Chapter 2
Chapter 2
“SORRY,” bagsak ang balikat na aniya habang diretso lamang siya na nakatingin sa daan. Sunud-sunod din ang kaniyang pagbuntonghininga.
Honestly, wala naman siyang kasalanan. May time pa ako para umatras pero hindi ko ginawa dahil alam ko na kahit papaano ay umaasa ako na magiging matagumpay ang performance ko, but that was not the result.
Lumingon ako sa kaniya at bahagya ko siyang nginitian. “Sorry for what? Hindi mo naman kasalanan na hindi ako nakapasa.”
“I’m not sorry for that. Nag-so-sorry ako dahil pinangunahan kita sa desisyon mo na mag-audition without even consulting you.” Saglit siyang lumingon sa akin gamit ang nag-aalalang mga mata bago niya muling ibalik sa daan ang kaniyang paningin. “But I didn’t regret what I did.”
My forehead furrowed. “Bakit naman? Hindi mo ba nakita kanina kung paano ako pagtawanan ng mga tao noong na-out of balance ako?” lumamlam ang aking boses. Nakaramdam nang disappointment sa mga sinabi niya.
Hindi na ako nag-abala pang ibaling sa kaniya ang aking paningin dahil anytime ay sasabog na ang luha ko, naalala ko na naman ang nangyari kanina. Kung paano ako napahiya sa harapan ng maraming tao.
“Kung makakatulong iyon para magtagumpay ka, why should I regret it? Use what happened earlier as inspiration and motivation. Prove to them that you can do it, na hindi nila basta-basta mapapataob ang kagaya mong may talento,” seryosong aniya dahilan upang mapunta sa kaniya ang aking paningin.
Napaisip ako sa sinabi niya even though may kaunting inis pa rin ako na nararamdaman. Kung iisipin nga naman ay malaking tulong talaga iyon para sa akin kung sa brighter side ako titingin. Gusto lang niya akong tulungan na ma-achieve ‘yong main goal ko sa buhay, at isa pa may point naman ‘yong nais niyang iparating sa akin. Limang taon na puro practice lang ako at never nag-audition sa kahit anong amateur dance contest dahil na rin siguro takot ako sa magiging resulta niyon, na baka hindi pa ako handa, at mapahiya lang ako sa harapan ng maraming tao. Hindi na rin siguro siya nakatiis kaya tinulungan niya akong harapan ang kinatatakutan ko. Bigla ko tuloy naalala ang mga sinabi ni Mrs. Corpuz na minasama ko.
“Be ready, number 567, Jamel Myxie Cortes,” wika ng isang staff na naging dahilan upang pagpawisan ako nang malamig.
Jamel, you can do it! Para ito sa pangarap mo! Para ito sa Lola mo!
Mayamaya lang ay sinenyasan na niya ako na magtungo sa itaas ng stage. Nangangatal ang buong katawan na nagtungo ako roon. Halos mapunit na ang pang-ibabang labi ko dahil sa kakakagat. Kung nakakalikha lang ng malakas na ingay ang dibdib ko ay baka mabingi na silang lahat ngayon. Gusto kong umatras at sabihing hindi pa ako handa, pero paano? Paano kung ito na pala ang oras ko? What if it’s my time to shine? Should I just skip it?
Wala na akong nagawa nang iniabot na sa akin ang microphone. Kailangan ko munang magpakilala at sagutin ang mga tanong nila.
“M-Magandang araw po!” nauutal ang boses na paunang pagbati ko. Saglit ko lamang na inilibot ang aking paningin sa mga taong nakatutok lamang sa akin ang atensiyon bago ko i-focus ang aking mga mata sa mga hurado na nginitian lamang ako nang bahagya.
“Jamel Myxie Cortes, 18 years old, a SHS student. No experience when it comes to dance contest but five years practicing dancing alone.
“What’s your reason for auditioning here, apart from wanting to be a famous dancer?” banayad ang boses na tanong sa akin ng isa sa mga hurado.
“Honestly, Mrs. Corpuz, at first, I wanted to be a dancer for Lola. Bata pa lamang siya ay gusto na niyang maging isang sikat na mananayaw, ngunit lahat nang iyon ay nasira noong araw na naaksidente siya na naging dahilan ng kaniyang pagkalumpo. So since she told me her story that made her unable to fulfill her dream, I wanted to be the one to make her dream come true. At sa mga panahong nag-e-eensayo ako na matutong sumayaw para sa kaniya, unti-unti ko na ring niyakap ang talentong hinahasa ko. That’s why I’m not only doing this for her, but I’m also doing this for me, I want to fulfill both of our dreams.” Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob upang sumagot nang wala man lang nararamdaman na kahit anong kaba o daga sa dibdib.
But once again, my entire system was overwhelmed with nervousness when I heard the loud applause of the crowd. Nasa isip ko ngayon na kung anong ganda ng sagot ko ay inaasahan din nilang magiging ganoon kaganda ang aking performance. Natatakot ako na ma-disappoint ko sila. I’m afraid that I won’t be able to meet their expectations. Gusto ko na lamang na maiyak.
“You impressed us, Jamel. May you fulfill your dream for yourself and your grandmother. We’re rooting for your success! Now, show us the talent you’ve honed for five years, show us how deeply driven you are to achieve success. Good luck!” malapad ang pagkakangiting wika ni Mrs. Corpus na siyang sinang-ayunan ng iba pang mga hurado.
Iniabot ko muna ang microphone sa isa sa mga staff bago ko sila senyasan na patugtugin ang kantang napili kong sayawin. Hindi pa rin maalis ang matindi kaba sa aking dibdib at apektadong-apektado niyon ang aking buong katawan. Kaunting galaw ay nanginginig na kaagad ako. And I:m sure it will have a big impact on my performance.
Saglit kong ipinikit ang aking mga upang pakalmahin ang sarili, but I failed. “Bahala na,” mahinang bulong ko.
I wake up everyday like hello beautiful
‘Cause this world is crazy and it can bring you down
You’re too short, too fat, too skinny~
Sa unang mga steps na na-practice ko ay nakukuha ko ang tamang steps na ako mismo ang gumawa. Ngunit habang iginagalaw ko ang aking katawan ay tumatakbo sa isip ko kung anong iniisip ng ibang tao sa performance ko, at dahil doon ay lalo lamang akong pinanghihinaan.
Oh, I'm talkin’ to the girl in the mirror
Girl in the mirror
Girl in the mirror, girl in the mirror,
Girl in the mirror, girl in the mirror~
Subalit habang tumatagal ay lalo lamang pumalpak ang mga galaw ko. Hindi ito ‘yong best ko, hindi ako ganito. But even though I try not to be led by nervousness and doubt in my mind, I can’t do it. Ang hirap nilang kalabanin. Ang hirap puksain.
Sa paglipat ng aking kanang binti sa kaliwanang direskyon ay hindi inaasahang natapilok ako dahil nawala ako sa focus. Rinig na rinig ko ang hagalpakan ng mga manonood. Ang mga bulungan nilang sinasabayan nang mapangbuyong halinghing.
“Jamel!” Gino shouted my name, anxiously. Humahagulgol lamang ako na nakatingin sa lapag at hindi na naglakas-loob pa na tumayo. Anong mukhang ang maihaharap ko sa mga taong binigo ko? They are all laughing at me now.
Pinuntahan na ako ng mga staff at pilit na pinapatayo, ngunit hindi ako nakinig sa kanila. Nagsisisi ako na sinubukan ko pa, at nagsisisi ako na pinilit ko pa. I hate this day!
But I was surprised when someone picked me up and took me away from the people whose craters were still unstoppable. Hindi ko na kailangang tanungin kung sino iyon, sa amoy pa lang ay kilala ko na. “I’m sorry,” he said. Subalit hindi na ako sumagot pa, lalo lamang bumuhos ang luha ko.
Pagkarating namin sa parking lot ay saka ko lamang napansin na may kasama pala kaming babae, bitbit niya ang mga paper bag na pinamili ni Gino. Kumalma na ako ngayon, subalit sobrang bigat pa rin nang pakiramdam ko.
Nakasandal lamang ako sa kotse habang kausap ni Gino ang babae. “Thank you for helping me to get her out, bro. Alam kong hindi nila ako hahayaang ilabas si Jamel without the consent of orginizer,” pagpapasalamat niya at tinapik niya pa ito sa balikat.
“Small things. Basta kung kailangan mo ng tulong don’t hesitate to ask me,” sagot naman ni Ann, ngunit laking pagtataka ko na nakatingin siya sa akin. She also quickly averted her eyes from me nang napansin niyang nakatingin na rin ako sa kaniya. “Sige, bro, hintayin niyo na lang si Mrs. Corpuz dito dahil may sasabihin daw siya. See you again!” and she left.
Pagkaalis niya ay saka ko lamang napagtanto na siya ‘yong babaeng ngumiti at kumaway sa akin noong nagsasagot ako ng form. So her name is Ann? Ibigsabihin din niyon ay ako nga ang nginitian at kinawayan niya? Why? Dahil ba sa kaibigan ako ng kaibigan niya? Siguro.
Makaraan lamang ang ilang minuto ay dumating na si Mrs. Corpuz, saglit muna kaming iniwan ni Gino upang makapag-usap kaming dalawa.
Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. “Jamel, may talento ka, nakita iyon ng mga mata ko. Alam mo ba kung anong wala ka? Iyon ay ang tiwala sa kakayahan mo,” seryosong aniya habang nakahawak siya sa aking mga kamay at bahagya niya ‘yong hinihimas. “Anong nasa isip mo noong mga panahong sumasayaw ka, Jamel? Iyon ang sagot kung bakit nabigo ka ngayong araw.”
Wala namang mali sa mga sinabi niya, ngunit minasama ko iyon. Masiyadong sarado ang isip ko dahil sa mga nangyari. At ngayon na nagiging malinaw sa akin ang lahat ay alam ko na ang dahilan kung bakit nga nangyari iyon. Tama sila. Noong nasa entablado ako habang sumasayaw, nasa isip ko ‘yong iisipin ng ibang mga tao oras na magkamali ako, at hindi ko man lang naisip kung ano ba talaga ang pinaka reason kung bakit nandoon ako.
“Puwede mo ba akong samahan sa susunod?” walang pag-aalinlangang tanong ko kay Gino na aligagang-aligaga sa pagmamaneho.
Saglit siyang lumingon sa akin, ngumiti nang malaki at tumango na tila naiintindihan ang nais kong iparating. “Thanks for being open minded,” sinserong aniya bago muling ibalik sa daan ang paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top