Prologue

“Repression is the first type of defense mechanism coined by Sigmund Freud, a neurologist and the founder of psychoanalysis. He stated that repression is unconscious blocking of unpleasant emotions, impulses, memories, and thoughts from our conscious mind.”

Napabaling ang tingin ko kay Noemi, kaklase at kaibigan ko. Nayayamot na ang kanyang mukha at mukhang naiirita na rin sa pinapagawa sa amin ng professor ngayon.

Pagpasok pa lang kanina ay hindi namin inaasahan na magkakaroon ng biglaang recitation at hindi kami makakaupo hangga't hindi kami nakakasagot sa tanong ni Ms. Castro.

Buti na lang talaga ay sanay na akong tumayo ng ganito katagal ng hindi man lang nangangalay ang mga paa at tuhod ko. May silbi rin pala ang pagsisilbi ko sa simbahan tuwing linggo.

Lumapit pa amin ang guro at naglakad-lakad. Nagmamasid sa amin habang nagtuturo.

“The purpose of this defense mechanism is to try to minimize our feelings of guilt and anxiety,” she added. “So, Noemi, can you state some scenarios where people tend to use this kind of defense mechanism?”

Lahat kami ay napantingin sa kanya at halatang-halata ang gulat sa mata niya ng tawagin ang pangalan. Napalunok pa ito ng madiin dahil hindi niya inaasahan na siya ang tatawagin. Sakto kasing malapit siya sa guro, kaya siguro tinawag siya.

“Ma'am… a-ano po kasi…” Her voice trailed off. Napakamot na lang ito sa kanyang batok habang umiiwas ng tingin sa guro.

Nakita ko pa ang pagtaas ng isang kilay ni Ma'am Castro habang hinihintay ang kanyang sagot.

“Go ahead, Ms. Ventura.”

“H-hindi ko po naintindihan ‘yung sinabi niyo Ma'am. Bobo po kasi ako, hehe,” sagot niya na nagpakawala nang malakas na tawa sa buong silid namin.

Hindi ko rin naman napigilan ang sarili na matawa sa kanya. Siraulo talaga!

“LT ka talaga, Noemi!” natatawang sabi ni Xavier sabay hampas sa babae.

“Alam na namin ‘yon, matagal na!” bulyaw pa ni Casper.

“Na ‘ko, ba't ngayon ka lang umamin? Huli ka na sa balita, tanga!” pang-aasar pa ni Ismael at humalakhak nang malakas.

“Class, quiet!” ma-awtoridad na sabi ni Ms. Castro.

Natahimik naman kaming lahat, pero may ilan pa sa amin na hindi mapigilan na tumawa at kasama na ako ro’n.

“Kung may isang makapagbibigay sa akin ng matino at may puntong sagot tungkol sa repression, saka lang kayo makakaupong lahat, but if no one wants to answer, then all of you will remain standing until I dismissed our class today.”

Umalingasaw ang pagkadismaya nila sa itinuran ng aming guro. Kahit ako ay napaungol sa inis dahil gusto ko na rin na makaupo.

“Ma'am si Maxine na lang kasi ang tawagin n'yo, siya lang naman kasi lagi ang nakakasagot ng tanong niyo eh,” may puntong saad ni Lawrence.

Sinulyapan ako ng tingin, pero agad din naman itong umiwas dahil masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

“Kapag si Max na sumagot uuwi na ‘ko, labasan pala ng talino rito eh,” aniya pa ni Lawrence.

“Maxine sagot ka na dali, para makaupo na kami. Nangangalay na kami oh!” sambit pa ni Hiro.

My lips curved. “Sige kayo na sumagot," I murmured.

Ako naman palagi, nakakainis!

Minsan, kahit ayokong sumagot ay napipilitan ako dahil alam nilang ako lang ang tagasalo nila kapag naiipit sila sa mga tanong ng mga professor namin, pero hinahayaan ko na lang ito.

That's the reason why I became a famous student here on our campus. Honestly, I don't want attention from other people dahil alam kong sa mga tingin pa lang nila sa akin ay nararamdaman ko nang nahihila ako pababa ng mga mapanghusga nilang mga mata.

Bumuntong-hininga ako. Nang magkasalo kami ng tingin ni Ms. Castro ay alam ko na ang susunod niyang sasabihin, kaya hinanda ko na ang sarili ko.

“Do you have anything to share about our topic today, Ms. Claveria?” tanong ni Ms. Castro. “Ikaw na ang sumalo para sa mga kaklase mo.”

Napatingin naman silang lahat sa akin.

I could feel a bit of pressure that's surrounding me right now. Hindi naman kasi maiiwasan na kabahan ka kapag tinatawag ka ng guro. But now, the pressure inside me suddenly vanished into thin air as I stepped forward.

“Repression is where an individual unconsciously pushes distressing thoughts, memories, or feelings out of their conscious awareness,” I stated. Nakalahad pa ang mga kamay ko habang nagsasalita. “Katulad na lang po ng isang scenario na kung saan ako ay bumagsak sa isang pagsusulit or long quiz, and as a student, I barely remember the exam or the aftermath, even though it had significant impact and consequences to me, lalo na kapag ito ay college entrance exam.”

“Then, how about the defense mechanism in that scenario?” kunot-noong tanong ni Ms. Castro.

Para naman akong ginigisa sa thesis nito. Bakit ba kasi nagrepresenta pa akong sumagot?

I gulped. “There, we can see that our unconscious mind is repressed by that memory of our failure to protect our self-esteem and prevent our feelings of shortcomings po,” I added. “By relegating these memories to the unconsciousness of our mind, we attempt to maintain a sense of psychological balance and protect our emotional well-being as well.”

Napatango naman nang marahan ang guro namin. Her facial expression almost says it all that she was impressed.

“Sa madaling salita, ito ay ang hindi malayang pagharang sa ating damdamin o isipan ng hindi katanggap-tanggap sa atin,” paliwanag niya. “Tulad na lang na kapag tayo ay nakaranas ng isang traumatic na pangyayari sa ating buhay ay maaaring hindi na natin ito maalala pa dahil ito ay na-repress na.”

Bumahid ang ngiti sa labi ni Ma'am Castro habang nagpapaypay ito pabalik sa kanyang desk.

“That's how you explain repression in a simple manner that anyone could understand, kahit bobo ka pa,” turan niya pa sa amin. “Makakaupo na kayong lahat, maliban kay Ms. Noemi Ventura.”

“Ma'am, bakit hindi ako kasama?” gulat na tanong ni Noemi, halatang nairita sa itinuran ng professor namin.

Tiningnan naman siya nito nang masama matapos ilapag sa desk ang white board marker.

“Magkikita pa tayo mamaya, I need to talked to you,” Ms. Castro seriously replied.

Tuwang-tuwa naman ang mga loko dahil tapos na ang pagpapahirap sa amin, habang si Noemi ay halos nangangatog na ang mga paa dahil mahigit kalahating oras na rin kaming nakatayo at mas nadagdagan pa ang sa kanya.

Wala naman akong magagawa dahil baka pati ako ay patayuin ulit kung susuwayin ko ang professor namin.

“Max, nangangalay na ako,” mahinang reklamo sa akin ni Noemi at nakanguso pa sa akin.

I heaved a sigh. Magtiis siya diyan! Kasalanan niya naman na nagbiro pa talaga siya kay Ms. Castro.

Magbiro ka na sa lasing, ‘wag lang sa professor naming na palaging gising.

“Pinasasagot ka kasi tapos hindi mo pala alam,” mahinang turan ko. “Akala ko ba nag-review ka kagabi?”

Napakagat ito sa ibabang labi niya at marahang tumango sa akin.

“Oo nga, nag-review ako ng mga binili kong mga damit at skincare ko online,” pilosopong sagot niya. “Kulang pa ba ‘yon, Max? Kailangan ko na ata bumili pa ng isang buong make-up set.”

I rolled my eyes because of frustration. Napasapo na lang ako sa aking noo at napapikit nang marahan.

Ewan ko ba sa kanya! Kapag pinipilit ko siyang sumama mag-review laging tumatanggi sa ‘kin, pero sa galaan at walwalan lagi silang present ni Kevin.

“Gaga ka talaga!” asik ko kasabay ng paghina ng aking boses. Mabuti na lang at ang katabing lalaki ko lang ang nakarinig nito.

Napasulyap naman ako sa bintana at nakitang abala ang mga lalaking naglalaro ng basketball. Nakilala ko naman agad ang dalawang lalaki—sina Heinz at Carvin, kasama nitong naglalaro ang isa sa mga guwapong varsity player na naging MVP last year.

Even if my vision is not perfect, I can clearly see the man who's wiping his sweats using his varsity shirt. Kaya napalagok ako ng madiin ng makita ko ang maumbok nitong anim na tinapay na pinagpapawisan.

The girls at the bench were screaming his name na animo'y mga avid fans niya at natutunaw sila sa isang ngiti niya lang.

August Ramerio Wyvien is not just a typical handsome, talented and well-rounded student, but also an infamous slash jerk heartbreaker. Marami ng napaiyak na tourism students ito at madalas pa ay lumalandi rin sa mga psychology. Kung saan maraming magagandang babae ay doon ang diretso niya na parang isang linta na nakakapit sa ‘yo kapag nagustuhan ka niya.

Noong nakaraang araw nga lang ay narinig ko kina Noemi at Kevin na may kasabayan itong babae habang nakatambay sa study area, tapos palagi raw itong nakatambay sa department ng tourism kasama iyong isang lalaki na kaibigan niya.

They're both cute and funny, but I don't like neither of them. Sadyang malakas lang talaga ang kapit ko sa tsismis kaya lahat ay alam ko tungkol sa kanya—and I'm not a stalker. Malamang lahat ng iyon ay galing kay Kevin dahil may gusto ito kay August, pati na sa isang kaibigan nitong lalaki.

Hindi ko rin naman siya masisisi dahil bukod sa gwapo na ang lalaki, matalino at masipag pa, pero kasalungat naman iyon ng mayroon si August.

“Tara na, Max! Tambay na tayo sa Canteen!” pagtawag sa akin ni Noemi.

Ngumiti naman ako nang malawak sa kanya bago ko inilapag ang bag ko. Iiwanan ko muna ito rito dahil dito rin naman gaganapin ang susunod na klase namin, kaya hindi na namin kailangan pang lumipat ng silid.

Pagpasok ko pa lang sa Canteen ay dumugan na ang mga tao roon at ang ilan pa, akala mo mamamtay na sa gutom kakamadali na pumila. Dinaig pa nila ang palengke rito.

“Caleb, huwag mo kalimutan ‘yung sabaw namin ni Sol ah!” sigaw ng isang lalaki sa gilid ko at hindi ko napagtanto kung sino ito, pero nahimigan ko ang kanyang malalim na boses.

Nang pasadahan ko ng tingin ang lalaki ay bigla rin siyang napatingin sa akin at sumilay ang ngiti sa labi niya—si August pala ang sumisigaw do’n sa kaibigan niyang lalaki.

“Umayos ka nga nang pagkain, August! Para kang patay-gutom diyan!” asik sa kanya ng babaeng katabi at binatukan pa nga, pero tuloy pa rin ang pag-ngiti niya.

Akala ko ay seryosong tao ito pero sa nakikita ko ngayon ay para siyang isang bata kung umasal, and that's what makes my heart flutter.

Ilang pulgada lang ang layo namin sa isa't-isa. Bigla namang may humila sa akin at hinigit ang braso ko papunta sa kabilang table. Nang magtagpo ang tingin namin ni Noemi ay napakunot-noo ito.

“Bakit nakatunganga ka ro’n? Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo yata ako naririnig,” saad ni Noemi.

“May problema ba, Max?” tanong ni Via, kaibigan ko mula sa tourism department. Kasama niya rin ang ilang mga ka-blockmates nito na lagi kong nakakasabay kumain.

“Wala, ano ba kayo! Kumain na tayo, gutom na rin ako,” saad ko.

Habang hindi maalis ang tingin ko sa lalaki ay panay naman ang sulyap sa akin ng ilang mga kalalakihan mula sa engineering department.

Nginitian niya ba talaga ako kanina o baka ibang tao ang sinusulyapan niya?

Mabilis akong napasubo sa kinakain kong kaldereta. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang may mali sa nararamdaman ko ngayon. Nang sulyapan ko ulit siya ay nanlaki lang mata ko sa gulat dahil seryosong nakatingin ito sa akin, samantalang naghaharutan naman ang dalawang kasama nito sa table.

Iniwas ko ang tingin ko at inilipat ito sa nag-uusap kong mga kaibigan. Mas lalo tuloy napabilis ang kain ko kaya nang matapos ako ay agad akong tumayo at nauna na sa kanila. Napatakip ako sa aking bibig habang pabalik sa silid.

Tinamaan yata ako ng ligaw niyang ngiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top