chapter 16

Hi Blazers! Bukas pa sana ang update na 'to kasi nabitin ako sa comments niyo  sa previous chapter pero baka wala na kasi akong time kaya inupload ko na ngayon. ENJOY READING! 

MASAKIT na ang lalamunan ni Charlie sa paghingi ng saklolo pero wala pa ring nakakarinig sa mga sigaw niya. Napangiwi siya nang maramdaman ang lumalalang sakit sa kanyang paa. Napilayan siya. Hindi siya makatayo dahil sa tinamong injury mula sa pagbagsak sa kabayo kanina.

Nang malaman niya kaninang umaga ang nangyari ay tumulong siya sa paghahanap sa mga nakawalang hayop sa rancho. Karamihan kasi sa mga ito ay nagsuot sa gubat. Sumakay siya sa kabayo niya upang maging mas madali ang paghahanap kaso nadisgrasya siya.

Nagulat ang kabayong sinasakyan niya nang may bigla itong nakitang ahas sa harapan nila. Bigla itong nagwala na naging dahilan ng kanyang pagkahulog. Hindi niya napaghandaan iyon kaya naman ay hindi maganda ang pagbagsak niya sa lupa. Nagpagulong-gulong siya. Mabuti na lamang at iyon lang ang natamo niya injury.

Napatingin siya sa namamaga nang paa. Sinubukan niya ulit tumayo. "Aray!" talagang masakit ang paa niya at hindi niya kayang umakyat.

Mas lalo pang nagpalala na sa isang mababang dalisdis siya nahulog at 'di niya kayang umakyat na ganun ang kalagayan. Mabuti na lamang at kahit papaano ay swerte pa rin niya. Hindi ganun kalalim at katarik ang dalisdis na iyon. Nasa 12 feet lamang ang lalim niyon.

"Tulong!" sinubukan niya uling humingi ng tulong. Halos magdadalawang oras na siya roon pero wala pa ring dumarating na tulong.

Bigla niyang naalala ang mga anak. Nangilid ang mga luha niya pero hindi niya hinayaang pumatak iyon. Hindi siya papayag na hindi makabalik sa mga ito. Kailangan siya ng kambal. She loved them dearly.

Sinubukan niya ulit gumapang paakyat paunti-unti. Madali sana kung hindi masakit ang paa niya. Halos maubos ang lakas niya pero pilit niyang kinakaya. Mabuti na lamang at may mga damo at nakausling mga ugat ng puno doon na pwede niyang kapitan. Nasa kalahati na siya nang may marinig siyang sumusigaw.

"Charlie! Charlie! Where are you?" nanlaki ang mga mata niya. Pamilyar ang boses na iyon.

"I'm down here!" ganting sigaw niya. Ilang sandal pa ay sumungaw sa taas ang lalaki. Happiness grew within her when she confirmed her suspicion. Si Vince nga. Parang alalang-alala ang binata sa kanya lalo na nang makita ang kinalalagyan niya.

"Damn it! Pa'no ka napunta diyan? Just stay still. Kukuha lang ako ng pwede mong kapitan para mahila kita pataas." Anito saka umalis saglit. Hindi siya nakahuma agad. Pakiramdam niya ay imahinasyon lamang niya ito pero sigurado siyang naroon talaga ito upang tulungan siya.

Ilang minuto ring nawala si Vince at ibinigay niya ang lahat upang hindi bumitaw sa kanyang kinakapitan. Kahit medyo natagalan ito ay hindi sumagi sa isip niyang iniwan na siya nito. Sa isip at puso niya ay alam niyang babalikan siya nito kaya nagpakatatag siya kahit masakit na ang kanyang mga kamay at nangangalay na siya ng sobra.

"Ouch! Hindi ko na yata kaya." Unti-unti na siyang nawawalan ng lakas. Nang malapit na siyang bumigay ay sakto namang nagbalik ang lalaki. May hawak itong tuyong baging na mahaba at may kakapalan. Sa itsura pa lang ay hindi iyon basta mapipigtas.

"Hold onto this para mahila kita." Sabi nito saka inabot sa kanya ang dulo niyon na itinali ng binata upang may makapitan siya. Hinawakan niya iyon pero hirap pa rin siya dahil halos wala na siyang lakas, idagdag pa ang sakit ng kanyang namamagang paa. Napapaungol siya sa sakit pero hindi siya sumuko.

"Don't give up. Humawak kang mabuti. Kaya mo 'yan."

Napangiwi siya sa iniindang sakit. "Hindi ko na yata kaya, Vince. Masakit na ang kamay ko pati 'yong pilay ko sa paa."

His jaw flexed tightly. "No! You can do this! Give all your best. Isipin mo na lang sina Chase at Chance. Kailangan ka nila. Paano na lang sila kung susuko ka na lang?!" he hissed sternly. "C'mon, Charlie. Konti na lang, maaabot na kita." Halata ang hirap nito sa paghila sa kanya pero hindi ito tumigil. Tinitigan niya ang determinado nitong mukha. Saglit siyang natigilan. Ibang-iba ang awra ng binata nang sandaling iyon.

Walang anumang bahid ng galit o ano pa mang negatibong emosyon. Ramdam niya ang totoong pag-aalala nito para sa kanya at naroon din ang hindi maitagong takot. Para saan? Takot ba itong may mangyaring masama sa kanya? Nagrigudon sa tuwa ang puso niya sa isiping iyon.

Dahil sa mga sinabi nito ay nagkaroon siya ng lakas ng loob. Kahit nahihirapan siya ay nagpatuloy siya. Nasa isip ang kanyang mga anak. Hindi siya papayag na hindi siya makabalik sa mga ito. Kahit nasusugatan na rin ang mga palad niya dahil sa magaspang na baging ay tiniis niya iyon.

"Good girl. Just a little bit more, Charlie. C'mon, you can do it." Ani Vince nang malapit na siya nitong maabot. "Now, give me your hand." dali-daling inabot nito ang kamay sa kanya nang sa wakas ay malapit na siya sa taas. Pilit niya iyong inabot at nang magdaop ang kanilang mga palad ay agad siyang nakaramdam ng kaligtasan. Hindi niya alam kung bakit pero 'yon ang nanaig sa kanya.

"Ahhh!" Vince almost roared while trying his hardest to pull her up. Kitang-kita niya ang butil-butil na pawis nito sa mukha at leeg. Ilang saglit pa ay nagtagumpay itong hilain siya pataas. Natumba silang dalawa sa lupa. Nasa ibabaw siya ng binata. Ang mga braso nito ay mahigpit na nakayakap sa kanya.

Hinihingal silang dalawa sa pagod.

"Damn it, Charlie! Tinakot mo ako!" anito kapagkwan. Akala niya ay galit ito pero nang mag-angat siya ng mukha at makita and expression nito ay nagulat siya sa nakita.

Vince cupped her face and stared at her full of worry. "Are you okay? May masakit ba sa'yo?" lalong bumilis ang tibok ng puso niya.

Napalunok si Charlene at hindi kaagad nakasagot. She was actually overwhelmed sa pinapakitang concern ng lalaki. "Napilayan ako sa paa. Hindi ko maigalaw kasi namamaga na." Mahina niyang tugon kapagkuwan.

"Sh*t! Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat? Bakit ka pa kasi sumama sa paghahanap dito sa gubat? Paano kung hindi kita nakita agad? Paano kung may nangyaring masama sa'yo? Naisip mo ba ang mga anak mo?" napanganga siya sa mga naririnig mula rito. Hindi niya akalaing mag-aalala ito sa kanya ng ganun.

"Nakikinig ka ba?" kunot-noong tanong nito sa kanya nang mapansing nakatanga lang siya rito. Bago pa man siya makahuma ay bigla nitong sinakop ang kanyang mga labi para sa isang maalab na halik. Ilang segundo lamang iyon pero para na siyang hindi makahinga.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya at parang bigla niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Napakurap siya ng ilang beses.

"W-Why did you kiss me?" nauutal niyang tanong nang sa wakas ay mahanap ang dila.

"To wake you up. You were spacing out." Vince tsked. Dahan-dahan itong bumangon paupo saka siya inalalayan upang maupo sa damuhan.

Nang komportable na siya sa posisyon niya ay hinawakan at sinipat nito ang paa niya.

"Aray! Don't touch it. Masakit!" angal niya.

"This is bad. Kailangang matingnan ka agad ng doctor." Kinuha nito ang mga kamay niya at tiningnan iyon. Napailing ito.

"Look what you've done. You're beautiful hands are all scratched up. Hindi ka kasi nag-iingat." Banayad na ang boses nito pero naro'n pa rin ang panenermon. "We should get out of here ASAP." Anito sakay inilagay ang isang braso sa bandang likod niya at ang isa naman ay sa likod ng kanyang mga hita.

"Teka, ano'ng gagawin mo?"

"Just shut up and let me carry you. Kailangan na nating makaalis dito. The weather is not good. Mukhang uulan pa yata." Sagot nito saka siya binuhat. Wala ng nagawa si Charlie kundi ang kumapit rito. Nakatingin siya sa gwapo nitong mukha habang naglalakad ito at buhat-buhat siya.

"Bakit ganyan ka makatingin? You don't have to make it so obvious na nagu-gwapuhan ka sa'kin. Alam kung gwapo ako." Seryoso ang mukhang anang binata.

Charlene rolled her eyes. "Ay, ang feeling!" sagot niya. To her surprise, Vince chukled. Banayad na napasinghap ang dalaga. Goodness! Hindi niya mapigilang maalala ang dating Vince sa inaakto nito ngayon.

The way he chuckled just now was so him six years ago. Akala niya ay nabura na ang mga katangian ng Vince na naging kasintahan niya noon sa bagong karakter nito ngayon pero habang tumatagal silang magkasama sa iisang bubong ay unti-unti niyang nakikita na naroon pa rin ang dating Vince.

Namamayani lang ang galit nito kaya natatabunan iyon.

"B-Bakit ka sumunod dito? Nag-aalala ka ba sa'kin talaga?" hindi niya mapigilang itanong iyon.

"Ano sa tingin mo? Malamang! Kaya nga ako nandito, 'di ba? You have no idea how worried I was. Don't ever do that again! Don't endanger yourself like this ever again, do you hear me?!" napakagat-labi siya saka tumango.

Sa totoo lang ay ito ang huling taong inaasahan niyang dumating upang maghanap at tumulong sa kanya. Alam niya kasing galit ito sa kanya. Akala nga niya ay magiging masaya ito kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Akala ko ba galit ka sa'kin? Why did you come to my rescue then?" tumigil sa paglalakad ang binata at tumingin sa kanyang mga mata. His eyes went somber all of a sudden.

"'Yon din ang alam ko, Charlie, pero nang malaman ko na nawawala ka, hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko. Galit na galit ako sa mga ginawa mo noon sa'kin pero nakalimutan ko lahat iyon nang malaman kong hindi ka nila mahanap dito sa gubat. Ang nasa isip ko lang ay gusto kitang hanapin at iligtas. Ayaw kong may mangyaring masama sa'yo"

Hindi niya napigilan ang sarili at hinaplos ang pisngi ni Vince. She suddenly felt emotional. "Thank you because you came for me. Akala ko talaga, wala nang darating." masuyo niyang sabi saka mabining hinagkan ang mga labi nito.

His body went still but that was just for a second or two. "Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya kasi hinanap mo ako."

"Bakit? Inisip mo bang hindi kita hahanapin?" Nag-iwas ng tingin si Charlene.

"Honestly, yes. Kasi naman, galit na galit ka. Hindi pa tayo nakakapag-usap ng mabuti. Marami pa akong hindi naipagtatapat sa'yo. Kagabi, gustong-gusto ko nang sabihin ang lahat-lahat pero ganun naman ang nangyari."

"Bakit pa? May mababago ba kung sakaling nasabi mo lahat? Ano pa ang hindi ko alam?" medyo tumiim ang gwapo nitong mukha.

She cupped his face and stared at him full of emotions. "Malaki, Vince. Hindi ko gustong maghugas kamay kaya gusto kong ipagtapat sa'yo ang lahat pero mali kasi ang mga ibang inaakala mo, eh. Gaya nga ng sinabi ko, hindi kami nagkaroon ng relasyon ni Gavril pero aaminin kong kaya ako nakipaghiwalay sa'yo ay dahil sa kanya. Akala ko kasi---" natigil siya sa pagsasalita nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Saka na lang natin 'yan pag-usapan mamaya. For now, kailangan muna nating makalabas dito agad. Delikado kapag nagtagal pa tayo dito." Napabuntong-hininga na lamang siya saka tumango. Tama ito. Kailangan na nga nilang makalabas agad dahil kapag ganitong malakas ang ulan ay nagiging zero visibility ang gubat dahil sa fog at hindi na nila makikita pa ang daan.

Kita niyang nahihirapan ang binata dahil na rin sa dumudulas na ang lupang nilalakaran nito. Ingat na ingat ito sa paglalakad upang hindi sila madulas at matumba. "Pa'no kaya kung subukan kong maglakad?" suhestiyon niya. "Baka kaya ko na. Iba---" bago pa man niya makompleto ang nais sabihin ay madiin siya nitong hinagkan sa labi.

"Just shut up and let me carry you, Charlie. Don't act tough when you know very well that you can't even walk because of your injured foot." anito nang sa wakas ay pakawalan ang mga labi niya. Para siyang nahihipnotismo na napatitig na lang sa gwapo nitong mukha.

Basang-basa na sila pareho. Hindi nito alintana ang ulan na pumapatak sa mukha nito. She couldn't hold back herself. Ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito saka inihilig ang ulo sa tapat ng puso nito.

Rinig niya ang pagtibok niyon. She felt so close to him. Napapikit siya.

"You're so strong." She commented. Ramdam niya ang tigas ng masel nito.

"You're light as a leaf. I can carry you all day." Napangiti siya sa tinugon nito.

"Nakakapanibago ka." Aniya saka napakagat-labi.

"And why so?"

"Kasi hindi ka masungit ngayon. Sana lang ay hindi mo ako singilin sa pagkakaligtas mo sakin at susungitan mo na naman ako kapag nasa bahay na tayo."

"At kailan naman ako naging masungit?" tumaas ang kilay niya. Aba't nagmamaang-maangan ang kumag!

"Lagi kaya!" inirapan niya ito. Tumigil ito sa paglalakad saka pinakatitigan ulit siya. To her surprise, bigla na lamang itong natawa. His laugh echoed in the forest.

She was mesmerized by his laugh. Mula nang magtagpo ulit sila pagkatapos ng mahigit anim na taon ay ngayon lamang niya ulit ito nakitang tumawa nang ganun.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pagkatapos ng mga nangyari kagabi at ngayon, parang biglang gumaan ang dibdib ko. Siguro nga tama ka. We really need to talk properly so that we can finally move on from our past. Pagod na pagod na rin kasi akong magalit."

"M-Move on? You mean, kakalimutan mo na ang nakaraan? Kakalimutan mo na rin ako ng tuluyan?"

"Maybe. Unless, you will give me enough reason to hold onto it and to stay." he answered meaningfully. Akma siyang sasagot nang marinig nila ang mga papalapit na mga boses.

"Ms. Charlene, Sir Vicente!" tawag ng mga ito.

"Ang mga tauhan ba 'yon sa rancho?" mangha niyang tanong sa binata.

"Looks like it. Sinabihan ko kasi silang hanapin ka. Late na nga lang sila kasi nakita na kita."

Napangiti siya. "it's okay. At least, they came for me." masaya niyang sabi. Ilang saglit pa ay nakita na sila ng mga ito at sabay-sabay na silang naglakad palabas ng gubat.

NANG IPARADA ni Vince ang sasakyan nito sa tapat ng bahay ay hindi siya nito hinayaang bumaba. Bagkus ay binuksan nito ang pintuan at binuhat siya.

"Alalayan mo na lang kaya akong maglakad ? Baka pagod ka na." he glared at her.

"Isa pang sabi mo ng ganyan, makakatikim ka na, Ms. Azaria." Seryoso ang mukha nito habang naglalakad ito papasok ng bahay.

Pero imbes na matakot siya, hindi niya mapigilan ang mapangiti ngunit hindi na lamang siya nagsalita. Akala niya ay sa taas siya nito dadalhin pero laking gulat niya nang sa inuukopa nitong karto siya nito dinala.

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong niya. Ang puso ay nagririgudon na naman.

"Basa tayong pareho. Baka madulas pa tayo sa hagdan." Sagot nito saka nagdiretso sa banyo. Inupo siya nito sa gilid ng bathtub saka binuksan ang faucet para punuin iyon. Tinimpla nito ang temperatura ng tubig.

Nang mapuno iyon ay nilagyan nito ng bubble bath saka siya hinarap. Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang bigla nitong tanggalin ang mga suot nito hanggang sa ang briefs na lamang nito ang natira.

Napatili siya saka tinakpan ang mga mata.

"What the hell are you doing?!"

He chuckled. "Don't act like you haven't seen this before, Charlie. Now, raise your hands. I'm going to remove your clothes." Lalo siyang naeskandalo.

"At bakit mo naman ako huhubaran, aber?" Mataray niyang tanong kahit nag-iinit ang mga pisngi niya. Iniiwasan niyang mapadako ang tingin sa pagitan ng mga hita nito.

Vince shrugged his shoulders. "If you don't want to get sick, gawin mo na lang ang sinasabi ko. If you don't want me here while doing so, lalabas muna ako." Anito saka lumabas.

Kumalma saglit ang nagwawala niyang puso. Napangiwi siya nang maramdamang nilalamig na siya. Tama ito. Kailangan na niyang maghubad. Dali-dali niyang tinanggal ang mga basang damit.

She was about to dip herself in the bath tub nang biglang bumukas ang pintuan.

"What the hell?! Bakit ka pumasok?!" taranta niyang sigaw habang hindi magkandatuto sa pagtakip sa mga sensitibong parte ng kanyang katawan.

"Darating na mamaya ang doctor." Imporma nito habang ang mga mata ay nagpista sa kahubdan niya. Huling-huli niya ang paglunok nito.

"Ganun ba? Sige, labas ka na! Maliligo pa ako."

"Kaya mo ba?" tila nang-aakit ang titig nito kapagkuwan.

"Oo naman." Sinubukan niyang ilubog ang sarili sa bath tub pero dahil masakit ang mga kamay lalo na ang paa niya ay napadaing siya.

Ganun na lamang ang gulat niya nang bigla siya nitong buhatin. Dahil hindi niya inaasahan ang ginawan nito ay nagkakawag siya. Naiilang siya dahil hubo't-hubad siya at ito naman ay briefs lang ang suot.

Ngunit dahil sa ginawa niya ay nawalan ito ng balanse at pareho silang bumagsak sa bath tub.

"Vince!" Tili niya nang maramdaman ang matigas na bagay na iyon. Pa'no naman kasi, hindi sinasadyang napaibabaw ito sa kanya kaya ramdam na ramdam niya ang kahandaan nito.

"You shouldn't've done that, Charlie. You just made me lose my temper." Bago pa man siya makahuma ay mapusok nitong sinakop ang kanyang mga labi para sa isang makapugtong-hiningang halik.

Napaungol na lamang siya at napakapit sa mga balikat nito.

****

Naku, naku! Umiinit na ang eksena! 

Matutuloy na kaya ang nabitin na hot scene nila? LOL

Makakapag-usap na kaya sila ng masinsinan?

Sino kaya ang may kagagawan ng nangyari sa rancho? 

COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top