Chapter 5
“Bakla!” Halos umalingawngaw ang boses ni Kevin sa buong promenade kaya mariin akong napapikit.
Napagawi ang tingin namin ni Noemi sa kanya na paparating sa table namin. Halatang masayang-masaya siya sa balitang narinig niya.
“Konfirm na konfirm na talagang ikaw ‘yung pinaparinggan niya siya sa tweet niya, gurl! Shuta ka!” Hinampas pa nito ang balikat ko bago umusog at umupo sa tabi ko.
Dumating ito na puro kolorete ang mukha na akala mo sasabak sa beauty contest, pero magpapa-cute lang naman sa mga gwapong dumaraan dito sa promenade.
Napatingin tuloy sa table namin ang ibang estudyanteng nakarinig sa sigaw niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Tuloy, mukhang ako na naman ang usap-usapan nila dahil sa tsismis ng babaita!
I scowled and rolled my eyes. “Sige lakasan mo pa! ‘Yung abot hanggang Engineering Department.”
Natawa naman ang loko sa sinabi ko at dali-dali akong kinurot sa tagiliran. Hindi ko na rin tuloy mapigilan pakawalan ang kanina ko pang magkahalong kilig at tuwa na pumapalibot sa akin.
“Sus, Maxine! Pinapangalandakan niya na ngang crush ka niya, pero todo snob ka naman sa kanya kapag napapadaan siya!” Kevin bantered.
Totoo naman, and I can't deny it dahil sa tuwing mapapagawi siya sa department namin ay agad na lumiliko ang direksyon ko bago pa man ako nito mahagip ng mga mata niya. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ko kailangang umiwas sa kanya na parang kasalanan ko pang may gusto siya sa akin.
Hinampas naman ako ni Noemi nang marahan sa balikat. “Baliw ka! Inignora mo pa ‘yung comment niya,” natatawa niyang sambit. “Baka umaasa na ‘yun na re-reply-an mo siya.”
“True ka diyan, Noemi!” gatong pa ni Kevs, bago ibinaling ang tingin sa akin. “Paasa ka talaga, girl! Kapag ‘yan nakuha pa ng ibang magagadang psych student, tiklop talaga ang ganda mo!”
I rolled my eyes to them. Inignora ko lang sila habang nagbabasa ako ng mga comments sa twitter. Halos putaktihin ng mga babae ‘yung tweet ni August dahil hinuhulaan nila kung sino ‘yung babaeng nasa profile niya. Ang iba naman ay panay ang mention sa pangalan ko dahil pinagkalat ba naman ng dalawa na ako ang nasa picture na ‘yon.
Tuloy, marami ang naniwala sa kanila at mas lalo pang tumaas iyong mga followers ko. I'm a private person kaya hindi ako basta-basta nag-a-accept, lalo na kung hindi ko ito kilala. Maliban na lang sa ilang mga blockmates ko at kaibigan ko rito sa campus.
“Gwapo naman siya at matalino. Hindi na siya lugi ro’n teh,” mahinang sambit ni Noemi.
“Alam mo, Isang basketbolista lang talaga ang magpabola diyan kay Maxine, hulog ‘yan!”
I snickered. “Asa kayo ‘noh!” Sabay kagat sa kinakain kong french fries at ibinalik ko ang tuon sa phone ko.
Nakalimutan yata nilang naririnig ko ang usapan nila dahil hindi naman kami magkakalayo sa isa’t-isa at kahit pa maingay sa promenade ay alam kong mas nangingibabaw sa akin ang boses ng mga haliparot kong kaibigan ko.
“Kaso… maraming ex ‘yun teh, baka agawin pa ulit,” mahinang sambit ni Noemi. “Alam mo naman…. maldita ‘yong mga ‘yun.”
Kevin scoffed at her as he carefully tried to put her contact lense. “Edi patumba natin kapag bumalik. Ex na nga sulutera pa rin!”
I scoffed as my lips stretched a smile because of his badass remarks.
“Sira!”
I somehow like Kevin's confidence. Iyon bang handang banggain ‘yung mga taong sumisira sa kaligayan niya. He's really different in any friendship that I have, and I'll surely treasured him and his treatment to us. Iyon bang uunahin ‘yung kaligayan ng iba kaysa sa sarili niya.
“Dedma na lang sa basher, bakla!” parinig pa ni Noemi habang nag-scroll ito sa mga comments sa post ko.
Truth to be told, may mga naririnig pa akong rumors galing sa iba't-ibang department pero lahat iyon ay pinagwalang-bahala ko lang. I don't care about their unsolicited opinion at ang alam lang naman nilang lahat ay may gusto sa akin si August.
It's been three weeks since that incident happened. Napatuptop na lang ako nang labi dahil biglang pumalo sa fifty thousand likes ang post ko dahil lang nag-comment ‘yung campus crush nila.
Tuloy, bumalik na naman sa isip ko ‘yung nangyayari. Medyo nagkakahiyaan pa kami nung nakaraan dahil nagkasalubong kami ng landas sa engineering department.
At hindi na talaga ako babalik doon dahil sa pang-aasar nung mga lokong lalaki sa akin!
“Shit! Bakla, nagpalit ng profile si August!” gulat na sabi ni Noemi.
“Patingin nga baks baka naka-topless sa diyan.”
Nang hablutin ni Kevs ang phone ay agad nitong tiningnan ang retrato. Ilang saglit pa, natigilan silang dalawa at marahang napatingin sa direksyon ko kaya nagtama ang tingin naming tatlo. Anong meron sa tingin nila?
My brows knotted. “What? Nagpalit lang naman siya ng pfp niya ah?” Ano naman ang pakialam ko sa bagong dp niya? As if namang picture ko ‘yung ipapalit niya roon.
Napausog ang dalawa sa kinauupuan ko at pareho silang dumikit sa akin bago ipinakita ang retrato.
“Gurl! Ikaw ‘yung nasa profile niya, gaga!” hindi makapaniwalang sabi ni Kevs at bakas na bakas sa hitsura nila ang pagkabigla.
Nang tingnan ko ang updated niyang profile picture niya ay nalaglag ang panga ko. Gago?! Totoo nga, ako ang nasa retratong iyon!
“Told yah!” rinig kong hirit ni Kevs.
He's really broadcasting on this campus that I'm his crush using my picture! Cute naman ang candid na kuha niya sa akin at saktong nakangiti pa ako habang magulo ang buhok. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ‘yung araw na nagkaroon kami ng isang group activity sa P.E at kailangan naming mag-role play ng one the spot.
Bakit hindi ko siya napansin na kinuhaan niya ako ng retrato? I didn't mind it and quickly shrugged it off.
“Kinikilig ang kiffy ko sa inyo, baks! Ilalayag natin ang ang bandera niyong dalawa.” Hindi matawaran ang ngiti ng mga kaibigan ko at naghahampasan pa nga sila. Halatang suportado sa amin.
I pursed my lips at bahagyang ngumiti. Hindi ko na ito ipinahalata pa dahil baka lalo lang nila akong asarin.
Nang matapos kaming tumambay sa promenade ay saglit muna kaming gumawi sa restroom para mag-ayos.
“Max, tara na! Magsisimula na ‘yung event,” malakas na tawag sa akin ni Kevs.
“Bahala ka kapag hindi mo nakitang rumampa sa stage si August. May topless rampa pa naman siya mamaya.”
“Teka lang naman!” anas ko.
Nag-retouch lang ako ng kaunti dahil kanina pa haggard ang hitsura ko. Sa init ba naman ng panahon at dami ng estudyante sa loob promenade ay talagang mahuhulas ako.
Paglabas ko, agad na may dalawang kamay na humila sa mga braso ko. Bago pa man ako makapagprotesta, nahila na nila ako papasok sa Main building ng engineering department, kung saan gaganapin ang event ng Mr. and Ms. Engineer.
Pagpasok namin sa building, agad kaming sinalubong nang nakakabingi na ingay ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa paligid.
Sa gitna ng hall ay makikita ang entabladong punong-puno ng mga ilaw at dekorasyon, tila handang-handa na para sa programa. Yup, kami ang nag-ayos ng mga dekorasyon na ito at natuwa naman kami dahil maganda ang kinalabasan.
The stage was set and the program is about to start in a minute.
Nakaayos na rin pala ang mga upuan sa paligid ng stage, habang may harang namam kaming inilagay sa harapan para hindi tuluyang magsiksikan ‘yung mga estudyante at mapanatili ang kaayusan sa mangyayaring event mayamaya.
Makikitang maingat rin ang mga organizers—sinigurado nilang hindi magkagulo o magkaroon ng aksidente sa loob ng building, lalo na’t umaapaw ang mga tao. Akala ko nga kaunti lang ang manonood eh halos umalon na ang mga estudyante sa buong hall at nagdagsaan pa ang iba.
Hindi nakawala sa paningin ko sina Sol at Caleb na tuwang-tuwa dahil mapapanood nila si August. At sa isang sulok ng stage, na abalang naghahanda at medyo kinakabahan, napansin ko si August.
As I gazed at his direction I notice that he stands confidently, dressed in a formal elegant suit that exudes his charm.
I can't deny it, mas gwapo nga siya ngayon sa suot niya.
He wears a sharp black coat with epaulets, added with classic black bow tie that sits beneath his coat, and especially, the one that is draped over his shoulder is a blue sash labeled "Mr. Engineer," that is trimmed with golden details that complement his epaulets.
To add the details in his charming looks, nagdagdag pa ito ng isang gintong korona sa kanyang ulo na pumaparehas naman sa partner niyang si Andrea Del Fiero.
They're both good together. Parang mas may chemistry pa nga kung magiging sila. Mukhang botong-boto naman ang iba sa mga kaklase ko dahil panay ang sigawan nila sa pangalan nina August at Andrea.
Bago ko pa mabawi ang tingin sa lalaki ay napansin kong tumigil ito sa pagtitig sa paligid nang makita niya akong nakatayo, malayo sa kinaroroonan niya.
I bit my lower lip, fighting back the smile that threatened to break through. Hindi naman siguro ako ‘yung tinitingnan niya ‘di ba?
Bigla naman may humampas sa likurang bahagi ko at nang mag-angat ako ng tingin ay napamura ako dahil bumungad ang nakangising si Kevin. Tila mabilis na nagsalubong ang dalawa kilay ko at tinabig din siya.
“Ano na namang nakita mo?” asik ko at inirapan siya. Panay naman ang sulpot niya kapag lumalayo ako sa kanilang dalawa!
He smirked. “Hulog na hulog ka naman masyado, bakla! Nakita mo lang na nakatitig sa ‘yo, sumali ka naman agad sa staring contest!” pang-aasar niya.
I scoffed. “Sa host ako nakatingin, hindi sa kanya tanga!” I reasoned out.
“Sus, bola-bola ka na naman, Maxine!” panunudyo niya pa. “Magpabola ka hanggang sa mahulog ka na sa kanya!”
Umawang pa ang kanyang labi, tanda na may pagdududa sa sinabi ko. Inignora ko na lang ito at ibinaling ang atensyon sa ibang candidates.
Nagsimula na ang contest at isa-isang nagpakilala ang mga candidates. Mas nagtilian ang mga manonood nang lumabas na ang paborito nilang pambato.
August is the crowd's favorite at halata naman iyon sa mga hiyawan ng mga babae sa tabi ko, kahit sina Noemi at Kevin ay nakikisali pa. Halatang nahihiya pa ang huli na magsalita pero sa huli ay naibigay niya naman ang confident look niya.
“Shet ang guwapo ni number five! Support ako sa mga daks!” sigaw ni Kevin at halos lamunin ako ng hiya dahil sa direksyon namin nakatingin iyong lalaking tinuturo niya pati na si August.
Mabilis na dumaan ang question and answer portion pero ang mas tinutukan ng lahat ay iyong sagot ni August. Hindi nga halata sa mukha niya na kinakabahan siya pagkatapos niyang kumuha ng papel para sa tanong niya.
“So here's your question. What do you think is the most important trait an engineer should possess, and why?” the emcee asked.
Ilang segundong nanatiling tahimik ang buong hall habang hinihintay ang sagot ng lalaki. And before he opened his mouth to answer, he quickly diverted his gaze at me. Bakas ang maliit na ngiti sa labi niya na parang kaya niyang ipanalo ito.
“As a future Engineer, I believe the most important trait an engineer should possess is problem-solving ability. Engineers are tasked with finding innovative solutions to complex challenges, whether it's designing safer structures, developing efficient systems, or creating sustainable technologies. This ability ensures that we contribute meaningfully to society's progress,” he confidently answered.
Naramdaman ko naman ang malakas na hampas sa akin ni Kevin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Shet, bakla! Mukhang talo na ‘yung manok ko,” anas ni Kevs. “Ang galing ng pambato mo teh, may ibubuga rin pala!”
Maganda rin naman ang naging sagot ng ibang mga kandidtato pero base pa lang sa ekspresyon ng mga judges na katabi namin, they're impressed! After the judges gave the paper to announce the winner, I saw a glint of mixed fear and sadness in August's eyes. Halatang kinakabahan ito at parang pinaghandaan niya talaga na siya ang mananalo.
The crowd's are cheering his name, and they really nailed it after August named announced as the winner for the Mr. Engineer 2024.
“Congratulations, August Ramerio Wyvien. You're hailed as the new Mr. Engineer!” the emcee stated.
Halos tumalon sa tuwa ang dalawa kong kaibigan at nagsabunutan pa nga ang ilan dahil sa labis na galak. August’s expression is priceless. He didn't expect that his answer earlier really made him to be the winner.
Nang matapos ang event ay kanya-kanya na ang alis ng ilang mga hindi pinalad na kandidtato at naiwan ang mga runner-up kasama si August. Ilang saglit kang ay muling nagtama ang tingin naming dalawa at halos dagain ang puso ko nang maglakad ito papunta sa direksyon ko.
“Una na kami baks! Hintayin ka na lang namin sa promenade ah!” mabilis na paalam sa akin nung dalawa. Talagang iniwanan nila ako sa ere. Mga haliparot!
Nang mag-angat ako ng tingin ay hindi ko namalayang halos isang pulgada na ang lapit namin sa isa't-isa.
I swallowed hard to clear my throat.
“C-Congrats… ang galing mo kanina,” I shyly said. “We cheered for you, and I think it's all worth it.”
Agad kong iniwas ang tingin sa kanya at nakayuko lang ako habang marahang kinakagat ang labi. Hindi pa rin tumitigil ang pagbilis ng puso ko lalo pa't magkalapit lang kami.
“Max…” He called me, and heaven knows how calmed his baritone voice was. Kung ibang babae ang kausap niya, tiyak akong tumiklop na ito.
I swallowed hard to clear my throat.
I heave a deep sigh, having the courage to gaze at him pero mas lalong kumabog ang dibdib ko nang magsalita ito.
He scratched the back of his head, his movements were a bit hesitant, as if he's embarrassed. “T-Thank you for coming,” he said softly, with a tinged of shyness and gratitude. “I didn’t expect you’d actually watch my performance.”
I pursed my lips with shyness. “You and it well, deserve mo naman na manalo. Everyone was cheering for you,” I said.
“Yet, your voice was lingering to me throughout the show,” his baritone voice echoed in my ears. I watched as his ears turned a faint shade of red, spreading to his cheeks.
He lowered his gaze to the ground, unable to meet my eyes, yet there was a subtle smile tugging at the corners of his lips. It was a rare expression for him—genuine and unguarded.
Napalunok na lang din ako nang madiin sa sinabi niya at halos maglaro ang mga paru-paro sa tiyan ko. Tuloy hindi ko maiwasang igawi ang tingin sa paligid dahil magkahalong tuwa at kilig ang nararamdaman ko.
“Then... I guess it’s your treat, today,” he murmured, his voice barely above a whisper, almost as if he was unsure of himself. Bigla niya na lang din tinanggal ang korona na suot niya at marahang ilipat ito sa aking ulo. “The queen owes me one, remember?”
As much as I hated to admit it, I did owe him. He’d been kind enough to lend me money for the lychee drink a few weeks ago, and while he didn’t seem to mind if I paid him back or not, I couldn’t let it slide.
I chuckled. I raised an eyebrow at him, folding my arms across my chest in mock defiance. “What do you want?”
He pursed hid lips with a hint of a grin.
“Ikaw…” His voice trailed off.
For heaven sake! Kung hindi lang ako nakahawak ngayon sa kulay dilaw na barikada na nilagay nila kanina ay baka tuluyan na akong natumba!
“Saan mo ba gustong kumain?” he asked. “I don't mind it, it's your treat naman.”
Nakita ko pa ang pahapyaw niyang pagngisi at wala na rin naman akong nagawa kung hindi ang ilibre siya.
I sigh in defeat and enjoy the food we ordered at McDo. Another mix and match for both of us… just the two of us sharing the meal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top