Chapter 3
Napatigil tuloy ako sa pagsusulat dahil sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko. Huminga muna ako nang malalim bago ito kinuha. Kinukulit na naman siguro ako ni mama na sumali sa youth fellowship namin!
Nang tingnan ko ang bumungad sa notifications ko ay nanlaki ang mata ko. Mabilis pa akong napasinghap at napamura nang malakas kaya napatingin sa akin sina Kevin at Noemi.
August Ramerio Wyvien sent you a friend request.
just_rawmeriow started following you.
ARawrmeriow requested to follow you.
Did he just stalk all of my accounts?!
“Bakla, bakit parang nakakita ka diyan ng multo?” tanong ni Kevin.
“Multo ba talaga… o nagpaparamdam na namang ‘yang ex mo?” nakangising saad ni Noemi.
“Sira! Nag-text lang si mudra sa 'kin.” I reasoned out. “Tara na nga, kumain na lang tayo, kanina pa ‘ko nagugutom eh.”
Hindi na nagsalita pa ang dalawa nang tumayo ako at isinarado ang notebook, saka sila sinundan palabas ng pintuan. Inilagay ko na rin ang cellphone at wallet ko sa bulsa Pinagwalang-bahala ko na lang ang nakita ko kanina. He just want attention, Maxi! Kaya ipahalata mong hindi ka interesado sa kanya.
Habang nasa canteen kaming tatlo ay may kanya-kanya kaming ginagawa. Imbis na kumain ay humahagikgik ang dalawa sa harapan ko at kinukuhaan ako ng retrato, hindi para kunan ako, king hindi para i-zoom ‘yung mga gwapong varsity player
“Ang lalandi niyo talaga!” suway ko sa kanila.
Kevin rolled his eyes. “Malandi lang pero hindi pakarat, ‘noh!” sabay baling ulit nilang dalawa sa larawan.
I bit my lower lip after I opened my twitter. Ang nag-iisang notification na bumungad kanina ay agad kong pinindot at palihim na tiningnan ang account ng lalaki.
I still don't get it why he's following me? Anong trip ng lalaking ‘to?
August
@ARawmeriow
20 | Civil Engineer | Boyfriend Material
175 Following | 13,570 Followers
Wala namang kakaiba sa account niya. He's more aesthetic on his account, lalo na iyong profile niya.
In his black-and-white profile, he stands in a casual, relaxed pose, slightly tilting his head to one side with a subtle smile. I also notice that he's wearing a light-colored baseball cap that is pulled low, partially obscuring his curly hair and casting a shadow over his eyes.
In short, it was aesthetically pleasing in the eyes. His expression is also calm and slightly playful, as if he’s caught in a spontaneous moment.
I quickly scroll down to see what his tweets are up to. Baka puro kalokohan lang ang nandito—and I was right! Mukhang hulog na hulog talaga ang lalaki sa crush niya.
August @ARawmeriow
Ito na nga aamin na. Take the risk or lose the chance ika nga, mukhang may pag-asa naman kay crush.
August @ARawmeriow
Hindi pa handang ma-reject kaya idadaan na lang sa makalumang paraan.
August @ARawmeriow
I'll confess my feelings to my crush using love letters once it reaches 10K likes, bagalan niyo lang ang pag-like, please ^_^
August @ARawmeriow
Makita ko lang si crush sapat na :-)
Of course, maraming likes ito at halos puro babae rin ang mga nag-comments sa tweet niya na halatang may mga gusto sa kanya at mangilan-ngilan lang ang reply nito sa mga fans niya.
Nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako finollow. Habang nag-scroll ako sa mga tweet nito ay may bumungad ulit na bagong notification.
Napalunok ako nang madiin at halos manlaki ang namimilog kong mga mata. ang kaninang ingay na naririnig ko sa dalawa ay mistulang naglaho.
August @ARawmeriow
You don't need to stalk my account, Miss. M, I can prioritize talking to you 24/7.
The heck?! Bumungad sa akin ang bagong tweet ni August at may kasama pa itong isang candid photo na agad ko rin namang napagtanto kung sino ito.
He's taking a picture of me, and posted it on his twitter! Mabilis akong napalingon nang mapagtantong nasa canteen din pala ang lalaki. My heart is pounding loudly against my chest.
I squinted and roamed my eyes around at nahagip nga ng mata ko ang lalaking nakaupo sa likurang bahagi ng mesa na ngayon ay nakangisi na sa akin.
“Sino nililingon mo riyan?” tanong ni Noemi nang kalabitin nito ang kamay ko.
I fake a smile. “Ah… wala lang 'yon."
“Tangina ka, Max! Anong wala lang?! Ikaw ba ‘tong nasa bagong tweet ni August?” sigaw ni Kevin at halos hindi makapaniwala sa nakita.
Napatayo pa talaga ito sa gulat na akala mo nakahukay ng malaking tsismis.
Hinampas niya ang balikat ko. “Shuta ka, ikaw nga ‘yun, girl!”
“Weh, saan? Patingin nga!” Mabilis na hinablot ni Noemi ang phone ni Kevs para tingnan ang tweet, and of course, she also gasped. Ang OA talaga nila!
“Inamo, baks ‘yung boses mo!” mariin kong sabi at hinigit ang I'd lace nito para umupo. “Siraulo ka talaga!”
“What?! Are you stalking him?” nagtatakang sabat pa ni Noemi.
“Hindi ah! Tinitingnan ko lang naman…” My voice trailed off.
Noemi let out a playful laugh. “Iba talaga ang ganda ng isang Maxine Claveria!”
“Gago!” I cursed.
“That's literally stalking, duh!” Kevin rolled his eyes like he always used to do. “And why the hell did he post a candid picture of you—don’t tell me Max…” Napasinghap naman si bakla at napatakip nang kanyang bibig ng mapagtanto ito.
I scoffed. “Hindi gano'n ‘yon, baliw! He's following me on all my social media accounts, kaya ko ini-stalk ‘yung account niya. ‘Yun lang!” Sabay mabilis na subo ko sa kanin at ulam. Inirapan ko pa ang dalawa dahil malaki ang ngisi nila sa labi.
Hindi naman siguro big deal ‘yun at isa pa, I won't stalk him if he didn't follow all my socials in the first place! Mabuti nga at dinelete ko ang lahat ng request niya dahil baka maghinala pa ‘yung mga followers niya kapag in-accept ko siya!
Ilang saglit pa ay hindi nakapagsalita ang dalawa sa harapan ko at para rin silang nakakita ng multo dahil naestatwa sila sa kanilang posisyon.
I chuckled. “Anyare sa inyo?”
Noemi gulped hard. “Max… si ano…”
Naramdaman ko na lang ang isang mainit na hangin na dumapo sa tainga ko, and when I slowly turned my gaze to my side, our eyes met again. That jerk’s face that I don't want to ever see again!
I saw his playful smile at me. Mas malapit pa ang distansya ng mukha niya sa akin kaya halos kumabog nang mabilis ang puso ko. Pati yata ako ay naestatwa dahil sa kanyang hitsura.
“Stop liking to my post, Miss Claveria. Baka akalain ng iba na may gusto ka sa ‘kin.” Mahina pero may bahid ng pagkaloko sa kanyang boses. “I don't want my fans to get jealous at you, unless… you really liked me.”
I really hate the tone of his voice! He is so full of himself. Hindi ko naman gusto.
I smirked. “In your dreams, Ramerio!”
He bit his lower lip, and that little smile of his almost drowned me to a filled of butterflies and flowers.
Dahil sa inis ay tumayo na ako at nagpakalayo sa lalaki—malayo sa department nila. Nakita ko pa kanina kung paano tumitig ang ilang mga estudyante sa amin at panay ang kanya-kanyang bulungan nila.
Akala ko ay makakahinga na ako pagkatapos ng klase namin pero hindi pa rin natapos ang pangungutya ng dalawa at talagang ipinakalat pa sa buong block namin.
“In-stalk lang daw pero ni-like yung mga post niya sa twitter,” pang-aalaska sa akin ni Kevs. “Lumang style na ‘yan, Maxibabe! Been there, done that, girl!”
Sinamaan ko siya nang tingin.
I mentally rolled my eyes and groaned inwardly before facing them. “That was an accident. Hindi ko naman sinasadyang ma-like ‘yun!” I reasoned out. “Atsaka, hindi naman ako interesado sa kanya. I don't date someone who is so full of himself, akala mo naman gwapo!”
Isa pa, I didn't know I was absentmindedly liking his tweets! Hindi ko ito napansin habang nag-scroll ako sa mga post niya.
Kung hindi ko pa nakita kanina ay hindi ko ito binawi. Of course, his fans are quickly escalating the retweet and likes of his new post with an edited caption of “cute stalker” kaya kalat na kalat na ito sa buong campus ngayon.
“Tinitingnan ko lang naman ang account niya at wala namang ibang meaning ‘yon,” depensa ko pa.
“First stages of grief: Denial,” saad ni Noemi. They both laughed sarcastically.
“Sige na baks, ituloy mo na ang pagiging delulu mo. Support kami diyan! Para sa tarub, iuwi mo ang korona ng pilipinas!” sigaw pa ni Kevin. Kung hindi lang siya umiwas agad sa akin ay nakurot ko na ang tagiliran niya.
I snickered. “Bantot!”
Hapon na at ramdam na ramdam ko na talaga ang pagod ngayong araw. Sa limang subject namin ay may ilan do'n na nagpa-surprise quiz at recitation tapos nag-iwan na naman ng tambak na gawain.
Sobrang dami ko pang kailangan tapusin sa buong linggo na ‘to. Hindi ko pa nasisimulan ay ramdam ko na agad ang pagod na dala nito.
Kailangan ko pang unahin yung research namin sa Experimental Psychology dahil checking na ng Chapter 1 sa susunod na linggo, sasamahan ko pa si mama para sa youth fellowship namin, tapos kailangan ko pang gawin ‘yung mga natitirang mga activities sa mga minor subjects.
It really is exhausting in college. Kung noon ay nakakagala pa ako kasama ang mga kaibigan ko at buong araw silang kakwentuhan, ngayon ay halos hindi ko na rin magawang reply-an sa mga chats nila sa akin. Yet, I'm thankful for them because they always understand our busiest days, lalo na kapag malapit na ang midterms at finals.
I let out a huge sigh. Pagbukas ko pa lang ng gate namin ay bumungad na si Ate Jean na nakasuot ng itim na bestida, pati na rin si Mama na nakabusangot sa harapan ko dala-dala ang clutch bag nito.
“Saan ang punta niyo, Ate Jean?” nagtatakang tanong ko.
Binalingan ako ng tingin ni Mama na masama ang ekspresyon sa kanyang mukha. Ano na naman ba ang nagawa ko? Palagi siyang nakabusangot kapag ako ang kaharap niya na para bang may nagawa na naman akong hindi niya nagustuhan.
“Dadalaw lang kami sa burol ng anak ni Ate Verlinda mo,” pangungunang sagot ni Mama. “Tuluyan nang nagpakamatay ‘yung anak niyang matalino dahil hindi na yata kaya nitong labanan ang sakit niya sa utak!”
“Oo nga, Ma. Sayang at graduating pa naman siya na may latin honor,” Ate Jean replied. “Nakulangan kasi sa dasal kaya natuluyan.”
See how hypocritical of them to talk shit like that? They don't really understand her situation at mas nangibabaw pa sa kanila ang pagiging relihiyoso nila.
Banal-banalan lang kapag nasa simbahan, pero kung manira ng kapwa nila ay sagad na sagad hanggang buto.
Kaya palagi kaming nagkakasagutan ni Ate Jean dahil ayaw tinatama skya sa mga sinasabi niya, and they're all against me when I raise the tone of my voice to them; while I'm just expressing how I really felt, but they just ignored it and reasoned out to their religious acts.
“Kaya ikaw, Maxine. Dalas-dalasan mo naman ang pagsisimba! Para hindi ka magaya sa baliw na anak ni Verlinda,” sermon pa sa akin ni Mama. “Baka sa susunod niyan… ikaw na ang sumunod kay Claire!”
A sharp pang of pain struck my heart, leaving me speechless in shock. Claire was now at peace, but another life had been claimed by the grip of depression—a tragedy that some people still treat as a joke, and prayers are the only hope for them to vanish the demon inside their heavy thoughts.
“Gagabihin kami kaya ikaw na ang magluto ng hapunan mo. Siguraduhin mong maiging naka-lock ang pinto, ah?”
Tipid akong ngumiti at tumango sa kanila. Nang makaalis sa harapan ko ay agad na rin akong pumasok sa kuwarto at nagpahinga. Hindi ko na nga tuluyang nahubad ang uniporme ko dahil naging malalim agad ang pagtulog ko.
The next morning, I did my usual routine. Maligo, mag-ayos, kumain, at takpan ang tainga ko sa umaga dahil sa bulyaw ng bunganga ni Mama. Hindi ko na nga lang pinansin ang mga sinasabi niya, kahit si Ate Jean ay nakatuon lang din sa phone niya.
“Huwag kasing puro cellphone ang hawak sa umaga, Maxine Avemae Claveria! Magbasa-basa ka rin ng bibliya para naman malapit ‘yung loob mo sa diyos!”
I let out a huge sigh. Bago pa man kami magkasagutan ni Mama sa pagiging relihiyoso niya ay binilisan ko na lang ang pagkilos ko para maalis na ako sa presong ginagalawan ko.
“Alis na po ako,” walang gana kong paalam. Hindi na ako lumingon pa dahil alam ko namang nakabusangot lang ang mga mukha nila.
Kapag nasa bahay ako ay hindi ko na nararamdaman na komportable ako, kaya nga sa gabi ay panay ang takas ko at naglilibot na lang sa bayan para lang malihis ‘yung mga bumabagabag sa isip ko.
Nang makapasok ako sa silid namin ay napahinto ako dahil wala ang mga kaklase ko sa loob. It's already past Eight AM at hindi pa naman pwedeng ma-late sa istriktong professor namin. Unless…. may meeting or program ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at itinext si Kevin. Nasaan ba sila?
Maxi bilat:
Bakla, nasaan kayo? Bakit wala pa ‘yung iba sa room?
A minute later, he replied.
Kevilabs:
Nasa wellness building kami. Nandito crush mo dali!
Pumunta kana rito bakla, maraming gwapo rito ‘di ka mauumay sa mga engineer.
Maxi bilat:
Gago?! Anong crush ka diyan!
Kevilabs:
‘Yung ini-stalk mong engineer, sino pa? Duh!
Napasinghal na lang ako bago inilagay ang phone sa bulsa. Dali-dali naman akong pumunta sa wellness building kung saan ay may mga estudyanteng nagkukumpulan sa loob ng malaking hall at nang igawi ko ang tingin sa buong paligid ay nakita kong kimakaway sa aki si Noemi.
“Max, dito!” rinig kong tawag niya.
Lumapit naman ako sa posisyon nila at nakita kong nagvi-video sa cellphone si bakla, habang si Noemi naman ay nakangiting nanonood pa.
“Anong meron?” tanong ko kay Noemi.
“Bakla, hindi ka nagbabasa ng announcement sa gc! Ngayon ‘yung practice ng mga nakuhang representative para sa gaganaping event next week,” sagot niya. “Isa nga si August sa mga representative na nakuha nila.”
Hindi naman ako nabigla sa sinabi niya dahil nauna ko pa itong nalaman no'ng nasa office kami.
“Hindi ko nga ina-accept ko na ‘yung mga follow request niya, kahit ilang beses na siyang nangungulit” mahina kong sabi.
“Gago, weh?” they muttered in unison. Ang iingay talaga ng mga bunganga!
"Bobo mo naman teh! Kung ayaw mo, ibigay mo na lang sa 'kin, ako na lang lalafang niyan!" sambit ni Kevs.
“Magwawala talaga ako kapag umamin siyang ikaw ang crush niya!”
Hindi naman matawaran ang ngiti sa mga labi nila, habang ako ay nakabusangot lang.
“Ngayon pa lang basted na siya! Hindi ko naman siya type… at isa pa wala akong planong mag-boyfriend, ’noh!”
“Sus, tataob ka rin basta malaki ang tarub! Choosy ka pang bakla ka!” asar ni Kevs habang nakatuon ang mata sa vini-video-han niyang mga engineer student.
“Ang aga-aga naghahanap ka agad ng malalandi mo,” rebat ko sa kanya.
“Gaga! For documentation ko lang ‘toh.”
Natuon ang atensyon ko sa matangkad na lalaki at agad ko rin naman itong namukhaan. He's elegantly showing his model skills alongside his partner.
Makikitang seryoso ang hitsura ng lalaki habang pinapanood ko ito sa malaking projector screen. Panay naman ang pakilala ng lahat sa mga judges at kahit screening pa lang naman ang nagaganap ay kailangan din nilang galingan.
Ilang araw na lang naman ang hahabulin nilang paghahanda bago ang main event sa engineering department. At syempre, kailangan present kami sa araw na ‘yun as audience.
“Mas maganda pa pala sa screen si Andrea. Ang perfect ng mukha, girl! Walang ka-pores pores,” mahinang saad ni Kevs. Iyong tinutukoy niyang babae ay ang partner ni August.
She's one of the representatives in engineering. Matalino na maganda pa. That's why a lot of men are taking a glanced at her, ang iba pa nga ay kinukuhaan sila ng retrato.
“Feeling ko mas bagay sila. The chemistry is giving! Mukhang talo na agad ang crush ni August.”
Narinig kong nag-uusap ang dalawang babae sa likuran namin pero pinagwalang-bahala ko lang iyon.
“Ay sa true lang, hindi rin naman kagandahan ‘yung crush ni Ramerio. I bet she's one of her players, paasahin niya lang din ‘yon katulad ng mga babae niya.”
Ang judgemental talaga ng mga taong ‘toh! Akala mo naman talaga kilalang-kilala nila ang ugali nun. I ignored all of the nonsense opinions that they're talking about.
Patapos na rin ang screening nila ngayon at ilan na lang ang isasalang na candidate galing sa ibang department. Nakita ko nga rin sina Dylan at Heinz na maayos ang pananamit at ang gwapo nilang tingnan dalawa! Habang nagsasalita pa nga ang lalaki kanina ay nakatuon ang atensyon ni Diylan kay Noemi.
Tuloy, inasar-asar din namin siya dahil nangangamatis na ang mukha nito sa hiya.
“Canteen muna ako guys, bili lang akong drinks natin!”
“Blue lemonade teh, dalawa! Maya ko na bayaran!” pahabol ni Noemi nang makalabas ako ng hall.
Habang papunta ako mag-isa sa promenade ay may mangilan-ngilan akong nadadaan na mga representatives sa iba't-ibang department. Mayroon din namang mga dumayo pa mula sa ibang branches ng campus.
Yup, mayroong apat na branches ang school na ito at dito ako sa main campus nakapasa ng entrance exam.
Nang makaraos sa mahabang pila ay kinuha ko ang wallet sa bulsa ko.
“Manang, dalawang large blue lemonade nga po at isang large din pong lychee,” sabi ko sa tindera.
Nang makuha ko ang dalawang inumin ay inilapag ko muna ito sa malapit na bakanteng table bago binayaran ang inumin.
“Magkano po sa lychee, manang?” tanong ko habang dinudukot ang pera sa wallet ko.
“Yung large, 40 pesos din,” sagot naman ni Manang.
Nang bilangin ko ang perang dala ko ay napagtantong isang daan lang pala ang dala ko.
“Shuta, kulang pa pala ako ng bente,” mariing sabi ko. Nakakahiya naman!
“hija? Nasaan na ang bayad mo?” nairitang saad ng tindera.
Pwede ko naman sigurong balikan ‘to? Kaso… ang layo pala ng wellness building. Nakakainis naman!
“Bente lang po pala ang dala ko, manang,” nahihiya kong sabi, palihim na tinitingnan ang maliit na barya sa palad ko.
Nakaramdam ako ng init sa pisngi dahil alam kong kulang ito sa pangbayad sa inorder kong inumin.
Nailipat na ni manang ang order ko sa malaking cup, kaya wala tuloy akong nagawa. Hindi ko rin pwedeng bawiin na lang basta. Napabuntong-hininga ako at nag-aalangan na tumingin sa babaeng tindera.
Akmang ibubuka ko na ang bibig ko nang biglang may sumingit na matangkad na lalaki sa likuran ko.
“Ah, Manang, ako na po ang magbabayad sa kulang niya."
Kumunot ang noo ko at saglit akong napatigil. Nahimigan ko ang baritonong boses ng lalaki na pamilyar sa akin. Nang lumingon ako at mag-angat ng tingin ay hindi ako nagkamali ng hula kung sino ito.
My eyes widened in shock, while my mouth is half-agaped. Kanina pa ba siya nakapila rito? Bakit hindi ko siya nakita kanina lang?
“Bente pa ang kulang, hijo,” nakabusangot na saad ng tindera pero aga din naman iyong naglaho nang mag-abot siya ng singkwenta pesos.
“Keep the change po, Manang.” Sabay kuha nito sa inumin ko bago itinuon ang tingin sa akin na hindi pa rin kumikibo.
I glanced at him, and he smiled as he handed me the cup I’d shyly ordered.
Literal na magkahalong hiya at kaba ang nararamdaman ko ngayon.
“So, paborito mo pala ang lychee,” he asked, his voice was quietly soft, as he held the cup out toward me.
I bit my lower lip and slowly nodded, feeling my cheeks heat up.
“S-salamat pala sa pag-abono,” I murmured, taking the cup from him. Medyo nahihiya pa ako sa harap niya nang umupo ito.
Hindi pa rin nawawala iyong kanina pang ngiti sa labi niya habang sinisipsip ko ‘yung inumin ko.
“I'll take note of that, Max,” he said, smiling.
Napakunot-noo naman ako at napatingin sa kanya. “A-ano yun?” I uttered, I didn't get what he's talking about.
His lips lifted quickly and formed a sweet smile. “Your favorite drink is lychee, I'll take note of it.”
And for a moment, there's a deep warmth in his expression that I couldn't understand. At ‘yong kaba na meron ako kanina ay biglang naglaho at napalitan ng nakakahawa niyang ngiti.
Nang maghiwalay ang lamdas naming dalawa ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tingnan.
ARawrmeriow requested to follow you.
Without a single doubt, I accepted his request.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top