chapter 11
A/N: Hi guys! Sorry na hindi ako naka-update kahapon. I was so busy, I didn't have time. Anyway, Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Happy reading😎
NAPAKAGAT-LABI si Charlene habang pinagmamasdan ang kanyang niluluto. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Ang alam niya lang ay hindi siya mapakali sa isiping titira na nga ang binata sa iisang bubong kasama siya at ng mga anak nila. Pansamantala lang naman pero nagbibigay ang isiping iyon ng mga kakaibang damadamin sa kanyang puso. Ngayon nga ay nagluluto siya ng kanilang hapunan.
Ang dibdib niya ay kumakabog ng mabilis at hindi niya mapakalma ang sarili. Hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili.
"Relax, Charlie." Bulong niya sa sarili saka napahugot-ulit ng malalim na hininga. Hindi talaga siya mapakali.
"I've never expected that you know how to cook now." Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang may magsalita mula sa likuran niya.
Napahawak siya sa dibdib habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa bagong dating.
Tumaas ang sulok ng mga labi ng binata sa naging reaction niya. "Magugulatin ka na pala ngayon." Hindi alam ni Charlene kung may halo bang pang-uuyam ang tono nito o ano. As usual, he looked emotionless while gazing at her.
Ang abuhing mga mata nito ay malamig.
She cleared her throat before answering. "S-Syempre naman. May mga anak na ako. Dapat lang na alam kong magluto. Ako lang ang kasama nila sa bahay kaya syempre dapat marunong ako ng mga gawaing-bahay." She tried to sound as calm as possible even though there was a sudden turmoil within her because of his presence.
Tumango-tango ito. Mukhang kararating lang ni Vince. Umalis kasi ito kanina at sinabing may pupuntahan saglit. Akala nga niya ay mamaya pa ito babalik.
"I see." Lumapit ito sa cupboard saka kumuha ng baso at nilagyan nito iyon ng tubig saka uminom. Tahimik lamang silang pareho habang pinapanood sa ginagawa ang binata. Nang matapos ito ay akala niya ay aalis na ito sa kusina pero hinarap siya nito ng may seryosong mukha.
"Nagtataka lang ako. Bakit hindi dito nakatira ang tatay ng mga anak mo?" pakiramdam niya ay natigil siya sa paghinga dahil sa tanong nito. Kita rin niya ang tila galit na dumaan sa mga mata nito habang sinasabi iyon.
Napalunok ang dalaga at nag-iwas ng tingin. "I-It's complicated."
Vince scoffed while shaking his head. "Tingnan mo nga naman. Minsan talaga, kahit gaano pa natin kagusto ang isang tao ay hindi natin nakukuha. Gaya na lang ng pagkagusto mo sa lalaking 'yon noon. You did everything to get his attention, I guess, pero at the end of the day, he didn't choose you." Parang may na kamay na pumisil sa kanyang puso sa pinupunto ng binata.
Gusto niyang isipin na apektado pa rin ito sa mga nangyari noon sa pagitan nila; na nasasaktan pa rin ito base sa mga sinasabi nito sa kanya ngayon pero ayaw niyang umasa. Ngunit naroon ang kagustuhang makausap ito ng masinsinan tungkol sa maling akala nito.
"Vince..." umpisa niya pero inangat nito ang kamay upang pigilan ang anumang nais niyang sabihin.
"Save it. I don't want to hear it. Wala na ring silbi." he hissed before he left her in the kitchen. Pakiramdam ni Charlene ay nanghina siya. Gustong-gusto niyang kausapin ang binata tungkol sa mga nangyari noon upang magpaliwanag pero natatakot siya.
Baka kasi ayaw na nito iyong pag-usapan pa. Hangga't maaari ay gusto niyang linawin lahat ng maling akala nito at itama iyon pero paano kung wala na nga talagang silbi pa iyon dahil naka-move on na ito? Gusto niyang pag-usapan nila ang nakaraan pero baka makadagdag lang iyon sa awkwardness sa pagitan nila.
Alam ni Charlie na marami silang dapat pag-usapan ni Vince pero ramdam niyang hindi pa ito ang tamang oras. Hindi pa handa ang binata na buksan ang saloobin sa kanya. Pinapangunahan ito ng galit nito at malinaw niya iyong nakikita.
A pained smile broke across her lips.
Unang araw pa lang nilang magkasama ay ganun na ang nangyari. Kahit hindi sabihin ni Vince ay nakikita niya ang tindi ng poot nito sa inaakala nitong ginawa niya rito noon. Alam niyang hindi pa ito nakakalimot bagkus ay nasa puso pa nito ang matinding galit at gusto niyang pawiin iyon sa abot ng kanyang makakaya.
Akala niya ay hindi na siya mabibigyan ng tsansa na gawin iyon pero ngayong nasa tabi niya na ang binata ay gagawin niya ang lahat, mawala lang ang galit nito. Itatama niya ang mga pagkakamali niya noon rito. Maybe, it's not too late yet...
NAPASUNTOK si Vince sa pader dahil sa galit na nararamdaman. Lumabas siya sa porch baka sakaling kayang dalhin ng hangin ang bigat sa kanyang dibdib. Pagak siyang natawa.
Bakit ba napakahirap pigilin ng galit niya kapag ang usapan ay ang Gavril na 'yon? Nang sabihin niya ang mga katagang iyon kay Charlene kanina lang ay parang may sobrang pait siyang nalasahan sa kanyang bibig.
Parang gusto niyang magwala sa hindi niya malamang kadahilanan. Napahilamos siya sa mukha. Gustong niyang pagmumurahin ang sarili.
Nagiging mahina na naman siya at nagpapadala sa nararamdaman. Hindi siya dapat madala ng galit. Dapat ay laruin niya ang sinimulan niyang laro na kalmado at matalino. Hindi siya dapat ganito pero hindi niya mapigilan ang bugso ng damdamin.
His hands formed into tight fists. Mula sa isiping ipinagpalit siya ng dalaga sa lalaking iyon hanggang sa katotohanan na may mga anak ang mga ito; pakiramdam niya ay mababaliw siya sa mga isiping iyon at nais niyang magwala.
"Damn it!" mura niya at nasuklay ng mga darili ang buhok. Akma siyang papasok na sa loob ng bahay nang may mapansin siya sa may pintuan. Nagtatago ang kambal roon at sinisilip siya. Rinig niya ang bulungan ng mga ito. Ano kaya ang ginagawa ng mga ito doon? Lihim siyang napailing.
Pasimple siyang lumapit sa may pintuan saka biglang niluwagan ang bukas niyon para sana gulatin ang mga ito nang biglang tumakbo ang dalawa dahil sa gulat. Akma niyang susundan ang kambal ngunit dahil marahil sa biglaang pagtakbo ay nadapa si Chance.
"Ouch!" Tili nito sabay iyak. Tumigil naman si Chase sa pagtakbo at binalikan ang kapatid.
"Chance!" sa 'di malamang kadahilanan ay kumabog ang puso ni Vince sa nasaksihan. Halatang nasaktan ang bata dahil hindi ito nakatayo agad. Nanatili itong nakadapa habang pumapalahaw ng iyak. Dali-dali niyang nilapitan ang magkapatid.
"Are you okay, baby girl? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya kay Chance. Lalong lumakas ang iyak ng bata pagkakita sa kanya. Ilang saglit pa ay lumabas si Charlene mula sa kusina.
"What happened, sweetheart? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nito sa anak at inalalayan itong tumayo. Yumakap naman si Chance sa ina habang patuloy pa rin sa malakas na pag-iyak.
"Nadapa po siya, mama." Imporma ni Chase sa ina.
"Saan ang masakit, baby?" malambing na tanong ng dalaga sa anak habang sinisipat ang mga kamay at legs nito. Nang wala itong makita na galos ay pinunasan ng mga kamay ang mga luha ng anak saka hinaplos ang buhok nito.
Yumakap ang bata sa leeg ni Charlene at hindi na gustong bumitaw pa kaya binuhat na ito ng dalaga. Tila nakonsensya naman si Vince dahil sa nakikitang pag-iyak ni Chance.
"I think it's my fault. Nagulat ko sila kaya sila biglang tumakbo. Nadapa tuloy si Chance." Kusa iyong lumabas mula sa bibig ni Vince at pati siya ay natigilan. He sounded so worried and it actually surprised him as well.
"Ayan kasi. I already told you not to run around the house. Nadapa ka tuloy. Mabuti na lang at hindi ka nagalusan." Kausap nito kay Chance na mabini pa ring umiiyak sa bisig nito.
To Vince's surprise, tumingin sa gawi niya si Chance. "It's tito Vince's fault, mama. He chased after us. Natakot ako." Sumbong nito sa ina. His eyes widened. Tumingin siya kay Charlene na ngayon ay nakakunot-noo nang nakatingin sa kanya.
"Kaya nga po, mama. Bigla niyang binuksan ang door kaya nagulat kami ni Chance. We ran away because we got scared." Segunda ni Chase.
Napaawang ang mga labi niya. Hindi niya akalaing sasabihin iyon ng kambal. Well, totoo naman ang sinabi ng mga ito. Talaga namang sinadya niyang gulatin ang dalawa.
Hindi naman niya naisip na tatakbo ang mga ito at madadapa. He just wanted to make fun of them.
Vince cleared his throat. "I'm sorry, Chance, Chase. I was just trying to make fun of you because you were peeping on me behind the door. I didn't mean to scare you both." Hingi niya ng paumanhin. Nagkatinginan ang kambal. Tila pinag-iisipan kung tatanggapin ang sorry niya.
"'Yon naman pala, sweethearts. Hindi naman pala sinasadya ni tito Vince. Next time, don't just go and run away like that baka madapa na naman kayo." Pangaral nito sa kambal.
"Opo, mama." Magkapanabay na tugon ng kambal. Kitang-kita ang respeto ng kambal kay Charlene bilang ina at aaminin niyang humanga siya rito sa aspetong iyon. Kahit saglit pa lamang niyang nakakasama ang mga ito ay kitang-kita ang pagmamahal nito sa mga anak.
"Oh, sige na. Baba na muna, baby. Maglaro muna kayo ng kuya mo. I'll just finish what I'm cooking tapos kakain na tayo." Ani Charlene kapagkuwan saka akmang ibababa ang anak pero umayaw ito.
"Ayaw ko, mama."
Charlene heaved a sigh. "Anak, mama is still cooking. Paano magluluto si mama kapag ayaw mo namang bumaba? Ano ang kakainin natin?" Lihim na napailing si Vince. Mukhang mana sa ina si Chance. May itinatagong tigas ng ulo.
Then, he suddenly remembered something. May binili nga pala siya kanina para sa mga bata. Nakita niya iyon sa bayan at hindi niya napigilan ang sariling bumili.
"Chance, Chase, gusto niyo bang maglaro muna?" tumingin ang magkapatid pati na si Charlene sa gawi niya. Nasa anyo ng mga ito ang pagtataka.
"Ano po'ng laro?"
"Wait here." sagot niya saka dali-daling lumabas upang kunin sa kotse niya ang laruan. Nang makuha iyon ay bumalik siya sa loob.
"Wow! Basketball!" excited na tili ni Chase pagkakita sa bolang hawak niya. Inabot niya iyon sa bata.
"Let's go. I'm going to teach you how to play basketball." Yaya niya sa mga ito. Tuwang-tuwa namang inumpisahan nang laruin iyon ni Chase.
"Oh, ayan. Samahan mo ang tito Vince at kuya mo sa labas para maglaro kayo." medyo nagtaka si Vince sa sayang nakita sa mukha ni Charlene habang sinasabi iyon pero hindi na lamang niya pinagtuunan iyon ng pansin.
Bakit parang gustong-gusto yata ng dalaga na mapalapit siya sa mga bata? Hindi niya iyon inaasahan.
"But basketball is for boys, mama." Chance answered and pursed her lips. Vince chuckled.
"Who said so? Hindi mo ba alam na maraming babae ang naglalaro rin ng basketball, Chance?" hindi mapigilan ni Vince ang sarili. Ang gaan-gaan ng dibdib niya kapag ang mga bata ang kausap. Naroon ang kagustuhang mapasaya ang mga ito sa 'di niya malamang kadahilanan.
"Totoo ba 'yon, mama?" tanong nito sa ina na animo sinisigurado ang sinasabi niya.
"Yes, baby. Tama ang tito Vince mo. Hindi lang panlalaki ang basketball. You can play it too just like any other boys out there. Pero kung ayaw mo talaga, you can just cheer them on while playing. 'Di ba sabi mo, gusto mong maging cheer leader?" Nagliwanag ang mukha ni Chance.
"Sige po. Sasali na po ako sa laro." Napangiti si Vince sa narinig.
"Then, what are we waiting for? Let's go!" yaya niya sa kambal. Excited na bumaba si Chance mula sa ina. Maya-maya pa ay nasa labas na sila.
"Wala naman po tayong ring, tito Vince." Ani Chase kapakuwan. Ramdam niyang unti-unting nanunumbalik ang trato sa kanya ng dalawa habang tumatagal silang magkausap. Akala niya ay lalo siyang lalayuan ng mga ito pagkatapos ng nangyari kanina pero hindi. Naging daan pa iyon upang kausapin siya ulit ng mga ito.
"Kaya nga po. Paano po tayo maglalaro?" saglit na nag-isip si Vince saka iginala ang paningin. Maya-maya pa ay may nakita siyang timba malapit sa may outdoor faucet. Nilapitan niya iyon at sinipat. May lupa iyong laman at mukhang hindi na nagagamit. Nagka-idea siyang butasan iyon upang gawing ring.
Ganun nga ang ginawa niya. Itinapon ang laman niyon saka siya kumuha ng lagari at nilagari 'yon. Nang mabutasan ay ipinako iyon sa may puno ng mangga saka sila nag-umpisa nang maglaro.
Tuwang-tuwa ang kambal habang naglalaro sila. Siya man ay hindi mapigilan ang sariling mag-enjoy. Tinurun niya ang dalawa kung paano ang tamang pag-shoot at pag-dribble.
"Bakit hindi kayo marunong mag-basketball? Hindi ba kayo tinuruan ng papa niyo?" hindi niya maiwasang tanungin kapagkuwan. Muntik na siyang mapangiwi nang banggitin ang salitang 'papa niyo'.
"Papa Gavril doesn't play basketball with us." natigilan si Vince pagkarinig sa pangalan ng lalaki. He gritted his teeth. Ayaw na ayaw talaga niya ang pangalan na 'yon. Tsk!
"Eh, ano ang nilalaro niyo kapag nandito siya?" nagkatinginan ang kambal.
"Papa Gavril doesn't have much time to play with us outdoors. Ipinapasyal niya lang po kami kapag nandito siya." Sagot ni Chase.
"Hindi ba siya madalas dumalaw dito?"
Umiling ang dalawa. "Hindi po. Mama said, he has business in Manila kaya po hindi siya nakakadalaw madalas." Si Chance. Nakita ni Vince na naging malungkot ang mukha ng kambal.
"Nami-miss niyo na ang papa niyo?" hindi niya napigilang itanong. Ang pamilyar na pait sa dibdib ay bumangon.
"Sino po'ng papa? Si papa Gavril o ang totoo naming papa?" natigilan si Vicente at tila hindi agad nakuha ang ibig sabihin ng kambal.
Kinailangan pa niya ng ilang segundo upang maproseso sa utak ang narinig. Akma niyang ibubuka ang bibig upang tanungin ang ibig sabihin ng mga ito nang biglang dumating si Charlene.
"Ano'ng ginawa niyo? Bakit niyo sinira 'yong bucket? Kay tatay Larry 'yan at may laman 'yan na binhi!" nakapamaywang na sita nito. Ang mga mata ay sa kanya nakatutok.
"It's not us, mama. It's tito Vince!" turo naman agad ng kambal. Damn! Hindi niya napansin iyon. Akala naman niya kasi ay hindi na ginagamit iyon. Dahil sa gusto niyang kunin ulit ang loob ng kambal ay nagawa iyon. Bakit ba kasi hindi siya nagtanong?
Vicente cleared his throat saka napatingin sa kambal. Nakangisi ang mga ito na tila tuwang-tuwa sa nangyari.
"Akala ko hindi na nagagamit kaya ginawa ko nang ring." Sagot niya.
"Naku, sayang naman ang mga binhi. Saan mo inilagay?"
"Don't bother. Itinapon ko na." Charlene's eyebrows furrowed.
"Ano? Bakit mo tinapon?" tila hindi nagustuhan ni Vince ang tono nito.
"Para wala nang gulo, papalitan ko na lang." Malamig niyang sabi.
"It's not that. Kay tatay Larry 'yon. You should've informed me bago mo ginalaw. Naipangako kong itatanim ko iyon dito sa garden." Vicente couldn't help but to grit his teeth.
Akma niyang sasagutin ang dalaga nang mapansin ang kambal na nakatingin pa rin sa kanya. Tila nawala ang iritasyon niya.
"Okay, it's my fault. Happy?" sagot niya saka naglakad na papasok ng bahay. Hindi niya alam kung bakit iritado siya. Maliit na bagay lang iyon at kasalanan naman niya pero parang ayaw niyang tanggapin iyon.
Kumain silang magkakasabay nang gabing iyon. Pareho silang tahimik ng dalaga habang ang mga bata naman ay maraming mga kwento. Tuwang-tuwa ang mga ito sa paglalaro nila ng hapong iyon at ibinida sa ina ang mga itinuro niya.
Pagkatapos ng hapunan ay tahimik siyang naghugas ng mga pinagkainan nila. Ayaw sana siyang paghugasin ni Charlene pero kusa na niyang ginawa.
Nang matapos ay lumabas siya at nagpunta sa pinakamalapit na bar. Gusto niyang uminom at pakalmahin ang sarili.
Parang nais niyang matawa sa mga ginagawa niya. Ano ba talaga ang gusto niya bakit siya nasa bahay ni Charlene? Bakit kailangan niyang tumira doon samantalang may vacation house naman siya sa Tagaytay? Maraming tanong ang gumugulo sa kanya at gusto niyang mawala ang mga iyon.
Nang maramdaman na umiipekto na ang alak sa kanya ay nagdesisyon na siyang bumalik sa bahay ng dalaga.
Iniisip niyang sa porch na lang magpapalipas ng gabi dahil siguradong nakalock na ang pintuan ngunit nang sinubukan niyang buksan ang pinto ay nagulat siya dahil hindi iyon naka-lock. What the hell! Bakit hindi naka-lock? Gusto ba ng babaeng 'yon na pasukin ng mga magnanakaw ang bahay?!
Pumasok siya na nakakunot-noo. Madilim na sa loob ngunit may naririnig siyang ingay mula sa sala. Naglakad siya palapit doon. His steps came to a halt when he saw Charlene.
Mukhang nakatulugan na nito ang pinapanuod. Nakahiga ito sa couch. Napalunok siya nang mapansin na ang t-shirt nito ay bahagyang nalilis at kitang-kita ang maputi nitong tiyan. Bigla ay parang nawala ang epekto ng alak sa kanya. He suddenly felt thirsty and hot.
****
Mukhang lumalambot si Vince😂😂
What do you think of the story so far?
Ano kaya ang susunod na mangyayari?
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top