chapter 32
A/N: Hi blazers! Patapos na ang kwento nila Vince at Charlie. Dalawang chapters na lang siguro bago ang Epilogue. Anyway, i hope you like this chapter. Don't forget to drop some comments. Happy reading :)
PARANG natulos na sa kinatatayuan si Vince habang nakatingin lang siya sa may edad na babae na nasa harapan niya. Gaya niya ay bakas rin ang matinding pagkabigla sa mukha nito. Ang mga labi ay bahagyang nakaawang at tila ba hindi ito makapaniwala sa presensya niya sa harap nito.
Ngayong nakita na niya ito ng personal ay napagtanto niyang marami rin silang pagkakahawig. Parehas sila ng kulay ng mga mata.
Parang wala ito sa sarili na ibinaba ang kargang aso. Their gaze never broke. Kita niya ang sari-saring emosyon na gumuhit sa mukha ng kaharap.
Ramdam ni Vince ang matinding kagustuhang sugurin ito ng yakap pero nag-alangan siya bigla. Walang anumang katagang namutawi sa bibig nito pagkakita sa kanya. Paano kung ayaw pala siya nitong makita? Paano kung tama ang mga sinabi ng ama na wala na itong pakialam pa sa kanila?
His longing for her was too much but he couldn't help but to remember what his father told him the other day about her...
"What do you mean by that, papa? How come Charlie's father was the reason why our family broke apart?" naguguluhang tanong niya pagkarining sa sinabi ng ama. Aallis na sana siya pero napukaw nito ang attention niya dahil sa biglaan nitong rebelasyon.
"Tama ang narinig mo, Vince. Siya ang kabit ng mama niyo."
Napasinghap siya sa sinabi nito at hindi agad nakahuma. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ilang segundo rin siyang hindi nakapagsalita na para bang umurong na ang dila niya. Oo, alam na niya ang tungkol sa pagtataksil ng ina pero ang malaman na ang papa ni Charlie ang kabit nito ay talagang gumimbal sa kanya.
"Kaya ayaw kong magkatuluyan kayo ni Charlie dahil anak siya ng taong sumira sa pamilya natin. Sumama ang mama niyo sa kanya at mas pinili niyang maging kabit kaysa ang makasama tayong pamilya niya. Naniniwala ako na kung ano ang puno ay siya ring bunga. Ayokong mangyari sa'yo ang nangyari sa'kin. Marami pang ibang babae diyan. Kalimutan mo na ang anak ng taong umagaw sa mama niyo mula sa atin. She's not worth it."
Napakuyom siya ng kamao at sa wakas ay nahanap rin ang sariling boses. "Hindi ganyang klase ng babae si Charlie, papa. Kung anuman ang pagkakasala ng ama niya ay labas na siya doon." Pagtatanggol niya sa kasintahan.
Mahal na mahal niya ang dalaga at ayaw niyang nakakarinig ng mga insulto patungkol rito. Kung totoo mang ang ama nito ang naging dahilan ng pagkasira ng kanilang pamilya, wala itong kinalaman doon. Baka nga hindi pa ito ipinapanganak noong panahong nangyari iyon.
"At talagang ipinagtatanggol mo pa siya? Hindi ba sinaktan ka na niya noon? Ang sabi ng lolo mo ay masyado ka niyang nasaktan dahil ipinagpalit ka niya sa iba. Halos masira ang buhay mo noon dahil lang sa kanya. Kahit pa nga ayaw mo nang bumalik sa Switzerland, pumayag ka dahil sa sakit na dinulot niya sa'yo." He chuckled sarcastically. "I was right after all. Parehas lang sila ng ama niya na hindi nakokontento sa iisa."
Napatiim-bagang siya. Kahit sobrang nagugulat siya sa rebelasyon ng ama ay wala siyang maramdamang galit kay Charlie. Alam niyang ipinapaalala lang ng papa niya ang nakaraan nila ng dalaga para magalit siya rito lalo na at ang papa pala nito ang kabit ng sarili niyang ina. Alam niyang gusto ng papa niyang kamuhian rin niya at iwan ang nobya pero hinding-hindi niya gagawin 'yon.
Wala siyang maramdamang anumang galit rito dahil inosente ito.
Ngayon niya na-realize kung hanggang saan ba talaga ang pagmamahal niya sa dalaga. Kahit ano pang kasalanan ng pamilya nito ay kaya niyang tanggapin dahil ganun niya ito kamahal.
Oo, nakakaramdam rin siya ng galit ngayon sa ama nito dahil sa pag-agaw nito sa mama nila noon pero malinaw sa kanya na walang anumang kinalaman ang dalaga roon.
"Tama na, papa. I know what you're doing. Gusto mo lang magalit rin ako sa girlfriend ko at iwan siya pero hinding-hindi ko gagawin iyon. Mahal na mahal ko siya. May mga anak na kami, for goodness' sake!"
Tumalim ang mga mata ng ama. "'Wag kang magpakatanga, Vince! Hindi kita pinalaking ganyan!"
Umiling siya. "Hindi ako nagpapakatanga, papa. Kung nagagalit kayo kay Charlie dahil sa nangyari sa'min noon, wala kayong dapat ikagalit dahil ako ang nagkamali. Hindi niya ako niloko salungat sa inakala ko noon. Hindi niya ako ipinagpalit sa iba dahil mahal niya ako." Direretso niyang sagot.
"Sige, sabihin na nating tama ka pero paano ang ama niya? Sa tingin mo ba talaga tatanggapin ka niya? You're wrong! Malaki ang galit sa'kin ni Arthur kaya niya inagaw ang mama niyo sa'kin!"
"Ano ang ibig niyong sabihin?"
"Best friend ko si Arthur noong mga binata pa kami at magkababata silang dalawa ng mama niyo. Pero nang nasa kolehiyo na kami, sinubukang ligawan ni Arthur si Victoria pero binasted siya nito. Nang mga panahong iyon, nagkakilala naman kami ng mama niyo. Nagustuhan ko siya agad. Nang ako naman ang sumubok na manligaw, sinagot niya ako. Galit na galit si Arthur nang malaman niyang magkasintahan na kami ng mama niyo at pakiramdam niya ay sinalisihan ko siya kay Victoria.
"Sinubukan kong magpaliwanag pero hindi na niya ako pinakinggan bagkus ay nagbanta siya na gaganti siya sa'kin dahil sa pagta-traydor ko sa kanya. Hindi ko naman pinansin ang banta niya dahil alam kong hindi niya iyon magagawa. Pero nagkali ako dahil tinira niya ako ng pailalim.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari at nakuha niya ang mama niyo. May asawa na rin si Arthur noong mga panahon na iyon at 'di ko akalaing magagawa niyang lokohin ang pamilya niya para lamang gumati sa'kin." Parang nanlulumo ang ama habang nagku-kwento tungkol sa nakaraan.
Kita pa rin niya sa mga mata nito ang matinding sakit. Alam niyang galit ito dahil hindi pa rin ito nakakalimot.
Hindi maiwasang makaramdam ng awa ni Vince para sa kanyang ama. Alam niyang masakit ang pinagdaanan nito at kung siya siguro ang nasa sitwasyon nito ay baka kung ano na ang nagawa niya.
"I'm sorry to hear that, papa. Alam kong masakit pa rin sa inyo ang nangyari pero matagal na iyon. Wala kaming kinalaman ni Charlie sa mga pagkakamali ng mama at ng papa niya. Isa lang naman ang gusto ko at 'yon ay ang mabuo ang pamilya ko. Ayokong lumaki sina Chase at Chance na hindi kumpleto ang pamilya nila dahil mahirap 'yon para sa isang bata. Ayokong pagdaaanan nila ang mga pinagdaanan namin ni Venice." Lumapit siya rito at dahan-dahang ipinatong ang kamay sa balikat nito.
"Kahit para man lang sa mga apo mo, papa, kalimutan mo na ang galit mo. Alam kong hindi madali ang mga pinagdaanan mo dahil naramdaman ko rin 'yan noong mga panahong inaakala kong ipinagpalit ako ni Charlie sa iba. Pero sana, panahon na para kalimutan na natin ang nakaraan at magsimula muli ng panibago.
"Balak ko nang pakasalan si Charlie sa lalong madaling panahon at kapag nahanap ko na ang mama, I want you both to be there on our wedding day. Mahal na mahal ko si Charlie, papa. Sana hayaan niyo na kaming maging masaya. Sana rin, matutunan niyo nang patawarin ang mama. Mauna na ako." Aniya saka pumihit at naglakad palabas ng bahay ng ama.
"A-Anong ginagawa mo dito?" bumalik siya sa realidad nang marinig niya ang tila nauutal na boses ng ina. Oo! Kaharap niya ang matagal na niyang hinahanap na ina at 'di niya inaasahan iyon. Paanong naroon ito sa bahay na iyon?
Kaya siya nagpunta roon ay upang hanapin ang mag-iina niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, ang mama niya ang nakita niya.
Then he suddenly remembered the address that was written on the report that Duke gave him when they were at the beach. Ito 'yong address na 'yon! Parehas ng address ni ibinigay nito kanina lang!
Pero lahat ng mga isiping iyon ay nawala saglit. Ang buong attention niya ay napunta sa ina. Halos hindi na siya kumukurap dahil baka bigla itong mawala sa paningin niya at hindi na naman niya alam kung saan hahanapin.
Kita niya na parang maiiyak ito at tila hindi alam ang gagawin. She was staring at him full of longingness and he was surprised. Bakit parang emosyonal yata ito? Kilala ba siya nito? Pero imposible iyon. Mga bata pa sila nang iwan sila nito.
Ang sabi ng papa niya ay pinalabas nitong patay na silang magkapatid para hindi na sila balikan pa ng ina.
"H-Hindi niyo po ba ako naaalala?" Iyon ang namutawi sa bibig niya. She stared at him full of wonder na para bang pinag-aaralan ang bawat anggulo ng mukha niya. Kita niya ang panunubig ng mga mata nito.
"Syempre, kilala kita. Kilalang-kilala kita...anak." nanginginig ang boses na sagot nito. Tumulo ang masaganang mga luha mula sa mga mata nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Alam niyo pong anak niyo ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya ngunit hindi na siya nito nasagot pa dahil sinugod na siya nito ng mahigpit na yakap.
"Ang anak ko! Oh, God. Anak ko!" hagulhol nito. Ramdam niya ang panginginig ng katawan ng ina at hindi niya mapigilang maluha. Alam niya sa sarili niyang isa siyang matapang na tao at hindi basta-basta umiiyak pero sa pagkakataong iyon ay 'di niya napigilan ang bugso ng damdamin.
Sa wakas, nagkita rin sila ng ina. Parang isang milagro ang muli nilang pagtatagpo.
Matagal-tagal rin silang magkayakap na ganun hanggang sa kumawala ang ina. She cupped his face and stared at him full of emotions. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa maganda nitong mukha.
"Ang tagal-tagal ko nang inaasam na makita ka, anak, kayo ng kapatid mo. Walang dumaang araw na hindi ko kayo naaalala ni Venice pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Palagi kong ipinagdarasal na sana ay makita ko na kayo at sa wakas ay pinagbigyan ng panginoon ang mga dasal ko." Umiiyak na anito habang hinahaplos ang mga pisngi niya.
Ramdam niya ang tindi ng emosyon nito at pati siya ay ganun din.
"Patawarin mo ako, Vince anak, dahil hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na balikan kayong magkapatid." Humagulgol ito lalo pagkasabi niyon. Kita niya ang sakit sa mga mata nito habang sinasabi iyon.
Umiiling-iling ito habang paulit-ulit na humihingi sa kanya ng tawad. Walang tigil ang pagbuhos ng mga luha nito.
Kinuha niya ang mga kamay nito na nasa mga pisngi niya saka hinawakan iyon. "Ang tagal ko na po kayong hinahanap...mama." He didn't know that it would feel so good to be able to her call that.
Lumaki siyang walang kinalakhang ina kaya naman wala siyang alam kung ano ang pakiramdam ng may inang nag-aalaga sa kanya. Wala siyang tinatawag na mama.
Noong bata pa siya, walang yumayakap sa kanya kapag kailangan niya ng kalinga. Lagi niya noong naiisip kung ano kaya ang buhay nilang magkapatid kapag may ina silang kasama. Tanda niya pa na kapag umiiyak ang kapatid, siya ang yumayakap rito. Ayaw niyang maramdaman nitong may kulang.
"Talaga, anak? Hinanap mo ako?"
"Of course, I did! Kahit ano pa ang mga nagawa niyo noon ay hindi kami nagtanim ng galit ni Venice sayo. Ano po ang nangyari? Bakit kayo nawala? Bakit hindi niyo na kami binalikan ni Venice kung alam niyo naman palang buhay kami? Totoo bang ipinagpalit mo kami sa kabit mo?" Vince queried.
Gusto niyang marinig mula rito ang rason nito kung bakit wala ito sa buhay nila habang lumalaki silang magkapatid.
Mapait na ngumiti ang ina saka humugot ng isang malalim na hininga. "Dahil hindi ako hinayaan ng papa niyong makalapit."
"Ano po ang ibig niyong sabihin?"
Ilang segundo rin itong hindi umimik habang tahimik na lumuluha. Nang makabawi ito ay saka lamang sumagot. "Nag-umpisa ang lahat noong umuwi ako dito sa Pilipinas nang mag-isa dahil nagkasakit ang mama. Hind ko na kayo isinama noon dahil babalik din naman ako agad pagkatapos ng isang linggo. Pero hindi ako nakabalik agad dahil namatay ang mama.
"Naroon naman ang kabigan ko na si Arthur upang alalayan at damayan ako. Dahiil sa nangyari, sumunod kayo dito sa Pilipinas kasama ng papa niyo at doon, nakita ako ng papa niyo na kayakap si Arthur. That time, umiiyak ako and Arthur was just comforting me as a friend. Walang imik ang papa niyo pero pagkatapos ng libing, doon na niya ako sinumbatan.
"'Yon ang pinakamalala naming naging pagtatalo. Alam ko noon pa na malaki ang selos niya kay Arthur dahil pakiramdam niya ay masyado akong malapit rito. Ipinaliwanag ko sa kanya na walang ibig sabihin ng nakita niya. Ginawa ko ang lahat para magkaayos kami pero kinabukasan no'n, bumalik si Arthur at kinausap niya ako.
"Doon niya inamin sa'kin na mahal pa rin niya ako at nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ako at nakita ulit ng papa mo. Sinadya ni Arthur na gawin iyon para makita niya. Galit na galit ang papa mo at nabulagan ng matinding selos.Nagpangtabot sila. Nang sinubukan kong magpaliwanag, hindi na niya ako pinakinggan.
"Kinabukasan, tinangay niya kayo ng kapatid mo. Nalaman ko na lang sa mga katulong na nasa airport na raw kayo nang magising ako. Sinubukan ko kayong habulin pero nasiraan kami ng driver sa daan. Pumara ako ng taxi pero 'yon ang pagkakamali ko.
"Sa ibang lugar ako dinala ng driver, kung saan wala nang makitang bahay sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang balak niya pero sinubukan kong lumaban. Nagpagewang-gewang ang sinasakyan namin hanggang sa naaksidente kami. Bumangga ang taxi sa isang malaking puno. Nang magkamalay ako, wala na akong maalala. Ni hindi ko alam kung ano ang tunay kong pangalan." Napahikbi ito at tumigil sa pagsasalita na parang bang hirap na hirap itong ikwento ang mga nangyari rito.
Sumikip ang dibdib ni Vince sa mga narinig mula sa ina. Hindi niya akalaing mali pala lahat ng paratang ng ama rito. Mula noong nalaman niya ang katotohanang buhay ang ina, nakatatak na sa isipan niyang nagtaksil ito sa papa nila.
Oo, meron siyang naramdamang tampo rito dahil sa inakala niyang ginawa nito pero mas nanaig ang kagustuhan niyang makita itong muli.
Mabuti na lamang at pinakinggan niya ang puso niya at hinanap ito dahil wala naman pala talaga itong kasalanan. Biktima lang rin ito ng pagkakataon. Gaya nila ay nagdusa rin ito.
"Ang sabi ng papa ay sumama raw kayo sa ibang lalaki at ipinagpalit niyo kami sa kanya."
She shook hear head vigorously. "Hindi totoo 'yan, anak. Alam ng Diyos na hindi ko ginawa ang binibintang ng papa mo sa'kin." Lalong lumakas ang iyak nito at nabahala siya.
Niyakap niya ito. "Please, stop crying. I believe you, ma." pagbibigay assurance niya rito.
"Napakasakit ng mga nangyari. Dahil sa maling akala ay nagkahiwalay tayo. Hindi ko kayo nakitang lumaki ng kapatid mo. Wala ako sa tabi niyo upang gabayan kayo." Kumawala ito sa kanya saka muling hinaplos ang pinsgi niya. "Alam mo bang sa loob ng mahabang panahon na nawala ang memorya ko, lagi ko kayong napapanaginipan ng kapatid mo pero kahit ano'ng gawin ko, hindi ko maalala kung sino kayo sa buhay ko."
"Saan po kayo tumira noong mga panahong wala kayong maalala? Kailan nagbalik ang alaala niyo? Bakit hindi na kayo nagpakita nang nakakaalala na kayo?" sunod-sunod na tanong niya. Gusto niyang marinig ang buong kwento.
"Noong nasa ospital ako pagkatapos ng aksidente, wala silang nakitang anumang gamit na dala ko kaya wala rin silang ideya kung saan hahanapin ang mga kamag-anak ko. Hanggang sa makita ako ng isang madre at tinulungan niya ako.
"Nang makalabas ako sa ospital, dinala niya ako sa kumbento. Naglagi ako doon habang hinahanap nila ang mga kamag-anak ko. Pumunta kami sa police station para magpatulong. Pagkatapos ng halos dalawang linggo, dumating si Arthur at ang asawa nitong si Clarissa. Nagpakilala silang mga kaibigan ko. Paulit-ulit na humingi ng tawad si Arthur sa'kin pero nang tinanong ko kung para saan, hindi niya sinabi.
"Sila ang tumulong sa'kin upang bumangong muli at mamuhay ng tahimik. Dinala nila ako sa Amerika at doon ako naglagi ng mahigit dalawampung taon. Nagnegosyo ako doon at napalago ko. Naging maganda ang buhay ko financially pero alam kong may kulang.
"Then almost 2 months ago, nakita ko ang larawan mo at ni Venice sa isang magazine. Nang mabasa ko ang mga pangalan niyo, parang isang pintuan na nabuksan ang mga nakatago kong ala-ala. I cried so hard that I didn't know what to do. Akala ko hindi na babalik pa ang mga ala-ala ko pero nangyari. After that, I confronted Arthur and Clarissa kung bakit hindi nila sinabi sa'kin ang totoo na may asawa at mga anak pala ako.
"Doon na nila sinabi sa'kin na hindi na nila sinabi ang totoo sa'kin kasi ang alam nila ay patay na kayo ni Venice. 'Yon daw ang nabalitaan nila galing sa pamliya Aragon noon. Alam nilang masasaktan ako kapag nalaman ko na patay na kayo at siguradong hindi ko kakayanin kaya mas minabuti nilang ilihim na lamang sa'kin ang lahat. Sabi rin nila, hindi na bumalik ang papa niyo dito sa Pilipinas dahil sa sobrang galit niya.
"Agad akong lumipad papuntang Switzerland nang nakakaalala na ako pero nang makita ako ng papa niyo, hindi niya ako hinayaang makita kayo. Hindi niya sinabi kung nasaan na kayo ni Venice. Galit na galit pa rin siya sa'kin at hindi pinakinggan ang anumang paliwanag ko.
"Hinanap ko kayo sa Switzerland hanggang sa mabalitaan ko na wala na pala kayo roon ng kapatid mo kundi nandito na raw pala kayo sa Pilipinas. Agad akong pumunta rito. Sinubukan kong lumapit sa bahay ng mga Aragon pero walang humarap sa'kin maliban sa mga guards. Ilang araw na ako rito sa Pilipinas, umaasang mahanap ko rin kayong magkapatid."
Ramdam niya ang paghihirap ng ina at gusto niyang pawiin lahat ng iyon ngayon nagkita na sila. Muli niya itong niyakap ng mahigpit. "Tama na ang iyak, ma. Ang mahalaga ay nagkita na tayo. Siguradong matutuwa si Venice kapag nakita ka." ilang minuto rin sila sa ganung posisyon hanggang sa yayain siya nitong pumasok.
"KAMUSTA na ang kapatid mo, anak? Sabik na sabik na akong makita siya." Anang ina habang magkatabi silang nakaupo sa sofa sa sala. Nakasandal ang ulo nito sa balikat niya habang yakap siya nito mula sa tagiliran.
Napangiti siya. "She's fine, ma. Malapit na kayong magkaroon ng doctor na anak. Venice is such an intelligent girl. You'll be proud of her for sure." Pagmamalaki niya.
"Mabuti naman kung ganun. I'm proud of the two of you kasi kahit wala ako sa tabi niyo, naging successful kayo." Napabuntong-hininga ito. "But I wish, I was there." Halos pabulong na anito.
"Forget about that, ma. Ang mahalaga ay nandito ka na. Let's start all over again. Marami ka pang panahon upang bumawi sa amin ni Venice."
"Salamat, anak. Pinagaan mo ang loob ko." Ilang segundong walang nagsalita sa kanila. Then, Vince suddenly remembered somthing.
"Ma, hindi po ba nabanggit ni Mr. Azaria na ako ang boyfriend ng anak niya?"
Dumiresto ito ng upo saka tumingi sa kanya nang puno ng pagtataka. "What do you mean?"
"Charlene, his daughter, is my girlfriend, ma. Pero pilit nila kaming pinaghihiwalay. Ayaw nila sa'kin para sa anak nila."
She looked confused while staring at him then her gaze shifted upstairs. "Hindi ko maintindihan. Narito si Charlene ngayon pero iba ang ipinakilala nilang fiancé niya."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig saka napatingin sa taas. "Charlie is here, ma? Nasaan? Kasama ba niya ang mga bata?" tanong niya saka tumayo.
Kunot-noong tumango ito. "Oo, anak. Nasa taas."
"Which room?"
"First room from the stairs. May bisita—"
Hindi na niya hinintay ang iba pa nitong sasabihin. Ang nasa isip ay makita agad ang mag-iina niya. Agad siyang pumanhik sa taas at nang makita ang kwarto na tinutukoy ng ina, agad niya iyong binuksan. Hindi na siya nag-abalang kumatok.
"Mahal, nandito na ak—" Ngunit hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya nang makita ang kaganapan sa loob ng kwarto. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa nasaksihan.
****
Sa wakas, nagkita rin silang mag-ina at nagkaliwanagan ;)
Sino sa inyo ang nakaisip na hindi talaga nagtaksil ang mama ni Vince?
Ano kaya ang naabutan ni Vince sa loob ng kwarto? Ito kaya ang maging dahilan para maghiwalay sila?
COMMENT
VOTE
SHARE
FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top