Hinawakan kasi nito ang balikat niya habang galing siya sa away nila ni Marco. Ito ang napagbuntungan niya ng galit ngunit niya 'yon pinagsisihan. Aniya, nararapat lamang ang sampal na 'yon sa babae. Ang babaeng nagpagalit sa kaniya nang husto. Ang babaeng unang minahal ni Marco.
Mas lumaki ang galit niya nang maalala ang naging halikan nina Marco at Samantha sa hallway noon. Halikan na nagdulot ng pagsasabunutan nila.
Mahal niya si Marco at gagawin niya ang lahat upang huwag lang itong makabalik sa piling ni Samantha. Minsan na niya itong itinapon na parang basura, hinding-hindi siya papayag na bawiin ang lalake sa kaniya.
Sa sobrang galit at pangigigil niya ay naitapon niya ang notebook na nakalagay sa kaniyang desk.
"I-I'm so-sorry! I didn't mean it," natatarantang saad niya sa mga kaklase na nakatingin sa kaniya at mabilis siyang lumabas sa room nila.
Gusto niyang kumalma ngunit sa bawat estudyanteng nakakasalubong niya ay mukha ni Samantha ang kaniyang nakikita. Mukha ni Samantha na may mapang-asar na itsura.
Halo-halo na ang nasa kaniyang isipan. Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip ng mga masasakit na alaala. Kumukurap-kurap siya at sinubukang tignan nang maayos ang daan. Nanlalabo ang kaniyang paningin at tila umiikot ang mga taong nakakasalubong niya.
Sa patuloy na paglalakad ni Valerie ay bigla siyang nanghina at maya-maya ay bumagsak. Huli niyang naaninag ang pigura ng isang lalaki bago siya lamunin ng dilim.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top