chapter 19
A/N: Sana po ishare and recommend niyo rin po ang story na ito. Kaya po ako nagsusulat ng tagalog kahit majority ng stories ko ay english kasi gusto kong madagdagan ang mga pinoy readers ko. Konti lang kasi ang pinoy readers ko. :)
****
PAGKATAPOS iparada ni Vince ang sasakyan sa harap ng bahay ay dali-dali itong lumabas upang pagbuksan siya ng pintuan. Lihim siyang napangiti. Akma siyang bababa na nang pigilan siya ng binata.
"Oops, where do you think you're going? Kaya nga ako nandito para buhatin ka." Pinaikutan niya ito ng mga mata.
"Hoy, Mr. Aragon, hindi po ako imbalido. Na-sprain lang ang paa ko pero hindi naman malala. Alalayan mo na lang ako." Natatawa niyang sagot saka kumapit sa balikat nito upang bumaba na ng sasakyan pero bago pa man niya magawa iyon ay napatili siya nang bigla na lamang siya nitong pangkuin.
He carried her bridal style and she couldn't do anything but to hold onto him tightly.
"Ayan. This is better. You only belong here in my arms anyway." Parang nakakalokong anito na nakangisi pa.
"Kainis ka! Ginulat mo ako!" aniya saka mahinang sinapok ang mamasel nitong braso. He chuckled boyishly at hindi niya maiwasang hindi kiligin. Sino ba naman ang hindi kikiligin? Mula nang iligtas siya nito mula sa gubat ay naging sweet ito sa kanya at sobrang maalalahanin. Lalo na noong nalaman nito ang katotohanan na ito ang ama ng kambal.
Ilang oras lamang ang nakalipas mula noong mag-usap sila at masabi niya lahat-lahat rito pero malaki na ang ipinagbago nito. Pakiramdam nga niya ay kasama na niya ang dating Vince. Sa wakas, her real Vince finally came back to her.
Nagtama ang kanilang mga mata. Napakalapit ng mga mukha nila sa isat-isa at dahil do'n ay amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga. Napakagat-labi siya.
"Don't bite that luscious lip. Naaapektuhan ako." Tumaas ang kilay niya.
"Talaga? Paanong naaapektuhan?" mahina ang boses na tanong niya na animo nang-aakit.
Lalo pa niyang pinag-igi ang pagkagat sa ibabang labi. This time, sinadya niyang maging kaakit-akit ang mukha niya habang ginagawa iyon dahil gusto niyang lalo pa itong pag-initin. Nasisiyahan siyang pagmasdan kung paano ito naaapektuhan sa ginagawa niya.
"Damn. You're making me hard, Charlie, and it's so fùcking hard controlling myself not to take you here right now." Medyo nangangatal ang boses nito sa sobrang pagpipigil. Ilang beses rin itong napalunok at lihim siyang nagdiwang dahil alam niyang sobra na nga itong apektado.
Kitang-kita niya ang umaahong pagnanasa nito para sa kanya. Lihim siyang natawa. Then an idea popped up on her mind.
Sinapo niya ang mukha nito saka ito mabining hinalikan sa gilid ng labi. Humarap ito sa kanya upang paglapatin ang kanilang mga labi pero agad niyang inilayo ang mukha upang iwasan ang halik nito. He groaned in frustration.
"Thank you for carrying me."
"You're such a naughty girl. You're intentionally making fun of me, huh?" doon na natawa ang dalaga. Nahuli siya nito. Nag-peace sign siya rito.
"Ang cute mo kasi, eh." Hindi mapigilang aniya. Sumimangot si Vince.
"I'm not cute. Ano ako, bata?" may bahid ng pagsusungit na sabi nito.
Umangat ang isang kilay niya. "Bakit, bata lang ba ang cute?"
"Aba, malamang. I'm a man, Charlie." Tila masama ang loob na sagot nito. Hindi niya mapigilang titigan ito. Parang bigla niyang nakita ang mga anak sa expression nito ngayon. Kamukhang-kamukha ito ng kambal kapag nagtatampo ang mga ito.
"Oh, sige na nga. You're handsome." Aniya saka ito hinalikan sa mga labi. "Is that enough for you to not sulk?" bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi. His eyes darkened in undeniable desire.
"No. It's not enough."
"What do you want me to do then?"
"Kiss me." he demanded huskily.
Natawa siya. "Kiss talaga? 'Di ba katatapos lang kitang halikan? Ano'ng tawag mo 'don?"
He tsked. "That's not even a kiss. Hindi ko nga halos naramdaman." Reklamo nito.
"Asus. Ang sabihin mo, nabitin ka lang. Namimihasa ka na, eh."
Mahina itong natawa. "Sobrang bitin. C'mon, I'm waiting. Hindi tayo papasok hanggat 'di mo ako hinahalikan." Parang batang anito.
Charlene rolled her eyes. "Fine. Sige na nga. Pagbigyan." Kunwari pa siyang napipilitan kahit sobra siyang nasisiyahan sa mga nangyayari. Sinapo niya ang gwapo nitong mukha saka masuyo niya itong hinalikan. Hindi ito agad tumugon kaya pinagbuti niya ang paghalik rito. Mukhang nagtampo ang malaking mama.
Kinagat-kagat niya ang ibabang labi nito sa mapang-akit na paraan saka lalong pinaalab ang halik. She gave her all into kissing him pero hindi pa rin ito tumugon. Nag-uumpisa na siyang makaramdam ng iritasyon. Tumigil siya sa paghalik rito at akmang ilalayo ang mga labi mula sa pagkakalapat sa mga labi nito nang bigla na lamang nitong dominahin ang halik.
Napasinghap siya sa init at pusok ng paghalik nito. Hindi niya napigilang mapaungol. Halik pa lang ay pinag-iinit na siya nito ng sobra. Talagang magaling humalik ang binata. Nakakabaliw sa sarap at nakakawala sa katinuan.
Ngunit ganun na lang ang gulat nila nang biglang may bumato sa likod ni Vince.
"What the---ano 'yon?" sabi nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Pareho silang napalingon sa may kagagawan no'n at ganun na lamang ang surpresa nila nang makita nila ang kanilang makukulit na kambal. They were both standing at the doorway.
Masama ang tingin ng dalawa kay Vince habang ang laruan na robot ni Chase ay nasa semento. Iyon ang ibinato ng mga ito kay Vince.
"Sweethearts, why did you do that?" saway niya sa mga anak na hindi makapaniwala.
"I hate you, tito Vince! You kissed mama!" ani Chance sa galit na tono.
"Mama is only for our papa! Ayaw na namin sa'yo!" sunod namang sabi ni Chase bago tumakbo ang mga ito pabalik sa loob ng bahay.
Nagkatinginan sila ni Vince.
"Patay. Mukhang hindi nagustuhan ng dalawa ang nakita nila. Pasensya ka na. Ganun lang kasi talaga ang mga anak mo. Nakatatak na sa isipan nila na may papa sila kaya naman lahat ng mga nanligaw sa'kin ay inaaway nila. Kahit pinagsasabihan kong mag-behave kapag may umaakyat ng ligaw, lumalabas pa rin ang mga sungay nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang titigas talaga ng mga ulo minsan." Aniya na napabuntong-hininga na lang.
Akala niya ay mababahala ang binata sa pinakita ng mga anak nila pero napangiti pa ito. "O, ba't parang masaya ka pa diyan? Hindi ka ba nag-aalala? Nauna nang nagalit ang mga anak mo sa'yo. Ikaw naman kasi. Nagpahalik ka pa."
Umiling ito. Maluwang pa rin ang mga ngiti. "Good job pala ang mga anak natin kung ganun."
"Ano'ng good job ka diyan? Ang titigas ng ulo nila at hindi maganda iyon."
"Minsan lang naman. Tsaka good job sila kasi naitaboy nila ang mga manliligaw mo. Mabuti na lang loyal sila sa papa nila. Aba, tama naman sila, ah. Para lang dapat sa papa nila ang mama nila." Tumalon ang puso niya sa sinabi nito. Gosh! kinikilig talaga siya ng sobra.
"Tse! Isa ka pa! Sige na, pasok na tayo. May kailangan ka pang i-explain kina Chase at Chance." Umirap pa siya para pagtakpan ang kilig na nararamdaman. Nag-iinit ang pisngi niya. Pakiramdam niya ay para siyang isang teenager na first time magka-crush. Goodness, para na siyang nahihibang.
Matagal na mula nang huli siyang makaramdam ng ganitong kaligayahan. It feels surreal but it's really happening. Ang saya-saya niya.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Vince sa sinabi niya. "Bakit, mali ba ang sinabi ko? Their mama only belongs to their papa, right?" anito na matiim siyang pinakatitigan. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Gustong-gusto niyang sabihin rito na oo, para lang siya rito pero nag-aalangan siya.
Wala pang kasiguraduhan ang lahat sa pagitan nila sa ngayon at ayaw naman niyang umasa at masaktan lang kapag nagkataon. Akma niyang ibubuka ang bibig upang sagutin ang sinabi nang marinig nila ang boses ni Joan.
"Nandiyan na pala kayo, ate, kuya. Naku, mukhang nagtatampo ang kambal. Pumanhik sa taas at ayaw bumaba." Sabi nito sa kanila na mukhang nagtataka kung bakit buhat-buhat siya ng binata. Napabuntong-hininga na lang siya sa narinig saka tumingin kay Vince.
"Tara na. Pasok na tayo bago pa man umiyak ang dalawa. Siguradong nagtatampo na naman ang mga 'yon." Tumango na lang si Vince saka naglakad papasok ng bahay. Dumiretso sila sa taas habang buhat-buhat pa rin siya nito.
Hindi man lang ito pinagpawisan sa pagbubuhat sa kanya.
Nang marating nila ang kwarto ay nakita nilang nakasalampak sa sahig ang kambal habang nakasimangot at walang ganang nilalaro ang mga laruan ng mga ito.
Ibinaba siya ni Vince sa ibabaw ng kama. Akmang lalapitan nito ang dalawa upang kausapin nang senyasan niya itong siya muna ang makikipag-usap sa mga anak nila. Tumango ito.
"Mama, boyfriend mo na po ba si tito Vince? Why did you two kiss?" parang naiiyak na tanong ni Chance.
"Are you going to marry him? Paano na po ang papa namin?" segunda naman ni Chase na parang naiiyak rin. Charlene drew a deep breath. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya.
"Halika nga kayo dito. Tabihan niyo si mama." Tumalima naman agad ang magkapatid. Si Vince naman ay nanatiling nakatayo at tahimik na pinagmamasdan silang tatlo.
"Chase, Chance, bakit niyo binato ang tito Vince niyo kanina? Alam niyong bad 'yon, 'di ba?" aniya sa mahinahong tono nang maupo ang mga ito sa tabi niya. Nagbaba ang mga ito ng tingin at hindi sumagot.
Hindi siya matingnan ng mga ito. Ganun ang mga ito kapag may kasalanan ang mga ito na nagawa.
"Sweethearts, mama is talking to you." nag-angat ang dalawa ng tingin.
"Because we hate him now! He kissed you, mama!" giit ni Chase saka masama ang tingin na ipinukol kay Vince.
"Chase, that's enough! You're being rude to him." medyo tumaas ang boses niya. Mukhang nagulat naman ang dalawa na tumaas ng bahagya ang boses niya. Then her heart broke into pieces when they suddenly burst into tears. Agad niyang niyakap ang mga ito.
"Why are you crying? You don't have any reason to cry. Mama is not mad. I just want you to know that what you did was wrong. Masama ang nananakit ng kapwa. Didn't I tell you that before?" tuloy pa rin ang iyak ng dalawa sa dibdib niya.
Napatingin siya kay Vince. Mukha itong hindi mapakali pero naroon din ang pananabik at pag-asam na nakalarawan sa mukha nito. Alam niyang excited na itong yakapin ang kambal at ipaalam sa mga ito na ito ang papa ng mga ito.
"I'm sorry, mama." Magkasunod na sagot ng mga ito habang patuloy sa pag-iyak. Napabuntong-hininga siya. Kaya ayaw niyang nagagalit kasi alam niyang iiyak ang mga ito. Hindi kasi sanay ang mga itong nagagalit siya sa mga ito at nagtataas ng boses.
Kapag may kasalanan ang mga anak ay lagi niyang kinakausap at pinagsasabihan ng mahinahon. She doesn't scold them kaya siguro minsan ay matigas ang ulo ng mga ito lalo na kapag ang pinag-uusapan ay ang mga manliligaw niya.
Well, sa ganung pagkakataon lang naman nagiging naughty ang mga ito. Hindi nga niya alam kung saan ba nakuha ng mga ito ang idea na hindi dapat siya mag-entertain ng ibang lalaki. Ang babata pa ng mga ito upang maintindihan ang ganung bagay.
Sabagay, hindi na siya nagtataka. Matalino ang mga anak.
"Sweethearts, you should say sorry to tito Vince too. Sinaktan niyo siya." She said gently as she wiped her children's tears. Suminghot-singhot ang mga ito saka tumingin kay Vince. Tila napipilitan lang pero ginawa ang sinabi niya.
"I'm sorry, tito Vince." Naunang ani Chase na sinundan naman ni Chance.
"I'm sorry tito, Vince." Mahina ang boses na anito. Lumapit si Vince sa kanila. He sat in a squatting postion in front of them, at the foot of the be,d and then took each of their children's hands.
"It's okay, kiddos. Just don't do it again, okay?" Nakangiting sagot nito.
"Opo." Sagot naman ng dalawa. Tumingin sa kanya ang binata na animo humihingi ng permiso. Tumango siya. Alam na niya ang ibig nitong iparating sa kanya.
Bumuka ang bibig nito upang sabihin na ang totoo sa mga anak nila pero walang lumabas na salita mula roon.
He gazed at her again. "Mas mabuti sigurong ikaw na lang ang magsabi. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag." Napailing na lang siya sa binata. Sobrang excited ito kanina pero ngayon parang napipi naman.
"Sweethearts, may sasabihin kami ng tito Vince niyo." Umpisa niya sa pinasiglang tinig.
"Ano po 'yon, mama?"
Ngumiti siya ng matamis. "'Di ba gustong-gusto niyo nang makita ang papa niyo?" tanong niya. Nagliwanag ang mukha ng dalawa sa narinig.
"Yes, mama. Is he here?" excited na tanong ni Chase.
"Where is he, mama?" si Chance.
"Yes, sweethearts. He's here." Parehong tumingin ang mga ito sa pintuan, umaasang naroon ang hinahanap ng mga ito. Nakalarawan ang sobrang excitement sa mukha ng mga ito pero agad na napalitan iyon ng pagtataka nang wala namang makitang tao roon.
"You're looking at the wrong direction, sweethearts." Kunot-noong tumingin ang mga ito sa kanya saka iginala ang mga mata sa loob ng kwarto.
Nang walang makita ang mga ito na ibang tao sa loob ay napako ang mga mata ng kambal kay Vince. Tinitigan ng mga ito ang binata ng ilang segundo na punong-puno ng pagtataka saka tumingin sa gawi niya. Akmang magtatanong ang mga ito nang unahan niya.
"Yes, sweethearts. Your tito Vince is your real papa." Nagulat ang kambal at hindi makapaniwalang tiningnan ulit ang binata.
Vince smiled at them emotionally. "Your mama is right. I'm not your tito because I'm your papa. Your real papa." He opened his arms. "Pwede niyo bang i-hug si papa?"
Hindi gumalaw ang dalawa. Nakatingin lang sila sa binata na nakakunot-noo. Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mukha ni Vince. Unti-unti niyang ibinaba ang mga kamay.
Akmang magsasalita ang dalaga upang kausapin ang kambal nang bigla na lamang bumaba ang mga ito mula sa kama.
"Papa—"
"---papa!" halos sabay na sabi ng mga ito saka yumakap sa ama. Hindi mapigilang maging emosyonal ni Charlene sa nakita. She thought Chance and Chase would not accept Vince because they didn't hug him right away. Pero mukhang tanggap na tanggap ng dalawa ang binata base na sa kasiyahang nakikita niya sa mga mukha ng mga anak.
Akala niya ay imposibleng mangyari na maipakilala niya kina Chase at Chance ang tunay na ama ng mga ito pero nangyari. Her tears of joy, fell.
Kumpleto na ang kasiyahan niya dahil sa wakas, napakawalan na niya lahat ng mga nasa puso niya. Pati ang sekreto niya ay nasabi na rin niya. Wala nang dahilan pa para isipin pa niya ang nakaraan.
At last, she could finally move on from the past and start anew.
****
Aw. Ang cute ng reaction ng kambal kahit may pagka-naughty sila. :)
Ano sa tingin niyo ang susunod na mangyayari?
Magkakabalikan na kaya sina Charlie at Vince officially?
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top