Chapter 4

Sabado ngayon at syempre wala pa rin talaga akong araw para sa pahinga ko dahil ako ang naka-toka sa bahay na maglinis.

Nasa kabilang bayan kasi ngayon sina Mama at Ate Jean para kamustahin iyong kumare niya na kakauwi lang kahapon galing ibang bansa at kung hindi ako nagkakamali ay Mommy ito ni Rhaiven.

Naalala ko tuloy noong unang bumisita ako sa bahay niya noon. Hindi naging maganda ang pakikitungo nila sa akin. Ma-attitude kasi si Rhaiven at hindi ko rin naman gusto ang tabig ng kanyang dila. Mas naging komplikado pa nga ang lahat nang biglang ipakilala ni Mama sa akin iyong gusto niyang maging nobyo ko—na ex ngayon ni Noemi.

I mean, I won't deny that Dylan has it all. Sa pagiging gwapo, matalino, masipag, at higit sa lahat ay binabandera nito ang watawat ng isang green flag na lalaki.

I can't really imagine how embarrassing it would be for me to tell the whole story to my friends about what happened last week at the promenade. Hindi na talaga mauulit 'yon!

Habang naglilinis ako ng sofa gamit ang bagong bili ni Mama na vacuum cleaner, biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Agad akong napahinto, pinatay ang vacuum, at umupo sa gilid ng sofa. I sighed, rubbing a hand over my forehead, bago ko inabot ang cellphone.

I mentally rolled my eyes when I saw August's name popping on my notifications. Binuksan ko na lang ang twitter at pumunta sa account ng lalaki.

“Ano na naman kaya ang pino-post nito?” bulong ko sa sarili.

Nag-iisip ako kung tungkol na naman ba ito sa mga walang katuturang rants niya sa crush niyang wala namang pag-asa sa kanya o kaya’y kung anong bagong drama ang dinadagdag niya sa buhay ko.

August @ARawrmeriow
Pwede ng humimlay sa kabaong dahil in-accept na ni crush ‘yung friend request ko. Kinikilig pa rin ako habang kumakain.

I chuckled. Sa dulo ng kanyang tweet ay may heart emoji pa. Patay na patay talaga siya a crush niya, ‘noh?

August @ARawrmeriow
5k likes, aamin na talaga ako kay crush with video at may kasama pang love letters.

Nang tinginan ko ang mga replies sa kanya ay agad akong napabusangot dahil nakita ko ang mga pangalan nina Kevs at

Kevin @dumpynikevs69 replied to
August @ARawrmeriow
Mention mo nga kung tumatapang ka na? Hahahaha

Noemi @Iamnot_noemi replied to
August @ARawrmeriow
Ay, naks naman si idol may pa video at love letter pa. Sanaol na lang talaga kay Ate girl, tinapos mo na agad ang pila!

Kevin #tarublamgsakalam @dumpynikevs69 replied to
August @ARawrmeriow
Sorry to disappoint you, girls, sa akin talaga uuwi ang asawa ko. B⁠-⁠)

Kung makapag-comment naman ‘yung dalawa ay akala mo close na close sila sa lalaki! Mga baklang ‘to! Parag gusto pa yata nilang maging kaibigan ni August.

Pumunta na lang ako sa account ko at syempre nag-tweet na rin ako. Ang tagal na rin pala no'ng huli akong nag-post dito sa twitter, kasagsagan pa yata ito ng pandemya.

Maxine Avemae
@urfav_Maxine

19 | Psychology | In pursuit of self-actualization

Maxine Avemae @urfav_Maxine
Rest day is really a hell day for me.

Inilapag ko sa lamesa ang phone ko at ipinagpatuloy ang paglilinis. Napapansin ko lang na ilang linggo nang nasa isip ko si August at pati ako ay curious na rin kung sino ba talaga iyong nagugustuhan niya sa CAS department.

Palagi ko ba namang naririnig ang pangalan niya sa dalawang kaibigan ko at parati ko pa itong nakikita na tumatambay sa department namin. Nanumbalik tuloy sa akin iyong araw na inabonohan niya ‘yung inumin ko.

I mean, I like how kind he is to me, pero hindi niya naman kailangan bayaran iyon dahil pwede ko naman itong balikan. Yet, he's the one who insist to pay, at huwag ko na raw itong bayaran.

I shrugged my head, trying to erase him in my mind. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay, katulad ng paggawa ko ng mga activities sa minor subjects ko para kahit paano ay mabawan ang gagawin ko ngayong linggo.

Hindi rin naman nagtagal ay nakauwi rin nang maaga sina Ate Jean at Mama. As usual, pagod sila dahil mahaba ang biyahe sa kabilang bayan at tatlong dyip pa ang kailangan nilang sakyan makapunta lang sa kabilang bayan.

Nagpaalam muna akong lalabas lang saglit para bumili ng makakain ko. Nagpasabay na rin si Ate Jean ng pagkain niya at nag-abot sa akin ng isang-daan.

Nagmadali akong lumabas at naglakad nang mabilis sa makipot na daan. Mabuti na lang talaga at hindi masyadong mainit ang panahon ngayon kaya’t hindi ko na naisipang magdala ng payong.

Nang makarating ako sa isang convenience store, agad akong pumasok, at agad na binati ng malamig na simoy ng aircon ang aking balat. Tumungo ako sa paborito kong section at pumili ng ilang mga bibilhi kong pagkain.

Sa huli, binili ko ang ilang snacks, plus ‘yong paboritong sisig ni Ate, at isang lychee drink na palagi kong binibili rito.

“I received 500 po and your change is 272 pesos,” nakangiting sabi ng cashier.

“Thank you!” Pagkatapos kong magbayad, nakahanap ako ng bakanteng mauupuan at dali-dali akong gumawi roon.

Isa-isa kong inilapag ang mga pagkain, at naisip kong manatili na lang muna rito nang matagal-tagal. Alam ko kasing oras na makauwi ako, may mahaba-habang kwento na naman si Mama tungkol sa buhay ni Tita Maricel, at syempre, hindi mawawala ang paborito niyang pagkumpara sa akin kay Rhaieven.

Habang abala ako sa pagkain, hindi ko agad napansin na may umupo pala sa tabi ko. Nang lingunin ko ito, nakita kong isa itong lalaki na nakasuot ng kulay abong hoodie at itim na pantalon. Hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil nakatalukbong ito gamit ang hoodie niya.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko nang piattos habang nag-scrool sa feed ng twitter ko. Wala naman masyadong bago at hindi kona rin sinubukang tingnan iyong account ni August.

Nag-post na nga lang ako nang retrato sa twitter ng mga binili kong pagkain.

Maxine Avemae @urfav_Maxine
Saturday snacks! Gonna enjoy my time for a while.

Ilang segundo ko pa lang iyong napo-post ay nagulat akong marami na agad ang likes nito at ang mas ikinabigla ko pa ay nang biglang magpop-up ang pangalan ni August at nag-reply pa nga ito sa tweet ko.

@ARawrmeriow likes your tweet.

August @ARawrmeriow replied to Maxine Avemae @urfav_Maxine
Eatwell, Miss C. Love your drinks, btw.

I blush after reading his reply. Akala ko mapapatahan na ang puso ko sa pagbilis nito, pero mas lalo akong napakapit sa dibdib ko nang marinig ang baritonong boses ng lalaki.

“I don't like lychee flavor, Max. But… I can give it a try, I guess?”

Napalunok ako nang madiin. What the hell?! Of all convenience store here in our town, bakit dito pa talaga siya tumambay?

Nang mag-angat ako nang tingin sa lalaki ay umawang ang labi nito at nagawa niya pa talagang basain ang kanyang labi bago binuksan ang binili niyang lychee drink.

I don't know if this was just a coincidence, or I'm just in a hellish nightmare. I really hate seeing him around all the time!

Abala kami ngayon sa room. Inaayos namin ang mga kurtina at iba pang mga props na gagamitin para sa gaganaping event bukas. Tapos na kasi ang screening ng mga candidates sa CBEA at CAS, kaya sa pag-aayos naman ng mga kagamitan nila ang kailangan naming asikasuhin.

“Max, tara Mix and Match tayo sa Mcdo mamaya,” pag-aya sa akin ni Kevs.

Bumaling naman ako sa direksyon ni Kevin at saka umiling. “Pass, wala na akong extrang budget ngayon. Pang-print ko na lang ‘toh para sa research paper namin.”

“Ang gastadora mo talaga, bakla! Anak ka ba ni Henry sy, ha?” usal ni Noemi. “Nagtitipid na nga ‘yung tao dito oh, niyaya mo pa.”

Napabusangot naman si bakla at nagsalubong ang kilay nito. Based on his facial expression, alam kong pinagmumura niya na ang babae sa isip niya.

“Hoy, tangina kang babae ka! Baka gusto mo naman kaming tulungan dito? Kanina ka pa sayaw nang sayaw diyan, mukha ka namang timang!” malakas na sigaw ni kevin kaya napalingon sa kanya si Noemi.

“Mag-antay ka, Kevs! Busy pa ako sa bagong trending na say—” Bago pa man matapos ni Noemi ang sasabihin niya ay hinablot na lang bigla ni Kevin ang kanyang buhok.

Sinamaan naman siya nang tingin ni Noemi at wala rin itong nagawa kung hindi ang tumulong sa amin na matapos ang ginagawa. Bukas na kasi ang event kaya kailangan talaga namin ng maraming tao na tutulong ngayon!

Akong na nga rin naglinis nung mga uupuan ng mga candidates, si Kevs at Noemi naman ang nakatoka para sa paglalagay ng mga pangalan nila.

Napahawak na lang ako sa sintido ko dahil nagtalo pa ang dalawa kung sino ang maglalagay sa upuan ni August.

And in the end, we got the rest we needed for this day. Wala talaga kaming klase ngayon dahil sa maraming events na gaganapin, at isama mo pa iyong mga booths na nagkalat ngayon sa buong main building ng campus.

Dalawang oras na ang lumipas at tapos na rin kami sa lahat ng kailangan gawin. Inilapag ko na lang ang ilang clipboard na naglalaman ng mga listahan nang candidate. Hindi naman nawala sa paningin ko ang pangalan ni August at sila pala ang unang sasalang.

Well, goodluck for him. Manalo man o matalo, I know he did his best to bring the crown of Mr. Engineer this year.

“Nasaan si Noemi?” tanong ko kay Kevs, naabutan ko pa itong lumalagok nang tubig sa tumbler ni Noemi.

“Bumalik lang sa office niyo, may mga props pa kasi na nandoon at hindi pa nalalagay. Pinakuha sa kanyan kanina ni Sir daks,” sagot niya. Ang hilig niyang tawagin ng gano'n si sir Manuel dahil palagi itong nakasuot ng fitted pants.

“Sa promenade na lang tayo mag-antay. Chat mo na lang siya para alam niya kung nasaan tayo,” aniya ko. Iilan na lang kasi kaming natitirang estudyante rito dahil tapos na rin naman ang mga ginawa namin.

Dali-dali nitong kinuha ang gamit niya pati na ang kay Noemi bago kami gumawi sa bench ng promenade.

“Taray, ganda mo pa rin baks kahit haggard na!” sabi ni Kevs. “Samantalang ako mukha ng kargador.”  He pouted at me, and I laughed.

“Simulan mo nang sumimba, baka sakaling gumana ka pa!” pang-aasar ko sabay hagikgik.

“‘Di ko na kailangan niyan, didiretso din naman ako ng impyerno. Sayang lang pagpapaganda ko, ‘noh! Masunog pa balat ko sa simbahan niyan!” natatawang sagot niya.

Dito na muna kami nag-antay dahil may silong banda rito sa bench at hindi pa masyadong mainit sa lugar na ito. Marami kasing tao sa study are ngayon at punuan pa sila roonn kaya wala talaga kaming mauupuan.

Dumadapo na nga ang malakas na hangin kaya kinuha ko sa bulsa ang panali ko at ibinun ang magulo kong buhok. Hindi naman yata ako magmumukhang hagadera kahit sobrang gulo ng buhok ko.

After fifteen minutes, nasa bench na rin si Noemi. Bumili na muna kami ng makakain namin dahil hindi pa kami nagtatanghalian.

“Gusto niyo bang sumali sa youth campaign? Sayang din kasi ‘yung kikitain natin do’n. Malaki-laki raw ito at makakuha pa tayo ng libreng scholarship sa gobernador kapag natapos iyong buong sem.”

Napagawi ang atensyon namin kay Kevin na seryosong-seryoso ang mukha. Hindi ko madalas nakikita ito sa kanya pero kapag seryoso ito ay alam kong meron itong dinaramdam na problema.

He risk his dream course at ipinaglaban niya pa ito sa tatay niya dahil gusto niyang maging Psychometrician. Nalaman ko na lang na kaya pala gustong-gusto niyang kuhain ang kursong ito ay dahil isa depresyon ang ikinamatay ng kanyang ina.

“Hindi ko lang sure kung pwede ako…” Noemi's voice trailed off as she sips in her ice tea.

“Bakla, keri naman nating pagsabayin ‘yung acads natin at itong youth campaign. Isa pa, mas magaan na ngayong sem dahil kaunti na lang ang pinapagawa sa atin.”

I slowly nodded. May point naman siya.

“Saan naman ‘yan?” tanong ko.

He gazed at me. “Sa kabilang bayan pa. Medyo malayo ito pero keri naman ang biyahe papunta. At saka tatlong beses lang naman tayong a-attend sa isang buwan. Hindi na rin masama, ‘di ba?” aniya pa ni Kevin.

“Next time na lang ako, baks. Marami akong alagain ngayon eh,” sagot ni Noemi.

Tumango naman si Kevin bago ako balingan ng tingin. “Baka gusto mong sumama, Max? Maraming gwapo ro'n kaya ‘di pwedeng hindi ka sumama sa ‘kin.”

I chuckled. “Ako pa tatangi? Chance ko na ‘tong lumandi ‘noh!” At chance ko na rin ito para makalayo man lang sa pamilya ko tuwing weekends.

At least I have another excuse para hindi ako sumama kapag sumasamba sila ni Ate Jean. I really hate staying at home when it no longer serves me as my comfort zone. Palagi akong nasasakal kapag kaharap sina Mama at Ate Jean na walang ibang ginawa kung hindi ang magsalita ng masama sa ibang tao na parang gamot na sa kanila ang paninira sa iba.

Dahil dakilang gastadora si Kevs, pinilit pa kami nitong mag-mix and match sa Mcdo at sakto namang may sobra pa akong perang natitira rito.

Sa tapat ng school na kami nag-antay ng masasakyang jeep at ilang saglit lang ay saktong may pumara agad nang jeep. Nauna na akong pumasok at umupo sa unahang bahagi malapit sa driver. Nasa kana ko si Kevs habang katapat ko naman si Noemi.

Nahagip ng mata ko ang pagpasok ni Sol kasama ‘yung isang kaibigan nitong lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay isa rin ito sa mga kaibigan ni August.

“Pango, sumabay ka na sa amin. Ang arte mo talaga! Hindi kita ililibre diyan ng spaghetti, ‘tamo!” masungit na saad ni Soleil sa lalaki at nang matanaw ko ang pigura nito ay nakita ko ang nakabusangot na mukha ni August.

Si August pala ‘yung tinatawag niyang pango?! Akala ko ay kung sino ‘yung tinatarayan ni Sol.

“Kulit mo talaga bantot, may dadaanan pa nga ako!” inis na sagot ni August. “At saka wala ng pwesto oh, hindi na ako kasya diyan!”

“Kasya pa dalawa rito, kumandong ka na lang kay Lebleb,” aniya pa ni Sol. Nakita ko pa ang bahagyang pagtawa ni Caleb.

Nang igawi ng lalaki ang tingin sa loob ng dyip ay nahagip ng mata ko ang pagtingin nito sa akin pero agad din naman siyang umiwas at palihim na napakagat sa kanyang ibabang labi.

Sakto namang may kaunting espasyo pa sa kanang bahagi ni Noemi at naramdaman ko ang pag-alog ng dyip, tanda na pumasok na ang lalaki sa loob. Sinubukan ko pang itago ang sarili ko kya Kevs, pero baliwala lang ito dahil puro mahihinang pang-aasar at panumudyo ang ginawa nila sa akin.

Lord, bakit ba araw-araw mo akong sinusubok? I'm not really your strongest soldier right now.

“Libre mo na pamasahe baks, bayaran ko bukas,” mahina kong wika. Tumango naman ito matapos kunin ang singkwenta pesos sa wallet at inabot kay Noemi para ibayad sa driver.

Isang saglit pa ay natulig ang tainga ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Kevs.

“Maxine, paabot nga nung sukli ko!”

Siniko ko ang huli pero balewala lang ito sa kanya, pati si Noemi ay halatang pinipigilan ang tawa sa harapan namin.

“Gago ka talaga, Kevs!” mariin pero mahina kong sabi at pinanindilatan siya ng mata dahil sa pagsigaw niya.

Hanggang sa pagbaba namin ng dyip ay hindi pa rin natigil ang panunudyo nila sa akin.

“'Wag kang assumera,girl! Baka dito rin sila nagkataong kakain,” sambit ni Kevin.

I just ignored their remarks at nagpatiuna ng maglakad. Pagpasok namin ay agad na akong naghanap ng mauupuan. Ang dalawa naman ay dali-daling nag-unahan para pumila sa counter.

I chuckled inwardly. Gutom na gutom?

Nang matapos makuha ang order naming mix and match ay nagsimula na rin silang kumain. Sakto namang katapat kong kumain si Noemi na mas matangkad sa akin para harangan ako nito sa lalaking nasa kabilang table.

And of course, buong araw na naman yata nila akong aasarin nang dahil sa pagpunta ni August dito sa Mcdo.

“Baka naman kasi coincidence lang baks, overthinking ka masyado,” mahinang sambit ni Noemi.

I rolled my eyes and quickly took a bite of my fries.

“Perfect ako kanina sa quiz,” rinig kong pagyayabang ni August kay Sol.

Hinampas naman ng babae ang balikat niya kaya napangiwi ito. ''Ang daya mo! Sabi mo hindi ka nag-review. Loko ka talagang pango ka!”

''Sana kasi nag-review ka rin para hindi itlog ang nakuha mo.” Marahang tumawa si August sabay mabilis na pagsubo nang spaghetti sa kanyang bibig.

“Nangopya ka lang siguro, ‘noh? Chamba lang talaga ‘yon dahil lagi ka rin namang itlog sa quiz!” anas pa ni Sol.

Dinilaan naman ni August si Sol at inasar-asar pa ito. At sa paraan ng pang-aasar niya sa babae ay hindi ko maiwasang mahawa sa tawa nila.

Yup, he's a little bit of childish in front of his friends, pero parang iba tao ang nakikita ko sa kanya kapag nasa eskwelahan siya. He's more manly and matured, katulad na lang noong nakausap ko siya sa promenade dahil sa lychee na inumin ko.

“Una na ‘ko, pango! Late na ako papunta sa Vermont, ingat kayo!” paalam ni Sol sa dalawang lalaki.

Nang matapos silang kumain ay napansin kong nagmamadali pa na lumabas si Sol at naghanap ng masasakyang dyip. Nauna na ring magpaalam si Caleb sa kanya kaya siya na lang ang naiwan.

Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ng kaibigan ko kaya napaangat ako nang tingin.

“Max, cr lang kami,” paalam ni Kevin.

Tumango naman ako sa kanila at pinagpatuloy lang ang pagkain ko nang fries na isinasawsaw ko pa sa sundae ko. Ang sarap kayang paghaluin!

When I glanced back at August’s table, I noticed him abruptly standing up and starting to walk toward me. My heart almost jumped at the sound of his footsteps nearing. Ano na naman ba ang kailangan ng lalaking ‘to?

As he approached, he stopped beside my table and carefully placed a drink down, scratching the back of his neck with an awkward, slightly nervous expression.

He seemed almost shy, and tried not to look straight at me.

“A-Ano ‘yan?” kunot-noo kong tanong na medyo kinakabahan pa. Hindi pa nga rin nawawala iyong kaba sa dibdib ko kapag kaharap siya.

He shifted uncomfortably but met my gaze, his voice calm and soft, yet tinged with a quiet uncertainty.

“I bought an extra Lychee,” he said with a low baritone voice. “Hindi ko rin naman ito mauubos kaya… iyo na lang. I remembered it's your favorite, ‘di ba?”

I gulped. He remembered it?

Mahinhin lang ang kanyang boses pero halos magsumigaw na ang puso ko dahil sa sinabi niya. He literally remembered a small part of me! Of course,  it's a big deal for me.

I was almost taken aback for a moment. Before I could respond, he gave me a quick, almost embarrassed nod and turned to walk away. I watched his retreating figure, the hint of hesitation in his steps, hanggang sa tuluyan nang umalis ang huli sa harapan ko.

Napakunot-noo ako. I looked down at the drink he’d left. It was then that I noticed a small note attached to the cup.

“Nag-iwan pa talaga siya ng sulat dito…” My voice trailed off.

Carefully, I peeled it off, medyo basa na nga rin ito. As I began to read it, my heart almost inexplicably raced as I absorbed his neat, hurried handwriting.

Favorite place to eat: Mcdo, I'll also take note of this, Miss C. :⁠-⁠)

Hindi pa natapos diyan ang lahat. Biglang tumunog ang phone ko at nang tingnan ko ang notifications ay unang bumungad ang bagong tweet ni August.

I quickly tapped my phone to see his post, and to my surprise, I saw that ue posted again a picture of me eating my fries. Tapos sa kabilang retrato ay ang binigay niyang lychee drinks sa akin na may kasama pang notes.

August @ARawrmeriow
Saw my crush today, I hope she likes the lychee drink that I gave. (⁠^⁠^⁠)

I can't help myself but to blush. Napahawak na lang ako sa aking pisngi dahil sa ginawa ng huli. He was totally announcing it his fans that I'm his crush, and I couldn't help it!

Iba ka talaga, Ramerio!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top