EPILOGUE

A/N: It's Epilogue na guys! Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat sa pagtutok sa story nila Vince at Charlie. Thank you for all the comments and votes. Hindi ko na binanggit si Gavril dito dahil ayokong magbigay ng spoiler. Yes, story niya ang Blazing Desire 2 kaya sana ay abangan niyo!

Malapit na rin ang umpisa ng Possessively Claimed (The beauty & the possessive series 3). Sana basahin niyo rin iyon. :)

***Greetings to Florianne, FreakinDyosa, Fat28mohd, Mapeth Espago, Bonosting, Maricar Callo. From 22_MonAmour (Zoé Isabel)***

EPILOGUE

1 year later

HINDI mapigilang mainis ni Charlie sa natanggap na text galing kay Vince. Sinabi nito sa message nito na hindi pa ito makakauwi. Mag-iisang buwan na ito sa Switzerland dahil may inaasikaso ito roon at sobrang miss na miss na niya ito.

Ang usapan nila ay dalawang linggo lamang ito roon pero mag-iisang buwan na at 'di pa rin ito umuuwi. Naiinis na talaga siya. Akala pa naman niya ay tutupad na ito sa pangako nito ngayon. Ito na kasi ang pangalawang beses na naudlot ang pag-uwi nito.

"Hmp! Bahala ka d'yan! Tumira ka na diyan kung gusto mo!" Inis niyang sabi saka inihagis ang cellphone sa ibabaw ng kama. Hindi niya ito ni-reply'an dahil napipika talaga siya.

Paggising niya kaninang umaga ay mainit na ang ulo niya sa 'di niya malamang kadahilanan at ngayon ay nadagdagan pa dahil sa natanggap na text galing sa nobyo. Inis siyang pumasok sa loob ng walk-in closet upang magbihis. Katatapos lang kasi niyang maligo. Nang matapos siya ay llumabas siya ng kwarto.

Lalo siyanng nainis nang makita ang mga nagkalat na laruan sa sala. "Chase, Chance!" Malakas ang boses na tawag niya sa mga anak para marinig ng mga ito. Wala ang mga ito sa sala at hindi niya alam kung saang sulok ng bahay nagsuot. Inulit niya ulit ang pagtawag sa mga ito pero wala talagang sumasagot.

"Naku, ito talagang dalawang 'to. Hindi man lang nila niligpit ang mga kalat nila. Basta na lang iniwan." Kausap niya sa sarili na napapailing.

Lumabas siya ng bahay upang hanapin ang mga anak at nakita niya ang mga ito sa gate. Napansin rin niya ang itim na kotse na nasa labas ng gate pero umandar na iyon at umalis nang makalapit siya.

"Sweethearts, what are you doing here?" Tanong niya sa mga ito. Kumunot ang noo niya nang makita ang hawak ng mga ito. "Kanino galing 'yan? Didn't I tell not to talk to strangers?" Nag-aalalang aniya.

Ngumiti ang dalawa saka inabot sa kanyang ang pumpon ng mga bulaklak, isang box ng chocolate at isang scented pink card.

"These are for you, mama." Magkapanabay na saad ng mga ito na matamis ang pagkakangiti.

"Chase, Chance, mama is asking you. Kanino galing ang mga 'to?"

They stared at each and then giggled. "Sabi po nung nagbigay, secret daw po muna, mama."

"Chase, Chance..." she warned.

"Don't worry, mama. Kilala po namin ang nagbigay." Chase assured her.

Napailing na lang siya sa mga anak. Binuklat niya ang card na hawak saka binasa ang laman niyon.

'To the most wonderful woman in my life. May nami-miss ka ba? Well, kung gusto mo siyang makita, naghihintay lang ang eroplano sa tarmac. Get your things ready, go there right now and you'll see what happens next.'

Charlene rolled her eyes pero hindi niya mapigilang mapangiti. Ang dami talagang alam ng lokong 'yon! Kahit naman walang nakalagay kung kanino galing ang mga iyon ay alam na niya kung sino. Pero teka. Bakit kailangan pang pumunta sa airport?

Then she realized something. Bakit kailangang magdala ng mga gamit?

"Hay naku. Ano na naman itong pakulo mo, mahal?" Bulong niya na napapailing. Tumingin siya sa mga anak. "Si papa niyo ba mismo ang nagbigay ng mga ito?"

"No po."

Lumalim ang gatla sa noo niya. "Eh, sino?"

"Basta po ang sabi niya, hinihintay na nila tayo doon sa airport. Tara na po, mama." Hinila ng mga ito ang kamay niya.

"Teka lang, mga anak. Hindi pa tayo nakabihis. Magbihis muna tayo at mag-empake." Excited ang mga anak na pumasok ng bahay. Mabuti na lang at katatapos lang nilang maligo kanina.

Binihisan niya ang mga anak saka ang sarili naman ang inasikaso. Nag-empake siya ng mga damit nila saka kinuha ang mga dokumentong kailangan.

Nang matapos ay agad silang bumaba. Akma niyang isasakay ang mga dala nilang gamit sa sasakyan nang may bumusina sa labas ng gate.

Nagtaka siya nang makita ang kotse ng kuya Blade niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito, kuya?" Tanong niya nang pagbuksan ito.

"Sakay na kayo." Anito saka bumaba upang batiin ang kambal pagkatapos ay binitbit ang mga bagahe nila at inilagay sa trunk ng sasakyan nito.

"Ano? At bakit naman?"

"'Wag ka nang maraming tanong. Tayo na. Hinihintay na nila tayo." Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.

Nang makarating sila sa tarmac, nagulat siya nang makita ang private jet ng kompanya nila.

"Bakit nandito tayo?" Takang tanong niya sa kapatid. Para na siyang ewan na nanghuhula kung ano ba ang nangyayari.

"Saka na 'yang mga tanong mo, bunso. Tara na." Hinawakan nito ang mga kamay ng kambal saka nauna na ang mga itong naglakad paakyat ng eroplano. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod kahit naiirita siya dahil hindi man lang nito sinasagot ng matino ang mga tanong niya.

Nang makapasok sila sa loob ay hindi pa rin niya tinitigilan ang kapatid sa mga tanong niya.

"Buti pumayag si papa na gamitin natin itong eroplano?" Usisa niya habang umuupo sa isa sa mga upuan.

"Syempre naman." Ngisi nito saka hinarap ang kambal at nakipagdaldalan sa mga ito. Napabuntong-hininga na lamang siya at nagpasyang matulog na lang. Dibale, kasama naman nila ang kuya niya kaya ito na muna ang mag-asikaso sa kambal.

Bahala ito kung saan sila dadalhin. Siguro kasabwat ito ni Vince sa kung anumang plano nito.

Hindi niya alam kung bakit antok na antok siya. Wala naman siyang ibang ginawa pero parang nagamit niya lahat ng energy niya. Ilang araw na niyang napapansin 'yon. Naging mas Magana rin siya sa pagkain. Naging bugnutin rin siya at 'di niya malaman kung bakit.

Hindi niya namalayan kung kailan sila nag-take off dahil nakatulog na siya. Nagising na lang siya nang gisingin siya ng kuya niya upang kumain. Pagkatapos niyon ay nakatulog ulit siya.

'Ladies and gentlemen, welcome to Zurich Airport. The local time is 8:45 am and the temperature is 24 degree celcius. For your safety, please remain—' Nanlaki ang mga mata ni Charlie nang marinig kung nasaan na sila. Halos natulog siya sa buong biyahe kaya naman hindi niya napansin kung saan ang destination nila.

"Bakit nandito tayo sa Switzerland, kuya?"

"Secret." Nakangising aso na sagot ng kumag.

"Ano ba, kuya! Sagutin mo naman ako ng matino!" Naiinis na talaga siya.

"Basta. 'Wag ka na lang maraming tanong, bunso." Ngumiti ito sa kanya ng makahulugan at nang pwede nang lumabas ay nauna na ito kasama ng kambal na excited na excited na makauwi sa Aragon mansion.

She huffed and followed them. Nang makalabas sila sa airport, nagulat siya nang makita ang isang familiar na sasakyan. Sasakyan iyon ni Vince.

"Where is Vince, Raphael?" Tanong niya sa driver. Ilang buwan pa lang itong nagta-trabaho kay Vince. Kumuha na kasi ito ng sariling driver para kapag nagbabakasyon sila roon ay hindi na nila kailangang istorbohin ang driver ng lolo nito lalo na kung nasa Switzerland din ang don.

"He is in an important meeting right now, Miss, that's why he asked me to pick you all up." Napabuntong-hininga na lang siya. Mukhang tama nga ang hinala niya na ang nobyo ang may kagagawan ng lahat ng ito. Pero bakit? Pwede namang tumawag na lang sana ito para sabihing pumunta sila dito sa Switzerland. Hay, naku. Ewan ko sa'yo, mahal!

Tumahimik na lamang siya. Hindi niya alam kung bakit parang nagngingitngit siya na hindi niya agad nakita ang nobyo. Alam naman niyang busy ito sa negosyo kaya nga ito pumunta roon pero kahit man lang sana sumaglit lang ito para sunduin sila.

Hindi niya maiwasang magtampo. Hindi ba sila nito nami-miss?

Habang nasa daan sila ay tahimik lamang siya habang masayang-masaya naman ang kuya Blade niya habang kausap ang kambal.

"We went fishing the last time we were here, tito ninong. Tinuruan po kami ni papa. Ang galing po niya. Ang dami niyang nabingwit na isda." Rinig niyang pagbibida ni Chase.

"Talaga? Mas magaling pa ang papa niyo kaysa kay tito ninong?"

"Eh, hindi ka naman marunong mag-fishing, tito ninong, eh." Sabat naman ni Chance saka pilyang tumawa.

Hindi mapigilang matawa ni Charlie sa sinabi ng anak. Tama naman ito. Hindi marunong ang kuya niya. Nag-outing sila last month kasama ng mga kapatid niya. Pumunta sila sa farm nila sa Batangas at sinubukan nilang mangisda. Iisa lang ang nakuha nito tapos ang liit pa. Tinawanan tuloy ng kambal.

"Maiba ako, kuya. Bakit ka pala sumama sa'min dito? 'Di ba busy ka?" Usisa niya kapagkuwan.

"Bakit? Ayaw mo ba akong kasama? Ouch!" He pretended to be hurt by cupping his chest. Pinaikutan niya ito ng mga mata. Ang OA lang.

"Wala akong sinabing ganyan. Ewan ko sa'yo!" Inirapan pa niya ito na ikinatawa na lang nito.

Nang makarating sila sa mansion ng mga Aragon, tuwang-tuwa ang kambal nang makita ang lolo ni Vince doon. Nagmano silang mag-iina rito.

"Mabuti naman at nakarating na kayo. Kumusta ang biyahe, mga apo?" Magiliw na tanong ng don sa mga bata.

"Okay naman po, grandpa. Kuya and I watched movies during the flight." Nakangiti na sagot ni Chance.

"Hindi ba kayo natulog?"

"Natulog po after naming manood. Tumabi po kami kay mama. Matagal po kasi siyang natulog, eh." Sagot naman ni Chase.

Tuwang-tuwa na ginulo ng don and buhok ng dalawa.

"Sige na. Magpahinga na muna kayo dahil may pupuntahan tayo mamayang gabi."

"Talaga po, grandpa ? Saan po?"

"It's a surprise. Sige na. Go freshen up." Sumunod naman ang kambal at hindi na sila hinintay. Umakyat na agad ang mga ito sa kwarto ng mga ito. Sumunod naman ang kuya Blade niya sa mga ito at nagpaiwan muna siya.

"Nasaan po ngayon si Vince, lolo? Pupunta rin po ba siya sa puypuntahan natin mamayang gabi?" Hindi mapigilang itanong ni Charlie.

Ngumiti ang don. "You'll see, hija. Basta ang bilin niya, kailangan mong mag-beauty rest muna ngayon para mamaya. Sige na. Umakyat ka na rin para makapag-relax ka naman. May pupuntahan lang muna ako. Magkikita na lang tayo doon sa sinasabi kong lugar. Alam ni Raphael iyon. Ihahatid niya kayo."

Dahil sa narinig ay napangiti na rin siya. Miss na miss na talaga niya ang kasintahan. Mag-iisang buwan pa lang silang hindi nagkikita pero parang ang tagal-tagal na niyon para sa kanya. Dibale, makikita ko na siya mamaya.

"Sige po, lolo. Gustong-gusto ko nang makita si Vince. Siguraduhin niya lang na nando'n na siya pagdating namin."

Natawa ang kaharap. "At nasisisguro kong miss na miss ka na rin niya. Don't worry, magkikita rin kayo." Anito bago tuluyang umalis. Umakyat na rin siya at pagkatapos niyang asikasuhin ang mga anak ay ang sarili naman ang inasikaso.

Nanatili muna sila sa kwarto hanggang sa tinawag silang kumain.

Pagkatapos ng tanghalian ay natulog silang mag-iina. Ilang oras din siyang nakatulog sa flight pero inaantok pa rin siya. Nagising sila bandang alas singko na.

Tinulungan niyang maligo si Chance samantalang inasikaso naman ng kuya Blade niya si Chase. Nang matapos siya ay siya naman ang naligo saka inayos ang sarili. Akma siyang pipili ng isusuot nang may kumatok sa pintuan.

Naka suot ng bathrobe na pinagbuksan niya ang tao sa labas.

"May nagpapabigay, bunso." Nakangiting turan ng kuya Blade niya. May hawak itong may kalakihang paper bag na orange. May laman iyong box rin na orage. She saw the brand name. Sophialina.

"Ano naman 'yan? Kanino galing?"

"Alam mon a kung sino." Nakangising sagot nito saka inabot sa kanya ang hawak. "Sige na, bilisan mo nang magbihis. Ikaw na lang ang hinihintay namin."

"Tse! Maghintay kayo diyan!" Inis niyang sagot. Natawa na lang ang kuya niya saka umalis.

Isinara niya ang pintuan saka binuksan ang laman niyon. Napangiti niya nang makita ang laman ng box. May isang maliit ng putting card rin na kasama iyon. Kinuha niya saka binasa ang laman.

'To the woman that I love the most. This is for you. I love you.' Napangiti siya nang mabasa iyon. 'Di niya mapigilang kiligin. Kinuha niya ang damit at pinagmasdan iyon. Isang napakagandang sundress na pula.

She excitedly put it on and got actually surprised when it fitted on her perfectly. Buti alam ng nobyo kung ano ang size niya kundi, magtatampo talaga siya. Pagakatapos niyon ay humarap siya sa salamin upang mag-ayos. Naglagay rin siya ng red lipstick saka itinali ang mahabang buhok pagkatapos iyong i-blow-dry.

Nang na-achieve niya ang perfect look na gusto niya, she decided to go downstairs.

"Wow, our mama is really the most beautiful mama." Puri ng mga anak nang makita siyang pababa sa hagdan. Talagang marunong mag-compliment ang mga ito. Her heart swelled.

"Thank you, sweethearts. Mana talaga kayo sa papa niyo. Marunong mambola." Natatawa niyang saad nang tuluyang makababa saka pinanggigilan ang mga pisngi ng mga ito. Ang cute ng mga ito sa suot. Naka-gel pa si Chase samantalang naka-twin tales naman so Chance.

"No, mama. We're not making you bola. We're telling the truth."

"Tama naman ang mga anak mo, bunso. Ang ganda mo ngayon. Hindi halatang pinaghandaan mo, ah. Miss na miss mo na siya, no?" Kantiyaw ng kuya niya. Pabirong inirapan niya ito.

"Tara na nga. Pinagtutulungan niyo na naman ako." Tumawa ang mga ito. Maya-maya ay nasa kotse na sila papunta sa lugar na sinasabi ng lolo ni Vince. Excited na siya. Ang nasa isip lang ay makita si Vince.

"Sige na, bunso. Mauna ka nang pumasok. Sunod na lang kami. Aayusin ko muna ang damit ko. Medyo nalukot." Sabi ng kuya niya nang makarating sila sa lugar.

Kumunot ang noo niya. "Okay naman ang damit mo, ah."

"Hindi. Nagusot ng konti. Sige na. Mauna ka na lang."

She sighed. "Isasabay ko na lang ang mga bata."

"Hindi na. Ako na ang bahala sa kanila. Sandali lang naman 'to." Pilit ng kuya niya.

She huffed. "Hay, naku. Sige na nga. Basta bilisan niyo, ha?" Bilin niya.

"Oo. Akong bahala."

Lumabas na siya ng sasakyan upang pumasok na sa restaurant. Sa isang restaurant sa mataas na bahagi ng Uetliberg sila dinala ni Raphael. Ito ang 'La belle rouge'. Kaibigan ni Vince ang may-ari niyon.

Ito ang paborito nilang restaurant sa Zürich dahil bukod sa masarap ang mga pagkain nila ay napakaganda pa ng tanawin na malayang mapagmamasdan sa terrace lalo na kapag gabi. Kitang-kita kasi ang panoramic view ng ciudad.

Dumiretso siya sa entrée ng restaurant at nang makapasok ay namangha siya sa ganda at cozy ng lugar. Parang mas lalo yatang gumanda ngayon ang loob niyon. Napansin niyang nabago lahat ng mga dekorasyon.

Naging mas romantic. May mga balloons, flowers and petals scattered everywhere. Even the scent inside was heavenly.

"This way, ma'am." The maitre d ushered her to a particular table. Napansin niyang walang tao sa loob maliban sa mga crew at sa kanya. Infact, iisa lang ang table na naroon at 'yon ay ang table na pinagdalhan sa kanya.

"Thank you. Ahm, where is everybody?" Tanong niya pero ngumiti lamang ang lalaki saka umalis. Nagtatakang umupo siya sa upuan habang gumagala ang paningin. "Nasa'n na sila? Ang weird." Bulong niya. Akmang kukunin niya ang cellphone mula sa purse niya nang biglang namatay lahat ng ilaw.

Medyo kinabahan siya. Nanlalaki ang mga mata niya na iginala ang mga mata pero wala siyang maaninag.

"Hello? W-What happened? Why are the lights turned off?" Tanong niya pero walang sumagot. Lalong sumasal ang tibok ng puso niya. Ano ba ang nangyayari?! Akma siyang tatayo upang subukang lumabas na lang nang bigla siyang may marinig na tugtog na pumailanlang.

Para iyong tunog na galing sa isang saxophone. Tumutugtog ito ng 'Nothing's gonna change my love for you'. Sino kaya 'yon?

Then, the lights turned back on pero mas dim na ngayon. Bumalik din ang maître d at sinindihan ang kandila sa table. Nakita niya rin ang isang gwapong lalaking tumutugtog ng saxophone. Ngumiti ito sa kanya pero patuloy lamang sa pagtugtog.

"Magseselos na ba ako niyan, mahal?" She got surprised when she heard that voice. Napangiti siya nang makitang palapit sa kanya si Vince. May hawak itong bouquet of flowers.

"Bakit ka naman magseselos?" Taas-kilay niyang tanong.

"Eh, kanina ka pa nakatingin sa kaibigan kong 'yan, eh."

Pinaikutan niya ito ng mga mata. "Kanina talaga? Ilang seconds lang, eh. Exaggerated ka na naman."

Ngumisi ang kumag saka siya hinagkan sa mga labi. "Just kidding. Alam ko namang mahal na mahal mo ako, eh." Mayabang na anito.

Akma siyang magsasalita pero hindi siya nito hinayaan. "Wag ka nang komontra. Anyway, this is for you." Inabot nito sa kanya ang bulaklak saka buong pagmamahal siya nitong pinagmasdan. "You're so beautiful, mahal. Sabi ko na nga ba, eh. Bagay mo ang dress na 'yan." Buong suyong bulong nito.

Napangiti siya. "Thank you, mahal. Gusto mo naman pala kaming papuntahin dito pero dinaan mo pa sa surprise." Tukso niya.

"Syempre naman. You're a very special woman kaya you deserve the best." Kinuha nito ang isang kamay niya saka hinagkan iyon. "May I dance with you, mahal?"

She chuckled. "I'd love to." Inilagay niya sa ibabaw ng table ang hawak na bouquet. Ilang saglit pa ay marahan na silang sumasayaw. Magkadikit ang mga noo nila, ang isang kamay nito ay nasa likod niya habang ang isa ay hawak ang isang kamay niya. May masayang ngiti sa mga labi ng isa't-isa. Ngayon ay 'Wonderful Tonight' naman ang tugtog.

"Alam mo bang mahal na mahal kita?" Tanong ng binata kapagkuwan.

She chuckled. "Oo naman. Ilang beses ko na 'yang napatunayan at mahal na mahal din kita."

Nagningning ang mga mata nito sa narinig na sagot niya. "Talaga? Gaano kamahal?"

"Sobrang mahal. You complete my life and I won't be able to live life happily kung mawawala ka sa'kin." Madamdamin niyang sagot.

Hinaplos nito ang pisngi niya saka pinakatitigan siya sa mga mata. "Marami na tayong pinagdaanan, mahal. Maraming beses na rin nating napatunayan kung gaano natin kamahal ang isa't-isa. Ako, sigurado na akong ikaw lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako dito sa mundong ito. Ikaw, ganun ka rin ba?"

"Oo naman, mahal. Hindi mo na kailangan pang itanong 'yan sa'kin." Agad niyang sagot. Ngumiti ito ng buong tamis.

"Mabuti naman." Anito saka bahagyang dumistansya sa kanya. Tumigil sila sa pagsayaw. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang bigla itong lumuhod sa harap niya saka hinawakan ang isang kamay niya.

Narinig niyang nagbago ulit ang tugtog. This time, the man played 'God gave me you.'

"Gaya nga ng sabi ko kanina, marami na tayong pinagdaanan. Ilang beses na nasubukan ang pagmamahal natin sa isa't-isa. Kahit pa hindi natuloy ang kasal natin dahil sa mga nangyari noong nakaraang taon, masaya pa rin ako dahil naging mas matatag ang pagmamahalan natin.

"Pasensya na kung ngayon ko lang ulit ginawa ito. Gusto ko lang kasing maging special ito para sa'ting dalawa kaya pinaghandaan ko. Sinigurado kong handa na tayong dalawa bago ang lahat." May kinuha ito sa bulsa.

Ganun na lamang ang emosyon niya nang buksan nito iyon. Isang napakagandang sing-sing. Hindi iyon ang unang ibinigay nito sa kanya noong unang beses itong nag-propose. Namasa ang mga mata niya sa sobrang kaligayahan.

Akma itong magsasalita nang may tumawag sa kanya. "Mama!"

Hinanap niya iyon at nakita niya ang dalawang anak. May hawak ang mga itong cardboard na may mga words na binubuo ng led lights. Namasa ang mga mata niya nang mabasa ang mga salitang iyon.

'Will you marry me?'

"Gusto ko mang gamitin natin 'yong unang sing-sing na ibinigay ko sa'yo pero mas magandang bago na lang. I want us to put everything behind us and start all over again. Ngayon masaya na ang lahat, gusto kong mas pasayahin pa kita bilang Mrs. Aragon." Masuyo siya nitong tinitigan sa mga mata. "Will you marry me, Ms. Charlene Azaria?"

Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya. Luha ng sobrang kaligayahan. Matagal na niya itong hinintay pero alam naman niyang hinintay lang ni Vince na maayos ang lahat.

Oo, hindi nila itinuloy ang kasal nila last year dahil sa gulong nangyari. Malungkot man pero kailangan muna nilang ayusin ang mga pamilya nila bago ang lahat.

"Yes, mahal. I'll marry you."

"Yes!" Gaya pa rin noong una na labis ang sayang gumuhit sa mukha ng nobyo. Isinuot nito sa kanyang daliri ang singsing saka tumayo at agad na sinakop ang kanyang mga labi para sa isang halik na punong-puno ng pagmamahal.

Ngunit pagkatapos ng ilang segundo ay nagulat na lamang siya nang biglang may mga pumalakpak sa paligid nila. Naputol ang halikan nila. Tiningnan niya kung sino ang mga 'yon. Lalo siyang napaluha nang makita kung sinu-sino ang mga 'yon. Lahat ng mga taong mahal nila sa buhay ni Vince ay naroon, masayang pumapalakpak para sa kanilang dalawa.

Nagulat siya nang makita ang papa niya roon. Namamanghang tumingin siya kay Vince.

"Alam kong hindi magiging kumpleto ang araw na 'to kung wala siya kaya pinuntahan ko siya." Nakangiting saad ni Vince.

Noong nalaman nilang lahat ang mga ginawa ng papa niya ay nagalit ang lahat rito. Pati mga kapatid niya ay hindi ito mapatawad. Pero nagsisi ang papa niya sa lahat ng mga ginawa nito. Na-realize nito lahat ng pgkakamali at napagtantong mahal pala nito ang mama nila.

Humingi ito ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan nito pero buo na ang desisyon ng ina na makipaghiwalay rito. Napilitang umalis ng bahay ang papa niya at nanirahang mag-isa. Ipinangako nitong gagawin nito ang lahat, mabawi lang sila nito na pamilya nito.

Niligawan ulit nito ang mama nila. Pati sa kanilang magkakapatid ay bumawi ang ama lalo na kay tita Vickie at tito Bernard. Lumuhod ang ama sa harap ng mga ito habang humihingi ng tawad na punong-puno ng pagsisisi. Kailangan pang mawala ang lahat rito para ma-realize nito ang mga pagkakamali nito.

Sabi ng dalawa ay hindi masasabi ng mga ito kung kailan nila maibibigay ang kapatawaran sa ama. Panahon lang ang makapagsasabi.

Ngunit siya ay matagal nang napatawad ang ama. Kahit kasi ano pa ang mangyari ay ama pa rin niya ito.

Napayakap siya sa binata. "Thank you, mahal. You're the best!"

"Sige na. Lapitan mo na siya." Bulong nito. Lumapit siya sa ama.

"Thank you for coming, papa." Emosyonal niyang turan. Naluha naman ang ama.

"Nagulat ako nang puntahan ako ni Vince. Hindi ko akalaing hihingin niya sa'kin ang kamay mo. You really found a wonderful man, sweetheart. Patawarin mo ako kung hindi ko agad nakita 'yon. Naging makasarili ako at masamang ama. Sana balang araw ay mapatawad mo ako." Umiiyak na sabi nito. Kitang-kita niya ang pagsisisi nito.

Ngumiti siya saka yumakap sa ama. "Matagal na kitang napatawad, papa. Oo, nasaktan ako sa mga nangyari pero kinalimutan ko na 'yon. Mahal na mahal kita, kayo ng mama."

Mahigpit siya nitong niyakap. "Salamat, anak. Ang saya-saya ko kasi sa wakas, napatawad mo na ako. Sana ganun din ang mama at mga kapatid mo."

"'Wag kang sumuko, papa. Mapapatawad ka rin nila." Aniya saka napatingin sa gawi ng mga kuya at mama niya.

"Sana nga, anak." Bumitiw ito sa kanya saka pinunasan ang mga luha niya. "Don't cry. Masisira ang make up mo. You should be happy. Sige na. Bumalik ka na sa fiancé mo."

Ngumiti siya ng matamis. "Sige, papa. Salamat ulit sa pagpunta." Hinagkan niya ito sa pisngi bago bumalik kay Vince.

"Thank you ulit, mahal. Pinasaya mo ako ng sobra-sobra." Niyakap niya ito. Akma itong sasagot nang tumakbo palapit ang mga anak nila.

"Congratulations, mama, papa! We're very happy right now."

Masaya nilang niyakap ang mga anak nila. "Thank you, sweethearts." Magkasunod na sagot nila. Ngayon lang siya naging masaya ng ganito. She felt complete. Kahit hindi pa man masyadong okay ang mga pamilya nila, at least, they're getting there.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang party na inihanda ni Vince. Masayang-masaya ang lahat na nag-celebrate para sa kanilang engagement. Ipinakilala rin ni Vince ang mga kaibigan nito sa kanya. Meron pang galing France na si Rex Avis Frias. Kasama nito ang pamilya nito.

Nagkakilala raw ito at si Vince three years ago at naging magkaibigan. Alam ni Vince na magaling itong tumugtog ng wind instruments kaya nakiusap ang kasintahan na ito na lang ang tumugtog para sa proposal nito at agad namang pumayag ang binata.

Friendly ito pati na ang asawa nitong si Ellie. Kasundo rin agad ng kambal ang mga anak ng mga ito kahit mas matanda ang mga ito sa kaysa sa kambal.

"Masaya ka ba, mahal?" Tanong ni Vince habang pinapanuod nilang nagsasaya ang lahat sa dance floor.

"Oo naman. Ako na yata ang pinakamasayang babae ngayon sa balat ng lupa."

"At magiging mas masaya ka pa kapag nakasal na tayo dahil paliligayahin kita sa abot ng aking makakaya. Hindi man maiiwasang may mga problema tayong pagdadaanan, magkasama nating haharapin lahat ng iyon." He said full of promise.

"Ganun din ako, mahal. I'll do my best to make you happy. I love you so much."

"And I love you too. So much that I can't even explain." Ngumiti sila sa isa't-isa saka nagtagpo ang mga labi nila.

"Oo nga pala, mahal. I have a surprise for you." Aniya nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

Nagtatakang tumingin ito sa kanya. "Ano 'yon?"

Kinuha niya ang kamay ng nobyo saka ipinatong sa tiyan niya. Nanlaki ang mga mata nito.

"Y-You mean..."

"Yes, mahal. I'm pregnant." Bigla na lamang siyang napatili nang buhatin siya nito saka inikot-ikot sa ere. Napatigil ang lahat sa ginagawa saka napatingin sa kanila.

"Everyone, magiging papa na ulit ako!" Masayang anunsyo ng binata kapagkuwan. Tuwang-tuwa ang lahat.

Two months after that, naganap ang dream church wedding nila. Sa araw na iyon ay naging napakasaya niya. Sa wakas, natuloy na rin ang naudlot nilang kasal. Syempre, kumpleto ang mga mahal nila sa buhay.

Pareho silang emosyonal ni Vince habang sinasabi nila ang wedding vows nila. Sa mga sumunod na taon ay naging napakasaya niya at wala na siyang mahihiling pa. Talagang tinupad ng asawa niya ang mga pangako nito sa kanya.

Marami pang mga pagsubok ang haharapin nila pero walang takot sa dibdib niya dahil alam niyang nasa tabi lang niya ang pinakamamahal na asawa at mga anak.

Tama nga ang kasabihan. Pagkatapos ng bagyo ay may bahaghari.

THE END

Ano ang masasabi niyo sa story nila Vince at Charlie?

How's the ending?

Sino na sa inyo ang nakabasa na sa story nila Rex at Ellie?

See you in my next story, blazers! 

Loved this story? Then check out my other stories as well. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top