chapter 20

A/N: How's this story so far, Blazers?

80 comments for the next update! 

PARANG nais maluha ni Charlie sa sobrang kaligayahan habang pinapanuod ang mag-aama niya na kasalukuyang naglalaro sa inflatable bouncy castle sa gitna ng garden nila. Binili iyon ni Vince kahapon. Malaki iyon at kaya kahit sampung bata. Meron pa iyong slide.

Tili ng tili ang kambal habang hinahabol sila ni Vince paakyat sa taas ng slide. Umaakto itong isang mabangis na hayop kaya naman ay sigaw ng sigaw ang mga anak nila habang tumatawa.

Kitang-kita niya ang kasayahan sa mukha ng kambal. Ngayon lamang niya nakita ang mga anak na ganun kasaya. Bilang ina ng mga ito ay sobrang kaligayahan ang nadarama niya para sa mga ito. Sa wakas ay kumpleto na ang pagkatao ng mga ito dahil nakilala na rin ang tunay nilang ama.

Hindi niya sinabi sa mga ito kaagad kung sino ang totoong ama ng mga ito dahil ayaw niyang umasa ang mga ito. Hindi man niya nais husgahan agad ang binata ay hindi niya maiwasang mag-isip na baka hindi ito maniwala na anak nito ang kambal at hindi tanggapin.

Pero ngayon, gusto niyang magsisi. Dapat pala ay sinabi na agad niya sa binata ang katotohanan kahit pa galit ito sa kanya. Sayang ang panahon.

Sabagay, hindi naman gano'n kasayang kasi tumira naman ito sa kanila at napalapit sa mga anak. Kahit ang alam nito ay si Gavril ang ama ng dalawa ay nagawa pa rin nitong mapalapit sa kambal. Nakita niya kung gaano ito kasaya kapag nakikipaglaro sa dalawa.

Hindi pa nga nito alam noon na ito ang ama ng kambal pero spoiled na agad ang mga anak rito. Kung anu-ano ang mga binibili para kina Chase at Chance.

Pero ngayong nalaman na nito ang totoo ay lalo pa itong napalapit sa mga anak nila. Pati ang kambal ay sobra nang attached rito.

"Mama, look! I'm going to slide!" kuha ni Chance sa atensyon niya nang makita siya nitong nakatayo sa hindi kalayuan. Nasa taas ito ng slide sa inflatable castle. Napangiti siya saka naglakad palapit sa mga ito habang may hawak na tray na naglalaman ng meryendang ginawa niya.

"Sige nga, sweetheart. Let mama see if you can do it." sagot ni Charlene sa anak nang mailagay sa ibabaw ng garden table ang tray. Doon na tuluyang nag-slide ang anak. Humihiyaw pa ito habang bumubulusok sa slide.

"I made it, mama!" nagtatalon pa ito.

Pinalakpakan ni Charlie ang anak. "Wow! Good job, baby. You're so brave." Puri niya.

"Me too, mama, look! Watch me!" si Chase naman. Nakahanda na ito upang mag-slide. Nakatayo naman si Vince sa itaas ng slide at ito ang umaalalay sa anak nila.

"Ready, buddy?" tanong ng binata kay Chase.

"Yes, papa." Doon na nito binitawan ang anak nilang lalaki. Gaya ni Chance ay tumitili pa ito sa saya habang pababa.

"Wow, good job, baby." Pinalakpakan din niya ito. "Ang brave naman ng mga anak ko." patuloy niya na lumapit sa mga ito. They twins giggled joyfully. Lumapit ang mga ito sa kanya. "Kiss niyo nga si mama, sweethearts." Hiling niya sa mga ito. They gladly obliged. Pagkatapos siyang halikan ng mga ito sa pisngi ay siya naman ang humalik sa mga ito sa noo.

"Naku, basa na ang damit niyo ng pawis. Wait here." bumalik siya sa may garden table at saka kinuha ang dalwang maliliit na towel upang ilagay sa likod ng mga anak.

"Come here. I'll put this behind you." aniya nang makalapit sa mga ito. Agad namang lumapit ang dalawa. Inilagay niya sa likod ng mga ito ang mga towels.

"Thank you, mama." Sabi ng mga anak nang matapos niyang ilagay ang mga iyon sa likod ng mga ito.

Napangiti siya ng matamis. "You're welcome, sweethearts."

"What about me? Am I not going to have a kiss too? Basa na rin ang likod ko, oh." umangat ang kilay niya nang marinig ang boses ni Vince. Naka-slide na rin pala ito at nakalapit sa kanila. His eyes were dancing with mischief.

Inirapan niya ito na ikinatawa nito. "Tse! Matanda ka na para lagyan ng towel sa likod. Tska nakuha mo na 'yong kiss mo kanina." Aniya na ang tinutukoy ay ang biglang paghalik nito sa kanya sa labi kaninang umaga.

Mula noong may mangyari sa kanila ay araw-araw na siya nitong hinahalikan sa umaga bilang pagbati ng magandang umaga.

It has been three weeks since then at maraming nagbago sa buhay nilang mag-iina. Naging mas masaya ang bahay nila at maingay. Nagsimula na ang bakasyon ng kambal kaya naman ay napag-desisyonan nila ng binata na magbakasyon din muna sila sa trabaho para makasama ang mga anak nila. Sabi nito ay may tao itong inutusan para mamahala muna sa opisina habang wala sila.

Gusto kasi nitong enjoyin ang oras na kasama siya at ng mga anak nila.

Sa kwarto na rin niya ito natutulog kasama ng kanilang mga makukulit na anak. Ang kambal ang humiling na tumabi ang binata sa kanila at tuwang-tuwa naman ang huli dahil doon.

Gabi-gabi ay binabasahan nila ng bedtime stories ang dalawa hanggang sa makatulog ang mga ito.

Pati siya masayang-masaya sa mga nangyayari. Even though everything between her and Vince was full of uncertainty, she chose not to think about it most of the time. Ang importante ay masaya silang lahat bilang isang pamilya.

Pero kahit pa gaano ka-sweet sa kanya ang lalaki ay ayaw niyang mag-assume baka kasi ginagawa lang nito iyon para sa mga anak nila.

Charlene got out of her reverie when she suddenly felt warm lips covered hers. Napakurap-kurap siya ng ilang beses. Then she realized that Vince just kissed her.

"Stop spacing out." Bulong nito sa kanya na nakangisi at hindi niya napigilang kurutin ito sa abs. He's such a naughty guy! Halikan ba naman siya nito bigla at sa harap pa ng mga anak nila.

"Ikaw, salisi gang ka talagang lalaki ka!" tawa lang ito ng tawa samatalang sina Chase at Chance naman at tuwang-tuwa habang pinapanood sila. Tila kinikilig pa ang mga ito.

"Sige na. Tama na muna yang paglalaro. May ginawa akong meryenda doon. Let's eat first." Aniya kapagkuwan.

"Yehey! It's meryenda time! Let's go, papa, mama." Masayang sabi ng kambal saka sila hinila ni Vince papunta sa rattan garden dining set.

"Wow! These look delicious. Ikaw talaga ang gumawa ng mga ito?" parang nagdududa na tanong ng binata. His eyes were sparkling naughtily.

"Sino sa tingin mo? Wala naman tayong katulong." Sagot ng dalaga na umairap pa.

Vince chuckled and then hugged her from behind. Napakagat-labi siya ng halikan nito ang leeg niya. "I'm just kidding, mahal. Ang sungit mo talaga. Hanggang ngayon kasi, nagugulat pa rin ako sa galing mong magluto. I can't really believe it." Oh, gosh! He just called her 'mahal' again!

Ngayon lang ulit siya nito tinawag nang ganun mula noong may mangyari sa kanila at aaminin niyang hinihintay niya iyon na sabihin ulit nito. Para siyang malulunod sa sobrang kaligayahan pero nang maalala na hindi siya dapat mag-assume ay nawala ang kasayahang nadarama.

"What's wrong? You suddenly look sad." Puna nito saka siya pinaharap rito. He cupped her face and stared at her intently.

Pilit siyang ngumiti. "W-Wala. Don't worry about me." sagot niya na hindi makatingin rito ng tuwid. He was about to answer but she turned her back on him. Umupo siya sa kasalungat na bahagi nila Chase at Chance.

"Halika na. Tingnan mo ang mga anak mo, oh. Kumakain na sila." Pilit niyang pinasigla ang boses. Naging seryoso ang mukha ng binata pero hindi na ito nagkomento pa.

"Masarap ba, sweethearts?" tanong niya sa mga anak na maganang kumakain upang iwasan ang mga titig ni Vince.

"Opo. You're such a good cook, mama." Puri ni Chase.

"Yes, mama. They're all delicious." Sunod namang puri ni Chance saka sumubo ulit ng kinakain nito.

Nagluto siya ng cassava cake, bilo-bilo at saka pancit. Meron din siyang ginawang chicken sandwich na paborito ng mga anak. Ginanahan siyang magluto kaya naman ay naparami. Paborito ang mga iyon ng mag-aama niya.

"Ang sweet talaga ng mga anak ko." Her children giggled. Muntik na siyang mapaigtad nang umupo si Vince sa katabi niyang bakanteng upuan.

"K-Kain ka na rin. Ano ang gusto mo?" akma siyang tatayo upang lagyan ang plato nito nang pigilan siya nito sa kamay.

"Ako na." anito saka kumuha ng plato. "What do you want to eat?" tanong nito sa kanya. Medyo nagulat siya. Iba kasi ang paraan ng pagtitig nito sa kanya ngayon.

"'Yong cassava cake na lang." tumango ito saka nilagyan ang plato niya pero hindi lang cassava cake ang inilagay roon. Nilagyan rin nito iyon ng sandwich at pancit.

"Sabi ko, cassa---"

"You should eat more. Alam kong gutom ka. Kaunti lang ang kinain mo kaninang tanghalian." Charlene bit her lower lip. Hindi niya maiwasang makaramdam ng saya. Napapansin pala nito ang mga ginagawa niya.

"Thank you." aniya saka kinuha ang plato niya mula rito. Kumuha na rin ito ng pagkain nito. Maya-maya pa ay kumakain na silang lahat.

Chase and Chance kept on talking and talking. Kung anu-ano ang ibinibida ng mga ito at natutuwa naman sila ni Vince na nakikinig.

"I'm glad that you still remember my recipe of chicken sandwich, mahal." Then Vince said out of the blue.

Ito na naman. Tinawag na naman siya nito sa endearment na ginagamit nito sa kanya noon. Goodness! Ang hirap hindi kiligin pero ang hirap ding umasa!

"Syempre naman. Ang sarap kaya niyan. Paborito nga 'yan ng mga bata, eh." She tried to sound normal even though her heart was already beating erratically.

"This was papa's recipe, mama?" Chance asked full of wonder. Hawak nito ang isang sandwich at saka tinitigan iyon.

Natawa siya sa itsura ng anak. "Yes, sweetheart. Itinuro sa'kin 'yan ng papa niyo noon."

The twins looked at their father in awe.

"Yes. This was papa's recipe long time ago. I'm glad that you like it."

"It's our favorite, papa." Sagot naman ni Chase na sinang-ayonan ng kapatid nito. Ipinagpatuloy nila ang pagkain. Nang matapos sila ay pumunta sila sa sala upang manood ng isang Disney film kasama ng mga anak.

Kitang-kita ang saya sa mukha ng kambal. Tuwang-tuwa ang mga ito kasi kasama sila ni Vince.

Napansin niyang panay ang tingin ni Vince sa gawi niya pero pilit niya itong ignorahin. She almost gasped when she felt him hold her hand and squeezed it gently. Tila may nais itong ipahiwatig. Gusto man niyang magtanong ay minabuti na lamang niyang manahimik.

ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Charlene habang nakatingin sa kadiliman ng gabi. Hindi na niya mabilang kung pang-ilan na iyon dahil nakailan na siya kanina pa. Malalim na ang gabi pero hindi siya makatulog kaya naman nag-desisyon siyang sumagap ng sariwang hangin sa terrace.

Iniwan niyang natutulog ang mag-aama niya sa kwarto.

Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng mga ganito. Oo, masaya siya sa sitwasyon nila ngayon pero hindi niya mapigilang isipin kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Vince. Tinatawag siya nitong 'mahal' pero wala naman silang napag-uusapan kung ano ba talaga sila.

Naguguluhan siya sa inaakto ng binata. Oo, may mga anak sila at may nangyari sa kanila pero sapat na ba iyon upang umasa siya?

She drew a deep breath once again and relased it harshly. Sumasakit ang ulo siya sa pag-iisip samantalang si Vince ay mahimbing nang natutulog. Great!

Kahit ilang beses niyang sinabi sa sarili na 'wag isipin ang mga ganung bagay ay hindi pa rin niya maiwasan.

She mentally shook her head. Tama na nga 'to. Matulog na lang ako.

Akma siyang pipihit upang bumalik na sa loob ng kwarto nang may isang pares ng mga braso na pumulupot sa baywang niya. Muntik na siyang mapatili sa gulat.

"Why are you still up? Ano ang ginagawa mo dito?"

"You startled me!" she hissed. Natawa lang ito ng mahina saka sumubsob sa leeg niya. Muntik na siyang mapaungol kung hindi niya kinagat ang ibabang labi.

"Sorry about that. I didn't mean to startle you. Wala ka kasi sa kama nang magising ako kaya hinanap kita." Sagot nito saka siya hinalikhalikan sa leeg.

"Vince! What do you think you're doing?" naggalit-galitan siya pero ang totoo ay nagsisimula na siyang maaperktuhan at madarang. Damn. He's seducing her!

"You smell so good, mahal." Bulong nito saka lalo pang pinag-igihan ang ginagawang paghalik-halik sa leeg niya. "Hmmm, I want you so badly right now." His voice turned husky.

Her body started feeling hot and needy pero kailangan niyang kontrolin ang sarili. They need to talk. She unwrapped his arms from hugging her and pulled away from him.

Nagulat naman si Vince sa ginawa niya. Nakakunot-noo itong nakatitig sa kanya.

"Let's talk, Vince."

"About what?" lalong lumalim ang gatla sa noo nito. Takang-taka ito.

Charlene met his gaze bravely. "Bakit mo ito ginagawa?"

"Ang alin?" parang gusto na niya itong sapukin dahil nagmamaang-maangan pa ito.

"This! You're being sweet to me all the time. You're even calling me 'mahal' now like you used to do when we were still a couple." Her voice held frustration.

"So? Masama ba 'yon?"

"Vince, you don't understand my point." Napahilamos siya sa mukha.

"Yes. I don't understand you. Ano bang mali sa pagiging sweet ko sa'yo? Ayaw mo ba?"

"'Yon na nga ang dito issue, eh! Gusto ko, gustong-gusto pero natatakot ako. Alam ko namang ginagawa mo lang ito para sa mga anak natin pero hindi ko maiwasang hindi umasa na totoo ang ipinapakita mong sweetness sa'kin." She suddenly felt the urge to cry. "Ayokong masaktan, Vince." Pabulong niyang tuloy saka nagbaba ng tingin. Natatakot siyang makita ang reaksyon nito.

"Alam kong matagal na tayong tapos at tanggap ko na 'yon. Masaya ako sa mga pinapakita mo to the point na hindi ko maiwasang umasa na meron pa tayong pag-asang dalawa pero kung ginagawa mo lang ito para sa mga anak natin, please don't. You don't need to force yourself kasi---' bago pa man niya matapos ang sasabihin ay hinaklit siya nito sa baywang hanggang sa maglapat ang mga katawan nila.

"Who told you that I'm doing all these just for Chase and Chance? Sa tingin mo ba pinipilit ko lang ang sarili ko na halikan ka at yakapin?" mariin ang boses nito. Napilitan siyang salubungin ang matiim nitong titig.

"Aren't you?"

"Hell, no!" umalsa nang kaunti ang boses nito.

"K-Kasi wala ka namang sinasabi. Y-You suddnely became affectionate towards me mula noong may mangyari sa'tin. Mahal ka pa nang mahal diyan pero wala ka namang sinasabi na kahit ano para panghawakan ko. Naguguluhan na ko, Vince. Ayoko ng ganito."

"Damn. I thought I already made everything clear."

"Clear? Are you serious? Everything is uncertain and vague, Vince! Ano ba talaga tayo?" kinapalan na niya ang mukha. Ayaw na niyang mangapa pa sa dilim at mag-assume.

Humigpit ang yakap nito sa kanya. Ang mga abuhin nitong mata ay parang spotlights na nakatutok sa kanya. "I'm sorry kung wala akong sinasabi. Sa totoo lang ay natatakot akong magsabi."

Her eyebrows furrowed. "Bakit naman?"

"Dahil baka hindi mo naman pala ako mahal. Oo, inamin mong mahal mo ako pero paano kung guilty ka lang dahil sa nangyari sa'tin noon tapos may mga anak tayo? Naduwag akong marinig mula sa'yo ang mga 'yon." Napanganga siya. Hindi lang pala siya ang natatakot at nag-assume. Parehas lang pala sila.

"I still love you, mahal."

Nanigas ang katawan ni Charlene sa narinig. "N-No way." Gulat na gulat niyang sagot.

"Pati 'yon pinagdududahan mo? C'mon, mahal. Have mercy on me. Tell me what to do for you to believe me."

She bit her bottom lip. "Seryoso ka? You're not doing this just for the sake of our twins? Mahal mo talaga ko?"

Agad na tumango ang binata. "Yes. I'm doing this because I love you. Siguro nga, mahirap paniwalaan pagkatapos ng mga sinabi at nagawa ko mula nang magkita ulit tayo pero 'yon ang totoo. Kahit ilang beses kong itinanggi sa sarili ko na mahal pa rin kita, alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. You're still here until now." Tinuro nito ang tapat ng puso. "At lalo kitang minahal nang malaman ko ang totoo na hindi mo naman pala ako niloko at ipinagpalit. I love you so much, mahal. Let's start all over again." The way he said the last sentence was almost begging.

Charlie gaped at him. Hindi siya agad nakahuma sa mga narinig mula rito. Kung panaginip lang ang lahat ay ayaw na niyang magising pa.

****

Ayan! nagka-aminan na rin at nagbabalik si 'mahal'. lol

Tuloy-tuloy na kaya ang happy moments nila? 

Ano pa kaya ang mangyayari? 

Sa mga nagtatanong kung malapit na itong, matapos; hindi pa po :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top