Chapter 10
CHAPTER TEN
RECONCILIATION
MAHIRAP magkunwari sa harap ng taong mahal mo, lalong-lalo na kapag palagi mo siyang nakikita at nakakasama. Zephyr tried so much to hide his feelings towards Elisa. Imbes na magtago ay parang hinihila siya na magtapat sa babae.
At ito nga siya ngayon nakaabang sa gate at hinihintay ang pagpasok ni Elisa sa paaralan. Mahigit sampung minuto siyang naghintay sa dalaga. Luminga-linga siya at nang mataamaang papasok na sa gate ang babae ay inamoy niya ang hininga. Naglagay na rin siya pabango at inayos ang uniporme. Gusto niyang maging presentable sa paningin ng dalaga.
"Good morning!" Inilahad niya ang kaniyang kamay upang kunin ang dala nitong libro at notebooks.
"Good morning din sa 'yo, Zephyr!" tugon ni Elisa sa lalake.
"Can I talk you for a while? May ilang minuto pa rin naman tayo bago ang performance. Kung okay lang sa 'yo," saad ni Zephyr sabay kamot sa ulo nito. Ito na naman siya, kinakabahan at pinagpapawisan dahil sa hiya.
"Sure. Are you okay?" Hinawakan ni Elisa ang noo ng lalake.
Mas tumindi ang kaba ni Zephyr nang tumama ang kamay nito sa kaniyang noo. Mas dumoble ang pawis na namumuo sa kaniyang katawan. He can't help but to feel awkwardness.
"Wala ka namang lagnat. Tungkol sa'n ba 'yan? Mukhang importante ang sasabihin mo, kaya sige!" Elisa walk along the gateway. May iilang estudyante na rin kasing pumapasok at nakaharang siya roon.
Napatulala si Zephyr sa sinabi ni Elisa. Napaisip siya na wala ng atrasan 'to. Lalabanan niya ang kabang nararamdaman. Whatever may happen, tatanggpin niya kahit masaktan pa siya. This is the last chance para maisabi niyang mahal niya si Elisa upang walang sisihan sa huli.
Naunang maglakad sa garden. It's the place na lagi nilang pinupuntahan way back with her friends. Minsan na rin niyang dinala si Zephyr dito at naging 'study place' nila ang lugar.
"Oh, ano na? Ano ang pag-uusapan natin?" Nilingon niya ang lalake na kanina pa niya nakikitang wala sa sarili at kinakabahan.
"Wait lang!" Natatarantang tumalikod si Zephyr at palihim na nagdadasal habang nakapikit.
"God, please guide me along this confession. Please give me determination to deliver it clearly. Sana maging successful ito. I love you, Lord!" Nag-sign of the cross siya at tumingin sa langit. Kumuha siya ng lakas ng loob doon para gabayan siya sa kaniyang sasabihin.
"This is it! Wala ng atrasan 'to kahit anumang mangyari." Bumuntong-hininga siya at hinarap ang dalaga na kanina pa naghihintay sa sasabihin niya.
Mukhang naiinip na ito base sa ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Spill it!" Elisa smirk.
"I'll kept this secret long time ago. We've been classmates for almost four years. Since from the start, pinigilan ko ang sarili na hindi mapalapit sa 'yo. Trust me, ginawa ko talaga ang lahat upang umiwas pero hindi ko mapigilan," dire-diretsong sabi ni Zephyr habang nanginginig ang kalamnan ng kaniyang tuhod.
"Don't tell me, ikaw 'yong killer? Ako na ba isusunod mo, Zeph?" gulat na tanong ni Elisa.
"No, I am not the killer! Please, just listen to me first." Lumapit siya sa babae na nagulat sa kaniyang sinabi. Hinawakan niya ang kamay nito at bahagyang pinisil 'yon.
Gusto ko lang malaman mo na matagal na kitang minamahal. You never felt that because I'm trying to hide this feeling. Sinubukan kong pigilan at itago pero bawat ilag ko sa 'yo ay mas lalo akong natutuksong lapitan ka. Dahil sa pangungulit ko sa 'yo ay mas lalong nahuhulog din ang loob ko. I love you at handa akong protektahan ka, lalo na''t nasa gitna tayo ng pangamba. Sisiguraduhin kong ligtas ka kapag kapiling mo ako. Will you give me a chance to fulfill that promise?" Lumuhod si Zephyr sa harapan ng dalaga at hinintay ang sagot nito.
Nanatiling nakatitig si Elisa sa lalake. Tiningnan niya ang mga mata nito upang siguraduhing totoo ang kaniyang pinagsasabi. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig lalo na sa pangako nitong poprotektahan siya.
"Ano ba? Tumayo ka nga diyan baka may makakita pa sa 'tin ditto." Inangat ni Elisa ang kamay ng lalake pero nagmamatigas ito.
"Hindi ako tatayo hangga't hindi ko maririnig ang sagot mo," nakayukong sabi ni Zephyr. "I am not forcing you. I just want to know for the answer I've been waiting for," dagdag nito.
"Thanks for the love. Hindi ko naman inaasahang may magmamahal sa 'kin katulad ng pagmamahal mo. Hindi ko lang maisip na magkakagusto ka sa 'kin. Alam mo naman siguro ang priorities ko sa buhay," sagot ni Elisa na nagpakaba lalo sa nararamdaman ng lalake.
"Hindi naman ako maramot pagdating sa mga taong mahal ko. Ang gusto ko lang ay maintindihan nila ang kalagayan ko. And with the case of you Zeph, being close to you almost every day is quite diffucult to me. Nahihirapan akong mag-isip kong ano ang dapat kong gawin." Elisa tries to figure out her answer. Pinag-isipan niya nang mabuti ang sasabihin at baka sa huli ay pagsisisihan niya.
"You taught me a lot. You taught me how to be smart in chosing things in life. And chosing you is the smartest thing I ever did. I love you, Zeph!" Yumuko si Elisa upang tingnan ang mukha ni Zephyr. Napaiyak ang lalake sa kaniyang sinabi.
Mabilis na tumayo si Zephyr at niyakap nang mahigpit ang dalaga. Niyakap niya ito ng sobrang higpit upang iparamdam na ligtas ang babae kapag siya ang kasama. Ipinaramdam niya kung gaano niya kamahal ang babae at kung gaano kaligtas sa kaniyang mga bisig.
"Pinapangako kong hindi mo pagsisisihan ang pagpili mo sa 'kin. " Hinawakan ni Zephyr ang mukha ng dalaga. Tiningan niya ito at pinunasan ang ilang luhang pumatak.
"Chosing me is chosing the best for you," dagdag ni Zephyr at hinalikan ang noo ng dalaga. Niyakap niya ulit si Elisa at napasigaw siya sa sayang nararamdaman.
Naglakad silang dalawa na kapwa may ngiti sa kanilang mga labi. Binilisan nila dahil maghahanda na sila para sa kanilang cheer dance performance. Pagpasok nila ng room ay naging abala na ang lahat sa pag-aayos ng mga props at costumes. May ilan din na nagsimula ng mag-make-up.
Magulo ang loob ng kanilang silid. Ang tanging iniisip lang nila ay kinakailangang mapabilib nila ang guro na si Teacher Jay at ang mga inimbita nitong mga hurado.
Ang dalawang grupo ay nag-usap na dapat walang kompetensyang magaganap. Hangarin nila na parehong grupo ang aangat. Ngunit, kapwa nasa isip ng mga lider ng grupo na naroon ang kompetisyon. Hindi 'yon maiiwasan.
Paglabas nila sa room ay pinagtitinginan silang lahat. Mula sa kanilang props na makukulay at costumes na magaganda. Sinugurado nilang mapapanganga ang sinumang titingin dito.
Unang nagtanghal ang grupo ni Valerie. Kinabahan ang ilang miyembro pero iniisip nitong para sa marka nila ang gagawing performance. Hindi lang ito basta sayaw kundi nakasalalay rin ang kanilang makukuhang marka na may malaking epekto sa final grade ng bawat miyembro.
In five minutes, natapos nila ang sayaw. Walang nahulog sa flying at wala ring bumagsak sa tumblings. May ilang nagkamali ng steps pero hindi nahalata ng mga hurado dahil bumawi ang mga ito.
Sumunod na nagpresenta ang grupo ni Elisa. Nagdasal sila saglit bago pumunta sa gitna ng quadrangle. Pagtugtog ng music ay agad sumabay sila roon. Napaindak ang ilang hurado dahil sa ganda ng musikang kanilang pinili. Mga 90's dance hits kasi ang pinili nila.
Bawat isa ay sumasayaw ng nakangiti. Sa paghagis at pag-tumbling ay sumakto sa timing ng kanta. Mas sumaya pa si Elisa at umindak na parang wala ng bukas sa nararamdaman niyang kay saya-saya. Ganito pala talaga kapag umiibig, inspired ito sa lahat ng gagawin at tanging sa minamahal inialay ito.
Matapos ang kanilang performance na cheer dance, napabilib nila ang kanilang guro. Ang dalawang grupo ay parehong nakatanggap ng papuri at parehong marka. Bawat grupo ay nakatanggap ng ninety-nine na score.
Napatalon sa tuwa at saya ang mga estudyante ng section Sampaguita. Worth it ang kanilang pag-eensayo nang masinsinan. Sa kabila ng nangyari sa kanila ay nakuha pa rin nilang pagbutihan ang mga performances.
Pag-alis ng quadrangle ay nagkasabay sina Zephyr, Elisa, Isabelle at James. Nagkatanguan ang dalawang lalake at napagpasiyahang dalhin nila ang dalawang babae.
Nagtungo silang apat sa rooftop. Unang dumating doon sina James at Isabelle. Napasunod naman agad si Isabelle ng lalake dahil paborito niyang lugar ang pupuntahan. Akala niya ay may surprise na naghihitay sa kaniya roon pero laking dismaya niya nang makitang wala naman pala.
Napaka-cross armed siya at tinalikuran si James. Napatingin sa kabuuan ng school na nagpapagaan sa kaniyang loob. Mahangin pa ang lugar dahil hindi pa masyadong tirik ang araw. Makulimlim ang langit kaya siguro ganoon ang panahon. Nililipad ang kaniyang mahabang buhok ng hangin na lalong nagparamdam sa kaniya ng kaginhawaan.
Napaigtad siya nang itama sa bahaging puwitan niya ang ari ng lalake. Nambubuwisit na naman ito sa kaniya at naghahanap ng lambing.
"Ang bastos mo talaga kahit kailan. Isa pa at makakatikim ka talaga sa 'kin," gigil na pambabanta ni Isabelle sa lalake.
"Oh! Mukhang gusto ko ngang matikman 'yan," pang-aasar ni James na lalong nagpainit ng ulo sa babae. Namula rin ang pisngi niya dahil sa ginawa ni James.
"Napaka-pervert mo talaga! Ewan ko ba kung bakit nagkagusto ako sa 'yo," saad ni Isabelle sabay irap ng kaniyang mga mata.
Nakaramdam ng kilig si Elisa habang nakatingin sa dalawang magkasintahan.
"Nainggit ka, no? Hindi bale mas wild ang gagawin ko sa 'yo. Rawr! Hahaha!" Humagalpak sa tawa si Zephyr nang mamula amg pisngi ni Elisa dahil sa sinabi niya.
"Bastos!"
"Biro lang naman, e. Alam ko naman kung paano rumespeto ng babae."
Napagsabihan na siya ni Zephyr papunta sa rooftop na nais nila ni James na magkabati na sila ni Isabelle.
Matagal na rin ang panahon na wala na silang komunikasyon ng dating kaibigan. Wala na silang pansinan at naging normal na lang ang lahat para sa kanilang dalawa. Kaya gusto ng dalawang lalake na magkabati na sila. Huling taon na ito, kaya nais nilang walang sama ng loob na maiiwan.
"Maaari bang makadisturbo sa lambingan ninyong dalawa?"
Si Elisa na ang unang nagsalita. Hindi sila napansin ng magkasintahan dahil naging abala ito sa kanilang usapan.
"At sino ka naman para isturbuhin kami? Pati ba naman kasiyahan ko, sisirain mo?" Lumapit si Isabelle kay Elisa at tinapunan ito ng nakakatakot na tingin.
"Nagpunta ako rito para makipagbati at hindi makipag-away. Gusto ko lang ayusin ang problemang namamagitan sa 'tin noon. At ito rin ang gusto nina James at Zephyr para maging masaya naman tayong lahat. Ayaw mo ba n'on?" Hinawakan ni Elisa ang kamay ni Isabelle. Nakaramdam ng kaunting saya si Isabelle sa ginawa ng babae.
Tumingin si Isabelle kay James. Nakita naman niya ang matamis nitong ngiti at kitang-kita sa mata nito na sang-ayon ito sa sinabi ni Elisa.
"Hindi nawala ang pagmamahal ko sa inyo. Siguro, oras na rin para magkaayos tayo at sana sa kanila rin. Hindi man agad maibabalik sa dati, uunti-untiin nating gagawin ito." Niyakap ni Isabelle si Elisa. Nagkaiyakan sila habang ang dalawang lalake naman ay panay ang tawa. Nakaramdam din sila ng saya dahil sa wakas ay tagumpay ang plano nilang pagbatiin ang mga kani-kanilang nobya.
Mula sa entrada ng rooftop, nagmamasid doon ang isang babae. Naniningkit ang mata at naiinis sa pangyayaring kaniyang nasilayan.
Nakaramdam ng inis si Samantha sa dalawang babaeng nagyayakapan. Nagkabati na pala ang dalawang nag-aagawan sa unang puwesto. Ang mga dati niyang kaibigan na minsan ng sumira sa buhay niya. Nagkaayos na pala ang mga ito ngayon.
Mas lalong umigting ang galit niya nang makita ang pagmumukha ni James. Ang lalaking inakala niyang totoong pagmamahal ang ipinaramdam nito sa kaniya. Ang lalaking pinaglaruan ang kaniyang damdamin.
Hindi siya makakapayag na siya lang ang mag-isang magdudusa. Hindi siya makakapayag na hindi makaganti sa mga taong dahilan ng kaniyang pagkawasak. Sisiguraduhin niyang ang pagmamahal na natatamasa nila ang maghahatid sa kanilang kamatayan.
"Too much love will kill you in the end. . ." bulong ni Samantha sa sarili at iniwan ang lugar na 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top