Chapter 2

"Mukhang kailangan ko nang ipasa ang korona ng pagiging delusyunada."

"Tama! And our queen of delulu this year is..." Naghumapasay pa sa ere ang kamay ni Noemi habang nag-drum roll ito. "Maxine Avemae Claveria!"

Humirit pa talaga siya sa pang-aasar sa akin ni Kevs kaya mas lalong namuo ang ugat sa sintido ko.

"Tangina niyo talaga mga bakla! 'Di niyo na ako tinantanan, 'noh?" usal ko sa kanilang dalawa at patuloy pa rin ang pagtawa nila.

Ang sarap nilang sakalin hanggang sa mag-violet! Umakyat ang dugo ko sa buong mukha dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Dapat talaga ay itinikom ko na ang bibig ko at hindi na nagkwento pa tungkol sa kahihiyan ko kahapon sa harap ng lalaki.

Tuloy hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumitigil sa pang-aasar sa akin. Kahit group chat naming tatlo ay hindi nila pinaglagpas.

Of course it was embarrassing! Sa mga oras na iyon ay gusto kong magpalamon sa lupa, habang nagtataka naman ang dalawa dahil mabilis ang pag-alis ng lalaki nang iabot nito sa akin ang written report ko.

Marahan akong hinampas ni Kevs sa balikat.."Assumera ka kasi bakla! Akala mo siguro ikaw 'yung pinaparinggan niya sa tweet, may pa 'I don't want going out with you' ka pang nalalaman diyan!," saad ni Kevs at ginaya pa talaga nito kung paano ko sinabi sa lalaki ang mga salitang 'yon.

Yumuko na lang ako at mabilis na isinubsob ang sarili sa armchair para magtago. My Ghad, Maxine! Bakit naman kasi inisip mo na gusto ka niyang yayain na lumabas?

"Kaya pala nagtitilian 'yung mga blockmates natin pagpasok namin kahapon. May anghel pala na bumisita," dagdag pa ni Noemi.

"Ano ba 'yan! Dapat pala binilisan natin ang paglalagay ng blush-on. Nota na, nag-sashay away pa, hmp!"

Imbis na pakinggan 'yung mga pang-aasar nila ay lumipat na agad ako ng mauupuan. Ngayon ay katabi ko na si Sean, iyong blockmates namin na laging tahimik at nasa isang sulok lang, na animo'y parang invisible ito sa ibang tao dahil madalas ay napansin kong wala siyang kausap o kaibigan man lang dito.

Hindi pa nagsisimula ang klase namin dahil wala pa naman ang professor, kaya nangingibabaw ang ingay sa buong silid namin.

Habang nakasubsob ang mukha ko ay napagawi ang tingin ko kina Kevs at Noemi na walang-sawa ang pag-aayos at paglalagay ng kolorete sa kanilang mga mukha, samantalang ako ay konting pulbo at liptint lang ay ayos na.

"Class rep! Pinapatawag daw kayo sa representative's office. Pumunta ka na raw, bilis!" sigaw sa akin ni Jarren, ang pinaka-maingay na lalaki sa block namin.

"Rep, meeting raw." Tinapik naman ako ni Sean para gisingin at agad din akong bumangon saka ibinato ang bag ko kay Kevs bago lumabas.

Technically, ako ang class representative sa block namin dahil napag-trip-an lang naman ako last year ng mga lalaki kong blockmates. Matalino naman daw ako at magaling sa lahat ng subject kaya ako ang napili nila.

Plus, approachable ako sa kanilang lahat kaya mabilis ko slang naging-close, maliban sa ilang mga irreg student at 'yung mga katulad ni Sean na tahimik lang.

Wala naman akong natanggap na may meeting ngayon ah? Emergency yata ito dahil maraming event ang mangyayari this month.

Pagkapasok ko pa lang sa office ay bumalot na agad ang malamig na hangin ng aircon. Sakto at medyo lapot na rin ako dahil bulok at hindi gumagana 'yung aircon sa classroom namin. Display yarn?

"Max! Dito ka," mahinang pagtawag sa akin ni Patricia, isa sa mga class rep.

Mabilis naman akong nagtungo sa pwesto ni Pat at umupo na dahil kanina pa pala nasa loob ang aming Dean na si Mrs. Vermonte. Hinihintay na lang namin ang iba bago magsimula ang meeting.

"Anong ganap? Bakit tayo pinatawag?" malimit ang boses ko nang magtanong kay Pat, pero maski siya ay napakibit-balikat na lang dahil biglaan ang pagpapatawag sa amin.

Ilang saglit pa kaming naghintay hanggang sa matawag na ang lahat at nang pumasok na ang tatlo pang class representative ay napukaw ang atensyon ko sa isang lalaki. Nagtama pa ang tingin namin sa isa't-isa pero agad din naman akong umiwas.

Ang malas naman ng araw ko ngayon!

Hindi ko naman inakalang isa pala si August sa mga class representative nang engineering department.

Napatingin kaming lahat nang biglang magtaas ng kamay ang isa sa mga class rep ng accounting, and our dean immediately acknowledge him.

"Sir, para saan po itong emergency meeting?" curious na tanong ni Kyle.

"As I started this meeting, I gathered all of you here to know that this month has the most programs to be held this year," our dean stated. "In short, we will unite all the events for this year."

"Naghihirap na yata sila," mahinang bulong ni Pat sa akin sabay marahang tumawa.

I just ignored her remark and focused on our dean's announcement.

"Sir, hindi po ba 'yon makakasagabal sa ibang klase po namin na matatamaan ng mismong event?" tanong ni August nang magtaas naman ito ng kamay.

His baritone voice filled the entired office at halos lahat ng babae ay hindi maalis ang tingin sa gwapo nitong histura, maliban sa akin.

"For the whole week, there will be no classes. Kaya lahat ng representative sa iba't-ibang mga department ay magiging busy sa buong linggo," our dean responded.

What?! As in lahat kami?

Pare-parehas naman kami ng naging reaksyon sa sinabi ng dean dahil unfain ito lalo pa't may preliminary exam pa kami na hinahabol this week. It would be inconvenient for us to be busy for an entire week.

Our dean softly chuckled. "Don't worry, naka-base pa rin naman ang events per department, pero kailangan pa rin ninyong pumasok para mag-participate man lang sa event as an audience."

Lahat kami ay nakahinga nang maluwag ng sabihin niya ito. Akala ko naman ay papahirapan nila kami buong linggo para lang maitaguyod ang lahat ng event.

"And of course, I would like to congratulate Mr. Wyvien as our representative for our first event that will be held in the engineering department as Mr. Engineer," saad pa ni dean. "And to Mr. Tourism this year, Mr. Heinz Vermonte."

Oh, so isa pala ang anak ni Dean sa kasali sa event? Balita ko ay laging nakikita 'to ni Kevin sa field na naglalaro ng basketball kasama sina August at Dylan.

Napatingin naman kami sa kanilang dalawa kasabay nang pagpalakpak namin. Hindi ko alam na mahilig pala sumali si August sa mga ganitong events. Last year kasi ay hindi ko bet ang napili nilang representative, although maayos naman nitong nai-deliver ang kanyang sagot.

Of course, for the event that will be held next week, mandatory pa rin na pumasok para sa attendance. Napapagod nga lang!

"Please disseminate this information to your respective block, and I hope the best to all our nominated representatives." Binigyan lang kami nito nang malawak na ngiti bago ito tuluyang namaalam.

Siyempre hindi pa rin nawala ang ingay sa buong office nang makaalis na ang dean.

"OMG! Sobrang hot talaga ng mga taga-toursim at engineer, gaganahan talaga akong pumasok niyan." Halata naman ang ubod ng saya sa mukha ni Pat.

"By the way, nakita niyo na ba yung bagong tweet ni August?" nakangiting tanong ni Cherry. She's also one of the representatives of Psychology.

Obviously, we're all eavesdropping at sa lakas ba naman ng tili nila ay maririnig talaga namin ang pinag-uusapan nila.

"Wait, hindi ako updated kagabi. What's the tea?" tanong ni Akisha, kaibigan ni Cherry. Halatang sabik na sabik ito sa chismis.

"Kinakabahan ako, feeling ko ako 'yung nakatanggap nung letter niya!" eksaheradang sagot ni Cherry, tinawanan lang siya ng kaibigan njto sabay marahang sabunot sa kanyang buhok.

"Ang feeling mo talaga, girl! Hindi naman dumadayo sa block natin 'yan."

Inignora niya lang ang babae at itinuon ang tingin nilang dalawa sa phone.

"So apparently, he wanted to confess his feelings to someone by using an old style of courting, like sending letters, kwento niya. "Pero... aamin kapag umabot daw ng ten thousand

"OMG, bakla nasa eight thousand na agad 'yung likes!"

"Basta, kung ikaw yung nakatanggap nung love letter na iyon sa CAS department, matik na ikaw 'yung pinaparinggan niya!" tumitiling sambit ni Cherry. Konti na lang talaga ay mahahawa na kami sa kanilang tawanan.

Napasinghap naman sa gulat 'yung kaibigan niya at nangibabaw pa rin ang tili nilang dalawa. Kahit si Pat ay halos nakasubsob na ang mukha sa phone nang tingnan ang bagong tweet ng lalaki.

"Taray, eight thousand agad 'yung likes tapos more than three thousand 'yung comments nila," gulat na sabi ni Pat.

Napansin ko ang profile nang lalaki nang itinuon ko ant atensyon sa phone ni Pat.

"Ikaw ba naman may thirteen thousand followers eh, mabilis talagang aangat 'yan," hirit ko pa.

Hindi na ako nabigla dahil kilala naman ang lalaki sa buong campus, katulad na lang din ng ilang mga sikat na campus crush nila rito na si Dylan at Heinz na pambato ng ibang department.

"First time yata na nabaliw ito sa isang Psychology student dahil panay ang tambay niya sa laboratory last sem. Mukhang may laging inaabangan eh," kwento pa ni Cherry.

Marahang napatango si Akisha. "Oo nga, I'm already curious kung sino ba 'yung pinaparinggan niya sa tweet. Parang seryoso na kasi siya ngayon kumpara sa mga naging ex niyan before."

Pasimple ko na lang na kinuha ang cellphone ko at hinayaan na malunod ang sarili sa mga ingay na galing sa labas ng office. Wala naman akong pakialam sa tweet niya. Of course, it's none of my business at wala rin akong balak pang tingnan ulit 'yon!

Nang makabalik na ako sa room ay saktong kumpleto na siyang lahat kaya naman sinabi ko na ang napag-usapan namin kanina sa office, at gaya ko, may mga ilang nadismaya dahil nga mandatory ang pagpasok namin at kailangan talagang mag-participate sa mga gaganaping events.

"Max, halika rito dali!" pagtawag sa akin ni Kevs at hinila naman nito ang braso ko kaya sinamaan ko sa nang tingin.

"Ano na naman?" iritable kong usal sa kanya, pero inignora lang ako ng bakla.

"Nakita mo na ba 'yung tweet ni August, kagabi?"

Tila pati sila ay sabik na sabik sa tsismis tungkol sa lalaki at ang mas nakakainis pa ro'n ay buong araw ko nang naririnig ang pangalan niya.

I rolled my eyes. "Hindi naman ako masyadong active sa twitter, pero kung tungkol 'yon sa confession niya, oo narinig ko na ang lahat."

"Bakla, ang lungkot talaga ng buhay mo, tantanan mo na 'yang pagiging asocial mo, hindi ka makakahanap nang masarap na tarub niyan sinasabi ko sa 'yo!"

"Bastos!"

"Girl, nahuhuli ka na talaga sa chismis. Alam mo na ba ang rumors tungkol sa kanya?" mariing tanong ni Noemi.

I scoffed. "Hindi naman ako interesado."

"Gaga, nasa sa block natin ang gusto niya? OMG talaga!" napakapit naman ang mga kamay nilang dalawa at puro tili nila ang nangingibabaw sa buong silid namin.

Really? Bakit dito niya naman niya naisipang magkaroon ng crush? I mean, marami namang magaganda sa ibang block, pero bakit dito?!

"Kailan ko na talaga magpaganda bakla, para naman kabog ang 'soon to be wife' ni August!" eksaheradang sabi ni Kevs.

"Tama ka na baks, walang chance ang mga walang kiffy rito," pang-aalaska sa kanya ni Noemi kaya malakas kaming napatawa.

Napabusangot naman ang bakla kaya mas lalo pa kaming natawa sa histura niya ngayon. I must say that her confidence of being delusional is in the highest level of Maslow's hierarchy of needs.

Inside and out, maganda naman talaga ang histura ni Kevin. He can slay both being a man and a woman, or vice versa.

With her feminine looks and body, alam ko kung saan siya humugot ng confidence. Kaya nga laging lantaran ang kabaklaan niya a school dahil pagdating niya sa bahay nila ay para na siyang matinong lalaki sa harap ng kanyang sundalong tatay.

He even fought his dream course dahil ayaw nang tatay niya na Psychology ang kunin nito at gusto nitong Criminology ang kuhain niya. Pero sa huli, siya pa rin ang nag-uwi ng korona.

Kinuha ko ang bag ko at nilagay ito sa arm chair para gawing unan. I rested my head for a while para lunurin lang ang sarili ko sa mga problemang hindi na natatapos.

Hindi naman alintana sa akin ang ingay ng mga kaklase ko, mas naririnig ko pa nga ang tsismisan nung dalawa sa gilid ko.

"Duh! Green flag na, malaki pa ang biceps, tapos bonus pa na daks pero pinakawalan mo pa, girl?! Ang choosy mo sa lalaki, nakakainis ka!"

"Sorry, pero hindi pa rin siya pasok sa standard ko 'noh! Aanhin ko naman ang lahat ng iyon kung nasa ibang babae naman ang atensyon niya," nakabusangot na sagot ni Noemi.

Nabigla naman si bakla sa tinuran nito.

"Wow, 'edi sana binigay mo na lang sa 'kin 'yung ex mong nasa tourism ngayon, 'di ba? Para naman worth it 'yung sakit ng kiffy ko. Mas bet ko pa 'yung bulky na katawan ni Dylan kaysa kay August."

Hinampas naman siya ni Noemi nang malakas sa balikat. "Choosy ka rin naman pala, bakla! Ang dami mo pang pasakalye!"

Kevs rolled his eyes."Hmp! Ang arte mo kasi sa lalaki, akala mo naman hindi masarap 'yung tarub niya! Palagi mo pa ngang pinapaalala sa 'kin kung kailan niya unang sinagad 'yun sa kweba mo!"

Noemi let out a loud laugh. "Bantot mo talaga, Kevs!"

"Anong lasa, bakla? Kasing pakla ba ng lovelife mo ngayon?' malakas na tumawa si Kevin. "O kasing pait ng kahapon na nagdaan?" pang-aalaska niya pa.

"Sira!"

"Ano nga? Bakla, spit or swallow?"

Malakas na nagtawanan ang dalawa sa mga kabastusan na lumalabas sa bibig nila. Dito pa talaga nila nagawang mag-usap ng ganyan kahit maraming nakakarinig sa kanila.

"Both!" sabay malakas na hampasan nilang dalawa sa balikat. Hindi ko rin napigilan ang mahinang tawa ko sa mga wala hiya nilang pinag-uusapan.

Iminulat ko na ang mata ko at umayos ng pag-upo dahil hindi naman ako makatulog nang maayos. Sa ingay ba naman ng dalawa ay mabubulabog talaga ako.

"Ilang oras ba ang vacant natin bago 'yung susunod na klase?" tanong ko sa dalawa nang balingan nila ako ng tingin.

"Tatlong oras pa at isang subject lang naman tayo ngayon," sagot ni Noemi. "Sayang lang yung pamasahe ko dapat pala gumala na lang tayo!"

"Tumpak teh! Wala raw sina Sir Miguel at Ma'am Hannah dahil nagpe-prepare sila sa sasalihan event this week," saad ni Kevs. "Okay lang naman na isang subject tayo ngayon, basta may vitamin G, 'di ba?"

Kumunot ang noo ko. "Anong vitamin G? Gaga, walang gano'n!"

He swayed his hands at me while disagreeing. "No, Meron kaya! Syempre hindi tayo mabubuhay kung hindi tayo makakakita ng gwapo, 'noh!"

I scowled. "Ikaw lang!"

"'Yun lang talaga ang nagpapagising sa amin sa umaga namin kaya ginaganahan kaming pumasok," sabat pa ni Noemi habang nakatingin ito sa salamin niya at nag-re-retouch.

"Syempre, tarub lang sapat na!"

Hindi na kami nagtagal pa room dahil may ibang block na gagamit para sa susunod na klase nila. Hindi naman kami pwedeng tumambay ngayon sa malawak na bench sa promenade dahil marami ring estudyante ro'n at sobrang init pa ngayon, baka magkalaputan lang kami bago pumasok sa next subject namin.

As usual, kung saan magpunta ang dalawa ay doon ay nakabuntot. Kulang na nga lang ay malibot na namin ang buong CAS department sa kakalakad namin.

Bigla namang mapahinto ang dalawa kaya sumubsob ang mukha ko kay Kevin. Napabusangot naman ako, pero mas lumamang ang inis ko nang makita ang lalaking papalapit ngayon sa amin.

"Shuta ka bakla! May inaabangan na naman siya rito sa CAS!" mariing sambit ni Noemi. "Tapos kasama niya pa si ano..."

Hindi niya natuloy ang gusto niyang sabihin nang bigla nitong itago ang mukha niya habang papalapit sa direksyon namin ang dalawang matatangkad na lalaki.

"In fairness, mas gwapo ngayon si Dylan. Bagong gupit at hindi na gusot ang uniporme nito," saad ni Kevs.

Imbis na magtago ay napagawi rin ang tingin ko sa minamata nila na dalawang engineering students. Bakit ba ang daming katulad nila ang dumadayo sa department namin?

I mean, given naman na marami talagang magaganda rito, pero mas marami pa rin sa CBEA, 'noh! Naaasiwaan na nga ako sa mukha niya dahil ilang araw ko nang napapansin ito, tapos gusto pa talaga nila na maging interesado ako sa kanya!

I can hardly bear being around him, lalo na't hindi naman siya psychology student dito para gumala-gala.

Ano bang meron sa kanya na nagustuhan ng mga babae dito sa CAS at parati silang napapatili kapag dumadaan si August? Dinaig pa nila ang mga die hard fans ng mga sikat na influencers.

Nilagpasan lang namin ang dalawa perp syempre nahagip pa rin ng paningin nila ang dalawang kumag na nagmamadaling maglakad dahil nagtatago sa gilid si Noemi.

I notice the lump of his throat at tumataas-baba iyon, kasabay ng pagbasa nito sa kanyang labi. Iniwas ko naman agad ang tingin sa lalaki at dali-dali kumaripas nang takbo papunta sa dalawa.

My heart keeps beating faster kahit na marahan na lang ang paglalakad ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagmamadali ko o sa paraan ng ginawa ni August kanina.

Nagpunas nang pawis si Noemi nang makarating kami sa tapat ng silid kung saan ang susunod na klase namin.

"Akala ko naman mapapansin niya ako!" sabi ni Noemi.

"Bakit ba iwas na iwas ka pa rin sa kanya? Wala nang kayo tanga!" sambit ni Kevs.

Sinamaan naman siya nang tingin ni Noemi bago pumasok sa loob ng classroom. Hindi rin nagtagal ay nakumpleto na kami at sakto rin ang pagpasok ni Ms. Vasquez kaya natahimik ang lahat.

"I would like to announce that there will be a few students here that you will get along for the rest of your sem at ang ilan naman sa mga blockmates niyo ay mapupunta rin sa ibang department para sa ating research,

"What?! Magkakahiwalay pa ata tayo baks!" hindi makapaniwalang sabi ni Noemi.

"Hindi pa naman nag-a-announce 'yung pangalan kaya chill ka lang, duh!" sabat pa ni Kevs.

Nagtaas ako nang kamay para magtanong pero nang tumayo ako at magsasalita na sana ay biglang nabaling ang tingin namin lahat sa dalawang lalaking pumasok.

Nanlaki ang mata naming tatlo at mas nangibabaw ang ingay sa buong silid dahil sa nagtitilian kong mga kaklase.

"Class! Lower your voice. Hindi ko sila pinadala sa block niyo para unahin ang pakikipagharutan!" ma-awtoridad na sabi ni Ms. Velasquez. "They're here for research purposes, okay. So behave, hindi na kayo mga bata pa."

"Pogi, may bakante pa rito sa unahan," pabebeng sabi ni Kevin habang nakahawak pa ito sa kaniyang tainga.

Tinawanan naman siya nang dalawa at ako? Gusto ko na kang talagang maging hotdog sa freezer dahil sa mga kalokohan ni Kevin.

I sneered. "Pakarat ka talaga!" Kinurot ko pa nga ang tagiliran nito dahil sa inis.

"Gustong-gusto rin naman," pang-aasar ni Noemi.

I stifled a heavy sigh. Saktong dalawa ang bakanteng upuan sa tabi ko at halata pa ang pag-ngisi ng dalawang lalaki sa amin.

"Kapag sinaksakan kita ng dildo sa bibig, tatahimik ka talaga bakla!" Kevin teased me.

I scoffed. "Puro ka salita! Palagi ka namang nauutal kapag may kausap kang mga gwapong taga-engineer," asik ko.

Hindi na siya nakasagot pa at umirap na kang dahil alam niyang totoo naman iyon.

Marahang tumawa si Noemi at bumulong pa. "Takot naman sa tarub!"

"Please introduce yourself first before I start my discussion today," sabi ng guro namin.

Pumagitna naman ang dalawa at halos rinig na rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko kung gaano ka-gwapo ang dalawang lalaki.

I mentally rolled my eyes. Lumulusot talaga sila ng paraan para lang sa mga kalokohan nila dahil nasa block namin ang crush ni August.

"H-Hi, my name is August Ramerio Wyvien from Engineering Block 302, and you can call me love for short," pagpapakilala niya.

Muling nagsigawan ang mga babae kong kaklase kahit si Kevin ay hindi napalagpas ang panghahampas nito kay Noemi.

"Hello, I'm Dylan Ezikiel Stanford, from Block 105, a varsity player and you can call me Dylan. That's all po," mahinhin nitong pagpapakilala.

Napabaling ang tingin sa akin ni Ms. Velasquez. "Yes, Ms... what is your surname? You're raising your hand earlier, right?"

Malalim akong huminga at napakagat sa ibabang labi. Dumapo pa ang tingin ni August sa akin na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko. Ano bang problema kung nandiyan sila Max? Hindi mo naman siya gusto kaya wala kang dapat ikakaba.

Naramdaman ko ang pamumutla ko nag tumayo ako.

"Chance mo na 'yan, bakla! Umamin ka na!" Tinulak pa ako ni Kevin sa lalaki kaya sinamaan ko ito nang tingin.

"Iuwi mo na ang medalya, baks!"

I scowled. "Sira! Anong umamin?" Agad ko namang ibinalik ang tingin ko sa guro.

I swallowed and pursed my lips. Dapat pala ay hindi na ako nagtanong pa! Ang malas na nga ng araw ko, wrong timing pa ako. Ghad, I really hate this life!

"I'm M-Maxine Avemae C-Claveria po," I slowly uttered while introducing myself. "I just wanted to ask if..."

"Kung pwede raw po ba siyang manligaw sa mga bagong boys natin Ma'am!" sigaw ni Kevin.

Nanlaki ang mata ko at sinamaan nang tingin si Kevs na ngayon ay malaki ang ngiti. Pati ang mga kaklase ko ay nakisabay pa sa pang-aasar kaya mas lalong umingay ang pangalan ko sa room.

"Ms. Claveria, are you into one of the engineering boys?" natatawang sabi ni Ma'am.

"Huwag nang tumanggi sa grasya, baka bawiin pa ni Lord 'yan," singit naman ni Noemi.

Lumakas pa ang tawanan nila kaya napakagat ako sa ibabang labi at mabilis pa rin ang pagpintig ng puso ko.

"Okay that's enough, class! Both of you may take a seat," saad ni Ms. Velasquez na natatawa rin sa kalokohan ni Kevin.

Nang makaupo ako ay napayuko na lang ako. Akala ko no'ng una ay sa bahay lang ako nakakaramdam na para bang nasa preso ako, pati rin pala sa mundong natuto akong maging komportable. My safe zone is already breaking apart, and I'm not ready yet to face it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top