Chapter 1

I realized that having grown up in an environment-or so they called 'home' where my tone of voice is often ignored, I came to believe that expressing myself had no use after all. Lalo na kapag nasa pilipinas ka at nasa isang pamilya ka na malinis at walang bahid ng kasalanan sa paningin ng iba.

Wala silang pakialam sa opinyon mo. They can say everything they want without minding how their words can affect someone's mental health.

It feels like finding even a small moment of bliss is an uphill battle for me. My emotions and reactions are often ignored by the people around me-especially my family.

And I find myself questioning. Why... can't they see the pain they're causing? Bakit gano'n na lang sila kamanhid kahit nakikita naman nila na mali ang ginagawa nila?

That being angry at the things they intentionally do or say also hurts us deeply-it breaks us apart, like a fragile diamond shattered into tiny pieces, who is still trying to shine even in its brokenness.

Alas-syete na nang gabi. Abala akong sinusulat 'yung written report ko, habang nakikinig ng balita sa sala. Malapit na rin akong matapos at makakapag pahinga na rin.

Nasa kusina naman si Mama na abala rin sa pagluluto ng hapunan, habang katabi ko naman sa sofa si Ate jean na presentableng nanonood.

"Nako, puro kaartehan kasi ang inaasal ng mga kabataan ngayon! Kung sana'y nagdadasal lang siya gabi-gabi, hindi sana hahantong ang pagtalon niya sa estasyon ng tren!"

Napatigil ako sa aking ginagawa at saglit na iginawi ang tingin kay Mama na mas malakas pa ang alahaw ng boses kaysa sa nagbabalita. Nagsasalubong ang kilay nito nang ilapag niya ang nilutong ulam sa lamesa.

Napasadahan ko pa ang marahang pagtango-tango ni Ate Jean na para bang sumasang-ayon ito kay Mama.

"Hindi naman kami nakakaranas ng ganyan no'ng panahon namin. Masyadong silang sensitive!" Sabay irap nang mata ni Ate jean habang nakahalukipkip pa.

Ang insensitive naman nila! Sa harap ko pa talaga! Hindi ko maiwasang mainis sa ibinubulyaw ng kanilang mga bibig, kahit na alam naman nilang psychology major ako at para bang binabalewala lang nila ang presensya ko ngayon.

"Tapos ngayon, 'yung anak naman ni Verlinda. Muntik nang magpakamatay ng dahil kung ano-anong ilusyon ang nakikita. Top student pa naman ang batang 'yon, tapos kung ano-anong kaartehan ang ginagawa!" aniya pa ni Mama.

Bumuntong-hininga ako. 'Ayan na naman sila sa kinagawian nilang dalawa tuwing gabi; ang mangialam ng buhay ng iba na para bang alam nila ang buong istorya sa nangyari. Hindi ba sila napapagod? Why can't they focus on their own lives, instead of minding other people's business?

Hindi ko alam kung saan sila nakakakuha ng lakas nang loob para pag-usapan ang gano'ng bagay na para bang simpleng sakit lang ito na mabilis na mawawala.

"Konting dasal lang 'yan, Ma. Mawawala rin 'yon," anas pa ni Ate Jean. "Masama kasi 'yung ugali ng anak ni Ate Verlinda kaya nagkakaganyan ang pamilya nila!"

I gnawed on my lower lip firmly.

Huminga ako nang malalim dahil sa inis at nadagdagan pa iyon nang makita ko sa telebisyon ang babaeng pinag-uusapan lang nila kanina.

I gulped. "Hindi naman po ilusyon ang nararanasan ni Claire, Ma," pakikisali ko sa usapan nila. "At isa pa, hindi po biro ang magkaroon ng depresyon. Hindi naman po iyon nawawala sa simpleng dasal lang."

Mahinang tawa ang kumawala kay Ate Jean. "Kung hindi lang kasi kinukunsinte ni Verlinda 'yung ugali ng anak niya, hindi 'yan mangyayari! Hindi niya kasi tularan 'yung anak ni Dolores para hindi maging sutil!"

"Ate jean, huwag n'yo pong ikumpara ang mayroon si Claire kay Duke, at isa pong psychological disorder ang nararanasan niya na hindi dapat natin binabalewala," dagdag ko. Mas naging malalim pa ang paghinga ko at tila binabalewala lang nila ang gano'ng kalagayan ni Claire.

Kung sana'y nakakatulong lang sila, kaysa kung ano-anong ibinabato nila sa kapitbahay namin.

Imbis na pakinggan ako ay para bang nanunudyo ant ginawang pagtawa ni Ate Jean sa akin at halata namang pumapanig ito kay Mama.

"Hayaan mo na, guni-guni lang niya 'yan. Atsaka, pangmayamang sakit lang 'yan! Noon, wala namang ganyan!" ani Mama habang nag-aayos ng mga pinggan sa lamesa.

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya at sinabayan ng pagtaas ng volume ng TV, para malunod ang boses nila.

Wala naman akong mapapala kung makikipagtalo pa ako sa mga opinyon nila tungkol sa kalagayan ng iba. Wala kasi sila sa sitwasyon ni Claire, kaya hindi nila mauunawaan kung bakit gano'n ang pinagdadaanan niya.

Mabuti na nga lang at hindi niya itinuloy ang binalak niyang gawin, and I'm thankful that she's alive and breathing.

I know that breaking the stigma around mental health in a closed-minded environment is difficult, especially when people lack understanding. Masyadong makikitid ang utak nila para unawain ang gano'ng sitwasyon lalo pa't kung hindi naman nila nararanasan.

And those with narrow minds can never grasp that faith in their so-called "God" does not erase the reality that it isn't a cure for every psychological disorder a person may endure.

Nang matapos ako magsulat ay iniligpit ko na agad ang mga gamit ko. Nawalan na rin ako ng ganang kumain dahil hindi pa rin sila tumitigil sa pagpaparinig tungkol sa buhay ng iba.

I sighed. Kailan ba sila matututo na huwag mangialam sa problema ng iba lalo na kung hindi naman sila nakakatulong?

Paakyat na sana ako sa kuwarto dala-dala ang gamit ko nang marinig ko muli ang nakaririnding boses ni mama. Napapikit na lang ako at malalim na huminga bago ko ito nilingon nang walang ekspresyon sa aking mukha. Napatingin din sa akin ni Ate Jean na kakatapos lang kumain.

"Max, huwag mong kalimutan 'yung pinag-usapan natin kahapon, ha?" paalala ni Mama. Napasingal naman ako nang maalala ito. "Sumama kang mag-samba sa amin ni Ate Jean mo sa linggo, para naman mabawas-bawasan 'yang kasalanan mo!"

Really? Pagkatapos nilang gawing pulutan at siraan ang buhay ng iba tao ay may gana pa talaga silang humarap sa 'Diyos' na parang mga malilinis nitong tupa?

"May pasok po ako ng linggo, Ma. Hindi po ako pwede," katwiran ko, kahit ayoko naman talagang sumama sa kanila.

Ate Jean snorted. "Sus, nangangatwiran ka na naman, Maxine! Ang sabihin mo ayaw mo lang talagang sumama!"

I sighed. "Malapit na po ang Midterms namin, kaya hindi po ako pwedeng lumiban sa klase." Kahit alam kong malayo pa ito ay sinabi ko na lang para lang hindi ako makasama sa kanila.

"Kaya ka lumalaking sutil, Maxine! Hindi ka marunong sumunod sa 'kin. Hindi ko na nga alam kung kailan ka huling tumapak sa simbahan, tapos ayaw mo pang sumama?!" nangingibabaw ang boses ni Mama sa buong bahay, pero ginawaran ko lang iyon nang patagong pag-ngisi.

"Bahala siya. Kung ayaw niyang sumama, 'wag! Hindi na talaga titino 'yang si Maxine kahit magsimba pa!"

See, how hypocrite my family is? Maka-diyos lang pero hindi maka-tao.

Sayang lang din ang pagpunta ko sa simbahan kung ang mga tao sa paligid ko ay katulad lang din nilang mga hipokrita at pakitang-tao.

Binalewala ko na lang ang sinasabi nila sa akin kahit nag-iinit na ang ulo sa galit. Malakas kong ikinalampag ang paa paakyat at sinarado ang pinto nang kuwarto.

Wala talaga akong kakampi sa pamilyang 'to. Hindi na ako aasa pa na makikinig sila sa akin. It's easy for them to tolerate someone's wrongdoings and protect it like it's never been a sin for them.

Kapag nasa loob ng simbahan, akala mo kung sinong mga santo na hindi makasalanan. Pero kapag tapos na ang misa, doon nagsisilabasan ang mga baho ng bibig at ugali nila na animo'y mga perpektong nilalang na hindi gumagawa ng kamalian sa iba. Like sin is their favorite crime.

Kaya hangga't maaari ay inilalayo ko ang loob ko sa kanila kahit na alam kong marami silang sinasabi sa akin kapag nakatalikod ako. I just ignored all their unsolicited opinions and remarks, hoping that a shed of light will open their narrow minds. Baka sakaling magising pa sila sa katotohanan sa mga mali nilang ginagawa sa buhay.

After I finished all my task, isinalampak ko na ang sarili sa kama at marahang pumikit-nagbabakasakali na paggising ko ay wala na ako sa impyernong kinalalagyan ko.

I no longer feel safe in this home, more of like a hell than a prison.

"Bakla! Nag-post na sa twitter 'yung gwapong may biceps na taga-engineering department," sigaw ni Kevs habang papalapit sa amin ni Noemi na nasa bench. "Shocks, daks na ang hot pa!"

Napatayo naman ang gaga sa tuwa nang makarinig ito ng 'gwapong may biceps na daks'

"Gaga! Sino sa kanila, bakla? Ang dami mong ini-stalk na galing sa engineering department," anas ni Noemi at agad na hinigit ang braso ni Kevs para umupo sa bench.

"Bakla ka! Hindi ka talaga updated sa chismis." Marahan naman nitong binatukan ang babae. "Edi sino pa? 'Yung campus crush natin dito na si August Ramerio Wyvien, duh!"

August? Palagi kong naririnig ang pangalan niya dahil bukang-bibig lagi ito ni Kevin kapag kumakain kami sa canteen. But really, I'm not interested in this guy.

"Patingin nga, baks!" Mabilis ko namang hinablot sa kanya ang cellphone at tiningnan ito. Oo, chismosa din naman ako basta gwapo!

August @ARawrmeriow
CASing ganda mo ang araw at buwan, binibini.

Mabilis namang lumipat si Kevin sa kanang bahagi ko at idinako ang mata sa cellphone. Ilang minuto pa lang 'yung tweet pero marami na agad ang likes nito.

"Shet, alam niyo feeling ko ako 'yung pinaparinggan niya sa tweet," confidence na sagot ni Kevin habang malumanay na inaayos ang kanyang buhok.

Natatawang binatukan naman siya ni Noemi at hindi ko maiwasang mahawa sa tawa niya. Siraulo talaga!

"Feelingera ka talaga, bakla! Wala ka namang kiffy, paano magkakagusto 'yan sa 'yo?" pilosopong sagot ni Noemi kaya mas lalo akong natawa.

"Tama!" I second the motion and laughed.

"Tawang-tawa, girl? Akin na nga 'yan! Ang bi-bitter niyo talaga!" Agad niyang kinuha sa 'kin ang cellphone habang binabasa ko ang iba pang tweets ng lalaki.

I scoffed. Napakamot talaga!

"Wait, so nasa department natin ang crush niya?" tumitiling saad ni Noemi. Tila tuwang-tuwa sa balitang narinig niya.

"Obviously," sagot ni Kevs, abalang nagtitipa at mukhang mag-re-reply pa ito sa tweet ng lalaki. "Gosh, I'm already curious na talaga kung sino 'yung tinutukoy niya sa tweet niya."

Napansin kong mabilis na tumaas ang likes at re-tweet ng post ng lalaki, kasabay ang daang mga reply nang ipakita ulit sa amin ni Kevs ang post. I'm not curious who it is dahil hindi naman ako interesado sa buhay niya, but I've heard a lot about him dahil nga nagkukwento palagi sa amin ni Kevs tungkol kay August Ramerio W-whatever!

Yup, August is really famous here in our campus, especially in the engineering department. The basketball team captain, badminton player at... isa rin sa magaling maglaro ng puso ng mga babae.

Indeed, he's really a good player.

"Feeling ko wala sa block natin ang gusto niya kasi hindi naman siya palagi rito gumagawi, I've barely seen him here. Balita ko nga, lagi siyang nasa tourism department kasama 'yung dalawa niyang kaibigan," kwento ni Noemi.

"'Yun din ang chismis sa akin eh," sabat ko. "Hindi ko rin naman siya napapansing gumagawi rito ngayon."

Kevin crossed his arms and scoffed. "Huli na talaga kayo sa balita mga bakla! Last sem, lagi siyang nakatambay malapit sa laboratory at mukhang may pinopormahan pa nga, duh!"

Nakapangalumbaba ako at napaisip saglit. I didn't realize that I'm also unconsciously curious about him.

"Feeling ko si Sean 'yung pinapatamaan niya sa tweet," hinuha kong sagot. "Yung handler sa laboratory? Palagi rin siyang tambay sa laboratory last sem at nakita ko rin silang magkasama."

"True ba? Pero parang ang labo naman, Max. It's been four months at mukhang hindi naman siya gano'n katagal manligaw sa babae. Torpe pa nga eh," saad pa ni Noemi.

"Hindi kaya... nasa block natin? Who knows, baka si Noemi naman talaga 'yun." Bigla namang kiniliti ni Kevs ang tagiliran ni Noemi.

"Echosera ka talaga, bakla! Pero sige lang, patuloy sa pagiging ilusyunada-who knows, baka nga ako talaga ang gusto niya... or maybe..." Both of them slowly turned to look at me, wide smiles stretching across their faces.

I scoffed. "He's not my type, duh! Not even my standard!" I crossed my arms and shifted my gaze at my notes. "Hindi ako pumapatol sa playboy, 'noh!" bulyaw ko.

Nakangiti pa silang kinurot ang tagiliran ko at inaasar-asar ako, pero binabalewala ko lang ito.

"Sus, etits na naging bato pa," hirit pa ni Kevs kaya bahagya akong natawa.

Hinayaan ko na lang silang mag-usap dalawa sa likuran kahit naririnig ko rin naman ang pinag-uusapan nila, hanggang sa lumipas ang sampung minuto at pumasok na ang professor namin na si Sir Emman. Bumalik na sila sa pwesto kung saan kaming tatlo ang magkakatabi sa harapan.

"Good Morning, Class!"

Pagkatapos naming tumayo at bumati ay
nagsimula nang magturo ng panibagong niyang lesson sa Developmental Psychology. Buti na lang ay lagi akong nakikinig sa professor namin dahil kung hindi ay wala na namang maisasagot ang dalawa sa midterms namin.

Nang pasadahan ko ng tingin ang dalawa ay marahan pa silang tumatawa at naghahampasan ng balikat.

"Basta malaking biceps at etits na engineer katulad ni August, laban ako!" mahinang sambit ni Kevs sabay tawa nang marahan.

"Sira, kahit sino naman pinapatulan mo, bakla. 'Di ka naman choosy sa lalaki-"
Napatigil sila at napatuptop nang bibig nang makitang matalim na nakatingin sa harapan nila si Sir Emman.

He quickly cleared his throat and gazed at his laptop. "So, as I move on to the next objectives of our lesson..."

"Ang iingay n'yo kasi!" kutya pa ni Rhain, blockmates namin.

Tuloy-tuloy lang ang naging lesson ng professor namin at nagkaroon pa mg surprise recitation, pero dahil may notes ako na pinag-agawan nung dalawa ay nakapuntos pa sila na dagdag sa score ng midterm exam namin.

Nang matapos ang klase ay dumaan muna kami sa Canteen para kumain ng tanghalian. Sakto namang maraming dalang kanin sj Noemi kaya ulam na lang ang binili ko.

"Kung sa block nga natin ang pinaparinggan niya, ang swerte naman ni Ate girl. Instant celebrity ang atake!" bulyaw ni Kevs kahit punong-puno nang hotdog at kanin ang kanyang bibig.

"Huwag ka nang umasa bakla, hindi ikaw 'yun! Baka nga may chance pa na si Maxine talaga 'yung tinutukoy niya sa tweets eh," biro ni Noemi, sabay tawa at peace sign sa akin. "Charr lang."

"Kung may kiffy lang talaga ako, ipaglalaban kong ako 'yun!" anas pa ni Kevs. "Basta sa lalaki hindi ako tatanggi."

"Bago niyo atupagin 'yang paglalandi niyo sa mga engineer, siguraduhin niyo munang may ipapasa kayong report mamaya. Nagawa niyo na ba 'yung written report na binigay last week?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Nagkatitigan naman kaming tatlo at sabay pang napakamot ang dalawa sa batok nila.

"Shocks, nakalimutan namin, Max!" sabay nilang sagot. As I expected.

Binatukan naman nito ang babae. "Gaga ka, bakit hindi mo pinaalala sa 'kin kagabi?! Babagsak tayo niyan, laro ka talaga!" inis na sambit ni Kevs.

"Kasalanan mo rin naman! Inuna mo pa kasi rumampa sa bar bago gumawa ng written report!" reklamo pa ni Noemi. "Hindi ka talaga slayable!"

Napasimangot naman ako dahil sa bangayan ng dalawa kaya inilabas ko na sa bag ang written report na ginawa ko kagabi. Buti na lang talaga ay nakagawa ako ng sobra dahil tiyak akong wala silang gawa na maipapasa ngayon.

Nang makuha ko ang papel at nilapag ito sa gilid ng lamesa ay lumawak agad ang ngiti sa labi nila. Save by the bell, again!

"Last n'yo na 'yan, ah!" anas ko. "Bagsak na talaga kayo kay Sir Monch kapag nakalimutan niyo pang gumawa ulit!"

Agad din nilang kinuha ang parte nilang dalawa bago nagpatuloy sa pagkain.

"Salamat, Max. Ang pretty mo talaga ngayon, sobra!" pang-aasar pa ni Kevs. "Kamukha mo na si ano... Belle Mariano."

"Oo, Max. Ikaw na talaga ang diyosa sa department natin!" gatong pa ni Noemi.

I just rolled my eyes and chuckled because of their remarks.

"Last na 'yan kasi hindi ko na talaga kayo matutulungan. Alam niyo namang may ipapapasa sa atin na research paper para sa finals, kaya kailangan-"

"Shet, Max. Nasa kabilang table lang si August!" Mahina pero may gigil sa tono ng boses ni Kevs.

"Ang hot niya talaga, Kevs! Nakakatunaw," nakangiting sabi ni Noemi. "Kahit pawisin, ang gwapo pa rin! Hindi halatang galing sa laro."

Napagawi naman ang atensyon ko sa lalaking tinutukoy nila at sa hindi inaasahan ay biglang napagawi ang tingin ng lalaki sa table namin sabay ngiti nito na nagpatunaw sa dalawa. Agad naman akong umiwas at binilisan ang pagnguya ko.

"Tangina, ako na talaga 'to, promise!" may pagtiling sabi ni Kevs. "Halata namang ako ang gusto niya. What if... mag-first move na 'ko?"

"Gaga! Halata namang sa 'kin siya ngumiti," sabat ni Noemi na ikinainis naman ni Kevs.

I ignored them until I felt my stomach is finally full. Mabilis akong uminom at nang tumayo ako ay napansin kong hindi umaalis ang tingin ng lalaki sa table namin. Kasama niyang kumain sina Caleb at Sol na magkatabi.

"Tara na nga umalis na tayo dito. Tapos na rin naman tayong kumain kaya mag-ayos na tayo!" Mabilis kong hinigit ang braso nang dalawa.

Nagpatiuna na rin akong maglakad palabas nang canteen pagkatapos kong isirado ang zipper ng bag ko at inilagay ang mga gamit ko ro'n.

"Ang bitter mo talaga bakla! Ang ganda na nga ng view namin ni Noemi tapos pinaalis mo pa kami agad!" reklamo ni Kevs.

"Sige, diyan ka na sa August mo para hindi ka makapasok kay Ma'am Hannah! Strict pa naman 'yun pagdating sa attendance," anas ko.

Napabusangot naman silang dalawa bago pumasok nang palikuran para mag-ayos ng sarili.

"Ambabagal niyo naman. Five minutes na lang mag-start na 'yung next subject natin!" nagmamadali kong sambit.

"Ito na bakla patapos na, mag-blush lang kami tapos gora na," sagot ni Kevs.

"Bahala kayong ma-late diyan! Ang layo pa naman ng room natin tapos ang babagal niyo pa!"

Nauna na akong lumabas dahil kanina pa nag-re-retouch ang dalawa, samantalang ako ay nag-ayos lang ng buhok at naglagay ng lip balm dahil nanunuyo na ang labi ko.

Kanina pa nila bukang-bibig si August, habang ako ay wala namang pakialam sa pinag-uusapan nila dahil puro kabastusan lang naman ang isinisingit ni Kevs.

Papasok na sana ako nang silid namin nang bigla kong napagtanto ang lalaking nasa harapan ng pintuan.

He's wearing an engineering uniform at maayos ang pananamit nito, pero ang mas ikinagulat ko ay nang mamukhaan ko ang lalaki.

"Excuse me... Miss."

Napahinto ako sa paglalakad. Ako ba ang tinatawag niya?

"Y-yes? Ako po ba ang tinatawag mo?"

He bit his lower lip and nodded before gazing at me again. Marahan pa itong lumapit sa akin habang may hawak itong papel.

"Dito po ba ang CAS-101?"

I slowly nodded. "Dito nga po..."

"I'm looking for Ms. Maxine Avemae Claveria, do you know her?"

Teka, paano niya naman nalaman ang pangalan ko? Is he stalking me?

"Can you tell her..." His voice trailed off.

"Yes I know her. And sorry, she's taken." I faked a smile. Halata namang playboy ang galawan ng lalaki.

If he's looking for someone who can play his game, well, it's not me! I'm not interested in boys like him-kahit pa kaninong engineer dito sa campus.

I wouldn't date someone like him.

Muli itong napakagat sa ibabang labi at ako naman itong nakatingala sa lalaki dahil ilang pulgada ang taas niya sa akin.

"I will just ask her if-" I cut his word before he even finished his sentence.

"She will never go out with you, so stop asking," I firmly said, with a straightforward look into his soft face.

Tila napakunot-noo naman ang lalaki at bahagyang natawa.

"What?" he chuckled. "I need her because she left her paper, where is she?"

"Maxine!" I heard my friends voice echoing through the hall. Napakurap ako sabay mariing pumikit.

Madiin pa akong napalunok nang mapagtanto ang sinabi niya at nang mag-angat ako nang tingin ay may sumilay na kanyang labi.

He smirked. "So... you're Miss Claveria?"

My throat suddenly tightened.

"A-ako nga..." My voice trailed off.

Shit! Mali ako ng akala!

He gently took my hand and handed the paper to me. Nakita ko pa ulit ang bahagyang pag-awang ng labi nito.

Nang tingnan ko ang papel na ibinigay niya ay nanlaki ang mata ko.

It's my written report!

"P-paano napunta 'to?-"

"Miss Claveria, you left it on your table earlier," he replied with a calm tone, taking a step closer and offering a slight smile. "And... I'm not really interested in going out with someone I barely know."

Then, just like that, he walked away, leaving me feeling like I'd just been buried six feet under.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top