chapter 9

HAPPY READING :)

PANAY ang tungga ni Vicente sa bote ng alak na hawak habang matalim ang mata na nakatingin sa kawalan. Nasa isang club siya na pag-aari ng kanyang kaibigan na si Ryder. Gabi na pero wala pa siyang balak umuwi.

Gusto niyang maglasing baka sakaling mawala ang lahat ng kanyang nararamdaman ngayon. Hindi niya matanggap na hanggang ngayon ay apektado pa rin siya sa mga nangyari noon.

Nang makita niya si Charlene na nakayakap sa lalaking iyon ay parang nagbalik lahat ang mga nagyari sa nakaraan. Ang poot na kanyang kinikimkim ay lalong nagningas. Mabuti na lamang at nakapag-timpi pa siya at hindi niya nabugbog ang lalaking 'yon.

Pumunta siya sa rancho upang tuparin ang kanyang pangako sa kambal pero iyon ang nadatnan niya. Hindi niya akalaing aalis nga talaga ang dalaga roon at ibibigay na sa kanya ang rancho. Dapat ay masaya siya dahil unti-unti nang natutupad ang mga plano niya pero nang makita ang hindi niya inaasahang yakapan ng dalaga at ng Gavril na 'yon ay parang nagdilim ang paningin niya.

Umiral ang galit sa kanya at nasapak ang lalaki. Ang masama pa ay nakita ng kambal ang nangyari at galit na ang mga ito sa kanya.

Hindi niya mawari kung bakit pero sobra siyang apektado sa isipin na baka ayaw na sa kanya nila Chase at Chance. Anak ang mga ito ng kinamumuhian niyang lalaki pero iba ang nararamdaman niya sa dalawang bata kapag nakikita ang mga ito. Vicente groaned in frustration.

"Hoy, hinahamon mo ba ako? Bakit ang sama ng tingin mo?!" nag-angat siya ng tingin nang marinig ang galit na boses ng isang lalaki na basta na lamang lumapit sa kanya. Mukha itong sanggano. Malaki ang katawan at mukhang lasing na.

The corner of Vince's lips twitched as he threw a glimpse of the pissed off man. Pero imbes na sagutin ang tanong nito ay binawi niya ang mga mata saka tumungga ng alak. Parang napika naman ang lalaki sa ginawa niyang pag-deadma rito.

"Gago 'to, ah!" galit na galit na sigaw nito saka siya hinila sa kwelyo. Mahigpit iyon at halos masakal na siya pero wala siyang pakialam. Binitawan niya ang hawak na alak.

He gave the man a warning look. "Bitiwan mo ako." Kalmado ang boses niya pero nag-uumpisa nang kumulo ang dugo niya. Mainit na mainit ang ulo niya at ang huling gusto niyang mangyari ay mabunton sa isang lasing ang galit niya.

"Talagang mayabang ka, ah! Ito'ng sa'yo!" tumaas ang kamao nito upang suntukin siya ngunit mabilis niyang nasalag iyon ng isang kamay. Ang kanyang libreng kamay naman ay sapilitang tinanggal sa pagkakakapit sa kanyang kwelyo. Malakas ito pero mas malakas siya.

Napa-aray pa ito dahil sa kanyang ginawa.

"Ang sabi ko, bitiwan mo ako." Aniya sa kalmado pa ring tinig saka tumayo at itinulak ito. Muntik na itong matumba.

Akma siyang aalis na nang palibutan siya ng tatlo pang kalalakihan. Mukhang kasama ang mga iyon ng lalaki.

"Ano pa'ng hinihintay niyo?! Bugbugin niyo ang gago'ng 'yan!" utos ng lalaki. Sabay-sabay na sumugod ang mga tatlo. Mabuti na lamang at hindi pa siya ganun kalasing kaya malinaw pa rin niyang nakita ang mga atake ng mga ito.

Mabilis niyang naiwasan ang suntok at tadyak ng mga ito saka mabilis na gumati. Natumba ang dalawa sa mga ito nang bigyan niya ang mga ito ng magkasunod na sipa.

Sumugod ang natitirang nakatayong kasama ng mga ito at binigyan siya ng sunod-sunod na suntok pero nailagan niya iyon lahat at nang makakita ng tiempo ay binigwasan niya ito ng right hook saka hinila ito sa kamay at pinilipit iyon.

"Aray!" sigaw nito sa sakit. Humigpit ang hawak niya sa braso nito akmang pipilipitin pa iyon lalo nang may magsalita.

"Vicente, tama na 'yan!" napatingin siya sa bandang kanan niya at nakita niya ang kaibigang si Fox, kasama nito ang kambal na si Wolf. Lumapit ang mga ito sa kanila at sapilitan siyang hinila mula sa pagkakahawak sa lalaking kalaban niya.

Then Ryder came through the crowd. "Itapon niyo ang apat na 'yan sa labas at huwag na huwag niyo nang papapasukin pa dito ang mga ito, naiintindihan niyo?!" Sigaw nito sa tatlong guwardiya. Tumango ang mga ito saka hinila na palabas ang mga lalaki.

"Why the fùck did you stop me from breaking that a*shole's arm?" Vicente snapped at them.

"Tsk! Pwede ba, 'wag mong gawing boxing ring ang club ko kapag may problema ka? Lagi ka na lang napapa-trobol dito kapag mainit ang ulo mo!" sita ni Ryder na masama ang pagkakatingin sa kanya.

"I didn't start it." malamig niyang sagot saka naglakad papunta sa taas kung saan merong VIP room. Doon sila laging tumatambay na magkakaibigan kapag nasa Club Archea sila. Sumunod naman ang tatlo habang napapailing na lamang.

He threw himself on the couch upon entering the room. Napahilamos siya sa mukha.

"Ano na naman ba ang problema mo kaya ka nandito?" Si Ryder ulit. Pumunta ito sa mini bar saka naglabas ng apat na beer. Initsa nito isa-isa ang mga iyon sa kanila.

Akma siyang sasagot nang magsalita si Wolf. "I think may idea na ako kung ano ang problema nitong kaibigan natin."

Napabaling ang tingin ng lahat rito. "Ano naman iyon? Ba't hindi ko yata alam 'yan?" Curious na tanong ni Fox.

Ngumisi si Wolf saka tumungga ng beer bago sumagot. "Alam niyo ba kung bakit hindi masyadong mahagilap itong taong 'to sa pinapagawa nating resort?" parang natatawa nitong saad.

"Eh, ano nga?"

"Pa'no ba naman, nakita niya na ulit ang ex niya at 'yon ang pinagkakaabalahan niya." Napapailing na sabi nito. He looked so amused while shaking his head.

Vicente gritted his teeth. Kahit kailan talaga, chismoso ang isang 'to. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng makakasama niya nang una niyang makita si Charlene sa fastfood chain ay ito pa?

"Shut up! I don't want to talk about her." masama ang tingin niya kay Wolf habang sinasabi iyon pero parang hindi ito apektado.

"I did my own research. Charlene is still single. Well, she already have kids though." Patuloy lang ng kumag.

"Oh. So that's what's been going on lately. Kaya pala mainit na naman ang ulo nitong kumag na 'to. Ang babaeng 'yon lang naman ang nakakapagpalabas ng kademonyohan ng isang 'to, eh." Si Ryder habang napapailing.

"Eh, syempre. First love never dies." Kantiyaw naman ni Fox.

Vince huffed irritably saka tumayo. Wala siyang balak pakinggan ang mga pang-aasar ng mga kaibigan. Naglakad siya papunta sa pintuan.

"Hey, saan ka pupunta? We're still having fun here." nakakalokong sabi ni Wolf pero hindi na niya ito pinansin. Narinig niya ang tawanan ng tatlo pero kahit gusto niyang bigwasan ang mga ito ay mas minabuti na lamang niyang umalis.

NANG makarating sa bahay ay nagulat si Vince nang makita ang lolo niya sa sala. Halatang hinihintay siya nito.

"You're late." Umpisa nito habang nakatingin ng seryso sa kanya. Lumapit siya rito upang magmano. "And drunk." Puna nito nang marahil ay maamoy ang alak sa kanya.

"I just had a couple of shots, lo."

Bumuntong-hininga ito saka napailing. "Maupo ka. May pag-uusapan tayo."

"About what? Inaantok na ako." Vince answered impassively.

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, maupo ka." Istriktong saad nito. Vicente sighed in defeat and just obliged.

"What is it about, lo?"

"Ano itong nababalitaan ko na madalas ka raw wala sa opisina?" umpisa nito. Sabi na nga ba niya at malalaman nito iyon. Kahit retired na ito ay may mga mata pa rin ito na nakabantay sa kanya. Napailing na lamang siya.

"Lo, alam niyo naman po na may pinapagawa kaming resort ng mga kaibigan ko 'di po ba? Pumupunta ako doon lagi para makita 'yon. My friends are busy so I have to be the one to monitor it."

"Akala ko ba nagbago na ang isip mo doon sa project na 'yon dahil mas gusto mong doon na lamang sa lupain ng mga Azaria ka magpatayo ng bagong project?" nagtatakang tanong nito. Damn it! He slipped.

"Naumpisahan na po kasi ang project kaya hindi na pwedeng umatras." Dahilan niya.

"'Yon naman pala. Then give back the ranch to the Azaria family. Wala rin namang pakinabang sa atin iyon. Medyo malayo rin iyon sa sentro at hindi magandang patayuan ng business. Besides, alam mong kontra ako sa plano mo noon pa lang. Ayokong magkasira ang mga Azaria at ng pamilya natin pero dahil mapilit ka, pumayag ako sa gusto mo. Now, tell me. Ano na ba talaga ang plano mo sa property na 'yon ngayon?" nakakunot-noo nitong tanong.

Hindi kaagad siya nakahuma. Ano nga ba talaga ang gusto niya? Gusto niyang pahirapan si Charlene at nagawa na niya. Pero ngayong nasa kalagitnaan na siya ng mga plano niya ay nasisira ang diskarte niya dahil sa hindi niya mapigilang bugso ng galit. Nawawala siya sa focus lalo na noong nakita niya ang dalaga na nakayakap kay Gavril.

Nag-igtingan ang bagang niya nang maalala ang eksena kanina sa rancho. Ang pamilyar na galit ay nag-apoy lalo.

"I want to make her pay." Iyon ang nanulas sa kanyang mga labi.

Nakita niyang napailing ang lolo niya. "Sabihin mo nga sa akin, apo. Gusto mo lang bang gumanti o may natitira ka pang damdamin sa apo ni Alvaro?"

Natigilan si Vince. Hindi iyon pumasok sa isipan niya. Mahina siyang natawa. "That's impossible, lo. Pagkatapos ng ginawa niya sa'kin, wala na akong natitirang damdamin sa kanya kundi galit."

Umiling-iling ang abuelo na tila hindi naniniwala. "I think you need to check your heart once again. Iba kasi ang nakikita ko sa'yo ngayon. Mula nang bumalik tayo dito sa Pilipinas at makita mo ulit ang babaeng iyon ay parang nawala ka na sa tamang huwisyo. Nag-aalala ako na baka sa ginagawa mo ay ikaw rin ang masasaktan sa bandang huli."

Vince scoffed. "Let's see about that, lo. I will finish this game and I'll make sure that this time, I'll have the last laugh."

"Bahala ka. Basta ito ang sasabihin ko sa'yo. Don't let your anger cloud your judgement and rationale thinking. Maraming namamali ng landas dahil hinahayaan nilang kainin sila ng galit nila." Tumayo ito at akmang iiwan na siya nito roon nang mukhang may maalala. "Anyway, make sure not to lose your focus in the company. Ikaw na ang CEO ngayon at wala na ako sa kumpanya upang saluhin ka. May tiwala ako sa'yo, apo. Don't disappoint me."

Napatingin siya sa abuelo saka tumango. "Maaasahan mo ako, lo." Pagbibigay assurance niya rito.

Tumango ito. "Good. Sige, umakyat na tayo. Gabi na." sabi nito saka nauna nang naglakad papunta sa grand staircase.

Ilang segundo pa ay sumunod na rin siya rito.

Habang nakahiga sa kama ay maraming tumatakbo sa isipan niya. Hindi siya mapakali. "Sh*t!" he hissed when the beautiful face of Charlene popped up in his mind once again.

"Hindi ako papayag na maging masaya ka sa kanya, Charlie." He muttered through gritted teeth. Hindi niya maintindihan pero 'yon ang pinakahuling nais niyang makita; ang magkasama ang dalawa at maging masaya. Hindi siya papayag.

HINDI maiwasang makaramdam ng tuwa si Charlene habang nakatingin sa bahay. Akala niya ay hindi na niya iyon makikita pang muli kahapon pero nagbago ang lahat nang biglang dumating si Vince at sabihing hindi na sila aalis.

Napatingin siya sa mga halaman niya at napangiti. Kahit papaano ay nagkaroon siya ng pag-asa. Katatapos niya lamang mag-dilig at gaya ng dati, it gave her peace of mind and calmness.

Pero agad ding nawala iyon nang maalala si Vince.

Kahit alam niyang lumalangoy siya sa isang mapanganib na ilog ay hindi siya aatras. Handa siyang harapin kung ano man ang plano ng binata. Ang mahalaga ay hindi na nito patatayuan ng resort ang rancho nila.

Napabuntong-hininga siya nang maalala ang mga kaganapan kahapon. Ang sabi ng binata ay babalik ito sa araw na iyon at kinakabahan siya sa mga kundisyon nito. Alam niyang hindi madali ang hihingiin nito sa kanya kapalit ng naging desisyon nito pero bahala na.

"You can do this, Charlie." She muttered with new found determination. Akma siyang papasok na sa kabahayan nang may marinig siyang pumaradang sasakyan sa tapat ng gate.

Lumingon siya upang tingnan kung sino iyon. It was Vince. Awtomatikong bumilis ang tibok ng kanyang dibdib pagkakkita sa binata.

Naka t-shirt ito na puti. Bakat na bakat ang maskulado nitong dibdib sa suot nito. Ang may kakapalang buhok nito ay naka-gel at parang ang linis-linis nitong tingnan. Mahihiya ang sinumang lalaki na tumabi rito.

Tila wala sa sariling naglakad si Charlene papunta sa gate upang pagbuksan ang lalaki. Maaga itong dumating.

"It's nice that you stayed. Akala ko sumama ka na sa lalaking 'yon." His voice held sarcasm pero hindi siya nagpaapekto.

"Alam mo naman na importante itong rancho sa'kin at hindi ko ito basta-basta maiiwan na lang."

"Talaga? Kaya pala aalis ka na lang at sasama sa kanya kung hindi ako dumating?" tila nang-iinsultong saad nito. Napakunot-noo siya. Kung hindi lang niya alam na galit ito sa kanya ay iisipin niyang nagseselos ito kay Gavril.

She mentally shook her head. Imposible!

Tumikhim siya bago sumagot. "I had no choice. Pinapaalis mo na kasi kami." Lumunok siya bago nagpatuloy. "What made you change your mind? Ano ang kundisyon mo para sa pagtira namin dito?" direktang tanong niya.

Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa.

"Don't be too rush. Doon tayo sa loob mag-usap. Ayaw kong pag-usapan natin ang bagay na 'yan dito." walang emosyon nitong saad. Tumango na lamang ang dalaga at pinatuloy ito sa loob.

Alas syete pa lamang kaya may oras pa siyang kausapin ito bago gisingin ang mga anak.

"Ano ito?" nagtatakang tanong ni Charlene nang may inabot sa kanya si Vince na papel. Nasa sala na sila ng bahay at magkaharap na nakaupo.

"Read it properly. Gusto kong pag-aralan mo'ng mabuti ang proposal ko na 'yan." Walang emosyon nitong saad.

Charlene swallowed hard before she proceeded on reading the document. Nang sa wakas ay mabasa ang laman niyon ay nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa guwapo nitong mukha.

"Y-You want us to manage the ranch together? Magiging partners tayo?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

"Yes." Tila bale-wala nitong sagot at pinag-kuros ang mga binti.

"Bakit?"

Tinitigan siya nito ng malamig. "Hindi ko na patatayuan ito ng resort pero interesado akong mag-venture into new kind of business. Wala kaming ganitong klaseng business kaya naman ay nagka-ideya ako na palaguin ito.

"Gusto kong turuan mo ako kung paano ang pasikot-sikot dito; kung paano pamahalaan ang rancho. Lahat ng dapat kong malaman ay sabihin mo. The profit will be 50-50 between the two of us."

Napanganga siya sa mga sinasabi nito. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ito ang inaasahan niya.

Hindi siya nakapagsalita agad. Tiningnan niya ulit ang nasa huling pahina. Conditions to be complied by Ms. Charlene Azaria upon signing of the contract:

She should teach Mr. Vicente Aragon all the things that he needs to know regarding the ranch.

She should give Mr. Vicente Aragon all his needs during his stay at the ranch.

She should make sure not to keep any kind of contact with Mr. Gavril Caballero.

Lalong nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang mga nakalagay doon.

"Y-You're going to stay here?" kumakabog ang puso niya sa isiping iyon.

"Yes. Titira ako dito pansamantala."

Napalunok siya. Nagwawala na ang puso niya at parang hindi na siya makahinga. She was overwhelmed.

"B-Bakit nasali si Gavril dito?" tanong niya sa halos hindi marinig na tinig saka napakagat-labi.

"Because I don't want him here. Period." Napaawang ang mga labi niya sa sagot nito. My goodness! Is this really happening?

Ano ba talaga ang gustong mangyari ng lalaki? Ano ba ang gusto nitong patunayan? Bakit nito ginagawa ang ito? Galit sa kanya si Vince at akala niya ay iiwasan na siya nito kapag nakuha na ang rancho pero ngayon ay lumalapit ulit ito sa kanya na may bagong pakana. Nalilito na talaga siya. 

Titira ang binata sa rancho...Oh, God. Mababaliw na yata ako...

Oo, inaamin ni Charlene na may nararamdaman siyang kasiyahan na nakikita ang binata pero alam niyang may mga plano ito na hindi maganda. Sana lang ay hindi na ulit sila magkasakitan pa ulit dahil baka hindi na nila kayanin sa pangalawang pagkakataon.

**** 

Ano ang masasabi niyo sa takbo ng kwento? 

Bakit kaya nagbago ang isip ni Vince? Ano nga kaya ang nais niyang mangyari?

Pipirmahan kaya ni Charlie ang document?

Matutupad kaya ni Charlene ang mga nakasulat sa kasunduan?

COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top