chapter 10
Hindi ako nag-update kahapon kasi i wasn't satisfied with the feedback. LOL. Anyway, next week na mag-uumpisa ang twice or thrice a week na update. Of course, nakadepende ito sa inyong reactions as my readers. :) HAPPY READING!
****
ABALA si Vicente sa pag-eempake ng mga gamit niya nang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Kababalik lang niya kanina mula sa Tagaytay pero aalis na naman siya. Kinailangan lamang niyang umuwi upang kumuha ng gamit.
"Pasok." Aniya na hindi man lang tinapunan ng tingin ang pinto. Patuloy lamang siya sa ginagawa. Halos patapos na siya. Narinig niya ang pagpasok ng kung sino sa loob.
"Bakit ka nag-eempake, kuya? Where are you going?" napatingin siya sa kapatid. Nakakunot-noo ito. Sa itsura nito ay halatang bagong gising pa lang ito. Mag-aalas dos na ng hapon. Hindi na bago sa kanya iyon.
Alam niyang napupuyat ito lagi sa pag-aaral lalo na at kumukuha ito ng medisina.
"Hindi ba nasabi ni lolo? Aalis muna ako pansamantala. Sa Tagaytay muna ako." sagot niya sa kapatid saka isinara na ang maleta niya.
"Wait. Did you just say Tagaytay?" medyo tumaas ang boses ni Venice.
"Oo. Bakit?" nakita niyang napatiim-bagang ang kapatid. Halatang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi.
"So, totoo nga ang nabalitaan ko kay kuya Wolf na madalas ka doon kasi nandoon si ate Charlene." Natigilan siya saglit sa narinig mula sa kapatid. Kahit kailan talaga ang kaibigan niyang iyon, masyadong madaldal!
"'Wag kang nakikinig sa chismosong 'yon." Tila balewalang tugon niya saka umupo sa gilid ng kama at kinuha ang hinubad niya kaninang t-shirt upang isuot ulit iyon.
"Tell me the truth, kuya. Totoo ba na pinupuntahan mo ang babaeng 'yon? Para saan pa?" rinig niya ang galit sa tinig ng kapatid. Alam niyang hanggang ngayon ay may galit pa rin ito kay Charlene at hindi niya ito masisisi.
Ito kasi ang nakasaksi kung paano halos masira ang buhay niya noon dahil sa mga nangyari sa kanila ng dalaga.
"I have plans and I don't want to disclose it to you. Hindi ako basta lang magbabakasyon doon. May gagawin ako."
"Sinabi ni lolo na gumaganti ka raw sa babaeng 'yon kaya kinuha mo ang rancho nila. Ngayong nasa'yo na ang property nila, tama na siguro 'yan. You don't need to approach her anymore total nakabawi ka na." tila sumakit bigla ang ulo niya. Nakabawi? Tila nais niyang matawa.
Wala pa siyang nababawi at upang makuha niya ang nais ay kailangang nasa tabi lamang niya si Charlie. Hindi man ito ang orihinal niyang plano ay alam niyang makakatulong ang pagtira niya sa rancho upang makuha ang gusto.
"V, I can handle myself."
Umiling ang kapatid. "Kilala kita, kuya. Alam kong galit ka sa kanya pero nakita ko kung paano mo siya sambahin noon. Halos halikan mo pati ang lupa na nilalakaran niya. Nagpakatanga ka at nagbulagbulagan kasi sobra mo siyang minahal. Halos nakalimutan mo nga ang sarili mo. Paano kung bumalik ang feelings mo sa kanya ngayong nagkikita ulit kayo? Tapos pupunta ka pa doon at lagi kayong magkakasama? Para saan pa? I don't get it!
"Ang sabi mo, gusto mong gumanti, pero hanggang kailan? Paano kung ikaw ang mapaikot niya ulit sa palad niya? Makamandag ang babeng 'yon. Tandaan mo'ng siya ang dahilan kaya halos mabaliw ka noon. Nasira lahat ng pangarap mo dahil sa kanya!" Vince gritted his teeth as he remembered all the sufferings that he'd been through.
Ayaw niyang maalala ulit iyon sa ngayon dahil mas lalong lumiliyab ang galit niya sa dibdib. Baka makaapekto iyon sa mga pinaplano niya. Naisip niyang kailangang matuto siyang itago ang tunay na nararamdaman upang magtagumpay.
"You don't need to remind me about it, V. Alam ko ang ginagawa ko." Napapailing na napabuntong-hininga na lang ang kapatid. Ilang segundo ring walang nagsalita sa pagitan nila.
"What about the company? Sabi ni lolo na nangako ka raw na hindi mo iyon pababayaan." Tanong nito kapagkuwan sa mahinang tinig.
"Don't worry. I already assigned a COO to do the job."
"Sino naman? Alam ba ito ni lolo?"
"Sinabi ko na at pumayag siya. Pansamantala lang naman. Buti nga may oras si Breaker para pansamantalang imanage ang ACG." Tila nagulat ito sa binanggit niyang pangalan.
"H-He's here? Kailan pa?" she asked, trying to be nonchalant about it. Palihim na lamang siyang napailing sa reaction nito.
"Last week lang." aniya saka tumayo na. Nilapitan ang kapatid saka tinapik sa balikat.
"Ikaw na muna ang bahala kay lolo. Monitor his meds, baka hindi na naman niya inumin." Bilin niya sa kapatid na tila may malalim nang iniisip. Bigla ay parang natutulala ito.
"Hey, V! Nakikinig ka ba?" nakakunot-noong kuha niya sa atensyon nito.
Napakurap ito ng ilang beses bago sumagot. "Y-Yes, kuya. Akong bahala." Biglang nagbago ang expression nito. Naging mataray. Namaywang pa ito. "Just promise me that you'll come back here just like the way you left kasi kung masisira na naman ng babaeng 'yon ang buhay mo, ako na ang makakalaban niya." May pagbabanta sa boses nito at alam niyang seryoso ito.
Napangiti siya. "I can handle myself. Pupunta ako doon para maningil at wala nang iba." Aniya saka hinagkan ang noo nito.
"Sana nga." Bulong nito pero umabot sa pandinig niya. Hindi na lamang siya nagkomento.
Maya-maya pa ay lumabas na siya ng bahay at bumiyahe pabalik ng Tagaytay. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya sa ngayon pero 'yon ang gusto niya. Marami siyang planong mangyari at gagawin niya lahat maisakatapuran lamang ang mga iyon.
NAKAKUNOT-NOO ang kambal habang nakatingin kay Vince na pumapasok sa loob ng bahay bitbit ang malaking maleta nito.
Kasalukuyang nasa sala silang mag-iina habang nakatingin sa may pintuan.
"Ano po ang ginagawa ni tito Vince dito sa bahay natin, mama?" puno ng pagkadisgustong tanong ni Chase sa ina.
Kauuwi lamang ni Charlene galing sa trabaho. Inanunsyo na niya sa mga tauhan sa rancho ang mga pagbabago at tuwang-tuwa ang mga ito dahil hindi na gagawing resort ang lugar. Hindi na rin mawawala ang trabaho ng mga ito.
"Kaya nga po, mama. I don't want him here!" Chance followed as she crossed her arms across her chest. Napabuntong-hininga naman si Charlene sa mga anak. Mukhang nawala na ang amor ng mga ito kay Vince pagkatapos ng nakita ng mga itong nangyari kahapon.
"Dito muna sa atin si tito Vince niyo, sweethearts. 'Di ba ipinaliwanag ko na 'yon kaninang umaga sa inyo bago kayo pumasok sa school?" Oo, sinabi na niya sa mga ito ang kasunduan nila ng binata para hindi magulat ang mga anak pag nakita si Vince sa bahay nila.
Kahit naman ayaw niya sanang pirmahan ang dokumento ay wala siyang magagawa. Vince has the upper hand at kayang-kaya nitong baguhin anumang oras ang isipan at malala sa kanya ang rancho. 'Yon ang pinakaayaw niyang mangyari.
Pero ngayong may kasunduan na sila at nagkapirmahan na ay hindi na nito basta-basta gagalawin ang rancho. Lahat ng desisyon mula ngayon tungkol sa rancho ay dapat may approval silang dalawa.
Kasama iyon sa kasunduan nila basta ibigay niya lang lahat ng hinihingi nito. Alam niyang hindi pa doon nagtatapos ang hihingiin nitong kapalit sa kanya at nananalangin siya na kaya niyang ibigay ang mga iyon rito.
"Pero may bahay naman siya sa Manila, 'di po ba, mama? Bakit siya lilipat dito sa atin?"
"Chase anak, hindi ko muna masasagot ang tanong mo kasi komplikado pa ang lahat. Basta sundin niyo ang bilin ni mama, ha? Treat him like how you used to treat him before while he's here with us."
Lalo namang humaba ang nguso ng mga anak sa sinabi niya. Halatang ayaw ng mga ito ang sinabi niya. "I'll try, mama." Si Chance na nakasimangot.
"Me too, mama." Segunda ni Chase sa parehong tinig. Maya-maya pa ay nasa harap na nila ang binata.
Ngumiti ito sa kambal. "Hello, Chase, Chance. How are you?" parang nakikipagkaibigan ang tono ng lalaki at muntik na siyang magtaas ng kilay. Iba talaga ito kapag ang mga bata ang kaharap samantalang kapag siya kulang na lang ay sigaw-sigawan siya sa mga insultong natatanggap niya rito.
Imbes na sumagot ang mga bata ay nagulat siya sa biglang inakto ng mga ito. Bumaba ang dalawa mula sa pagkakaupo sa couch saka tumingala kay Vince.
"We don't like you here! You're a bad guy!" nanlaki ang mga mata ni Charlene.
"You're not our tito Vince anymore!" sumunod na sigaw ni Chance saka tumakbo ang mga ito papanhik sa taas.
Hindi sila agad nakahuma ng binata.
"S-Sorry about that. Kakausapin ko sila." Hingi ng paumanhin ni Charlene at akmang susundan ang mga anak sa taas nang magsalita si Vince.
"Bakit ganun? Did you and that Gavril said anything against me to them kaya galit sila sa'kin?" may bakas ng panghuhusga sa tinig nito at hindi niya nagustuhan iyon.
"Excuse me, Mr. Aragon. Hindi kami ganun kababaw na tao. Kung galit man ang mga bata sa'yo ay dahil nakita nila ang inasal mo kahapon. They saw you hit Gavril. Ano sa tingin mo ang mararamdaman nila pagkatapos niyon, matutuwa? I don't think so." Hindi maitago ang inis na aniya. Ayaw na niya sanang magtalo pa sila pero inaakusahan siya nito ng kung ano at ayaw niya iyon.
He raked his fingers through his hair in frustration. "Tell me, magkakaproblema ba tayo sa pagtira ko muna dito pansamantala?" he asked callously.
Napahugot ng hangin sa baga si Charlene nang makita ang expression sa mukha ng lalaki. Hindi niya mawari kung nagbabanta ba ito o ano. Basta ang alam niya ay frustrated ito sa pinakita rito ng mga anak.
"No. Wala tayong magiging problema. Titira ka lang naman dito pansamantala 'di ba? Ituturo ko sa'yo lahat ng dapat mong malaman tungkol sa negosyo at pagkatapos niyon ay aalis ka rin. Pansamantala lang ito kaya walang magiging problema. Don't worry, kakausapin ko ang mga bata."
He scoffed. "Let's see about that." Narinig niyang sagot nito pero hindi siya sigurado kung iyon ba talaga ang sinabi nito.
"What did you say?"
"Wala. Sabi ko, mabuti naman." Sagot nito saka umupo sa couch. "Follow the kids. Pwede mo na akong iwan dito."
Dahan-dahan siyang tumango saka naglakad papunta sa hagdanan. Nasa kalagitnaan na siya ng pag-akyat nang may maalala.
"Diyan pala sa nag-iisang kwarto diyan sa baba ang magiging kwarto mo." aniya saka itinuro ang direksyon niyon. Malapit lamang iyon sa sala. 'Yon ang kwarto ng kanyang abuelo bago ito pumanaw.
Madalas kasing sumakit ang tuhod nito at hindi na kayang pumanhik pa sa taas kaya minabuti na lamang nilang doon ito mag-kwarto.
Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at tuluyan nang umakyat. Dumiretso siya sa kwarto ng mga anak. May sariling kwarto ang mga ito pero sa kwarto naman niya palaging natutulog ang mga ito. Ayaw matulog na hindi siya katabi.
Naabutan niya ang mga itong nasa carpeted na sahig, nilalaro ng mga ito ang mga iba't-ibang laruan na nagkalat doon.
"Sweethearts, let's talk." Seryoso niyang turan sa mga ito saka naupo sa kama. Tumingin ang mga anak sa kanya at tumigil sa ginagawa.
"Bakit ganun ang sinabi niyo kay tito Vince niyo? You were rude. Alam niyong hindi maganda ang ganun. Bisita natin siya dito sa bahay kaya kailangang maging mabuti tayong host." She rebuked gently.
"Pero he's a bad guy, mama. Nakita ko na sinuntok niya si papa Gavril. Ayaw ko na sa kanya!" napabuntong-hininga siya. Lumalabas na naman ang pagka-stubborn ng kambal. Mga bata pa ang mga anak pero alam nang manindigan lalo na kung alam nilang tama sila.
Wala rin naman siyang pwedeng idahilan sa ginawang pananakit ni Vince kay Gavril kasi nakita ng mga ito ang nangyari.
"Come here. Sit with mama." Aniya saka tinapik ang espasyo sa tabi niya. Nagkatinginan ang mga anak bago sumunod. Tahimik na naupo ang mga ito sa tabi niya.
"Look at mama." Sabi niya sa hinawakan ang mga kamay ng mga ito.
"'Di ba lagi kong sinasabi na 'wag magtanim ng galit kasi hindi maganda iyon? May hindi lang pinagkaunawaan ang papa Gavril at tito Vince niyo kahapon kaya ganun pero he's not a bad guy. Can't you give him another chance?" pakiusap niya sa mga ito.
Kung sana ay ibang tao lamang si Vince pero hindi. Ama ito ng kanyang mga anak at hindi niya hahayaang masira ang tingin ng mga ito sa ama. Gustong-gusto na niyang sabihin sa mga ito ang totoo pero nag-aalangan siya.
Gusto muna niyang makita kung handa ba ang binata sa responsibilidad at kung mapapanindigan ba nito ang mga anak kung sakaling may girlfriend o asawa na nga ito. Ayaw niyang isugal ang damdamin ng mga anak.
Ayaw niyang umasa ang mga ito sa wala at masasaktan dahil higit ang sakit no'n para sa kanya bilang ina ng mga ito.
Gusto niyang makasiguro na kaya nitong mahalin ang kambal kahit ano pang mangyari sa kanilang dalawa pagkatapos ng kasunduan nilang ito.
"But he didn't have to hit papa Gavril." Rason ni Chase.
"Kaya nga mama. I saw blood on his lips because that guy hit him." that guy...
"Anak, don't call him that. Tawagin niyo siyang tito Vince kasi hindi maganda na tinatawag niyo siyang ganun. It's rude. May pangalan siya." Nagkatinginan ulit ang dalawa, animo nag-uusap ang mga mata.
"Pansamantala lang naman siyang titira dito. Pagkatapos no'n, everything will go back to normal. Magiging okay na rin ang lahat pagkatapos."
"At pwede na rin po naming makita ang totoong papa namin after that, mama?" umaasang tanong ni Chance kapakuwan. Natahimik saglit si Charlene. Hindi niya inaasahang tatanungin nito iyon.
Pilit siyang ngumiti saka hinaplos ang pisngi ng anak. "Yes, sweetheart, kaya be a good girl para mangyari iyon." Sa wakas ay tumango ito saka ngumiti.
"Yes! Makikita na rin natin ang tunay na papa natin, kuya!" excited nitong turan sa kapatid. She even giggled.
"Yehey!" nag-fist bump pa ang magkapatid. Napapangiti at napapailing na lamang siya habang pinagmamasdan ang dalawa.
"So, we're good na? Magiging mabait na kayo kay tito Vince niyo?"
"Hmmm..." tila nag-iisip pa si Chance habang ang hintuturo ay nakadikit sa gilid ng ulo.
"I'll try, mama." Sagot naman ni Chase.
"Me too, mama. Kapag mabait siya, magiging mabait din kami." Ani Chance saka bumungisngis na animo may iniisip na kalokohan.
Charlene squeezed her childrens' cute noses gently. "Kayo talaga. Hug niyo nga si mama, dali!" tuwang-tuwa naman ang kambal na sumunod at binigyan siya ng masarap na yakap.
Talagang mababago na simula ngayon ang buhay nilang mag-iina. Sino baa ng mag-aakalang pwedeng mangyari ang mga nangyayari ngayon?
Akala talaga niya ay hinding-hindi na sila magkikita pa ng binata pagkatapos ng nakaraan nila pero heto sila ngayon, nasa iisang bubong kasama ang kanilang mga anak. Sana lang ay aayon sa kanya ang tadhana at magiging maayos na ang lahat sa pagitan nila.
****
Naku! Ano kaya ang mga susunod na kaganapan?
Sino kaya ang unang bibigay? Sino ang unang masasaktan o kaya aamin ng feelings?
Babalik pa kaya ulit ang dating amor ng kambal kay Vince?
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top