Prologo

"Andress!"

"Andress! May balita galing sa bayan. Dugo. May mga libreng dugo galing sa Manila!"

Dugo. Ang katagang naging bukang bibig ni Andress nitong mga nakaraang araw. Isang bagay na kadalasan ay kinatatakutan at pinandidirian.

Dugo. Bagay na halos araw araw ay bumabalot sa kamay, paa, damit at buong pagkatao ni Andress bilang isang berdugo. Ngunit ngayon, ito ay isang mailap na elemento. Parang isang bahaghari na siya lamang makikita pagkatapos ng matinding ulan. Pero para kay Andress, ang ulan na siyang mag papausbong sa bahaghari ay maaring buhay ng kaniyang anak. Kaya hindi maari. Kailangan niyang mahanap ang bahaghari nang walang ulan.

Dugo. Maraming dugo," bigkas ni Andress sa hangin.

"Oo, Andress. Pero sabi nila..."

Ang mga natitirang kataga mula sa bibig ng kaniyang kaibigan ay hindi na rumehistro sa utak ni Andress. Ang kaniyang mga paa ay kusang gumalaw. Isang hakbang. Dalawa. Tatlo. Apat. Kumaripas ng takbo si Andress at wala sa sariling binigkas ang mga katagang, Dugo. Dugo. Dugo.

"Hoy! Andress!"

Napakamot sa sulo at napa kunot-noo na lamang si Felipe habang pinag mamasdan ang kaniyang kaibigan na mas mabilis pa sa hangin ang takbo. "Pero delikado, Andress. Dumating na ang mga sundalo." Bagsak loob na bulong ni Felipe sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top