FirstDrop
Tonight is our first night in a 3 days camp in our campus. I'm a grade 8 student, last year I've already join this camp and there's always a campfire.
The campfire is unique, bukod sa ang lahat ay naka blindfold pwera sa mga volunteer facilitators and teachers, pag nakarating kami mismo sa may grounds merong parang confessions ganun, You can shout what makes you broken, what makes you feel sad or down.
Mag-uumpisa na ang aming paglalakad habang naka blindfold. Parang tinatakot kami ng isang teacher kung anong mga nangyaring kababalaghan dito sa campus noon. I'm not scared at all kasi alam kong wala lang yun. Nasubukan ko na ito noon wala namang nangyari.
"Alam nyo bang doon sa oval ay may natagpuan noong magkakabarkada. Wasak ang mga mukha. At dito sa gym na kinatatayuan nyo ngayon may pugot ulong pari daw na gumagala. mag-iingat baka nasa tabi mo na siya." aaminin ko medyo kinikilabutan ako.
"Hawakan niyong mabuti ang kamay ng bawat isa, at wag na wag kayong bibitaw."
In my last experience pinipilit kaming magbitaw ng mga bestfriend ko. Takot na takot kami noon. Yung mga faci kasi, tsaka isa rin yun sa control ng laro, nung nakarating naman kami sa site iba na yung mga kahawak kamay namin, mga estudyante na nasa mga higher year levels.
"Pakiramdaman niyo rin ang paligid baka napapalayo na kayo. Ayan ayos na ang lahat. Facis alalayan nyo na sila."
Dahan dahan akong itinayo ng isang faci. Wala akong makita dahil sa blindfold kaya pinapakiramdaman ko nalang kung saan ba pupunta ang kahawak ko ng kamay. Sinasabihan din kami ng mga facilitators kung ano ba ang aming mga gagawin para hindi masaktan.
Kung ano ano ang pinapagawa sa amin,
Pinayuko
pinalatalon
pinahakbang nang mataas
pero alam ko na kung saan ang destinasyon namin. May kalakihan din kasi ang aming school grounds kaya medyo matagal din ang aming paglalakbay.
"Bitaw." Faci yata. Lalo ko na lamang hinigpintan ang hawak sa kamay ng katabi ko. Pero pinilit niyang alisin, at wala na akong nagawa kundi mahiwalay sa katabi ko. Nagkaroon ako ng bagong kahawak ng kamay.
Hindi na ito bago sa akin kaya ayos lang. Diretso parin ang lakad namin. May mga nagsisigawan pero mawawala rin, kasi parang nabigla lang sila.
Nawala ang mga boses ng facilitators na nagli-lead sa amin kaya di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nasisimula na rin akong kabahan kasi hindi naman kami basta bastang iiwan ng mga faci. Ang nagpapakalma lang sa akin ay ang aking mga kahawak kamay kasi alam kong di ako mag isa. Baka nasa unahan lang ang faci.
Nang bumitaw ang isa sa mga kahawak kamay ko, grabeng grabe na ang kaba ko, kahit malamig ay pinagpapawisan ako. Natatakot na ako kaya tinanggal ko ang panyong naka takip sa mata ko, wala ng rules rules natatakot na ako.
Pagkatanggal ko ng panyo ay biglang may nagtakip sa aking bibig. Agad ding nanlaki ang aking mata nang nasa madilim na lugar ako, sa oval. Nagsisisigaw na lang ako nang nakakita ako ng mga kalalakihan at kababaihan sa malapit. Naalala ko kasi ang kwento ng teacher kanina, ang mababarkada. Di ko na mapigilan ang aking emosyon at napaiyak na lamang ako, tuloy-tuloy parin ang pagsigaw ko pero dahil sa kamay na nakatakip sa aking bibig ay tila walang lumalabas na boses. May humahawak din sa mga kamay ko.
Kinagat ko ang kamay ng humahawak sa akin at nalasahan ko ang lupa. Kinuha ko ang pagkakataong iyon at nagsusumigaw ng malakas. Hindi ko alam kung may makaka rinig ba sa akin dahil malayo ang oval sa pinag gaganapan ngayon ng campfire, pero baka may mga naiwang magbabantay sa mga rooms na pagtutulugan namin.
"Huwag kahang mahalikoht." Sabi ng nasa likod ko, nagsitayuan lahat ng balahibo ko dahil sa kanyang boses parang hangin na lang ito. Iyak na lamang ako nang iyak. Sila siguro ang magbabarkadang tinutukoy ng guro kanina.
Itinali niya ang panyo sa aking bibig.
Lord tulungan niyo po ako.
Bakit sakin pa nangyari 'to. Ayaw ko na.
"Isah khang hangahal." sabi ng kung sinong multo.
"Iyhong amah mho siyah hang mhay gawah nheto sahamin."
Ungol at iling lamang ang nagagawa ko.
Sekyu si Papa dito noon sa school at wala naman siyang nabanggit sa amin na napatay o nasaktan niya.
"Suhonud ka nha dohon sa Tatay moh sa impyeherno!" sigaw niya sabay duro sa ulo ko, napapikit nalang ako. Iling ako ng iling dahil kung ano man ang nagawa ni Papa noon siguradong pinagsisisihan niya na ito. Namatay ang Papa ko sa aksidente. Kaya siguro naman dapat na nila itong patawarin dahil wala naman na siya.
Ibinukas ko ang aking mata nang naramdaman kong may malapot na likidong pumapatak sa aking mukha. Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak.
Todo todong sigaw ang ginawa ko nang nakita ko ang patalim na hawak nila.
"Ikawh ang magbabahayad sa ginawah ng iyhong amah sa aminh." mahinang sabi ng isang lalaki at itinutok ang kutsilyo sa aking tyan.
Iyak at dasal na lamang ang nagawa ko.
Lord please save me.
Nagkaroon ako ng pag-asa nang makakita ako ng liwanag galing sa mga flashlight. Nagsisisigaw ako kahit na may nakaharang sa aking bibig, makagawa man lang ng ingay para marinig at matulungan nila ako.
Pero bago pa makalapit ang mga taong may hawak na flashlight ay idiniin na ng lalaki ang kutsilyong nakatutok sa aking tyan. Nahihirapan na akong huminga at may lumalabas ng dugo sa aking bibig.
"Pahalam shayoh." nakakapanindig balahibong sabi ng isa.
Malapit na ang mga taong may flashlight.
"Ayun may tao run!"
Nanlalabo na ang aking paningin pero natanaw ko ang pagtakbo ng mga multo. Hindi na ako makapag isip pa ng maayos dahil bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.
Ngunit iisang tanong lang ang pumasok sa isip ko bago mawalan ng malay.
Bakit sila tatakbo kung patay na sila?
-toot toot toot-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top