chapter 5
A/N: How's the story so far, guys?
6 years ago
NAKATULALA at parang wala sa sarili na nagsusuklay ng buhok si Charlene sa harap ng salamin. Akala niya ay magiging masaya na siya kapag nakipaghiwalay siya kay Vince pero napakabigat ng dibdib niya. Parang isang oras lang yata ang tulog niya kagabi sa sobrang pag-iisip. Pakiramdam niya ay maling-mali ang nagawa.
Nang magising siya kanina ay parang may kulang. Wala kasi siyang natanggap na text galing sa binata.
Araw-araw kasi simula noong naging magkasintahan sila ay palagi itong nagpapadala ng text o kaya naman ay tumatawag sa kanya tuwing umaga.
Ang boses lagi nito ang una niyang naririnig. For the first time after more than 6 months, wala siyang natanggap nang umagang iyon at pakiramdam niya ay may mali. Parang hinahanap-hanap niya ang boses nito.
Magdamag ay ito ang laman ng kanyang isip. Hindi siya mapakali.
Hindi ito ang inasahan niyang mangyayari sa oras na makipaghiwalay siya rito. Ni hindi nga sumagi si Gavril sa isip niya dahil punong-puno ang utak niya tungkol kay Vince.
"You look like a mess this early in the morning, bunso. What happened? May problema ka ba?" napaigtad siya nang marinig ang boses ng kuya Jax niya. Nakatayo ito sa may pinto habang nasa likuran nito ang kuya Blade at kuya Axel niya.
Pilit siyang ngumiti sa mga kapatid. "I'm fine. Hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi." Pagsisinungaling niya. Pumasok ang mga ito saka tumabi sa kanya ng upo.
"May umaway ba sa'yo sa school niyo? Sabihin mo lang at malalagot kay kuya Blade mo." Anang kuya Axel niya. Sa edad nitong 26 ay may pagkaloko-loko pa rin minsan.
"Ba't ako na naman?" gulat namang reklamo ng kuya Blade niya.
"Syempre, alangan namang kami, eh, ikaw itong nag-aaral doon." Sagot naman ng kuya Jax niya. He was already 24 years old samantalang ang kuya Blade niya ay 21 pa lang at nasa huling taon na ito ng kurso nitong aeronautical engineering.
"Don't. You're overreacting again. Sinabi ko na sa inyong okay lang ako. Walang umaway sa'kin." Tila naiinis niyang sagot.
Ito ang ayaw niya sa mga kapatid. Sobrang overprotective pagdating sa kanya. Pa'no ba naman kasi, bukod sa siya lang ang babae sa kanilang magkakapatid ay bunso pa siya.
Spoiled siya sa mga kuya niya pero minsan, nasasakal siya sa pagka-overprotective ng mga ito. Ayaw na ayaw ng mga itong umiiyak siya o nasasaktan. Daig pa ng mga ito ang mga magulang nila kung minsan.
"Hulaan ko kung bakit nagkakaganyan ka. Siguro tungkol ito kay Gavril 'no?" her kuya Blade teased.
Pinaikot ni Charlene ang mga mata. Well, hindi naman kasi lingid sa mga kapatid ang malaking paghanga niya kay Gavril. "Tse! Ewan ko sa inyo! Baba na nga tayo para makakain na!" aniya sabay tayo at lumabas ng kwarto niya. Hindi na niya hinintay ang mga kapatid.
Rinig niyang nagsisisihan ang mga ito kung bakit siya umalis. Napailing na lamang siya.
Habang kumakain silang pamilya ng almusal ay wala siyang gana. Pero kahit ganun pa man ay hindi siya nagpahalata. Pinilit niyang kumain. Ayaw niyang pati ang mga magulang ay mapansin ang pananamlay niya.
Masayang nagku-kwento ang mga kuya niya pero siya ay tahimik lang. Gusto niyang makisali sa pinag-uusapan ng mga ito pero talagang wala siya sa mood. Ang mga magulang naman ay nakikinig lang at saka nagkokomento sa mga sinasabi ng mga kapatid.
Nang matapos silang kumain ay umalis na ang kuya Axel at kuya Jax niya. Maaga kasi ang mga ito sa mga trabaho.
"Kaya mo bang mag-drive, bunso? Ano kaya kung isabay na kita?"
She rolled her eyes at her kuya Blade. "Kuya, I'm fine. Hindi naman ako lasing o naka-drugs para hindi makapag-drive. May iniisip lang ako but I can manage."
"Are you sure?"
Charlene heaved a sigh and then nodded her head.
"Oh, sige. Aalis na ako kung ganun. Drive safely, okay?" tumango siya. Hinalikan siya nito sa noo bago tuluyang umalis.
Akma siyang sasakay na rin sa sariling kotse nang lumabas ang mama at papa niya.
"Charlie, wait."
"Bakit po, papa, mama?" takang tanong niya. Nakatitig ang mga ito sa kanya na parang nag-aalala.
"Mula nang dumating ka kagabi ay napansin na namin na matamlay ka. Ni hindi ka nga nagsasalita kanina sa hapagkainan which is very rare because you're always the one who talks a lot. Ano ba ang problema mo, baby? Maybe your papa and I could help you." masuyong turan ng ina.
Pati pala ang mga ito ay napansin din ang mood niya. Kahit pala pinipilit niyang maging okay ay nahalata pa rin siya ng mga ito.
"Naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko, mama."
Napakunot-noo ang mga ito. "Saan naman?"
"Kay Gavril. Hindi ko alam kung mahal ko ba siya o ano." Biglag nagliwanag ang mukha ng mga magulang sa sinabi niya.
Botong-boto ang mga ito kay Gavril. Ang totoo nga niyan ay may kasunduan na ang mga magulang nila na ipakasal sila sa tamang panahon pero hindi nila sineryoso iyon ng binata dahil mga bata pa sila noon.
Matalik na magkaibigan ang mga magulang nila kaya naman ay malapit si Gavril sa mga magulang. Lagi siyang pinagsasabihan ng ama na 'wag magpaligaw sa iba dahil may Gavril na siya. Syempre, oo naman siya lagi dahil crush niya ang lalaki.
"That's good, sweetheart. Kung may pagtutuunan ka ng pansin na lalaki ay si Gavril iyon. Matino siyang lalaki at galing sa Buena familia."
"But there's someone as well." Halos pabulong niyang saad. Ayaw niyang magsinungaling tungkol sa nararamdaman. Masyado nga siyang nagi-guilty noon dahil sa pagtatago sa mga ito na may nobyo na siya.
Kahit ilang beses siyang tinatanong ng papa niya kung may nobyo siya ay hindi siya umaamin. She didn't want to lie but she didn't have a choice.
Gustong-gusto ring makilala ni Vince ang mga magulang pero alam niyang hindi magugustuhan ng mga ito ang binata. Takot rin siyang ma-disappoint ang mga ito.
Gaya sa mga kuya niya ay mataas rin ang pangarap ng mga magulang para sa kanya at gusto niyang bigyang katuparan ang mga iyon. Ayaw niyang bigyan ang mga ito ng sama ng loob.
"Ano ang ibig mo'ng sabihin?" napakagat labi siya nang maging matigas ang tono ng ama.
"There's someone else but I am not sure of my feelings towards him either." She admitted full of honesty. Kahit man lang sa bagay na ito ay maging tapat siya sa mga ito.
"Sinabi ko nang hindi ka pwedeng mag-entertain ng mga manliligaw bukod kay Gavril, Charlie. Alam mo namang siya ang napipisil kong maging asawa mo. Sumang-ayon ka na noon 'di ba? Ano 'to?!"
May bumangong paghihimagsik sa kalooban niya sa sinabi ng ama. Matagal nang sinabi ng ama na ang gusto nitong mapangasawa niya balang araw ay si Gavril at sinang-ayunan naman niya iyon noon dahil malaki ang pagkagusto niya sa binata ngunit salita lamang niya iyon noon. Isip bata pa siya.
Mula noong makita niya ulit Si Gavril ay alam na niya na ito ang gusto niya. Ngunit nang pumasok sa buhay niya si Vince ay naging magulo ang damdamin niya. Nalito siya bigla sa kung ano ba talaga ang gusto niya.
Kaya tumagal ang lihim na relasyon nila ng anim na buwan dahil nag-enjoy siya. Naging masaya siya kahit pa palaging ito ang nag-eeffort sa relasyon nila.
Kagabi ay mas pinili niyang wakasan ang relasyon niya kay Vince kahit pa hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. Ang nasa isip lamang niya ay bigyan naman niya ng laya ang sarili para pag-isipan ang tunay niyang damdamin kay Gavril.
Nakatatak na sa isip niya na ito ang dream guy niya at desidido na siyang i-pursue ito kahit pa may nobya na ito.
Pero ngayong hiniwalayan na niya si Vince ay parang may nawala ring bahagi ng puso niya at iyon ang lalong nagpalito sa kanya.
"Alam ko naman iyon, papa. Don't worry, I'll try to fix this up. Siguro, naguguluhan lang ako ngayon. Magiging okay rin ako kapag nakita ko na si Gavril."
"That's my girl. Sige na, lumakad ka na. Baka ma-late ka pa." hinalikan niya ang mga ito sa pisngi.
"Ingat sa pagda-drive, sweetheart." Bilin ng ina. She gave them a tight smile before she started the engine of her car and maneuvered it out of the gate. Mabigat pa rin ang dibdib niya.
Nang makarating siya sa eskwelahan ay agad niyang hinanap si Gavril. May gusto siyang patunayan sa sarili. Ayaw niya ang nararamdaman niya. Gustong-gusto na niyang makita ang binata baka sakaling mawala ang bigat sa dibdib. Baka sakaling mapawi ang estrangherong damdaming iyon.
Mabuti na lamang at maaga siya kaya may oras pa siya upang hanapin ito. Natagpuan niya ito sa paborito nitong lugar, nakaupo sa bench malapit sa basketball court.
"Gav..." tawag niya upang kunin ang atensyon nito. Mabuti na lamang at mag-isa lang nito roon. Malapad na ngumiti ang binata pagkakita sa kanya. Mukhang masaya ito. Lumapit siya rito.
Akma siyang magsasalita nang kinuha nito ang mga kamay niya at masayang nagsalita. "I'm so happy right now, bunso."
Napakunot-noo siya. "Bakit naman?"
Lalong naging maluwang ang ngiti nito. "I'm going to be a father soon."
Nanlaki ang mga mata ni Charlene. "W-What?"
"You heard it right. I'm going to be a father soon. Napakasaya ko ngayon. You don't know how much. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong magkakaanak ka na."
"Hindi ba't parang maaga pa para magka-anak ka? I mean, you're still in college."
Umiling ito habang nakangiti pa rin. "It's okay. Hindi man ito kasali sa plano ko ay masaya pa rin ako. You don't know how happy I am, Charlie! I'm going to be a father! Yohoo!" sigaw nito sabay yakap sa kanya.
Oo, may konting kirot siyang naramdaman pero mas masaya siya para sa binata. Pati siya ay nagulat sa sarili. Akala niya ay masasaktan siya ng lubos pero nakapagtatakang hindi.
"I'm so happy too." Charlene said honestly.
"Talaga?"
"You look happy kaya masaya na rin ako." Nagyakap ulit sila. Ramdam na ramdam niya ang kasayahan ng binata.
"Ito ba ang dahilan kaya mo ako hiniwalayan, Charlie?" nanigas ang katawan niya nang marinig niya ang tinig na iyon. Kumalas siya mula sa yakap ni Gavril at tumingin sa bagong dating.
"V-Vince..." was all she could utter. Parang nawala ang lakas niya nang makita ang tila umaapoy sa galit na mga mata nito habang nakatitig sa kanila ni Gavril. Ang mga kamao nito ay mahigpit na nakakuyom. He looked murderous.
Namutla ang dalaga. Vince looked so different. He looked like a mess. Para itong walang tulog at miserable.
Natawa ito nang mapait. "kaya pala kahit ano'ng pilit kong gawin para makapasok sa puso mo ay hindi ko magawa dahil may iba ka pala. Maraming nagsasabi na baka may relasyon kayo pero hindi ako nakinig dahil may tiwala ako sa'yo.
"Kahit pa paulit-ulit mo akong itinatanggi sa harap ng mga kaibigan at kakilala mo ay okay lang sa akin. Kahit ang sakit-sakit na ay kinakaya ko. Ikaw ang naging sentro ng mundo ko. Kaya ako nagsisikap na makapagtapos dahil gusto kong makapag-trabaho na agad. Umaasa akong kapag may maganda na akong trabaho at sumusweldo na ay hindi mo na ako ikakahiya at magawa mo na rin akong ipakilala bilang nobyo mo."
"Let me explain, Vince. You're---"
"Ginawa ko naman ang lahat 'di ba? Bakit siya pa rin?" buong paghihinanakit na tanong nito. "Ang sakit-sakit, Charlie. Sana sinabi mo na lang noong una pa lang na wala akong dapat asahan sa'yo para naingatan ko ang puso ko. Sana hindi mo ako pinaasa na may patutunguhan tayo. Lahat ng mga plano ko sa buhay ay kasali ka dahil para sa akin ay ikaw na ang babaeng mamahalin ko habang-buhay.
"Akala ko may pag-asa pa tayo kaya ako nandito. Maaga akong dumating dahil gusto kitang suyuin. Umasa akong magbabago pa ang isip mo pero ano 'to?! Kaya mo pala tinapos ang relasyon natin dahil buntis ka na. Habang tayo pala ay may kinakalantari ka ring iba. Hindi ko alam na ganito ka palang uri ng babae, Charlie!" He spat at her full of disgust.
"Hey! Watch your words! Hindi ganyang uri ng babae si Charlie!" Gavril snapped at Vince angrily.
"Huwag kang makialam dito." Vince's voice was dangerously calm. Animo nagbabanta habang nakatitig kay Gavril. Akala niya ay aatakehin nito si Gavril dahil sa talim ng titig nito sa lalaki ngunit bumalik ang titig nito sa kanya.
"Sabihin mo ang totoo, Charlie. Kapag ba may nangyayari sa'tin, nagpapagalaw ka rin sa kanya pagkatapos? Mas maraming beses ba na siya ang kasama mo kaya mahirap kang mahagilap minsan? O baka naman siya muna ang kasama mi bago ka pupunta sa akin?" parang sinampal si Charlene sa tinuran nito.
Nais niyang ipagtanggol ang sarili at linawin ang mga sinasabi nito pero parang nalunok na niya ang dila. She lost the capability to talk.
"Walang hiya ka! How dare you insult Charlie like that?! Sino ka ba sa akala mo para pagsalitaan mo siya ng ganyan?!" napatili na lamang si Charlene at nanlaki ang mga mata nang bigla na lang sugurin ni Gavril si Vince at suntukin sa pisngi.
Muntik nang matumba ang huli ngunit nakabawi agad.
"Ikaw ang walang hiya! Mang-aagaw! Mga manloloko kayo!" balik sigaw ni Vince saka gumanti ng suntok. Gumanti ulit si Gavril hanggang sa para na itong mga galit na galit na toro na naglalaban.
Parang magpapatayan na ang mga ito. Nagpapagulong-gulong na sa lupa habang nagsasakitan.
"Vince, Gavril, stop it!" sinubukan niyang awatin ang mga ito pero tila wala nang naririnig ang mga ito. Halos mamaos siya sa kakasigaw sa mga ito pero patuloy pa rin sa pagpapalitan ng suntok at tadyak. Ang salamin sa mata ni Vince ay nahulog na sa lupa at sirang-sira na.
Pareho nang basag ang mga labi ng dalawang lalaki. Umiiyak na siya habang nagmamakaawa na tumigil na ang mga ito.
Marami nang mga tao ang lumapit. Maya-maya pa ay may dumating nang mga guro at guards at pilit pinaghiwalay ang dalawa lalaki.
Naiyak siya lalo nang makitang parehong duguan ang mga mukha ng dalawa. Ngunit mas malala kay Vince dahil siguro hindi nito suot ang salamin nito.
Hindi rin sanay makipaglaban ang binata dahil tahimik at mabait ito. Ngayon lamang niya nakita ang violent side nito at nagulat siya.
"Come to my office, you two!" malakas na turan ng isa sa mga dean saka ito umalis, hila-hila si Gavril. Si Vince naman ay nanatiling nakatayo roon habang nakatitig sa kanya. Awang-awa siya sa itsura ng binata.
Parang siya ang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman nito.
"V-Vince..." Akma niyang lalapitan ang lalaki nang masalita ito.
"Don't ever come near me." matigas ang boses na anito. Sunod-sunod na nalaglag ang mga luha niya sa mga mata. Napakalamig ng boses nito at ang mga abuhin nitong mga mata ay nakatitig sa kanya na animo isa siyang estranghero.
"Vince, let me explain. You're---" Umiling ito.
"---No need. I already understand. Minahal kita, Charlie. Kahit sobrang sakit ang mahalin ka, kinaya ko pa rin dahil sa pesteng pagmamahal ko sa'yo. Pero ito lang ang igaganti mo sa pagmamahal ko sa'yo? Paano mo nagawang magpabuntis sa ibang lalaki habang tayo pa? Alam ko naman na sa simula pa lang ay hindi mo na ako mahal pero ginawa ko ang lahat, mahalin mo lang ako.
"Akala ko isa kang matinong babae at karapat-dapat mahalin pero nagkamali ako. You're not worth my love, Charlie. Isa kang malaking pagkakamali sa buhay ko. Mas pinili mo siya kaysa sa akin kaya sana piliin ka rin niya.Ang sakit, Charlie. Ang sakit-sakit. Masakit ang mga suntok na natamo ko pero malayong mas masakit ang ginawa mo sa'kin." Nakita niyang tumulo ang dalawang butil ng luha mula sa mga mata ng binata.
Napakasakit ng mga tinuran nito. Ang puso niya ay parang sasabog. Ramdam na ramdam niya ang pait at sakit na nararamdaman nito.
"Vince, nagkakamali ka. Hindi---" sinubukan niya ulit magpaliwanag pero umalis na ito at hindi siya pinakinggan.
Naiwan siyang umiiyak. Nang mga sandaling iyon ay napagtanto niya kung gaano siya kalaking tanga dahil ang akala niyang pag-ibig na inuukol sa ibang lalaki ay hindi pala tunay na pag-ibig.
Pagtinging kapatid lamang pala. Pero ang nararamdaman niya para kay Vince ay iba. It was one of a kind, something so special, but it was too late for them now.
KINAHAPUNAN ng araw na iyon ay kumalat ang masamang balita sa campus. Na-kick out si Vince sa eskwelahan at nawala ang scholardhip nito. Hindi na rin ito makaka-graduate. Marami ang nagulat at hindi makapaniwala sa nangyari.
Iyak siya nang iyak nang mabalitaan iyon. She tried looking for Vince throughout the whole school pero wala na ito roon.
Nang matapos ang klase niya ay agad siyang dumiretso sa bahay ng mga ito pero wala nang tao roon. Ang sabi ng kapitbahay ng mga ito ay umalis na raw ang magkapatid at maraming dalang gamit.
Para siyang nanghina sa nabalitaan. Ang sakit-sakit ng puso niya. Magang-maga na ang mga mata niya sa kakaiyak. Sising-sisi siya. Kung hindi lang sana siya nakipaghiwalay sa binata ay hindi mangyayari ang mga nangyari.
Kung hindi lamang siya naging tanga at naunawaan niya agad ang tunay na damdamin niya ay masaya sana silang dalawa.
Tama nga ang sabi nila; regrets are felt when it's just too late.
Hindi niya alam kung paano siya nakauwi nang araw na iyon. She spent the whole night regretting and crying over everything that she's done. Kung may rewind button lang sana ang buhay ay pinindot na niya.
Ngayon ay huli na ang lahat. Nawala na ang binata sa kanya.
Ilang araw siyang ganun, walang gana at hindi lumalabas sa kwarto. Hindi na rin siya pumapasok sa eskwelahan hanggang sa pinilit ng mga magulang na alamin kung bakit siya nagkakaganun.
"Ano ba ang nagyayari sa'yong bata ka? Ayaw mo nang pumasok at laging wala kang ganang kumain."
"I'm fine, ma. Masama lang ang pakiramdam ko." Paos niyang sagot. Kinapa ng ina ang noo niya.
"May lagnat ka. I'll call doctor Mendoza para matingnan ka." Akma itong magda-dial sa cellphone nang pigilan niya.
"Huwag na, ma. Just leave me alone for now." Naiiyak na naman siya. Bumuntong hininga ito.
"Charlie, hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo. Dalawang linggo ka nang hindi pumapasok." Matigas na turan ng ama na nakatayo sa paanan ng kama.
"Honey, 'wag mo nang pagalitan ang anak mo. May lagnat siya." Saway ng ina. Bumuntong-hininga na lang ang ama.
Maya-maya pa ay may pumasok sa kwarto ang isa sa kanilang mga kasambahay. May dalang tray na naglalaman ng pagkain.
"Kumain ka muna, sweetheart, para magkalaman ang sikmura mo. Ang payat mo na. Hindi na maganda ang ginagawa mo. Dapat kahit konti ay kumain ka saka tayo pumunta sa doctor. Dapat magpa-check up ka na." Anang ina saka inalis ang takip ng plato. Naamoy niya ang amoy bawang na sinangag.
Bigla na lamang niyang natutop ang bibig saka nagmamadaling bumaba sa kama at tumakbo papuntang banyo.
Sumuka siya nang sumuka roon kahit pa wala naman siyang maisuka. Sinundan siya ng mga magulang at inalalayan.
Nang matapos siyang magsuka ay nagmumog at naghilamos siya ng mukha bago bumalik sa kama.
"That's it. Pupunta tayo ng hospital sa ayaw at sa gusto mo!" may pinalidad na sabi ng ama saka lumabas ng kwarto.
Ganun nga ang ginawa nila. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod.
"You're pregnant." Halos himatayin si Charlene nang marinig ang tinuran ng doctor.
"W-What?"
"Yes. You're three weeks pregnant, Miss Azaria." Parang lumulutang at wala sa sarili nang lumabas ang dalaga mula clinic ng doctor. Agad siyang sinalubong ng mga magulang na naghihintay sa labas.
"Ano ang sabi ng doctor, sweetheart? Okay ka lang ba?" her mother's voice was so worried. Pati ang ama ay halatang nag-aalala rin.
Tumulo ang mga luha niya. "Mama, papa, I-I'm..." parang may bikig ang lalamunan niya. Nanginginig ang buong katawan niya.
"You're what?"
"I'm pregnant." Halos pabulong na turan niya.
"Ano?!" halos magkasunod na bulalas ng mga magulang. She nodded as a confirmation.
"Sino ang ama?" matigas na tanong ng ama. "Si Gavril ba?" Umiling siya.
"Then who?"
"S-Si Vince, papa." Pagkasabi niyon ay lumagapak sa pisngi niya ang palad ng ama. Napahagulgol siya. Noon lamang siya napagbuhatan ng kamay ng ama.
"Paano mo nagawa ito, Charlie?! Bakit---" hindi na naituloy ng ama ang sasabihin dahil biglang sumakit ang dibdib nito.
"Arthur! Ano'ng nagyayari sa'yo?" nagpapanic na sabi ng ina.
"Papa!" akma niyang lalapitan ang ama ngunit itinaas nito ang kamay.
"D-Don't come near me! Sinira mo ang m-magandang pangarap namin sa'yo! S-Sinira mo ang tiwala namin..." galit na galit na sabi nito bago ito matumba.
Mabuti na lamang at nasa ospital sila. Agad na natingnan ng mga doctor ang ama. Inatake ito sa puso pero naagapan agad. Dahil sa mga nangyari ay lalong nadagdagan ang galit ng mga ito. Sinisi siya ng ina sa sinapit ng ama.
Dahil sa kanya ay muntik nang mawala ang ama.
Nang magkamalay ang ama ay agad nitong sinabi sa kanya na nais nitong makilala ang nakabuntis sa kanya. Nais nitong panagutan siya ni Vince.
Nang sinabi niyang umalis na ito at hindi niya alam kung saan nagpunta ay lalong nadagdagan ang galit nito na naging dahilan ng tuluyang pagtakwil sa kanya. Sobrang taas ng expectation ng mga magulang sa kanya pero binigo niya ang mga ito.
Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng mga magulang. Nagmakaawa siya at paulit-ulit na humingi ng tawad pero naging matigas ang puso ng mga ito.
Ayon sa mga ito, pinasok niya iyon kaya panindigan niya ang mga consequences ng nagawa...
Pagmulat ng mga mata ni Charlene ay agad niyang napagtanto na umiiyak pala siya sa pagtulog. Dahil sa nangyari sa araw na iyon kung saan nagtagpo ulit ang landas nila ni Vincente ay bumalik lahat sa kanya.
Bago siya natulog kagabi ay si Vince at ang nakaraan nila ang laman ng isip kaya hindi na nakapagtataka na napanaginipan niya lahat ng mga nangyari noon. It felt like it was just yesterday. Ang bigat sa dibdib ay parang kahapon lamang.
Mapait siyang napangiti saka napatingin sa mga anak na mahimbing na natutulog sa tabi niya.
Ang dami niyang napagdaanan buhat ng mawala si Vince sa buhay niya pero nagsilbing lakas niya ang mga anak. Ngayong nagbabalik ang ama ng mga ito ay hindi niya alam ang gagawin.
Hindi niya napaghandaan iyon and now she's overwhelmed.
Alam niyang galit ang binata sa kanya kaya nito pinag-iinitan ang rancho pero gagawin niya ang lahat para maitama ang mg apagkakamali niya noo. Gagawin niya ang lahat mapatawad lang siya nito.
Siguro kaya pinagtagpo ulit sila ng tadhana para maayos nila ang lahat. Baka sakaling may pag-asa pa.
"'Wag kayong mag-alala, mga anak. Gagawin ni mama ang lahat para maging okay ang lahat." Bulong niya sa mga ito habang patuloy ang pagtulo ng mga luha.
****
Ano ang masasabi niyo sa nakaraan?
Sino ang mas nagdusa? Si Charlene o si Vicente?
May karapatan ba si Vicente para magalit kay Charlene?
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top