chapter 33
A/N: Dahil patapos na ang story, hihingi ulit ako ng comments, blazers! 80 comments para sa next update:) ENJOY READING!
HINDI mapigilang maiyak ni Charlene habang pinagmamasdan ang mga anak na mahimbing nang natutulog. Nakatulugan na ng mga ito ang pag-iyak. Gusto na kasi ng mga ito na umuwi na raw sila sa rancho dahil naiwan doon ang papa ng mga ito.
Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon nila. Gustong-gusto na rin niyang umuwi upang makita ang kasintahan.
Ito ang unang beses na matutulog silang mag-iina na wala si Vince simula nang magkabalikan sila at pakiramdam niya ay may mali. Kahit ilang oras pa lamang silang hindi nagkikita ay miss na miss na niya ito.
Dahan-dahan siyang bumangon. Gusto niyang uminom ng gatas baka sakaling ma-relax siya at makatulog na. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya sa dami ng nangyari sa araw na iyon pero hindi siya dalawin ng antok.
Lumabas siya ng silid at bumaba. Didiretso na sana siya sa kusina nang may maulinigan siyang mga boses sa sala. Nagpasiya siyang silipin kung sino ang mga iyon.
Medyo nagulat siya nang makita ang mga magulang at may kasama ang mga ito. Kaya pala may narinig siyang 'di pamilyar na tinig.
Akma siyang tatalikod upang tumungo na sa kusina ngunit nakita siya ng ina.
"Mabuti at bumaba ka, Charlie." Anito. She coaxed her to approach them. Lumapit siya at tumabi sa ina.
Nagkatinginan sila ng babaeng kausap ng mg ito at na-surpresa siya nang mapagsino ito. Ito ang ginang na nakita nila noong isang araw sa grocery store. Mukhang kadarating lang nito dahil wala naman ito kanina nang dumating sila sa bahay na iyon.
Mukha ring na-surpresa ang ginang pagkakita sa kanya.
"Vicky, this is Charlene, our youngest. You can call her Charlie. Charlie, this is Victoria Von Arx. She's our friend and the owner of this house. Natatandaan mo pa ba siya? Nakilala mo na siya noon sa Amerika noong bata ka pa." sabi ng mama niya.
"Oh, my! Such a small world! Siya na ba 'yong bunso niyo? Such a stunning lady." Puri nito saka ngumiti sa kanya. "Anak ka pala nila Charissa at Arthur, hija." Masayang sabi ng ginang saka nakipag-beso-beso sa kanya.
"Nagkita na kayo?" takang tanong ng papa niya.
"Nakita ko sila ng mga anak niya sa grocery store noong nagpunta tayo sa Tagaytay. Naku, kung alam ko lang na anak niyo pala siya, sana nagpakilala na ako sa kanya. Hindi ko siya namukhaan. Maliit pa kasi siya noong huli ko siyang nakita."
Tila nabigla ang mga magulang sa sinabi ng ginang pero agad nakabawi ang mga ito. "Anyway, dito muna kayo ng mga bata habang inaayos pa ang mga dapat ayusin sa kasal niyo ni Gav." Her father said formally.
"Ikakasal ka na pala, hija. Congratulations! Gwapo siguro ng boyfriend mo kasi napaka-cute ng mga anak mo." Mrs. Von Arx complimented.
Pilit na pilit na ngumiti si Charlie saka tumango bilang sagot. "Thank you po. Sige po, aakyat na po ako." paalam niya at hindi na hinintay pa ang sagot ng mga ito. Pagtalikod niya, agad nahulog ang mga luha niya.
Ilang araw na lang at ikakasal na siya kay Gavril at pakiramdam niya ay mamatay na siya sa isiping hindi ang lalaking mahal niya ang magiging katuwang niya sa buhay. Bukas na ang nakatakdang kasal nila ni Vince pero hindi na matutuloy pa iyon.
Hindi na muna siya pumasok sa kwarto. Dumiretso siya sa terrace saka doon humagulgol ng iyak. Ang sakit-sakit. Pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin pa ang sakit.
Masayang-masaya siya sa piling ng kasintahan nitong mga nakaraang buwan. Akala niya ay wala nang makakapaghiwalay pa sa kanila pero pagkatapos ng mga nangyari, mukhang malabo na silang magkatuluyan pang dalawa.
Biglang bumalik sa ala-ala niya ang mga nangyari kahapon pag-uwi niya sa bahay nila...
Napaupo si Charlie sa sofa habang nakatingin pa rin sa hawak na papel. Ang mga luha niya ay patuloy lamang sa pagdaloy mula sa kanyang mga mata.
"H-Hindi totoo 'to." Aniya habang umiiling. Hindi niya matanggap ang mga nababasa.
"Lahat ng mga nakasulat diyan ay totoo. Niloloko ka lang ng nobyo mo. Umpisa pa lamang ng relasyon niyo ay pinagtangkaan ka na niyang ipahamak. Kagagawan niya ang nangyari noon sa rancho. Natatandaan mo ba noong nakawala ang mga hayop? Siya ang may kagagawan niyon. Inutusan niya ang mga tauhan niya upang gawin iyon na naging dahilan ng pagkahulog mo sa dalisdis sa gubat dahil sa paghahanap sa mga nakawalang hayop.
"Siya rin ang nagpabugbog kay Darwin dahil sa pagiging malapit niya sayo. Natagalan si Darwin sa ospital dahil sa nangyari. Hindi lang 'yon. Hindi rin niya sinabi sa'yo na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Bettina. They did a DNA test just before you went to Switzerland for vacation and the result was positive."
"No! Hindi magagawa ni Vince na pagtangkaan akong patayin! Aksidente ang nangyari sa'kin—"
"It wasn't really an accident. Ang sabi ng tauhan niya na nakausap ko, kaya raw nila ginawa iyon ay para sirain ang rancho. Ang pagpapakawala ng mga hayop ay umpisa pa lamang ng mga plano ni Vicente Aragon. Siguro nga aksidente ang nagyari sa'yo pero malayong mangyari iyon kung hindi niya ginawa ang mga ginawa niya!
"Hindi lang 'yan ang kalokohan niya. Pagkatapos ng DNA test, nagkita ulit sila ni Bettina and guess what? Sa isang hotel sila tumuloy. Ano sa tingin mo ang gagawin ng isang lalaki sa isang hotel kasama ng dating babae niya? 'Yan ba ang gusto mong maging asawa, Charlie? Nobyo mo pa lang siya pero marami na siyang tinatago sa'yo. Niloloko ka niya. Napag-alaman ko ring hindi lang si Bettina ang naging babae niya. Marami sila.
"Sa tingin mo ba, tototohanin ka niya? Sa dami ng babaeng naikama na niya, sa tingin mo kaya hindi maghahanap 'yon ng iba kahit kasal na kayo? Mga ganung uri ng lalaki ang ayaw kong makatuluyan mo dahil masasaktan ka lang. Kung kay Gavril ka magpapakasal, magiging maganda ang pagsasama niyo dahil mabait siya at hindi gaya ni Vicente. Hindi lang 'yon, matutulungan mo pa si Gavril sa problema niya ngayon."
"Ano ang ibig mong sabihin, papa? Ano ang problema ni Gav?" tanong niya na pilit nagpapakatatag. Nanginginig ang mga tuhod niya at parang hindi siya makapag-isip ng tama.
"Nakalagay sa last will and testament ng papa niya na kailangang magpakasal siya sa isang Azaria para makuha niya ang mana niya. Kung hindi niya gagawin iyon, mamumulubi siya dahil mapupunta lahat sa kapatid niya ang mga kayamanan nila." Sagot ng ama sa walang emosyong mukha.
Napasinghap si Charlene sa narinig. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit pumayag si Gavril na pakasalan siya.
"Gavril has always been good to you and your children.Matagal mo na siyang kaibigan. Siya rin ang nagsilbing ama ng mga bata sa loob ng ilang taon. Marami siyang naitulong sa'yo so this time, you should do the same to him. Siya naman ang may kailangan sa'yo kaya dapat tulungan mo siya.
"Leave that cheater boyfriend of yours. Ipaubaya mo na siya sa babae niya lalo na at magkakaanak na rin sila." Sa tono nito ay para bang isang bagay lang si Vince na madaling bitawan; na para bang napakadali lang ng hinihiling nito sa kanya.
Umiling siya saka tumayo. "No, papa. I need to talk to Vince. Gusto kong marinig ang paliwanag niya. There must be some explaination to this." Matigas ang boses na aniya. Oo, nasasaktan siya sa isiping ginawa lahat ng iyon ni Vince pero hindi siya basta na lamang bibitaw hangga't hindi niya naririnig ang side nito.
Akma siyang maglalakad palabas ng bahay nang muling magsalita ang ama. "Talagang matigas ang ulo mo, Charlie! Bakit kailangan mo pang kausapin ang lalaking 'yon?! Hindi pa ba sapat ang mga sinabi ko sa'yo para tuluyan mo na siyang iwan?! Talaga bang magpapakatanga ka sa kanya?!" napaigtad siya sa lakas ng boses ng ama pero desidido siyang umuwi sa rancho upang kausapin ang nobyo. Hindi pwedeng basta na lamang siyang maniwala.
"I'm am not being stupid, papa. Siguro nga, totoo ang lahat ng mga sinabi niyo pero kahit ganun, kailangan ko pa rin siyang makausap." Pagmamatigas niya. Akma niyang pipihitin ang seradura nang muli itong magsalita.
"Sige, umalis ka at puntahan mo ang lalaking 'yon at hinding-hindi na niya makikita pa ang mama niya." Banta nito.
"Ano na naman 'to, papa?!" tumaas na rin ang tinig niya. Bigla niyang naalala ang ipinagtapat sa kanya ni Vince na binantaan ito ng papa niya na hinding-hindi na nito makikita ang ina nito kapag hindi pa siya hiniwalayan dahil gagawa ang papa niya ng paraan para harangin lahat ng impormasyong makapagtuturo sa mama nito.
Kumuyom ang mga palad niya. Unti-unti ang pagbangon ng galit sa dibdib.
"Alam ko kung nasaan ang mama niya. Kung aalis ka ngayon, itatago ko ulit ang mama niya at hinding-hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataon na makita siya. Maybe he's wondering why he couldn't find his mother all this time. Well, that's because, I did everything I could to prevent him from seeing her. Kung susunod ka sa sinasabi ko, ako mismo ang maghahatid sa kanya sa mama niya." Charlie stared at her father in disbelief.
Hindi niya makapaniwala sa mga naririnig mula rito. Hindi niya lubos maisip na kaya nitong gawin lahat ng mga sinasabi nito. Alam niyang makapangyarihan ang ama at maraming koneksyon. Nakaya nitong itago ang mama ni Vince sa matagal na panahon kaya kaya rin nitong itago ito habang-buhay mula sa binata.
"Bakit niyo 'to ginagawa sa'kin, papa?" punong-puno ng hinanakit na tanong niya rito habang hilam ng luha ang mga mata.
"Because we want the best for you. Hindi makabubuti sa'yo o sa pamilya natin ang maiugnay sa pamilya Aragon not to the mention na niloloko ka rin lang naman ng magaling mong nobyo." Her father answered with a stoic face.
Nanatili namang tahimik ang ina at kapatid ngunit biglang tumayo ang kuya Blade niya kapagkuwan.
"Aren't you being unfair to Charlie, papa? Sinisira niyo ang buhay niya at dinidiktahan. Malaki na siya at may sariling isip. Kung totoo mang ginawa lahat ng boyfriend niya ang mga sinasabi niyo, wala pa ring kayong karapatang pangunahan niya at blackmail'in. Imbes na tinutulungan niyo siya sa dapat niyang gawin, hindi, dahil gusto niyong hawakan ang buhay niya at maging sunod-sunuran sa lahat ng gusto niyo. I can't believe that you're being irrational dahil lang sa personal na galit niyo sa ama ni Vicente. Hindi niyo ba nakikita? Sinasaktan niyo na si bunso! Nagiging makasarili kayo!" malakas ang boses na sabat ng kuya niya.
"Shut up, Blade! Wala kang alam sa nakaraan so don't ever chide at me about it! Alam namin ng mama niyo ang mas makabubuti sa kapatid mo!"
Kita niya ang pagtatagisan ng ngipin ng kapatid. Kita niya ang galit sa mga mata nito.
"No, papa. Hindi ako tatahimik dahil mali na ang ginagawa ninyo! I will tell about this to kuya Jax and kuya Axel! Siguradong hindi rin nila magugustuhan ito!" Banta nito ngunit nagulat na lamang sila nang lumapit ang ama rito at sampalin ito ng malakas.
"Arthur!"
"Papa!" halos magkapanabay na sigaw nila ng ina upang awatin ang ama. Nakakatayo na ang ama pero gumagamit pa rin ito ng crutches.
Nagulat ang kuya niya sa ginawa ng papa nila pero kita niyang lalong nagbaga ang mga mata nito sa galit. Lumapit ang ina rito. "Arthur, what do you think you're doing?! Hindi mo naman kailangang saktan ang anak mo!" sigaw ng mama nila.
"Dahil kinukunsinti niya ang kapatid niya kaya lalong nagiging matigas ang ulo niyan!"
"Dahil mali ang ginagawa mo, papa!" muling sumbat ng kapatid. Tumaas ang kamay ng ama at akmang muling sasampalin ang kuya niya nang dali-dali siyang lumapit at yakapin ito.
"Tama na, papa. Tama na! 'Wag niyong idamay si kuya. Sige, payag na ako sa gusto niyo."
"What the hell, bunso! Bakit ka pumayag?!" galit na sita ng kuya niya.
"Kasi ayaw ko nang may iba pang madamay. Ayaw kong tuluyang masira ang relasyon natin bilang pamilya. Ayoko ring hindi na makita pa ni Vince ang mama niya. Kung ito lang ang magpapatahimik ng lahat, then so be it." sagot niya kahit pa parang sasabog ang dibdib niya.
Ayaw niyang isiping sumuko na siya pero ano ba ang dapat niyang gawin? Kapag nagpakasal siya kay Gavril ay makikita na ni Vince ang matagal na nitong hinahanap na ina at matutulungan pa niya ang kaibigan niya sa problema nito.
Kung iispin ay parang napakadali na ibigay ang kasiyahan ng mga magulang sa pamamagitan ng pagsunod sa gusto ng mga ito pero napakabigat ng kailangan niyang gawin. Kilala niya ang ama. Kapag patuloy itong sumbatan ng kapatid ay baka itakwil rin nito ang kuya niya...
Galit na pinunasan ni Charlie ang mga luha pero patuloy pa rin iyon sa pagpatak. Hindi niya alam kung kakayanin niyang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal dahil ngayon pa lang ay para na siyang unti-unting pinapatay.
Ngayon lamang siya nakaramdam ng galit sa mga magulang, lalo na sa ama dahil sa ginagawa nitong pagkontrol sa buhay niya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siya nitong saktan ng ganito.
Dumating na nga ang kinatatakutan niyang araw na kailangan niyang pumili sa pagitan ng pamilya niya at ni Vince. Ayaw niyang may isa man sa mga itong mawala sa kanya. Masyado bang imposible na maging masaya na lang ang lahat para sa kanila ng kasintahan?
Ilang minuto rin siyang umiyak doon hanggang sa mamaga na ang mga mata niya sa pag-iyak. Gustong-gusto niyang tawagan si Vince pero isa sa kondisyon ng ama na 'wag na siyang makikipag-usap pa rito at tuluyan nang putulin ang ugnayan nila.
She chuckled bitterly. Kahit kailan, 'di mapuputol ang koneksyon nilang dalawa ni Vince dahil may Chase at Chance na nag-uugnay sa kanila.
"Charlie..." She was pulled out of her reverie when she heard her mother's voice. Muli niyang naramdaman ang paghihimagsik ng dibdib pagkakita sa ina.
Tumayo siya. "Matutulog na po ako." Aniya saka akmang lalampasan ito nang hawakan siya nito sa kamay. Nagtama ang mga mata nila. She could see the guilt in her mother's eyes while staring at her state.
"Umiyak ka ba?" parang concern na tanong nito na ikinagulat niya.
"Wala po ito." Nag-iwas siya ng tingin.
Narinig niyang nagpakawala ito ng buntong-hininga. "Pwede ba tayong mag-usap, sweetheart?"
Nagulat siya sa itinawag ng ina sa kanya. Ngayon lang siya nito ulit tinawag ng ganun. "About what, ma?"
Naupo silang dalawa bago ito sumagot. "Gusto ko lang sabihing sundin mo na lang ang mga sinasabi ng papa mo para walang gulo."
Tiningnan niya ang ina na punong-puno ng hinanakit. "Bakit kayo ganyan ni papa, mama? Isa pa rin ba ito sa mga parusa niyo sa'kin dahil sa mga nangyari sa nakaraan? Hanggang ngayon ba, hindi niyo pa rin ako kayang patawarin? Ilang taon pa ba ang kailangan kong bilangin bago niyo ako mapatawad? Bakit parang hirap na hirap kayong patawarin ako? Ganun na ba kalaki ang nagawa kong kasalanan na hanggang ngayon ay pinaparusahan niyo pa rin ako?" hindi niya mapigilang sumbat. Muling nangilid ang mga luha niya.
Umiling ang ina. "Anak, hindi sa ganun. Gusto lang namin ng papa mo na mapabuti ka. Kaya nga pinaimbestigahan ng papa mo si Vicente para masigurong hindi ka niya sasaktan pero iba ang natuklasan niya. Nang malaman niya ang mga ginawa ng boyfriend mo, galit na galit siya. Ayaw niyang lokohin ka ng lalaking 'yon. Nang dahil sa kanya, muntik ka nang mapahamak. Not just that, may nabuntis din siyang babae. Who knows kung ilang babae na pala ang nabuntis niya? Magiging magulo ang buhay mo kung sa gaya ka niya magpapakasal."
"Pero bakit parang may iba pang rason si papa kung bakit ayaw niya kay Vince? Ano 'yong sinabi ni kuya na may personal na galit si papa sa papa ni Vince?" nakita niya ang paglamlam ng mga mata ng ina. She saw pain that passed through her eyes.
"Kalimutan mo na 'yon. Sige na, matulog na tayo. Gabi na." parang umiiwas na sagot nito saka tumayo.
"Mama, please. Sagutin niyo naman ako. Ano ba talaga ang rason?"
"Sweetie, sundin mo na lang ang papa mo para walang gulo."
Tumayo siya at yumakap rito. "I'm begging you, ma. Kung ayaw niyong sabihin sa'kin ang totoo, tulungan niyo na lang akong kumbinsihin ang papa na itigil na ang kalokohang ito."
"Charlie—"
"—Please, mama. Kahit ngayon lang, magpaka-ina naman kayo sa'kin." 'Di niya mapigilang mapahikbi.
Matagal itong hindi sumagot. "Mahal mo ba talaga siya?" tanong nito kapagkuwan.
"Mahal na mahal ko siya, mama."
"Kahit pa niloko ka niya?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Hindi ako maniniwala sa kahit ano hangga't hindi ko naririnig iyon mula sa kanya. Please, ma. Tulungan niyo naman ako. Nagmamaakaawa ako sa inyo. Hindi ko kakayaning mawala si Vince sa'kin pero ayaw ko rin namang tuluyan nang magkasira kami ng papa."
"Alam mo namang imposible nang magbago pa ang isip ng papa mo kapag nag-desisyon na siya 'di ba?"
"Ano ba ang gusto mong gawin ko, ma, para tulungan mo ako? Gusto niyong lumuhod ako?" lumuhod siya sa harap nito na halatang ikinabigla ng ina. "Mama, please. Ayokong magpakasal kay Gavril. Kayo lang ang pwedeng kumumbinsi sa papa." Pagmamakaawa niya.
Kita niya ang awa sa mukha ng ina. Alam niyang natitibag na niya ang pader nito. "Tumayo ka na diyan." Pinatayo siya nito saka pinunasan ang mga luha niya. "Sige, titingnan ko ang magagawa ko. Subukan kong kausapin ang papa mo pero hindi ko alam kung mababago pa ang desisyon niya."
"Thank you, mama! Akala ko nakalimutan niyo nang anak niyo rin ako." tuwang-tuwang aniya saka niyakap ito. Hindi siya makapaniwalang pumayag ito.
"Hindi totoo 'yan! Anak kita, namin ng papa mo, at hindi magbabago 'yon. Nagalit man ako sa'yo at nagtampo pero mahal kita. Ayoko na nasasaktan ka ng ganito." Niyakap siya nito. Ilang minuto rin silang magkayakap.
Ninamnam niya ang yakap ng ina na matagal niyang 'di naramdaman. Kahit papa'no ay sumaya siya. Akala niya ay tuluyan nang naging bato ang puso ng ina para sa kanya pero hindi pa pala.
PAGGISING niya kinaumagahan ay wala na ang mga magulang. Maaga siguro ang mga itong umuwi. Bumangon siya at hindi na muna niya ginising ang mga anak na mahimbing pa rin ang tulog.
Nang bumaba siya ay nakita niya ang may-ari ng bahay na si Mrs. Von Arx. Hindi niya alam kung bakit sa bahay nito sila dinala ng mga magulang.
"Good morning, hija. Maupo ka muna diyan. Tapos na akong magluto."
"Pasensya na po, tita. Medyo late akong nagising para sana ako na lang ang nagluto." Aniya.
Ngumiti ang ginang. "'Wag mo nang isipin iyon. Maaga talaga akong nagigising." Anito habang naghahain na sa lamesa. Tinulungan niya ito.
"Gisingin mo na ang mga anak mo para makakain na rin sila." Anito nang matapos silang maghain. Bumalik siya sa taas at ginising ang kambal.
Walang ganang bumangon ang mga ito saka nagpunta sa banyo upang maghugas ng mukha. Kita niya ang lungkot sa mga mata ng mga ito.
"Mama, hindi pa po ba tayo uuwi?" Tanong ni Chase nang nasa hagdan na sila pababa. Si Chance naman ay karga niya. Nagpapa-baby na naman. Paggising pa lang nito kanina ay umuwi agad ang sinasabi nito.
"Hindi pa, anak."
Lalong naging malungkot ang mga ito at parang pinipiga ang puso niya sa nakikita.
"Don't worry, sweethearts. Aayusin 'to ni mama. Pagkatapos ay pwede na tayong umuwi." Hindi niya alam kung maaayos pa ba pero umaasa siya.
Nagliwanag ang mukha ng mga anak. "Talaga po, mama? Then after that, we could go home na?" excited na tanong ni Chance.
"O-Oo, anak."
"Yehey! Makikita na natin si papa ulit." Dahil sa sinabi niya ay naging masaya na ulit ang mga anak. Pagdating nila sa dining roon ay ipinakilala niya ang mga anak kay Mrs. Von Arx.
"Ang ku-cute talaga ng mga anak mo, Charlie. Naaalala ko tuloy ang mga anak ko." Wika ng ginang habang kumakain sila. Hindi niya alam kung bakit pero nakita niya ang pagguhit ng lungkot sa abuhin nitong mga mata.
"May mga anak po kayo? Nasaan po sila?"
Sumilay ang isang malungkot na ngiti sa mga labi nito. "Matagal ko na silang hinahanap. Kaya ako umuwi dito para makita sila pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin sila nahahanap."
Nakaramdam siya ng awa para sa ginang. Ramdam niya ang pangungulila nito sa mga anak.
"I'm sure, makikita niyo rin po sila."
"Sana nga, hija." Nagpatuloy sila sa pagkain. Siya na ang nagbukas ng ibang topic para hindi na ito maging malungkot. Nang natapos sila, siya na ang naghugas ng mga pinagkainan nila.
Nang matapos siya ay sinamahan niya ang mga anak na manuod ng cartoons ngunit ilang minuto pa lang ay narinig nilang tumunog ang doorbell.
"Ako na ang magbubukas." Prisinta ni Mrs. Von Arx. Akala niya ay bisita nito ang tao sa labas pero nang bumalik ito sa loob ay nagulat siya nang makitang kasama nito si Gavril. Kaagad na yumakap ang mga anak rito.
"Nagpakilala siyang fiancé mo kaya pinapasok ko na. Nabanggit na nila mama mo na darating siya ngayon." sabi ng ginang. Charlene gritted her teeth upon hearing the word 'fiancé'. Gustong-gusto niyang i-deny pero nanahimik na lamang siya.
"Pwede ba tayong mag-usap, Charlie?" Tanong ng binata kapagkuwan. Kaagad siyang tumango. Gusto rin niya itong makausap.
"Sa taas po muna kami, tita." Paalam niya sa ginang.
"Sige lang, hija. Aalis rin ako mamaya. I'll take 'chummy' for a walk." anito na ang tinutukoy ay ang aso.
Pumanhik sila sa taas kasama ng mga bata. Nang nasa kwarto na sila, dinala niya ang mga anak sa terrace upang doon muna ang mga ito habang nag-uusap sila ni Gav.
"Mama, what does fiancé mean?"
Natigilan siya sa tanong ni Chase. Napakagat-labi siya. "I'll explain to you later, sweetie. Mag-uusap muna kami ni papa Gavril niyo. Stay here and play with your nintendo."
"Okay po, mama." Sabay na sagot ng mga ito. Bumalik siya sa loob ng kwarto pero iniwan niyang nakabukas ang pintuan ng terrace.
"Bakit ka nandito?" malamig na tanong niya sa binata. Nakaupo ito sa couch. Tumingin ito sa kanya.
"Galit ka ba sa'kin, bunso?"
"Ano sa tingin mo? May karapatan naman siguro akong magalit, 'di ba?"
Bumuntong-hininga ito saka tumayo at lumapit sa kanya. "I'm sorry kung nasasaktan ka sa mga nangyayari. I'm sorry kung wala akong magawa para tulungan ka." He said wearily.
Nagtagis ang mga bagang siya. "Meron kang magagawa, Gav. Umatras ka sa kasal."
Tila nahihirapang tumingin ito sa kanya. "Alam mong hindi ko pwedeng gawin 'yon, bunso. Ikaw na lang ang pag-asa ko."
Nakaramdam siya ng awa rito. Alam niyang naiipit rin ito sa sitwasyon. Mapait siyang napangiti. Syempre, hindi talaga ito basta-basta aatras.
Napaigtad siya nang hawakan nito ang mga kamay niya. "Sabi nila tito sa'kin, alam mo na lahat ng mga ginawa nit Vicente. I told you, he's not worth it." he took a deep breath. "Alam kong nasasaktan ka ngayon dahil sa mga nalaman mo pero mas magandang kalimutan mo na lang siya. Nandito ako and i'm willing to cherish you. Bakit hindi natin subukan?"
Tinitigan niya ang gwapo nitong mukha saka hinaplos ang pisngi nito. Pero kahit gaano pa ito kagwapo at kabait, wala siyang maramdamang kahit katiting na pagmamahal rito. Talagang pagtinging kaibigan at kapatid lang ang kaya niyang ibigay para rito.
"That's right. Look at me and don't think of someone else." Sinunod niya ang sinabi nito dahil umaasa siyang may maramdaman siyang kilig o anupaman para rito kapag ginawa niya iyon.
Gavril cupped her face. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. Napapikit siya nang lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya ngunit parang nais niyang maiyak nang ibang mukha ang nakita niya sa balintataw siya. Walang iba kundi si Vince. Kahit pilitin niyang kalimutan ito ay hindi niya kaya.
Kahit pa ibang mga labi ang humahalik sa kanya ay wala siyang ibang maramdamang kahit ano dahil ang nasa puso at isip niya ay ang kasintahan. Sa kabila pala ng mga nalaman niyang ginawa nito ay ito pa rin ang mahal niya.
Tumulo ang mga luha niya. This musn't go on because I would be unfair to Gavril, she thought.
Inilapat niya ang mga kamay sa dibdib ng binata upang sana itulak ito pero bigla na lamang may nagbukas ng pintuan.
"Mahal, nandito na ak—" agad niyang itinulak si Gavril nang mapagsino ang bagong dating. Kitang-kita niya ang sakit na bumalatay sa mukha ni Vince dahil sa nadatnan nitong tagpo.
"M-Mahal..." ang tanging nanulas mula sa mga labi ni Charlie.
****
Ano sa tingin niyo, blazers? Totoo kaya lahat ng mga paratang ng papa ni Charlie kay Vince?
Tama ba ang papa ni Charlie na mas mabuti na lang kung si Gavril ang pakasalan niya?
Matutuloy kaya ang kasal nila Charlie at Gavril?
Ito na kaya ang tuluyang sisira sa relasyon nila Charlie at Vince?
COMMENT, VOTE, SHARE & SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top