chapter 27

A/N: Hi Blazers! Gaya nga po ng sinabi ko sa inyo noon; twice a week lang po ang update kapag 'di ako satisfied sa responses. Sa mga nagtatanong; every Tuesday and Friday po ang update. Kapag naman po maganda ang response, mag-aupdate ako ng Tuesdays, Thursdays and Saturdays or Sundays. 

Add me: 
Facebook page: TwentyTwo MonAmour
Facebook account: 22_MonAmour
Instagram: 22_Monamour

PAKIRAMDAM ni Charlene ay nasa lalamunan na niya ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok niyon. Nasa sala silang lahat habang magkakaharap na nakaupo. Katabi niya si Vince sa upuan habang ang mga magulang at si Gavril naman ay magkakatabi sa sofa sa harap nila.

Talagang kinakabahan siya sa kung ano ang pakay ng mga ito sa kanila. Ramdam niya ang tension sa paligid.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Charlie. Narito kami upang pag-usapan natin ang tungkol sa kasal niyo ni Gavril." Puno ng kaseryosohang sabi ng ama.

Napaawang ang mga labi ng dalaga sa narinig mula sa ama. "K-Kasal?" she even stuttered because of shock. "A-Ano po ang sinasabi niyo, papa? Bakit naman kami magpapakasal ni Gav?"

"Dahil 'yon ang matagal nang nakatakda at alam mo 'yan."

Napailing siya saka tumingin kay Gavril. Walang mababakas na anumang emosyon sa mukha nito. 'Di rin ito makatingin sa gawi niya.

"Matagal na akong umatras sa usapan na 'yan, papa, mula nang mabuntis ako. And besides, have you forgotten that Gavril here has a wife?" hindi niya maisawasang magtaas ng boses.

Matagal niyang hindi nakita ang mga magulang mula nang lumabas ang papa niya sa ospital dahil pinagbawalan siyang bisitahin ito sa bahay. Ayon sa mama niya, mas maganda raw sigurong 'wag muna siya magpakita sa ama dahil baka ma-stress lang ang papa niya at 'di maka-recover agad.

Kahit labag sa kanyang kalooban ay ginawa niya ang hiling ng mga ito. Sinabi ng papa niya na saka na sila mag-usap kapag nakalabas ito ng ospital pero mukhang 'di pa rin ito handang patawin siya kaya naman ni-respeto na lang niya kung ano ang kagustuhan ng mga ito.

"Gavril said that their marriage was fake so it's fine. Besides, matagal na siyang nawawala. Walang magiging problema kapag kinasal kayo. Mas mabuti siguro kung sa susunod na buwan na kayo ikasal." Tila bale-walang sagot ng ama. Nasa tono rin nito ang pinalisasyon.

Nakaramdam ng paghihimagsik ng kalooban si Charlie. Pakiramdam niya ay tinatanggalan siya ng karapatan ng ama na magdesisyon para sa sarili niya. Ni hindi man lang siya nito tinatanong kung gusto ba niya ang ipinapagawa nito.

Napakuyom siya ng kamao saka tumayo. Handa na niyang sagutin ang ama nang may maramdaman siyang mainit na kamay na humawak sa mahigpit na nakakuyom niyang kamao. Si Vince.

"Mahal..." iyon lang ang namutawi sa mga labi nito pero sapat na iyon upang makuha niya ang nais nitong iparating.

Napatingin siya rito pero ang mga mata nito ay nakatuon sa mga tao sa harapan nila. Wala siyang anumang mabasang emosyon sa mukha ng kasintahan.

Unti-unti siyang bumalik sa pagkakaupo at 'di na muna nagsalita pa upang bigyan ng pagkakataon si Vince para magsalita.

"Pardon me, sir, but I will never let that happen. Charlie is mine." He even emphasized the last sentence.

Napasinghap siya sa gulat nang marinig iyon mula sa nobyo. Ni wala man lang mababakas na alinlangan o takot sa mukha nito habang sinasabi iyon. Her father looked so intimidating but Vince didn't even flinch nor bat an eyelash.

Nagdilim naman ang mukha ng papa niya dahil sa sinabi ng nobyo. "And who do you think you are to say that? Hindi ko hinihingi ang opinion mo." matigas ang tonong sagot nito kay Vince.

"I am Vicente Aragon and I am Charlie's boyfriend. Ako rin ang ama nila Chase at Chance. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang biglaang desisyon niyong ito, sir, pero hinding-hindi ako makapapayag sa gusto niyong mangyari. Minsan nang nawala sa'kin ang anak niyo at hinding-hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit 'yon."

Umangat ang isang sulok ng mga labi ng ama. "Really?" tumingin ito sa mama niya at kay Gavril. "Honey, Gavril, Iwan niyo muna kami." Tapos ay sa kanya. "You too, Charlie. I want to talk to Mr. Aragon here in private."

Lalo siyang nakaramdam ng kaba. "Pero—"

"It's okay, mahal. I can handle this." Kumbinsi sa kanya ng kasintahan.

"Vince—" Sinubukan niya ulit magsalita pero umiling ito saka ngumiti.

He cupped her face and stared at her full of gentleness. "Don't worry about anything. Alam ko ang ginagawa ko. Just trust me."

Napilitan siyang tumango na lamang. Lumuwang ang ngiti nito saka siya masuyong hinalikan sa mga labi. Tumayo siya saka tinawag ang mama niya at si Gavril upang pumunta sila sa porch pero hindi sumama ang ina.

"Doon muna ako sa mga apo ko." Anito saka umakyat na sa taas. Napabuntong-hininga siya sa inasta ng ina. Gustong-gusto niya rin itong kausapin pero parang umiiwas ito sa kanya.

"Ano ang ibig sabihin niyon, Gav? Bakit ka pumayag sa kagustuhan ng papa?!" Hindi napigilang magtaas ng boses ni Charlene nang mapag-isa sila ni Gavril sa porch. Kanina pa niya ito gustong-gustong komprontahin.

"I'm sorry, bunso, but I think, this is for your own good."

Tumiim ang bagang niya. "For my own good?! Ano ang alam niyo sa mga bagay na makakabuti sa'kin?! You didn't even have the decency to tell me about this beforehand! Hindi ako isang bata na walang kakayahang magdesisiyon para sa sarili ko! At ang 'di ko lang matanggap ay nagpapagamit ka sa papa! I'm so disappointed with you, Gav!" halos sumisigaw na siya sa sobrang galit.

Mataas ang tingin niya sa binata dahil mabait ito. Kahit kailan ay wala itong inapakang sinuman. Lagi itong nasa tama at may sariling paninindigan. Pero ngayon ay iba ang nakikita niya. Parang naging sunod-sunuran lang ito sa nais ng papa niya at 'di niya maunawaan kung bakit nito iyon ginagawa.

Alam niya na may nararamdama pa rin ito sa asawa nito kahit taliwas iyon sa laging sinasab nito pero 'di niya lubos maisip kung bakit ito pumayag. Wala namang magagawa ang papa niya kung ayaw ni Gavril sa nais nitong mangyari.

"Hindi ako nagpapagamit sa papa mo. Ginawa ko lang ang alam kong tama, bunso."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Sobra akong nag-alala dahil ilang beses na kitang sinusubukang tawagan nitong mga nakaraang linggo pero 'di kita makontak. Sinabi mong tatawag ka sa'kin kung kailangan mo ng tulong pero hindi ako mapakali lalo na at alam kong nakatira na ang lalaking 'yon dito sa rancho kasama niyo. Alam ko ang mga kaya niyang gawin at hindi ako papayag na mapahamak kayo ng mga bata kaya nagdesisiyon akong puntahan na ang mga magulang mo."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ikaw ang lumapit kina papa at mama? Ano ang sinabi mo? Bakit humantong sa ganito?!"

"Sinabi ko lahat ng nalalaman ko tungkol ka Vicente. SInabi ko rin ang ginawang pamba-blackmail ng lalaking 'yon sa'yo para pumayag ka sa mga gusto niya. Nagalit ang papa mo at pina-imbestigahan siya. Maraming nalaman ang papa mo tungkol sa kanya na hindi niya nagustuhan. Sinabi niya sa'kin lahat kaya nang tanungin niya ako kung gusto kitang pakasalan para ilayo kay Vicente, pumayag agad ako. I want to save you from that man, bunso, kaya ko 'to ginagawa."

Napailing-iling siya. "Wala namang dahilan para iligtas mo ako mula kay Vince dahil hindi siya masamang tao. Kung anuman ang mga nalaman niyo, puro kasinungalingan lang 'yon! Vince and I are back together. Masaya na kami kaya 'wag na kayong gumawa ng gulo. Kung anuman ang mga nangyari noon, kinalimutan na naming dalawa iyon at nagkapatawaran na."

"Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo, Charlie. Vicente Aragon isn't what you think he is. Marami siyang nililihim sa'yo. He is—"

"—Please, stop it, Gav. I don't want to hear it. Ayokong umabot sa puntong magalit ako sa'yo dahil sa mga sinasabi mo tungkol sa boyfriend ko." matigas ang boses na aniya.

"Hindi mo kasi kami naiintindihan, bunso. Ayaw naming masaktan ka kaya namin 'to ginagawa. Tingnan mo sina tito at tita. Kahit may tampo pa rin sila sa'yo hanggang ngayon, nandito sila dahil concern sila sa'yo at mahal na mahal ka nila. Wala silang ibang gusto kundi ang mapabuti ka. Alalahanin mong kapag sinaktan ka ng lalaking 'yon ay masasaktan rin ang mga anak mo."

Parang nagpanting ang mga tenga niya sa sinabi ng kausap. "Ano ang ibig mong sabihin? Na sasaktan ako ni Vince pati na ang mga anak namin? Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi mo gaanong kakilala si Vince para sabihin 'yan! Do you really think that he would hurt me especially Chase and Chance? Imposible ang sinasabi mo! Anak niya ang kambal at mahal na mahal niya sila!" talagang 'di na niya mapigil pa ang pag-alpas ng galit.

Bumuntong-hininga si Gavril saka tumingala na animo nahihirapan ito at 'di alam ang tamang isasagot sa kanya ngunit pagkatapos ng ilang segundo ay bumalik ang mga mata nito sa kanya.

Hinawakan ng binata ang kamay niya saka hinaplos ang pisngi niya. "Charlie, kilala mo ako. Hindi ako gagawa ng isang bagay na walang malalim na dahillan. Gustong-gusto ko nang sabihin sa'yo ang lahat pero mas mabuti sigurong sa papa mo mismo marinig ang lahat. Tandaan mo na mahalaga ka sa'kin at hinding-hindi ako gagawa ng isang bagay na makakasakit sa'yo ng walang valid reason."

"I don't know what to think anymore, Gav. I'm thankful of your concern pero masaya na ako. Wala akong nakikitang dahilan para gawin niyo sa'kin to nina papa at mama. Masaya ako na sa wakas ay buo na ang pamilya ko kaya 'wag niyo naman sanang sirain 'yon. Ayokong umabot ako sa puntong kailangang kong mamili." Hindi niya maiwasang mamasa ang mga mata. Isipin pa lang niyang may kailangan siyang i-give up sa mga mahal niya sa buhay ay nasasaktan na siya.

Hinila siya ng binata at niyakap. "Don't cry. Sige na. Hindi na muna ako magsasalita pero hindi ko maipapangakong aatras ako sa plano ng mga magulang mo. Sorry, bunso, pero ginagawa ko lang ang alam kong tama."

Hindi alam ni Charlene kung ano ang mararamdaman sa sitwasyong iyon. Basta ang alam lang niya ay hinding-hindi siya papayag sa gusto ng mga ito. Not now that her family is already complete.

THE SILENCE was defeaning between Vince and Charlie's father. Wala agad nagsalita sa kanilang dalawa. Nakatitig lang sila sa isa't-isa na animo nagpapakiramdaman sila. Kita niya ang galit sa mga mata ng kaharap pero hindi siya nagpaapekto.

"Ano nga ulit 'yong sinabi mo kanina, Mr. Aragon?" parang gusto siya nitong ma-intimidate rito pero hindi niya pinayagan ang sarili na makaramdam ng kahit konting intimidation.

"Inuulit ko po ang sinabi ko kanina, sir. I will never let Charlie marry Mr. Caballero because she's my girlfriend. Kahit ano'ng mangyari, hinding-hindi ako papayag sa gusto niyo."

Mr. Azaria chuckled sarcastically. "Bakit? Sa tingin mo ba, importante sa'kin ang sasabihin mo, Mr. Aragon?"

Umiling siya. "No, sir, pero importante sa'kin ang anak niyo kaya gagawin ko ang lahat para ipaglaban siya. Nagmamahalan po kami at 'yon ang mahalaga."

Nagdilim ang mukha ng kaharap. "Importante siya sa'yo? Talaga ba? Bakit mo siya niloloko kung ganun?" his voice became dangerous. Para itong isang leon na handang umatake sa biktima nito. Parang pigil na pigil nitong 'wag sumabog sa harap niya.

Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "Ano po ang ibig niyong sabihin, sir?"

Napabayo ito sa lamesa sa galit nito pero hindi siya naapektuhan o nagulat man lang sa inasta nito bagkus ay nanatili siyang nakatitig rito, hinihintay ang sagot nito.

"'Wag ka nang magmaang-maangan, Mr. Aragon. Manang-mana ka sa ama mo!"

Medyo nagulat siya sa sinabi nito. "Hindi ko po kayo maintindihan. Paano po nadamay ang papa dito?"

He tsked. "Bakit hindi mo tanungin ang papa mo kung paano niya sinaktan at niloko ang isang taong malapit sa'kin? Pero hindi na mahalaga pa 'yon. Gusto kitang makausap ng masinsanan dahil gusto kong sabihin sa'yo na layuan mo na ang anak at mga apo ko. Itigil mo na kung anumang panloloko ang binabalak mo at ipaubaya mo siya sa mas nararapat na lalaki."

Vince's kaw flexed. Pilit niyang pinakalma ang sarili. "Hindi ko po alam kung ano ang nagawang kasalanan ng papa pero wala po akong kinalaman doon. Isa lang po ang masasabi ko. Wala akong masamang binabalak kay Charlie at sa mga anak namin. Mahal na mahal ko sila. Kahit ano pa ang mangyari, hinding-hindi ko ipapaubaya ang mahal ko sa kahit na sinumang lalaki."

Natawa ang don. Halatang hindi siya nito pinaniniwalaan kahit konti. "Cut the act, Mr. Aragon. You're saying you love them but you blackmailed my daughter before just to get back at her. Gusto mong gumanti sa kanya kaya kung anu-ano ang ginawa mo na muntik na niyang ikapahamak."

Doon siya tinablan ng takot. Hindi rin siya nakapagsalita agad.

"Ano? Natahimik ka kasi totoo ang sinasabi ko? Muntik nang mamatay ang anak ko dahil sa kagagawan mo! Ang sabi mo ay mahal mo siya at ng mga apo ko pero niloloko mo sila!"

Gusto niyang ipagtanggol ang sarili pero 'di niya magawa. He wanted to explain but the look on his face told him that he would never believe him anyway.

"I'm sorry, sir. Hindi ko po sinasadya ang nangyari kay Charlie. Wala sa plano ko ang saktan siya. Maniwala man kayo't sa hindi, ayaw ko po siyang mapahamak. Lahat po ng plano ko ay itinigil ko na nang magkaayos kami. Mahal na mahal ko po ang anak niyo."

Naningkit ang mga mata nito. "Kung talagang mahal mo ang anak ko, hayaan mo na siyang magpakasal kay Gavril. Mas magiging masaya siya sa piling niya. Mabait si Gavril at matagal na silang magkaibigan. Siya rin ang first love ni Charlie. Siya ang naging ama ng kambal noong mga panahong wala ka kaya madali lang siyang matatanggap ng dalawa. Masasaktan lang ang anak at mga apo ko sa'yo dahil sa dami ng mga itinatago mo."

Vince shook his head vigorously. "Nagkakamali po kayo, sir. Gavril is not the first love of Charlie. Ako po 'yon. I'm sorry po pero hindi ko magagawa ang hinihiling niyo. I will never leave my family." Determinadong aniya.

"I don't have a choice then." May inilabas ito mula sa brief case na nasa kandungan nito. "Kung talagang magmamatigas ka, ipapakita ko kay Charlie ito."

Nagsalubong ang kilay niya nang makita kung ano ang hawak nito. Picture ni Bettina iyon na nasa isang clinic.

"Ano po ang ibig sabihin niyan?"

"Alam kong may naging ugnayan kayo ng anak ng mayor noon, Mr. Aragon, and guess what? Buntis siya at ikaw ang itinuturo niyang ama."

Nagulat siya sa narinig pero alam niya sa sarili niyang naging maingat siya sa mga panahong nagtatalik sila ni Bettina. "Bettina is just lying because I am not the father of her child. Sigurado ako at handa ko iyong patunayan." Lakas-loob niyang sagot.

Napailing ang kausap. "Tama na, Mr. Aragon. 'Wag mo nang dagdagan pa ang mga kasinungalingan mo. Ganito na lang. Hindi makakarating ang tungkol dito sa anak ko. In fact, gagawan pa kita ng isang pabor." Anito saka ibinalik ang larawan sa brief case nito.

Nagsalunong ang mga kilay niya sa sinabi nito.

"Ano po ang sinasabi niyo?"

"Alam kong matagal mo nang hinahanap ang mama mo. Tutulungan kitang makita siya, layuan mo lang ang anak ko."

Napahugot siya ng malalim na hininga. Parang nauubusan na siya ng pasensya pero pilit niyang kinalma pa rin ang sarili. Ayaw niyang maging bastos sa harap ng ama ng babaeng mahal niya.

"Sir, mawalang-galang na po. Importante po ang paghahanap ko kay mama kaya 'wag niyo naman pong gamitin iyon laban sa'kin lalo na at alam nating pareho na hindi niyo naman alam kung nasa'n siya."

"Pa'no kung sabihin ko sa'yong alam ko kung nasa'n siya ngayon?"

Natigilan siya sa sinabi nito at hindi siya agad nakahuma.

Ngumiti ang don. "Now, we're talking. I finally got your attention." He uttered triumphantly.

"Ako ang klase ng tao na kapag may binitawang salita ay gagawin ko. Sasabihin ko kung nasa'n ang mama mo basta gawin mo lang ang sinasabi ko. This is a once in a lifetime opportunity, Mr. Aragon. Kung ako sa'yo, I would say yes."

"Pa'no po kung hindi ako pumayag?"

"Pasensyahan na lang tayo kung ganun dahil sisiguraduhin kong hinding-hindi mo na makikita pa ang ina mo kahit kailan at makakarating lahat sa anak ko ang mga ginawa mo."

Pakiramdam ni Vince ay nanigas siya sa kinauupuan. Ni hindi siya nakasagot sa banta ng ama ni Charlie.

****

Ano kaya sa tingin niyo ang lihim ni Vince?

Totoo kayang buntis si Bettina at si Vince ang ama?

Matutuloy kaya ang kasal nila Gavril at Charlie?

COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top