chapter 23
Hi guys! Bukas pa sana itong update na 'to pero i decided to just update now. Anyway, 80 comments before the next update.
Malapit na palang matapos ang book 2 ng TB & TP series titled "L'AMOUR FOU". Sino ang nagbabasa niyon?
Sa mga hindi pa nakabasa, basahin na. :)
ALANGANING ngumiti si Charlene kay Mandy pagkakita niya sa kaibigan. Pa'no ba naman, ang taray lang ng dating ng bruha na nakaangat pa ang isang kilay habang nakatingin sa kanya. Lumapit siya rito saka naupo sa tabi nito.
Nasa pag-aaring restaurant sila ng kaibigan.
Naisipan niyang puntahan ito dahil matagal na rin silang hindi nagkikita. Ipinasyal nila ni Vince ang mga anak nila at dahil nasa malapit na rin lang sila ay nagpasya siyang daanan ito upang kumustahin. Alam niyang nagtatampo ito dahil ilang beses na niyang tinanggihan ang mga paanyaya nito na lumabas sila.
Nauna na siya doon at iniwan ang mag-aama niya dahil nag-ienjoy pa ang kambal sa paglalaro sa parke. Susunod na lamang daw ang mga ito sa restaurant mamaya.
"Musta ka na, Mands?" simula niya.
Lalong tumaas ang kilay ni Mandy. "Ito, buhay pa rin." Masungit na sagot nito.
"Aray! Ang sungit, ah." Kinapa pa niya ang dibdib niya na tila nasaktan ang puso niya sa pagsusungit nito.
Pinaikutan siya nito ng mga mata. "Bagay lang sa'yo 'yan! Buti naalala mo pa ako? Akala ko, na-amnesia ka na at 'di mo na ako kilala, eh."
Lihim siyang napangiti sa sinabi ng kaibigan. Niyakap niya ito at isinandal ang ulo sa balikat nito. "'Wag ka nang magtampo. Sorry na. Hindi ako nakakasamang lumabas sa'yo lately kasi alam mo naman, busy mama ang best friend mo."
"Tse! Busy kay Vincente kamo. Alam mo, Charlie, nakakatampo ka na talaga. Ang dami mo nang sinisekreto sa'kin. I thought we're best friends? Una, hindi mo sinabi ang pang-aagaw ng ex mo sa rancho niyo tapos ngayon, hindi ko namamalayan, happy family na pala kayo ni Vicente at ng mga anak niyo. Ganyan na ba tayo ngayon?" mahaba ang ngusong litanya nito. Nagtatampo nga talaga ito.
Napakagat-labi siya. "Ahm, pa'no mo nalaman ang tungkol diyan?"
"Naku, Charlie. May pakpak ang balita, may tenga ang lupa." Masungit nitong tugon. Umirap pa talaga ang bruha.
"Sorry, Mands. Wala naman sa intensyon ko ang maglihim sa'yo. Alam mo na, medyo na-ooverwhelm pa ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko." She dreamily answered. Hindi niya maitago ang saya.
Bumitiw ito sa kanya saka siya tinitigan. "Naku, kilig na kilig, ah." Pasarkastiko nitong puna.
Lumawak ang ngiti niya. "Eh, syempre naman. Kami na ulit, eh." Pagbabalita niya saka napakagat-labi. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya sa sobrang kaligayahan. "Mands, galit ka pa ba? Sige na. Bati na tayo." Pinalambing pa niya ang tinig.
Mandy heaved a sigh and stared at her intently. "Hindi naman ako galit, eh. Nagtatampo lang. Ikaw naman kasi. Para kang nag-abroad na hindi na maaninag kahit anino mo man lang. Tapos ang dami nang nangyari sa'yo, wala pa akong alam. Eto ako, alalang-alala na baka kung ano na ang ginagawa ni Vicente sa'yo tapos 'yon pala, nagpapakasarap ka lang do'n sa rancho niyo." bakas pa rin ang tampo nito pero hindi na masungit ang tinig.
Nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi nito. "Hoy! Ano'ng nagpapakasarap ka d'yan? 'Di, ah." Alam niyang namumula na ang mga pisngi niya sa pinagsasabi nito.
"Asus. Tanggi pa more. Isang tingin ko pa lang sa'yo kaninang pagpasok mo dito sa restaurant, alam ko na. Very obvious naman. Blooming na blooming ang aura. Tingnan mo nga 'to---" sinundot-sundot nito ang pisngi niya. "Namumula-mula pa."
"Hindi nga. Dati nang ganyan 'yang cheeks ko. Marumi lang talaga ang isip mo."
"Neknek mo! Ako pa'ng lokohin mo? Hoy, bestfriend mo ako. Kilalang-kilala na kita. Ano, mesherep?"
"Ang bastos mo! Makaalis na nga." Tatayo na sana siya nang pigilan siya ng bruha. Lihim siyang napangiti.
"Oh, saan ka pupunta? Matatampo-tampuhan, ganun? Tutal, nandito ka na rin lang, I want to hear every juicy detail. Start now habang hinihintay natin ang mag-aama mo."
Charlene looked at Mandy in disbelief. "Every detail talaga?"
"Aba, syempre. Sige na, umpisahan mo na. I'm dying to hear everything." Naging pilya ang boses nito.
Pinaikutan niya ang kaibigan ng mga mata bago nag-umpisang mag-kwento. "Ayon na nga. Nagkabalikan na kami ni Vince tapos alam na ng mga bata na siya ang totoong papa nila." Masayang pagbabalita niya.
Tinitigan siya nito na parang nabo-bored sa sinasabi niya. "Alam ko na 'yan. Iba ang gusto kong marinig."
"Eh, ano pala?"
Pilya itong ngumisi. "Alam mo na 'yon, Charlie. Hindi na tayo mga bata dito. Ano, kumusta naman ang mga gabi niyo?" humagikhik pa ito.
'Di na niya napigilan ang sarili at kinurot ang dalaga sa singit. Kung anu-ano ang pinagsasabi! "Alam mo ikaw, kung ganyan rin lang ang gusto mong marinig, aalis na talaga ako." Banta niya. Tawa lang ito ng tawa.
"Nagbibiro lang naman. Baka sakaling i-share mo. Curious lang." nag-peace sign pa ito sa kanya. Inirapan niya ito.
"Pero seriously, don't tell me na wala pa kayong alone time tuwing gabi dahil hindi ako maniniwala." Talagang wala itong balak tumigil. Inirapan niya ulit ito pero hindi naman siya makasagot.
"Asus. Silence means yes." Bumuntong-hininga ito na tila na-depress bigla. "Buti ka pa, nadiligan na naman. Ako, mas tuyot pa sa sahara desert ang sex-life ko." Nangalumbaba pa ito na tila nagse-self pity.
'Di niya mapigilang maeskandalo sa mga lumalabas sa bibig nito. "Alam mo ikaw, kailangan mo na talagang maghanap ng jowa baka sakaling mabawasan ang pagka-loka-loka mo."
"Sus, ano siya, sinuswerte? Hindi ako ang maghahanap sa future jowa ko, no. Ako dapat ang hanapin niya." pumiksi pa ito.
"'Yon naman pala. Eh, bakit parang isang dekada ka nang hindi nakatikim ng ligaya kung magsalita?" pang-aasar niya rito.
"Eh, sa matagal naman na talaga."
"Bakit hindi mo pa kasi gapangin si Gavril? Malay mo, gusto ka rin niya."
"'Yong taong 'yon gagapangin ko? No way! Ni hindi nga no'n pinapansin ang mga babaeng lantarang nagpapakita ng motibo sa kanya, eh. Alam mo naman 'yon. Kunwari galit sa asawa niya pero 'di naman niya maipagpalit. Saka hello? 'Di ko siya type no! Para ko na 'yong kapatid. Kadiri!"
Tawa nang tawa si Charlie dahil sa mga pinagsasabi ng kaibigan. Minsan, seryoso ang kaibigan pero mas madalas na hindi.
"Syanga pala. Naipakilala mo na ba si Vicente sa pamilya mo? What about his family, have you met them already?" tanong nito kapag-kuwan.
Nawala ang tawa niya. "Hindi pa nga, eh."
Kumunot ang noo nito. "At bakit naman?"
"Medyo kumplikado pa, eh. Pero plano na ni Vince na ipakilala kami sa pamilya niya pagbalik namin galing Switzerland."
"Switzerland? Pupunta kayo do'n?"
"Oo. Magbabakasyon kami doon. Gusto kasi ni Vince na masulit ng mga bata ang bakasyon nila bago. Bukas na nga ang alis namin, eh."
"Wow, ha! Pagbalik mo, pasalubungan mo ako ng Swiss." Malandi pa itong tumawa pagkasabi niyon.
"Ewan ko sa'yo! Kung anu-ano ang pinagsasabi mo d'yan. Kung gusto mo ng lalaki, hayaan mo, ipapa-blind date kita doon sa mga kaibigan ni Vince."
"At sinong nagsabi na lalaki ang gusto ko? Swiss chocolate ang sinasabi ko. Iba lang kasi ang takbo ng isip mo kaya iba ang pagkaintindi mo." Tukso nito sa kanya.
"At ako pa talaga ang iba ang takbo ng utak? Lukaret ka talaga." Sagot niya pero wala na sa kanya ang atensyon ng kaibigan. Nakatingin ito sa entance ng restaurant.
"Oh, my gosh! Ang pogi!" impit na tili nito. Sinundan niya ang tinitingnan nito at nakita niya si Vince kasama sina Chase at Chance.
"Hoy, akin 'yan! 'Wag malaglag ang panty."
Nanlaki ang mga mata nito. "Aba, binabakuran!"
"Syempre naman, no." Sagot niya na nakataas ang kilay. Napapailing na natatawa naman si Mandy.
"Don't worry. Hindi naman kita aagawan. Sa'yo lang siya."
Lumapit ang mag-aama niya sa table nila. "Hi, Mandy. Long time no see." Bati ni Vince sa dalaga na nakangiti.
Ngumiti naman ang kaibigan bago sumagot. "Hindi pa naman ganun katagal. Noong sinuntok mo si Gavril 'di ba no'ng huli tayong nagkita?" tila balewala lang na sagot nito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero hindi siya nito pinansin. Vince chuckled.
"Yes, I think so."
Sasagot sana si Mandy nang magsalita ang kambal. "Hello po, tita Mandy." Magkasunod na bati ng mga ito saka hinagkan sa pisngi ang dalaga.
Matamis na ngumiti ito sa dalawa. "Kumusta na ang mga cute kong inaanak?"
"We're good po, tita Mandy. Look, o. Kasama na po namin ang papa namin." Pagmamalaki ni Chase.
"Mama and papa are together again po."
Mandy chuckled amusedly saka ginulo ang buhok ng kambal. "And tita Mandy is very happy for the both of you. Sige na, upo na kayo para makakain na muna tayo." Tiningnan nito si Vince. "Ikaw rin, Vicente."
Tumango ang kasintahan saka ngumiti. Ilang saglit pa ay masaya na silang kumakain habang nagku-kwentuhan.
"Masarap ang pagkain dito sa restaurant mo, Mandy. I will surely recommend your place to my friends." kumento ni Vince kapakuwan.
"Talaga ba? Salamat kung ganun basta 'wag mo lang papupuntahin dito 'yong bisugo mong kaibigan." Umangat ang kilay niya sa pinagsasabi ng kaibigan. Natawa naman si Vince.
"Sinong bisugo? Ang pagkakaalam ko, wala naman akong bisugo na kaibigan."
"Hmp! Alam mo na siguro kung sino 'yon." Itinirik pa nito ang mga mata na animo may naalalang nakakainis. Tumingin sa gawi niya ang kasintahan. Nagtatanong ang mga mata pero natatawa pa rin. Pati siya ay natawa na rin.
"'Di mo ba alam? May nakaraan 'yan at si Harley."
Nanlaki ang mga mata ni Vince. Then an amused laughed escaped his lips. "Talaga? I didn't know that." Napailing-iling pa ito.
"Ano'ng nakaraan? Wala no!"
"Naging kayo ba?" tanong ni Vince.
"Naku, wish niya lang, mahal. Binasted ni Harley si Mandy no'ng college kaya ayan, bitter 'yang si Mandy." Imporma niya na tawa nang tawa.
Ang kambal naman ay nakikinig lang habang maganang kumakain pero natatawa sa mga naririnig nila.
"Hindi, ah! Feelingero lang ang lalaking 'yon! Feeling niya lahat ng babae gusto siya. Tse!" umirap pa ito sa hangin. Lalong lumakas ang tawa nila. Buti na lang, nasa VIP area sila ng restaurant.
Akma siyang magsasalita pero sakto namang nakita niyang natapon ni Chase ang tubig nito at nabasa ang suot na damit.
"Mama, look. Basa na po ang damit ko."
"Naku, baby. Be careful next time, okay? Buti na lang may dala tayong extra clothes niyo." Akma siyang tatayo upang samahan ito sa banyo ngunit nauna na si Vince.
"Ako na ang sasama sa kanya, mahal." anito saka kinuha ang dala nilang bag at hinawakan sa kamay ang anak nila. Nang makaalis na ang mga ito, tinukso siya ni Mandy.
"Mahal, ha?"
Nangingiti niya itong inirapan. "Sagutin mo na kasi 'yong manliligaw mo para hindi ka naiinggit."
"'Di pa ako ready sa mga ganyan. Ang sarap kayang maging single. Sakit lang sa ulo 'yang mga lalaking 'yan."
"Masarap daw maging single pero kanina lang, kung anu-ano ang lumalabas sa bibig." Pang-aasar niya rito.
Sasagot sana ito nang may biglang may magsalita sa bandang likuran niya.
"Hi, girls. Sabi ko na nga ba at nandito kayo, eh."
Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang nakangiting mukha ni Darwin. May dala-dala itong pumpon ng mga bulaklak at isang box ng chocolate.
Pati si Mandy ay tila nabigla rin pero nanatiling walang imik.
"Musta na, Charlene? Pasensya na. Hindi ko natupad 'yong sinabi kong dadalaw ako sa inyo kasi na-ospital ako. Last week lang ako nakalabas ng ospital pero kailangan ng bed rest kaya ngayon lang ako lumabas ng bahay. Pumunta nga pala ako sa rancho kanina pero wala naman daw kayo kaya nagpasya akong pumunta dito, nagbabakasakali na nandito kayo and it looks like I'm lucky kasi naabutan ko kayo dito."
"Ano'ng nangyari? Bakit ka na-ospital?" kunot-noong tanong niya.
"Wala. Napa-trobol lang. Nagkagulo kaya ayon, nabugbog. Siyanga pala, this is for you." inabot nito sa kanya ang bulaklak saka ito humarap kay Chance at ibinigay ang chocolate. "And this is for you, Chance. Para sa inyo ni Chase."
"Ayoko po niyan. Mama said, it's not healthy." Tanggi ng anak na parang hindi masaya sa presensya ng lalaki.
Nawalan ng imik ang binata. Tumayo siya. "Darwin, pwede ba tayong mag-usap?"
"S-Sure."
Pumunta sila sa labas ng restaurant.
"Pasensya na, Darwin, pero hindi ko matatanggap ito. Hindi magandang tingnan na tatanggap pa ako ng kahit ano galing sa'yo." Aniya saka ibinalik ang bulaklak rito. Nakita niya ang pagbakas ng gulat sa mga mata nito.
"Bakit naman? Para sa'yo talaga 'yan. 'Di ba sinabi ko sa'yo noong huli tayong magkita na ipagpapatuloy ko ang panliligaw ko sa'yo? Alam mo naman na matagal na kitang gusto 'di ba?"
"Mas maganda na lang siguro na manatili na lang tayong magkaibigan." 'Di lang niya masabi nang diretso na may nobyo na siya. Ayaw niya itong saktan.
Matagal na rin niya itong kaibigan. Mabait naman ito pero simula't-sapol ay alam na niyang may pagtingin ito sa kanya kaya umiiwas siya sa paraang hindi halata.
Nakahinga siya nang maluwag nang umalis ito papunta sa ibang bansa pero 'di niya akalaing liligaw ulit ito ngayong nagbalik na.
"Pero alam mo namang higit pa sa pagkakaibigan ang gusto ko mula sa'yo 'di ba? Bakit ba ayaw mo sa'kin? Ano ba ang mali sa'kin? Sabihin mo para baguhin ko."
Hinawakan niya ang kamay nito saka umiling. "Walang mali sa'yo, Darwin. Siguro, hindi lang talaga ako ang babae para sa'yo." Huminga siya nang malalim saka nagpatuloy. "I'm already taken. Bumalik na ang ama ng mga anak ko at nagkabalikan na kami."
Malakas na napasinghap ang binata sa narinig mula sa kanya. "W-What?" he shook his head vigorously. "Sinasabi mo lang 'yan para tigilan na kita, Charlene."
Umiling siya. "No, Darwin. I'm tel---"
"What's happening here?" pareho silang nagulat at napalingon sa nagsalita. Si Vince. Masama ang pagkakatingin nito kay Darwin. Bumaba ang mga mata nito sa kamay niyang nakahawak sa kamay ni Darwin. Agad siyang bumitaw.
"W-Wala, mahal. May pinag-uusapan lang kami ni Darwin---ng kaibigan ko." Sagot niya pero parang 'di siya nito narinig.
Tumitig ito kay Darwin na nakatiim-bagang. "My girlfriend is off-limits. You can go now." Possessiveness was evident in his voice.
Para naman hindi makapaniwalang nakatitig si Darwin sa kasintahan saka tumingin sa kanya. "Siya ang boyfriend mo, Charlene?"
"Oo, Darwin."
"Isa siyang walang kwentang lalaki, Charlene. Hindi siya bagay sa'yo." Parang kilalang-kilala nito si Vince sa paraang ng pagsasalita nito.
"Ano ang pinagsasabi mo, Darwin?" Naguguluhang sagot niya.
"Ito lang naman ang lalaking nanloko sa kapatid ko! Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang 'yan." Puno ng galit na sagot nito. Nagulat siya sa sinabi nito.
"Wala akong alam sa sinasabi mo. I don't even know you." Tila balewalang bumaling ang tingin ni Vince sa kanya.
"Let's go, mahal. Hinihintay na tayo ng mga bata." inabot nito ang kamay niya. Akma silang hahakbang paalis nang magsalita ulit si Darwin.
"Bettina Cruz. Siya ang kapatid ko." Natigilan si Vince saka tumingin sa kanya. Nakita niya ang dumaang kaba sa mga mata nito pero saglit lamang iyon.
"Sa pagkakaalam ko, wala akong kahit na sino man na babaeng niloko. Even Bettina. 'Wag kang gumawa ng kwento dahil lang binasted ka ng girlfriend ko." May bahid ng galit na sagot nito saka siiya nito hinila paalis.
Tila wala naman sa sariling napasunod na lamang siya sa kasintahan. Ang isip niya ay gulong-gulo pero ayaw niyang isipin na totoo ang sinasabi ni Darwin.
Papasok na sana sila sa restaurant nang hindi na siya makatiis. Hinila niya ang kamay mula sa nobyo.
"Mag-usap nga tayo." matigas ang boses na aniya.
"Tungkol saan?"
"Tungkol saan? Really? Don't tell me na wala kang planong ipaliwanag ang tungkol sa sinabi ni Darwin?"
Huminga ito ng malalim. "Wala akong dapat iipaliwanag dahil hindi naman totoo 'yon. Bettina was just a past fling. Hindi naging kami kahit kailan."
Nakahinga siya nang maluwag pero may gumugulo pa rin sa isipan niya. "M-May nangyari ba sa inyo?" napakagat-labi siya.
"Nakaraan na 'yon, mahal, at hindi na importante pa. Ang mahalaga ay ang ngayon, 'di ba? Don't listen to that guy. Syempre, papaniwalaan niya ang kasinungalingang sinabi ng kapatid niya. Just trust me, okay?" tila nagmamakaawa ang mga abuhin nitong mga mata sa kanya.
Tumango siya. "Okay. I trust you."
Kahit masakit isiping may mga babaeng naging bahagi ng buhay nito pagkatapos nilang maghiwalay noon ay wala siyang karapatang kwestyonin ito. Hiwalay na sila ng mga panahong iyon at ayaw na niyang balikan pa. Ang mahalaga ay nandito ito ngayon sa tabi niya.
She decided to just ignore what Darwin said. Tama ang nobyo. Ang mahalaga ay ang ngayon.
****
What do you think of Mandy?
Sa tingin niyo, totoo ba ang sinasabi ni Darwin?
Ito na ba ang simula ng mga problema nila?
ABANGAN!
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top