chapter 12

A/N: Bukas pa sana ang update na 'to kaso natuwa ako sa response niyo sa previous chapter kaya napaaga ang update. Thank you for the comments and votes :)

NAPAUNGOL si Charlene sa iritasyon nang may maramdamang yumuyugyog sa kanya. Antok na antok siya at gusto pa niyang matulog.

"What the heck do you think you're doing? Bakit dito ka natutulog?" bigla siyang nagmulat ng mga mata nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Ang lukot na mukha ni Vince ang una niyang natunghayan.

Iginala ni Charlene ang paningin at na-realize niyang nasa sala pala siya. Mukhang nakatulugan niya ang paghihintay sa binata. Bumangon siya at naupo.

"Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Hinintay kasi kita." Tugon niya saka naghikab.

"You didn't have to do that. Pa'no kung hindi naman pala ako uuwi? Tsaka bakit hindi naka-lock ang main door? Pa'no kung may mga masamang taong pumasok dito? Nag-iisip ka ba?" salubong pa rin ang kilay na anito sa medyo mataas na tinig.

Napalunok ang dalaga at nag-iwas ng tingin. "Hindi naman. Safe naman dito sa rancho. Sinadya ko talagang hindi i-lock kasi baka hindi ko mamalayang dumating ka."

Vince raked his fingers through his hair. Parang nakainom ito. "Kahit na. Pwede naman akong matulog na lang sa sasakyan o kaya diyan sa porch. Dapat hindi ka na nag-abala pang hintayin ako. Dapat ni-lock mo 'yong pintuan. Wala pa naman kayong kasama dito. Delikado. Naisip mo ba 'yon?" may galit sa tinig nito pero imbes na matakot sa tono nito ay may tuwang bumangon sa kanyang dibdib.

"Nag-aalala ka ba sa amin?" hindi niya mapigilang itanong. Tila natigilan naman ito saglit.

"Ayaw ko lang na may masamang mangyari sa mga bata! How could you be so careless? Next time, don't do that again. Kung wala pa ako, just lock the door. Ako na ang bahala sa sarili ko kung saan ako matutulog." Sagot nito saka tumalikod at iniwan siya doong mag-isa.

Napakagat-labi ang dalaga. May bahagi ng puso niya ang nasaktan dahil sa mga bata lang ito nag-aalala pero at the same time, masaya siya. Akala niya ay wala kahit ano pang malasakit ang binata sa kanila pero ramdam niya ang pag-aalala nito.

"Charlie, stop it. 'Wag kang umasa. Baka masaktan ka lang. Kay Chase at Chance lang siya nag-aalala, pwera ikaw." Paalala niya sa sarili saka tumayo na at umakyat na sa taas.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto dahiL masarap na ang tulog ng mg anak. Ayaw niyang magising ang mga ito. Mabuti na lamang at hindi nagising ang kambal na wala siya sa tabi ng mga ito. Baka kasi umiyak na naman si Chance.

Sinigurado naman kasi niyang mahimbing na ang tulog ng mga ito bago siya bumaba at hintayin si Vince sa sala. Wala kasi itong susi at ayaw naman niyang magpalipas ito ng gabi sa labas.

Nang mahiga siya sa kama ay mukha pa rin ni Vince ang nasa isip. Hirap siyang makatulog. Lumipas ang dalawang oras pero hindi pa rin siya dalawin ng antok.

She decided to go downstairs to drink some milk. Baka sakaling ma-relax siya at makatulog na rin pag ginawa iyon.

Hindi na niya binuksan pa ang mga ilaw dahil kahit papano ay maliwanag naman. Hindi naman siya natatakot sa dilim. She actually likes it.

Tsaka ang liwanag ng buwan mula sa mga bintana ay nagsilbi niyang tanglaw hanggang sa makarating sa kusina. Akmang bubuksan niya ang ref nang parang may kaluskos siyang naulinigan mula sa likuran niya.

Tumaas ang mga balahibo niya sa isiping multo iyon o kaya ay may nakapasok na magnanakaw. Dahan-dahan siyang pumihit upang tingnan iyon ngunit ganun na lang ang panlalaki ng mga mata nang may malaking pigura ng tao siyang nakita.

She opened her mouth and was about to scream in fear when that figure closed the gap between them and covered her mouth with its hand. Ang mga katawan nila ay nagdikit at ramdam niya ang mainit nitong balat. Wala itong pang-itaas.

Lalo siyang natakot. Mukhang may nakapasok na manyak! Akma niya itong itutulak upang tahurin ito nang sa wakas ay magsalita ang lalaki.

"Stop! It's me." Doon lamang siya unti-unting kumalma. Dahan-dahan nitong tinanggal ang kamay mula sa pagkakatakip sa kanyang bibig.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Natakot talaga siya. Akala niya ay kung sino na. She inhaled and exhaled a couple of times, calming herself down.

Nang makabawi ay hindi niya maiwasang mainis. "Damn you! Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot?! Ginulat mo ako!" To her surprise, he chuckled.

"Matatakutin ka na pala ngayon. I used to do that to you a lot before pero hindi ka naman natatakot, ah." natigilan siya. Hindi niya akalaing naaalala pa ng binata iyon.

Iyon ang mga panahon na sa bahay ng mga ito siya natutulog. Madalas kasi siyang magising nang dis oras ng gabi para uminom. Kapag nasa kusina na siya ay bigla itong susulpot at yayakapin siya mula sa dilim.

Nagkatinginan sila. Kahit madilim ay nakita niya kung paano ito matigilan. Mukhang bigla nitong napagtanto na hindi nito dapat nasabi iyon sa kanya.

"Forget what I've said. Umakyat ka na." naging malamig na naman ang tinig nito.

"S-Sige." Nauutal na aniya. Uminom ito ng tubig saka siya iniwan doon. Ilang segundo rin siyang nakatingin sa nilabasan nito pagkatapos ay nilagyan niya ng tubig ang baso niya at akmang iinumin iyon nang mabitawan niya iyon at nabasag.

Nanginginig pala ang mga kamay niya. Hindi man lang napansin.

"What happened?" humahangos na tanong ng binata na bumalik. Parang doon lang siya natauhan. Her first instinct was to clean up the mess.

Yumuko siya at akmang pupulutin ang kalat nang yumuko rin ang binata at pinigilan siya sa kamay.

"Don't touch it with your hands. Masusugatan ka." Charlene gasped for breath when she felt his warm hand on her hand. Ang mga mukha nila ay halos magdikit na at kitang-kita niya ang pag-aalala sa mga abuhin nitong mga mata.

Kahit medyo madilim, sigurado siya sa nakita. Ngunit saglit lang iyon. Agad ding nawala at naging blangko ulit.

Dahan-dahan nitong binitawan ang kamay niya. "Hanggang ngayon, careless ka pa rin." Anito saka iginala ang tingin. "Where's the switch?" tanong nito kapagkuwan. Hindi siya sumagot pero siya na ang pumindot sa switch ng ilaw.

Nang magliwanag ay muntik na siyang mapasinghap ng malakas nang bumulaga sa mga mata ang maskulado nitong katawan.

Wala nga itong damit pang-itaas at nakaboxers lang. She suddenly felt thirstier than she already was. Ang eight pack abs nito ay nakakahalinang pagmasdan. Parang ang lakas-lakas nito. Lalaking-lalaki ang dating. Animo inukit ng isang manlililok ang katawan nito sa kisig.

Her traitorous eyes unintentionally went down there on his fly. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may malaking bukol roon. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Parang nag-iinit ang pakiramdam niya.

"Umakyat ka na. Ako nang maglilinis nito." napansin niyang hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Nakita rin niyang napalunok ito.

"S-Sige. Goodnight." Sagot niya saka dali-daling umakyat sa taas. Nang makapasok sa silid ay napahawak siya sa dibdib. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya . Para siyang tumakbo sa marathon.

Akma siyang maglalakad papunta sa kama nang mahagip ng mga mata ang salamin. Ang lampshade ay naka-on kaya nakita niya ang itsura.

How could she forgot? Nakasuot nga pala siya ng sexy na negligee. Bago nahiga kanina ay nagpalit siya ng damit. Kaya pala ganun ang tingin ni Vince kanina. Oh, God! Nakakahiya siya!

Nang dahil sa nagyari ay hindi siya nakatulog.

"MR. ARAGON, are you listening to me?" kunot-noong tanong ni Charlene kay Vicente dahil parang hindi ito nakikinig sa mga sinasabi niya. Kasalukuyan silang nasa pagawaan ng gatas sa loob ng rancho at sinasabi niya rito ang mga dapat nitong malaman tungkol doon.

Kanina pang alas nueve na nasa farm sila at nagsimula na kaagad siyang i-orient ang binata sa mga bagay na dapat nitong malaman. Ipinakilala na rin niya ito sa mga tauhan doon.

Kahit pakiramdam niya ay lumulutang siya dahil sa puyat ay maaga siyang bumangon kanina para magluto at asikasuhin ang mga anak.

Gaya kagabi ay tahimik silang kumain ng almusal. Ang mga bata lang ang madaldal. Parang naging mas awkward ang lahat sa pagitan nila pagkatapos ng nangyari kagabi.

Pagkatapos nga ng almusal nila at mahatid niya ang mga bata ay pumunta sila sa rancho na nakasunod ang kotse ng binata sa kanya.

"What?" salubong ang kilay na sagot ng lalaki. Wala nga yata itong narinig sa mga sinabi niya.

She huffed. He'd been acting weird since this morning. Iba ang paraan ng pagtitig nito sa kanya at parang gusto na niyang mailang. Napansin na niya iyon kaninang umaga habang nag-aalmusal sila.

Siya man ay naiilang rin pero hindi siya nagpapahalata. Nasa trabaho silat ay kailangang maging maayos ang lahat.

"I said, are you listening to what I'm saying? Para kasing hindi, eh. Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang hindi mo naman naririnig ang mga sinasabi ko. Do you want us to take a break first?"

Napakurap ito ng ilang beses. Napansin niyang napalunok ito. "Just continue. Narinig ko ang mga sinabi mo." Pormal na sagot nito.

Bumuntong-hininga siya saka nagpatuloy. "Just like what I was saying a while ago, ang mga gatas ng mga baka ay dito ipinaprocess, from pasteurization hanggang sa finish product. Sa kabilang room naman ang pagawaan ng mga cheese."

"What about the milk cartons and bottles, inaangkat mo ba o may sarili ring pagawaan niyon dito?" sa wakas ay tanong ni Vince.

"Actually, kinukuha namin ang mga bottles at milk cartons sa Caballero Corp." lumalim ang gatla sa noo ni Vince pagkarinig sa sinabi niya.

"Caballero Corp.? Don't tell me---"

"Yes, Mr. Aragon. It's one of Gavril's family's businesses. Mas nakakamura kasi kami sa kanila dahil malaki ang ibinibigay nilang discount. Pinaplano ko pa lang ang pagpo-produce ng sariling bote at cartons ng mga gatas dito kaya for the meantime, doon muna kumukuha ang rancho. Nakasulat 'yon sa ibinigay kong report sa'yo kanina. Every small details ay nilagay ko doon." Pagbibigay detalye niya. Napansin niyang napatiim-bagang ito bago nagsalita.

"I want you to stop purchasing from that company from now on."

Charlene couldn't help but furrow. "Ano? Hindi pwedeng basta-basta na lang natin itititgil ng ganun na lang. Besides, saan naman tayo makakakuha ng ganung kamura? Sa kanila lang tayo makakatipid ng ganun kalaki." Nalilitong sagot niya.

"Ms. Azaria, we don't need them. I want you to cut our connection with them as soon as possible." Matigas na anito. Tila hindi naman nagustuhan ni Charlene ang sinabi nito.

"Mr. Aragon, we're partners in this business now and we already finalized that. I am not in favor of your decision. I don't see any reason for us to stop doing business with them pwera na lang kung may alam kang ibang pwede nating pagkuhanan ng ganun ding kababang presyo."

The corner of his lips twitched upon hearing her answer. Alam niyang napansin nito ang iritasyon na nararamdaman niya.

"Tell me honestly. You don't like my suggestion because you don't want to cut your ties with that Gavril, right?" lalong nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Bigla ay nalito siya. Ano ang kinalaman ni Gavril sa usapan nila?

"Excuse me? Bakit nasali si Gavril sa usapan?" Vince shrugged his shoulders.

"Pretending to be dumb, are we? Of course, you don't want to cut your connection with him but let me remind you this. You already signed the damn contract that I gave you so it means, you also agreed not to associate yourself with Gavril in anyway. Did you actually forget that?"

Charlene's eyes widened. "B-But this is just business. Just like I've told you, mas makakamura tayo kapag---"

"---I don't care about that. You agreed to my conditions so start complying to it from now on. If you're worried about the cost, I'll guarantee you that we will not lose anything. Let's switch to Montemayor Manufacturing instead." Her lips hang open.

Napailing siya. "I don't understand. We've been doing business with the Caballeros for years and we can't just cut off our ties with them just like that. Can't you just let this go? Mas nauna naman ang relasyon ng mga Azaria at Caballero kaysa sa kontrata natin, 'di ba? Techinically, hindi dapat maapektuhan ang relasyon ng dalawang kompanya. This is absurd."

Nagdilim ang mukha ng binata. "Gaya nga ng sinabi mo, partners na tayo sa negosyong ito at may karapatan na akong magdesisyon para sa ikabubuti ng rancho---"

"---Ikabubuti ng rancho? Iba ang nakikita ko. Pinepersonal mo ang issue. Wala naman dapat maging problema, hindi ba? We have the advantage kung sa kanila tayo kukuha. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sinasali mo si Gavril sa issue natin."

"Pinepersonal? You're misunderstanding me, Ms. Azaria. I just don't trust that company. Siguro medyo binabase ko nga personally because as a business man, ayokong makipagtrabaho sa taong wala akong tiwala. Paano ko pagkakatiwalaan ang isang tao na mang-aagaw?" napasinghap si Charlene sa sinabi ni Vince.

Nakita niyang tila natigilan rin ang binata sa nasabi nito pero saglit lang iyon. Nawala lahat ng emosyon nito sa mukha.

"Vince..."

"We're done here. Ipagpatuloy ko na lang ang pagbisita sa iba pang parte ng rancho mamaya. Magpadala ka na lang ng tao para sumama at mag-orient sa'kin." malamig na saad nito saka iniwan siya roon.

Tila biglang sumakit ang ulo ni Charlene sa mga nangyari. Akala pa naman niya ay magiging maayos sila ni Vince kapag nasa trabaho na pero ganun pa rin. Mapait siyang napangiti. Hanggang kailan kaya magpapatuloy ang ganitong sitwasyon nila?

****

Naku! Mas umiinit ang mga eksena kasing init ng ulo ni Vince. LOL

Ano sa tingin niyo ang susunod na mangyayari?

What do you think of this chapter?

COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top