chapter 13
Happy reading, BLAZERS :)
NAPAKAGAT-LABI si Charlene nang makita na rumehistro ang pangalan ni Gavril sa screen ng kanyang cellphone na tumatawag sa kanya. Pangatlong beses na iyon na tawag ng binata sa araw na iyon pero hindi niya magawang sagutin. Alam na kasi niya ang sasabihin nito sa kanya.
Sigurado siyang natanggap na ng Caballero Corp. ang desisyon nila sa rancho na itigil na ang pagbili sa mga ito ng mga ginagamit nilang containers ng kanilang mga gatas.
Hindi siya pumayag sa kagustuhan na iyon ni Vince noong una pero siya na ang nagpakumbaba. Ayaw niyang maging mas mahirap pa ang sitwasyon nila ng lalaki.
Napabuntong-hininga siya nang tumigil ang pagtunog ng gadget saka pinilit na mag-concentrate na lamang sa trabaho.
It's been a week since Vince came to live with them in the ranch at sa bawat araw na lumipas ay nagiging mas malapit na ang loob ng kambal rito. Kuhang-kuha na nito ang loob ng mg anak nila at natutuwa siya roon. Pero ang pakikitungo nilang dalawa sa isa't-isa ay naging mas malala.
Alam niyang may kinalaman ang pinagtalunan nila noong unang araw nito sa trabaho kung bakit naging mas malamig ito sa kanya. Kahit pumayag na siya sa gusto ay wala pa ring nagbago. Nag-aalangan naman siyang kausapin ito baka kung ano lang ang marinig mula rito.
Halos hindi siya nito tinitingnan o kinakausap. Para siyang hangin sa harap nito. Sabagay, halos hindi nga sila nagkikita sa bahay. Madalas kasi na gabi na kung umuwi ito. Binigyan na lamang niya ng sariling susi ang binata para hindi na niya kailangan pa itong pagbuksan.
Ang weird ng sitwasyon nila at hindi niya alam kung saan siya magsisimula upang ayusin ang lahat sa pagitan nila dahil sa inaasal ng lalaki.
She sighed. Kasalukuyan siyang may pinag-aaralang dokumento pero hindi siya makapag-concentrate sa dami ng iniisip. Akma siyang tatayo upang kumuha sana ng tubig sa pantry nang may marinig siyang mga boses sa kabilang opisina. Ang opisina ni Vince. Bahagyang nakabukas ang pinto niya at nakita niyang lumabas ang binata na may kasamang babae.
"Are you sure na gusto mong magtrabaho dito for the meantime? Baka naman nakaka-istorbo ako sa scheduale mo?" rinig niyang tanong ng binata. Nasa tapat ang mga ito ng pinto kaya nakikita niya ang mga ito.
"Of course not. Basta ikaw. Yes, busy ako but I can come here at least twice a week just for you." nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita ang mukha ng babae. Ito ang babaeng nakita niyang kasama ni Vince noon sa mall. The brunette beauty.
Vince chuckled amusedly while staring at the woman fondly. Kitang-kita ni Charlene ang ibang aura ni Vince habang kausap ang kaharap. Ayaw man niya ay sumikip ang dibdib niya sa nakita lalo na nang marinig ang itinawag nito sa dalaga.
"Thank you, Honey. You're a lifesaver." The woman rolled her eyes.
"Remember, my kapalit 'to."
"Of course. Don't worry, gagawin ko ang ipinapagawa mo." Lalong sumikip ang dibdib ni Charlene sa narinig. Honey. May girlfriend na nga ito, baka nga asawa pa nito ang babaeng 'yon. Namasa ang mga mata niya. Ano ba kasi ang inaasahan niya? It has been 6 years since then. Imposible naman kasing wala pa itong iba.
"So, let's go?" may lambing ang boses ng binata. Parang nais niyang mainggit sa babae. Ganun na ganun ang boses ng binata noon kapag kausap siya. Gentle and full of love.
"Sure." Inangkla ng babae ang braso sa braso ni Vince saka naglakad na ang mga ito palabas.
Hindi alam ni Charlene kung gaano siya katagal nakatingin sa pinto kahit wala na ang dalawa. Ang alam lang niya ay kumikirot ang puso niya. Kirot na may kasamang hindi niya maipaliwanag na damdamin.
She inhaled and exhaled a couple of times to try calming her senses down. Pilit niyang inignora ang nararamdaman at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
NAGHAHANDA na si Charlie sa pag-uwi nang humahangos na dumating si tatay Larry.
"Miss Charlene! Nakakagulo po sa gate ng rancho ngayon!" balita nito sa kanya. Napakunot-noo ang dalaga.
"Bakit po? Ano'ng nangyari?" tanong niya saka kinuha ang mga gamit at sinabayan ang matanda sa paglabas ng opisina.
"Dumating po si sir Gavril pero ayaw po siyang papasukin, eh."
"Ano?! At sino naman ang ayaw magpapasok sa kanya?" mabilis ang mga hakbang nila hanggang sa marating nila ang nakaparadang sasakyan niya.
"Hindi ko po alam, eh. Ngayon ko lang po nakita. Kasama daw po ni sir Vicente kanina."
Sumakay sila ni tatay Larry saka minaniobra niya iyon papunta sa gate ng rancho. May kalayuan din kasi iyon kapag lalakarin lang.
Nang makarating sila roon ay agad silang umibis ng sasakyan at dali-daling lumapit sa mga tao roon. May napansin siyang dalawang unipormadong mga lalaki na hindi niya kilala, pinipigilan si Gavril na pumasok sa loob.
"Sir, pasensya na po talaga. Hindi po talaga kayo pwedeng pumasok." Anang isang lalaki.
"I don't care! Gusto ko lang makausap si Charlie! Sino ba kayo? Bakit ayaw niyo akong papasukin?" galit ang boses ng binata. Halatang pigil na pigil nito ang sarili upang hindi suntukin ang dalawang lalaking pumipigil rito. May mga ilang trabahadar na rin doon na nagtatakang pinapanood ang nangyayari.
"Charlie! Ano ang nangyayari? Bakit ganito? Why am I not allowed to come in?" naguguluhang tanong ni Gavril nang makita siyang naglalakad palapit.
"Ano ang nangyayari dito?" tanong niya nang makalapit sa mga ito saka kunot-noong hinarap ang dalawang lalak. "Excuse me pero sino kayo? Ano ang ginagawa niyo dito at bakit niyo pinipigilan si Gavril na pumasok?" she asked sternly.
"Pasensya na po, ma'am. Napag-utusan lang."
"At sino ang nag-utos sa inyo?" akmang sasagot ang dalawa nang may nagsalita.
"Ako." Lahat sila napatingin sa lalaking bagong dating. Kasama pa rin nito ang babaeng kasama kanina.
"And why would you do that? At sino ang mga ito?" hindi maiwasang magtaas ng boses ng dalaga.
"These are the newly hired guards that will ensure the security of the ranch."
"Security? Mr. Aragon, Gavril is my friend! Tsaka bakit ka nag-hire ng mga guards na hindi mo man lang sinasabi sa akin?" Charlene couldn't hide her irritation especially when she noticed how that woman hold onto Vince's arm like a snake. "Buksan niyo ang gate at papasukin niyo si Gavril!" galit niyang utos sa dalawang guards.
Tumingin naman ang mga ito kay Vince na animo hinihintay ang sasabihin nito.
"Ms. Azaria, we had a deal." Madiin ang boses na sabi ni Vince. Ang mga mata ay walang anumang emosyon habang nakatingin sa kanya.
Charlene squeezed her eyes shut for good three seconds before she spoke again. "Mr. Aragon, this is unfair. Gavril is my friend. He doesn't deserve to be treated this way."
"Wala akong pakialam. Hindi kita pinipigilang kausapin ang lalaking 'yan pero alam mo ang magiging kapalit. You should know the consequences of your actions" He said through gritted teeth.
"Damn you, Aragon! Lumaban ka nang patas!" galit na sigaw ni Gavril. Nagngangalit ang bagang nito habang masama ang tingin kay Vince. Akala niya ay magagalit si Vince sa sinabi ni Gavril pero ngumisi lang ito ngunit ang mga mata ay nagbabaga.
"Patas? You don't even know the meaning of the word, Caballero." Anito saka tumalikod. Akmang aalis na ang mga ito nang pigilan ni Charlene.
"Vince, please. Just this once. Let me talk to him. I can't just push him away like that." pakiusap niya sa binata. Humarap ito sa kanya at wala siyang mabasang kahit anumang emosyon sa gwapo nitong mukha.
Sinalubong niya ang abuhin nitong mga mata. "Please. This will be the last time. After that, tutupad na ako sa usapan natin."
Hindi muna ito sumagot agad. Nakatitig lang sa nakikiusap niyang mga mata. "Sige. Pagbibigyan kita. But this will be the last time that you will associate yourself to him. You don't want to see me mad. Don't spite me. I am an impatient man, Charlie." he hissed callously and then walked away with the silent woman he was with.
Sumasal ang tibok ng puso ni Charlene nang marinig na tinawag siya ni Vince sa palayaw niya. Ito ang unang beses nitong ginawa iyon mula nang magkita ulit sila at kahit pa galit siya sa ginagawa nito, may munting tuwa siyang naramdaman.
It has been so long since she heard him call her that.
Nilawakan na ng dalawang guards ang gate saka lumayo ang mga ito sa kanila. Nagpaalam na rin si tatay Larry na babalik na sa trabaho dahil malapit na rin ang oras ng uwi ng mga ito. Agad naman siyang niyakap ni Gavril nang lapitan niya ito.
"Are you okay, bunso? Ano ang ginawa sa'yo ng gago'ng 'yon? At saka ano 'yong sinasabi niyang usapan niyo? How come he's here? Bakit hindi ka na sa amin kukuha ng mga containers ng gatas niyo dito sa rancho?" he bombarded her a lot of questions. Kumawala siya sa lalaki.
"Gav, Vince and I are now partners into managing the ranch."
"Ano?! Paano nangyari iyon? Akala ko ba sa kanya na 'to?" naguguluhang tanong nito.
"Nagbago ang isip niya. Dalawa na kaming namamahala rito ngayon. Ayoko man pero mas mabuti na 'yon kesa ang mawala sa'kin nang tuluyan ang rancho."
Gumalaw ang panga ni Gavril sa galit. "That b*stard!" he hissed.
"Gav, dito na nakatira si Vince." mahina ang boses na pagbibigay alam niya.
"Ano?!" malakas ang boses na anito saka napahilamos sa mukha.
Napakagat-labi naman si Charlene. "Yes, Gav. Pasensya na kung hindi ko sinasagot ang mga tawag mo. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin ang mga nangyayari ngayon dito. Nahihiya rin ako kasi basta ko na lang pinutol ang ugnayan ng mga kompanya natin. Kailangan ko lang talagang gawin ito kasi kung hindi, mawawalan ng silbi ang lahat at mawawala na talaga sa'kin nang tuluyan ang rancho. I'm so sorry." She said apologetically and looked down.
"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Gavril.
"K-Kasama sa kondisyon ni Vince ang iwasan kita no'ng nagpirmahan kami ng kontrata kaya pati ang pagbili ng containers sa inyo kailangan kong itigil. I'm sorry, Gav. You've been there for me and my kids mula pa noon at nahihiya ako ngayon dahil sa mga nangyayari. Ayaw ko man pero mas maganda munang 'wag tayong magkita. Sana, 'wag ka munang pumunta dito. Ayoko lang magkagulo."
"That guy is really an a*shole. Humanda siya sa akin. I will beat him to shake some sense in him! Wala siyang karapatang gawin sa'tin 'to!" Akma itong susundan si Vince ngunit maagap niyang pinigilan ito sa kamay.
"Don't, Gav! Mas lalo lang magkakagulo. Magsasakitan lang kayo kapag pinuntahan mo siya at hindi iyon makakatulong sa sitwasyon ko ngayon."
"At hahayaan mo lang na basta ka kontrolin ng lalaking 'yon? What he's doing is illegal! Bina-blackmail ka niya to get what he wants! Mas mabuti pa sigurong umalis na lang kayo dito ng mga bata at hayaan niyo siyang kunin na itong rancho. Hindi naman malaking kawalan ang rancho, hindi ba? Marami pang businesses ang pamilya niyo, bunso. 'Wag mo siyang hayaang gawin 'to sa'yo!"
Napailing siya. "Alam mo kung gaano ka-importante itong rancho sa akin, Gav, at gagawin ko lahat huwag lang mawala ito sa'kin. 'Wag kang mag-alala. Pansamantala lang naman ito. Kapag naging maayos na ang lahat, pwede ka na ulit bumisita dito. Sa ngayon, mas magandang 'wag ka munag pumunta dito kasi mas lalo akong nahihirapang harapin ang galit ni Vince. Kapag kasi nakikita ka niya ay lalong nagiging mainit ang ulo niya."
Gavril raked his fingers through his hair in frustration. "I can't believe this! Sigurado akong may planong hindi maganda ang taong 'yon kaya niya ginagawa ito at natatakot akong masaktan ka at ng mga bata. He's a dangerous man, bunso. Isipin mo na lang. Pwede naman niyang kunin na lang ang rancho pero nagbago ang isip niya at ginawa ka pa niyang partner. Kahit saang anggulo mo tingnan, may hindi maganda siyang gagawin."
Agad siyang umiling. "No, Gav. He's not. Galit lang 'yon kaya ganun. Siguro nga may plano siya pero alam kong hindi siya mananakit physically." Hindi alam ni Charlie kung bakit niya ito ipinagtatanggol.
"'Yon na nga, eh. Galit siya, Charlie. Delikado ang isang tao na may kinikimkim na galit dahil darating na lang ang oras na sasabog na ito."
"That's why you shouldn't show yourself here for the meantime, Gav. Hayaan mo. Kapag kailangan ko ng tulong mo, tatawagan kita kaagad." Hinawakan niya ang palad ng binata ta nakikiusap na sinalubong ang mga mata nito. Hindi ito sumagot.
"Please, Gav. Do this for me."
He huffed in frustration. Worry was evident on his face. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at iisipin ko." Mahina ang boses nito. "Nag-aalala ako sa pwedeng gawin niya sa'yo. Just like I've told you before, wala akong tiwala ni katiting sa kanya."
Pilit siyang ngumiti. "I'll be fine. Ako pa."
"Okay. Hindi muna ako pupunta dito pero mangako ka sa'kin na tawagan mo ako kapag may nangyaring hindi maganda. Pupunta agad ako dito." tumango ang dalaga.
"Thank you, Gav. Don't worry. I can handle everything. Magiging maayos din ang lahat." Aniya saka niyakap ito.
"Ingatan mo ang mga bata." Bilin ito saka tinugon ang yakap niya. Akma siyang sasagot nang may tumikhim sa likuran niya.
"Ma'am, pinapasabi po ni sir Vicente na paalisin na raw po ang bisita." kumawala siya sa binata at hinarap ang nagsalita. Akma siyang sasagot nang mapansin si Vince sa di kalayuan na nakatingin sa kanila. Wala na ang babaeng kasama nito.
"S-Sige na, Gav. Mag-ingat ka." Hindi agad sumagot ang lalaki na matalim ang mga mata na nakatingin sa gawi ni Vince.
"Sige. Aalis na ako baka kung ano pa ang magawa ko sa lalaking 'yan." Anito saka hinagkan ang noo niya. Nang makaalis ito ay agad siyang lumapit kay Vince. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit sa ginawa nito.
"Ano ba talaga ang gusto mo, ha? Bakit mo ba 'to ginagawa?! Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang gusto mo kasi nahihirapan na ako!" Tumalim ang mga mata ng binata pero hindi ito sumagot. Tumalikod ito at naglakad paalis.
"Sabi mo, wala ka nang pakialam sa nakaraan natin pero iba ang nakikita ko. Ramdam ko ang galit mo. Kung galit ka sa'kin, ako na lang ang parusahan mo. 'Wag mo nang idamay ang ibang tao!"
His steps came to a halt and then he pivoted to face her. "You should be thankful that I didn't ruin that guy's life after what you two did to me! Tama ka, galit ako. Galit na galit pa rin ako! Kapag nakikita kita na kasama ang lalaking 'yon, naaalala ko kung paano mo ako ginago! Now, kung nahihirapan ka sa nangyayari, you're always welcome to walk away. Hindi kita pinipigilan. Tandaan mo ito, Ms. Azaria, I haven't lain down all the conditions that I want you to do. Sabihin mo kung hindi mo na kaya, madali naman akong kausap."
"So, lumabas din ang totoo. You're doing this because you want to get back at me. Sige, saktan mo ako kung gusto mo pero please lang, 'wag mo namang idamay si Gavril. Wala siyang ginawa sa'yo para---" whatever she wanted to say got cut off when Vince closed the gap between them and grabbed her on the arms roughly. Parang apoy na nagliyab ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
"Walang ginawa?! Baka gusto mong ipamukha ko sa'yo ang pang-aagaw niya sa'yo noon mula sa'kin? You should be thankful because I didn't kill that guy!" nanginig ang mga tuhod niya at nakaramdam ng takot dahil sa matinding galit na nakikita sa mga abuhing mata nito.
"H-Hindi. I didn't cheat on you. We didn't---"
"---You didn't? Nasa harap ko na ang ebidensiya ng pagtataksil mo sa'kin tapos sasabihin mong hindi ka niya inagaw?!" napakagat-labi si Charlene nang lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa mga braso niya.
"May mga anak nga kayo, 'di ba? Tapos sasabihin mo sa mukha ko na hindi mo ako ginago?! Kahit ngayon lang, magpakatotoo ka naman o baka naman hanggang ngayon, sinungaling ka pa rin?!" masakit na ang mga braso niya pero mas masakit ang puso niya. Hindi na niya nakayanan. A whimper escaped her lips as her tears fell.
His face softened when he saw her tears. Agad siya nitong binitawan na animo napaso ang mga kamay nito. Lumipas ang ilang segundo na ang mga hikbi lang niya ang naririnig. Nanatiling tahimik sila pareho.
"Vince..." umpisa niya nang medyo kumalma na siya.
"Don't call me that." Parang yelo ang boses nito.
Umiling siya. "No. Tatawagin pa rin kitang Vince kahit ayaw mo." Mapait siyang ngumiti saka kinuha ang kamay ng binata. His body seemed to stiffen as their palms touched. Akma nitong hihilain ang kamay pero hindi niya hinayaan.
"Kung galit ka, ilabas mo ang lahat ng galit mo. Kung ang magpapagaan ng loob mo ay ang makita akong nasasaktan, then so be it. I'll let you hurt me. Pero sana makinig ka muna sa mga paliwanag ko."nakikiusap niyang ani.
Nagkatitigan sila. "Ano pa ang silbi? Tapos na ang mga nangyari. Hindi na mababago pa ang katotohanang nasira ang buhay ko nang dahil sa'yo; na ginago mo ako at ipinagpalit sa iba." Mas malamig pa sa yelong sagot nito.
Umiling siya. "No, Vince. Nagkakamali ka. Hindi ko ginawa kung anuman ang iniisip mong ginawa ko noon." Sa wakas ay nasabi rin niya. Natigilan ang binata pero saglit lang.
"Don't you dare lie---"
"---I am not lying, Vince. Listen to me properly. Chase and Chance are---"
"Vince! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Naputol ang anumang sasabihin ni Charlene nang dumating ang babaeng kasama ni Vince kanina.
Parang may pumisil sa puso niya nang hinila ni Vince ang kamay mula sa pagkakahawak niya.
"Nakakistorbo ba ako?" palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanilang dalawa pero hindi niya ito pinansin.
"Vince, makinig ka sa'kin. May---"
"Sorry, Vince, pero kailangan mo na akong ihatid. Tumawag ang talyer. Okay na daw ang saskyan ko." Hinarap siya nito. "Sorry, miss kung naiistorbo ko kayo. May kailangan kasi akong puntahan kaya dapat makuha ko na ang kotse ko ngayon bago sila magsara." The woman said apologetically.
"Okay, let's go." si Vince.
"Vince..." pigil niya sa binata.
"Ihahatid ko muna siya." hindi mawari ni Charlene kung galit pa rin ba ito o hindi. Wala na siyang nagawa kundi ang tumango na lang saka mapait na napangiti.
****
Naku, kailan kaya matatauhan si VInce?
Ano sa tingin niyo ang ginawa ni VInce kay Gavril? Tama o mali?
Sino kaya si Honey sa buhay ni Vince?
Malalaman na kaya ni Vince ang totoo?
ABANGAN!
CAMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top