chapter 1

A/N: Hi guys! Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Please don't forget to recommend this story :) 

"THE SMILE on your face, let's me know that you need me. There's a truth in your eyes, saying you'll never leave me..." kumakanta si Charlene habang abala sa pagdidilig ng mga halaman sa hardin ng kanyang bahay.

"Ayan. Dapat marami kayong tubig kasi tag-init na. 'Wag kayong mamamatay, ha?" kausap niya sa mga bulaklak. Ang gaganda na ng mga iyon at sayang naman kung malalanta agad dahil sa init ng panahon. Kaya naman ay nagtiyatiyaga siya araw-araw na gumising ng mas maaga bago pumasok sa trabaho upang madiligan ang mga iyon.

Napatingin siya sa kabuoan ng kanyang hardin. Malawak rin iyon at napakaganda dahil sa mga bulaklak at mga halaman. Iba't-ibang klaseng mga halaman ang mga nakatanim roon at ang iba ay binili pa niya sa ibang bansa.

Sa bandang likod naman ng bahay ay may mga nakatanim na fruits trees at gulay. Oo, medyo matakaw sa oras ang mga iyon sa alaga pero kinakaya niyang isabay sa trabaho at ibang gawain niya. Lalo na at wala naman siyang katulong.

Maraming pumupuri sa kanyang hardin dahil sa ganda niyon. Well, paanong hindi maganda ay kumuha siya noon ng professional landscaper at gardener upang maging maganda ang kalalabasan niyon.

Nang matapos siyang magdilig ay aalis na sana siya nang mapatingin siya sa mga kulay pulang rosas Hugis puso ang pagkakatanim ng mga iyon kaya naman nang mamukadkad ang mga bulaklak ay hugis puso rin ang pag-kakaayos. Sinadya niyang puro pulang rosas ang mga nakatanim doon sa bandang iyon.

Ewan ba niya kung bakit. Siguro ay dahil may naaalala siya 'pag nakakakita ng mga pulang rosas; malungkot na alaala.

Mapait siyang nguiti nang may imahe ng isang particular na tao ang nagpakita sa isipan. Napabuntong-hininga siya at pilit na lamang niyang isinantabi ang ala-alang iyon.

"Tama na muna ang dilig sa inyo sa ngayon. Bukas ulit, ha?" aniya saka hinaplos ang isang pulang-pulang rosas.

"Hay naku. Kinakausap mo na naman ang mga halaman mo diyan na parang baliw." Muntik na siyang mapatalon sa gulat.

"Ano ka ba naman, kuya! 'Wag ka namang basta-basta sumusulpot!" sita niya sa kapatid niyang si Blade. Ito ang pangatlo sa kanilang magkakapatid.

Natawa ito saka siya inakbayan. Nakapasok na pala ito sa loob ng compound kasi naiwan niyang bukas ang gate. "Kanina pa ako dito. Natatawa nga ako sa'yo kasi para kang timang na nagsasalita mag-isa. I even took a video of you actually."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ano'ng video ko diyan? Patingin!"

Pinidot nito ang cellphone saka ipinakita sa kanya ang kuha nitong video. "Oh, ayan. Panoorin mo ang sarili mo. Buti ako lang ang nakakita sa'yo kundi baka pagkamalhan ka pang baliw diyan." Akma niyang aagawin ang cellphone ng kuya niya upang i-delete ang video ngunit agad nito iyong naiiwas. Ang bilis lang talaga ng kumag.

Napasimangot siya. "I-delete mo 'yan!"

Tawa lang ito ng tawa. "Sorry, bunso, but no. Syempre, ipapakita ko pa ito kina kuya Jax at kuya Axel." inirapan niya ito saka pinagsalikop ang mga braso.

"Kainis ka talaga. Pumunta ka lang ba dito para mang-asar?"

He chuckled amusedly. "Ikaw naman, bunso. Pikon ka agad."

Charlene rolled her eyes and then sighed. "Then, what are you doing here this early in the morning? Sana nagpasabi ka na pupunta ka dito para nagluto ako ng mas marami."

"Don't bother. Tapos na akong mag-breakfast. May gusto lang akong sabihin sa'yo tsaka gusto ko ring dalawin 'yong dalawang makukulit."

"Oh, sige. Doon na lang tayo sa loob mag-usap. Kailangan ko na ring gisingin ang mga bata." Pumasok na sila sa loob ng bahay.

"Maupo ka muna diyan sa sala, kuya. Aakyatin ko muna 'yong dalawa." paalam ng dalaga sa kapatid.

"Sige lang. take your time, bunso." Akma siyang maglalakad papunta sa hagdanan nang may marinig siyang tili mula sa itaas. Nakatunghay ito mula sa top landing.

"Tito ninong!" ang kanyang panganay na si Chase. He looked so excited seeing his uncle. Tumakbo ito pababa. Bigla siyang kinabahan.

"Anak, dahan-dahan lang. Baka malaglag ka!" naaalarmang sita ni Charlene. Akma siyang aakyat upang alalayan ito pero mabilis na nakababa na ito.

"You're such a worrywart, mama. Look, I'm fine. I'm a big boy na so you don't have to get worry too much."

She gently squeezed his cute little nose. "Ikaw talaga. Pinag-alala mo ako. Pa'no kung nahulog ka? Basta, no running on the stairs again, okay? Magagalit si mama kapag nakita pa kitang tumatakbo sa hagdan." Paalala niya sa anak.

"Tama ang mama mo, Chase." Sabad naman ng kuya niya.

"Sorry po, mama. Hindi na po mauulit." Napangiti si Charlene at hinagkan sa pisngi ang anak.

"Forgiven, sweetie. Just don't do it again. Siyanga pala, saan na ang kapatid mo? Bakit hindi pa bumababa?"

"Ayaw niyang bumangon, mama."

Napabuntong-hininga siya. "Sige. Aakyatin ko lang ang kapatid mo tapos kain na tayo. Diyan ka muna kay tito ninong." Tumango ang anak. Nasa hagdan na siya nang marinig niya ang boses ng kuya.

"Look, kiddo. May pasalubong ako sa'yo."

"Talaga po?!" napailing na lamang si Charlene. Spoiler talaga ang kuya niya kahit kailan. Pagdating sa mga anak niya, lagi nitong ibinibigay ang hiling ng mga ito. Siguradong umungot na naman ng kung ano'ng laruan ang mga anak.

Palibhasa, binata pa ito at kasalukuyang walang girlfriend.

Umakyat na siya sa taas at nagtungo sa kwarto ng mga anak. As usual, nakahiga pa rin ang pangalawang anak niya. Gising na pero naghihintay lang ng lambing.

"Good morning, baby. Ba't hindi ka pa bumabangon? Nasa baba na ang kuya Chase mo. Dumating nga pala si Tito Blade mo. May pasalubong sa inyo."

Instead of getting excited, she pouted. "I don't want to go to school, mama."

"Naku, hindi pwede, anak. Alam mo naman na hindi maganda ang nag-aabsent na wala namang dahilan, 'di ba?" lalong humaba ang nguso nito.

Napabuntong-hininga siya saka umupo sa tabi ng anak.

"Sige, ganito na lang. Maaga akong uuwi mamaya tapos mamasyal tayo." Nagliwanag ang mukha ng bunso niya.

"Talaga, mama?" excited itong bumangon.

"Oo naman. Pero symepre, kailangang pumasok ka sa school."

She nodded her head vigorously. "Yes, mama. Papasok ako!" napapangiti siyang hinagkan ang noo ng anak.

"Good girl. C'mon, get up na. Go to the washroom and wash your face." dall-daling sumunod ang anak.

Ganun ang anak niyang babae. Laging naghahanap ng lambing at atensyon niya. Sometimes, she's guilty as well. Masyadong siyang abala sa negosyo niya na hindi niya nabibigyan masyado ng atensyon ang mga anak.

Minsan lamang niya maipasyal ang mga ito kaya ayon, nagtatampo.

"Let's go down na, mama. Tapos na po ako. Gusto ko nang makita ang pasalubong ni tito ninong."

Natawa si Charlene sa sinabi ng anak. "'Yong pasalubong lang ni tito ninong ang gusto mong makita?"

"Syempre, si tito ninong din. Na-miss ko siya, eh."

Charlene chuckled and squeezed her daughter's nose. "Ikaw talaga. Sige, baba na tayo." Hinawakan niya ang kamay ng anak at akmang maglalakad nang hindi ito sumunod. Instead, she raised her hands for her.

"Mama, up." Napailing na lang siya. Nagpapa-baby na naman ang bunso niya. Binuhat niya ito.

"Big girl ka na, 'di ba, baby? Bakit nagpapabuhat ka pa kay mama?"

"Baby pa ako, mama. 5 ko pa lang, eh." Napapailing na lang siya na natatawa. "Ikaw talaga." Her daughter grinned mischievously.

Nang makarating sila sa baba, masayang sinalubong ng anak ang kuya Blade niya. Ibinigay rin ng huli ang pasalubong nito. Tig-isa pala ang magkapatid ng Nintendo switch.

"Thank you, tito ninong! You're the best!" rinig niyang masayang sagot ng anak habang naghahain siya ng breakfast nilang mag-iina.

"You're welcome, baby girl. Basta, play it with moderation, okay?"

"Opo!" magkapanabay na sagot ng mga ito pagkatapos ay excited nang sinimulan ang paglalaro habang tinuturuan naman ng kuya niya.

"Tama na 'yan. Kain na muna, Chance, Chase. Baka ma-late kayo sa school." Tawag niya sa mga bata. "Halika na rin, kuya."

"Busog pa ako, bunso. Sige, kain na kayo. Hintayin ko na lang kayo dito sa sala." sagot nito at bumalik sa kinauupuan. Maya-maya ay kumakain na silang mag-iina.

"Kuya, ipapasyal daw tayo ni mama mamaya after ng work niya." Si Chance, ang anak niyang babae.

Nagliwanag naman ang mukha ng anak niyang lalaki na si Chase. "Really, mama?"

"Oo. Uuwi ng maaga si mama mamaya. Saan niyo ba gustong mamasyal?"

Nagkatinginan ang kambal bago sumagot. "Kahit saan, mama, basta kasama ka namin."

"Naku, ang sweet naman ng mga anak ko." Matamis na ngumiti ang mga ito. Magana ang mga itong kumain at halatang masaya sa pangako niyang ipapasyal niya ang mga ito.

Matapos kumain ay inalalayan niya ang mga ito sa paliligo at pagbibihis. Nang matapos ay saka ang sarili naman ang inasikaso.

Araw-araw ay ganun ang routine nila pwera na lang sa weekend. Hindi siya pumapasok sa opinsina ng weekends para mabigyan naman niya ng oras ang mga bata pero minsan ay dinadala niya sa bahay ang trabaho kaya imbes na mamasyal sila ay hindi na.

Halfday lang ang mga ito sa eskwelahan kaya naman ay may kinuha siyang yaya ng mga ito upang magsundo sa school at makasama sa hapon hanggang sa makauwi siya. Pero hindi ito stay in.

"Pasensya na, kuya. Okay lang ba sa'yo kung ihatid ko muna ang mga bata sa school?" tanong niya nang sa wakas ay matapos rin sa mga ginagawa.

Ngumiti ang kuya niya. "Busy'ng-busy ka talaga, ah. Sige, hihintayin na lang kita. Manonood na lang muna ako ng TV."

"Sige, kuya. Babalik na lang ako dito bago ako pumasok sa opisina." Tumango ito. Nagpaalam ang mga bata sa kuya niya bago sila umalis.

Malapit lang naman ang pinapasukang eskwelahan ng mga anak. Nasa 8 minuto lang pag nag-kotse.

"Behave kayo, ha? Makikinig lagi kay teacher." Paalala niya sa mga anak nang nasa gate na sila ng school.

"Opo, mama." They answered in unison. Humalik ang mga ito sa magkabilang pisngi niya bago pumasok.

Pagkatapos niyang ihatid ang mga bata ay dali-dali siyang umuwi.

"Ano ba ang gusto mo'ng sabihin, kuya? Importante ba 'yan at bumiyahe ka pa talaga?" nakatira ang kuya niya sa bahay nila sa Maynila kasama ang mga magulang at kuya Axel niya. Ang kuya Jax niya ay nakabukod na dahil may asawa na.

"Importante, bunso, kaya nga pinuntahan ko pa kayo dito sa tagaytay." Bumuntong-hininga ito. "May sakit si papa at magre-retire na siya bilang CEO ng Azarian Enterprises sa susunod na buwan. Sympre, si kuya Axel ang papalit kasi alam mo naman si kuya Jax, mas gusto niyang pamahalaan ang hospital niya.

"A-Ano ang sakit ni papa?" sumikip ang dibdib niya sa narinig.

"Matanda na ang papa kaya marami na siyang nararamdaman. Nao-over fatigue na rin siya dahil sa dami ng trabaho niya sa opisina. Na-mild stroke siya last week. Nasa ospital pa rin siya hanggang ngayon."

Napatayo siya. "Bakit hindi niyo sinabi sa akin agad?!" hindi niya maiwasang hindi magtaas ng boses.

"Ayaw nila mama at papa na ipaalam sa'yo." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata saka mapaklang ngumiti.

"Pati ba naman sa mga ganitong pagkakataon ay ayaw pa rin nila akong makita? Ilang taon na ang nakakaraan pero hindi pa rin sila makalimot. Ganun na ba ako kasama sa paningin nila? Anim na taon na, kuya!" tuluyan na siyang naiyak.

Niyakap naman siya ng kapatid. Oo, matagal na siyang hindi nakatira sa mga magulang dahil itinakwil siya ng mga ito anim na taon na ang nakakalipas.

Wala siyang nagawa kundi ang humingi ng tulong sa kanyang lolo na noon ay buhay pa. Pinatira siya nito sa bahay nito sa tagaytay at tinulungang matapos ang pag-aaral. Nang mawala ang lolo niya ay siya na ang namahala sa iniwan nitong rancho at farm.

Malawak iyon at maraming mga tauhan. Mabuti na lamang at tinuruan siya nito kung paano pamahalaan iyon.

Hindi niya maiwasang maiyak nang maalala ang mga nangyari noon. Hanggang ngayon ay hindi pa siya napapatawad ng mga magulang, lalo na ang ama.

Magiliw ang mga ito sa kambal pero kapag hinihiram ng mga ito ang mga bata ay ang mga kuya niya ang nagsasabi sa kanya. Kapag sinusundo niya ang mga anak mula sa bahay nila ay hindi siya kinakausap ng ama niya. Ang ina naman niya ay malamig ang pakikitungo.

"'Wag ka nang umiyak, bunso. Mapapatawad ka rin nila. Kaya ako pumunta dito para ipaalam sayo ang kalagayan ng papa pero no need to worry. Sabi naman ng doctor na magiging okay rin siya. He's getting better. Buti nga mild stroke lang ang nangyari."

Kumalas siya sa yakap ng kapatid. "Dadalawin namin siya mamayang hapon pagkauwi ng mga bata." desididong aniya.

Akmang magsasalita ang kapatid nang inunahan niya ito. "'Wag ka nang kumontro, kuya. Pupuntahan ko si papa sa ayaw at sa gusto niyo. "

Bumuntong-hininga ang kapatid. "I'm not saying no, bunso. Nag-aalala lang ako na baka lalong mapasama ang lagay ni papa kapag nakita ka. Alam mo naman 'yon."

"No. pupunta kami. Kung kinakailangang hindi ako magpakita, then so be it. Gusto ko lang siyang makita." Her brother stared at her worriedly but then nodded afterwards.

"Sige. Sabay-sabay na tayong mag-biyahe mamaya kung ganun." Tumango siya.

Pumasok siya saglit sa opisina pagkatpos niyon dahil maraming trabaho ang kailangan niyang tapusin sa araw na iyon. Pagsapit ng tanghali ay nagpasya siyang iuwi ang mga hindi niya natapos na paperworks.

Pagdating niya sa bahay ay naroon na ang mga anak. Syempre, sobrang na-disappoint ang mga ito nang sabihin niyang hindi na sila matutuloy na mamasyal. Ngunit pagkatapos niyang ipaliwanag ang dahilan ay naintindihan naman ng mga ito.

NAPALUHA si Charlene nang makita ang kalagayan ng ama. Natutulog ito kaya naman pumasok siya sa inookopa nitong kwarto sa ospital.

"Mama, is lolo going to be alright?" tanong ni Chance. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng anak.

"Sympre naman, anak." sagot niya saka pinahid ang mga luha.

"Then why are you crying, mama?" nakakunot-noo namang ani Chase. Hinaplos niya ang mga pisngi ng mga anak.

"Okay lang si mama. Na-miss ko lang ang lolo niyo." Tumango ang mga ito.

"Doon muna kami ng mga bata sa labas, bunso." Paalam ng kuya Blade niya kapagkuwan. Tumango siya.

Nang makalabas ang mga ito ay naupo siya sa katabing upuan ng higaan ng ama. Matanda na ang papa niya at ang hiling niya ay sana mapatawad na siya ng mga ito. Mahal na mahal niya ang mga magulang. Alam niyang kaya galit ang mga ito ay dahil sa sobrang disappointment sa kanya. Kasama na rin siguro ang tampo.

Alam naman niyang mahal siya ng mga magulang pero nasaktan niya ang mga ito.

"I'm sorry, papa. Sana mapatawad niyo na po ako. Mahal na mahal kita, kayo ni mama." Bulong niya saka kinuha ang kamay ng ama at hinagkan iyon.

"A-Ano'ng ginagawa mo dito?" nagulat pa siya nang biglang magsalita ang ama. Halatang mahina pa ito base sa boses. Akala niya ay tulog ito.

"Are you okay, papa? Wala bang masakit sa'yo?" Akma siyang tatayo nang pigilan siya ng ama sa kamay.

"Don't. Gusto kitang makausap." Napakahina ng boses nito.

Nagulat si Charlene. That was the first time na kinausap siya nito. Akala niya kanina ay palalabasin siya nito pero hindi.

"T-Tungkol saan po, papa?"

"Tungkol sa rancho."

Bigla siyang kinabahan. "Bakit po? Ano po ang tungkol sa rancho?" mataman siyang tinitigan ng ama. Bumuka ang bibig nito upang magsalita ngunit bigla itong naubo.

"Are you okay, papa? Tawagin ko lang ang doctor." Akma niyang pipindutin ang emergency button nang magsalita ito.

"I said no! I'm fine. Just listen to me, Charlie." Natahimik siya nang biglang lumakas ang boses ng ama. Tinawag rin siya nito sa palayaw niya. Bigla siyang natuwa. It has been years since she last heard him call her that.

Naupo ulit siya. "Sige po."

He drew a deep breath. "Makinig ka. Mukhang mawawala ang rancho sa'yo." Nanlaki ang mga mata niya.

"What?! How come? Lolo gave that ranch to me. Nasa pangalan ko 'yon."

Napapikit ang ama saglit bago sumagot. "Nakita ko ang matagal nang kalaban ng lolo mo sa negosyo na si Don Alejandro kasama ang apo nito last week. Kababalik lamang ng pamilya nila galing sa matagal na paninirahan sa Switzerland. May ipinakita ang apo niya sa aking kasulatan na nagsasaad ng naging kasunduan ng lolo nito at ng lolo mo noon."

Napakunot-noo siya. "Ano po'ng kasunduan iyon? Alam niyo po ba ang tungkol do'n?"

"Matagal na ang kasunduang iyon. Actually, it all started as a bet. Mga binata pa sila at mga mapupusok sa mga binibitawang salita. Naglaro sila ng polo noon at nagkaroon ng pustahan. Kung sino ang mananalo ay siyang magsasabi ng gusto nitong ipagawa sa matatalo. Nanalo si Don Alejandro."

"Ano po ang hiningi niya?"

Her father sighed again. Animo nahihirapan itong sabihin sa kanya ang nais. "Hiniling niyang ipakasal ng mga ito ang mga magiging anak nila balang araw. Don Alejandro asked for that because he knew that if the two families were joined together, mas magiging makapangyarihan sila. Pumayag ang lolo mo kasi nakita niyang makikinabang rin siya."

"Pero hindi natuloy ang kasunduang iyon dahil iba ang pinakasalan ko. Ang mama mo iyon. Naunawaan naman ako ng lolo mo at nakiusap na lang siya kay don Alejandro na bayaran na lamang ng pera ang naging kasunduan. Pumayag ang don ngunit bago pa man magkabayaran ay umalis ng bansa ang pamilya ni don Alejandro."

"Ang pagkakaalam ko, ipinadala ng lolo mo ang bayad pero walang confirmation kung natanggap ba nila iyon. Go to the bank and verify it kasi ngayong nagbalik na sila ay nais nilang kunin ang napag-usapan. Ayaw nila ng pera. Ang gusto nila ay ang property ng lolo mo. Ang sabi ni don Alejandro, kung siya lang ay hindi na niya kukunin iyon pero ang apo niya ang mapilit. Gusto raw nito ang property dahil papatayuan nito iyon ng resort."

Napasinghap ang dalaga sa narinig. Bigla ay nakaramdam siya ng takot. Napailing siya.

"No! This is not happening! That ranch is mine now! They can't just take it away from me just like that!" hindi niya maiwasang hindi tumaas ang boses.

"Then you should do something. I-verify mo kung hindi ba talaga nila natanggap ang pera na pinadala ng lolo mo noon." Tumango siya saka napakagat labi.

"Thank you for informing me about this, papa." Maluha-luhang aniya.

Tumango ito. "You don't have to thank me. That property is for Chase and Chance. Ayokong mapunta iyon sa iba."

There was a defeaning silence after that.

"Papa, hanggang ngayon po ba galit pa kayo sa'kin? Hindi niyo na ba talaga ako mapapatawad?" lakas loob niyang tanong kapagkuwan.

"Ayoko munang pag-usapan iyan, Charlie. Saka na lang kapag lumabas ako ng ospital." He answered dismissively.

Akma siyang sasagot nang bumukas ang pinto at pumasok ang ina kasama sina Chase, Chance at ang kuya Blade niya.

"Ma..." Sinalubong niya ito ng yakap.

"Saka mo na lang kausapin ang papa mo kapag magaling na siya." Anito saka siya nilampasan. Tinawag ng papa niya ang mga anak. Masaya namang bumati ang magkaptid sa abuelo.

"Everything will be alright, bunso." Bulong ng kuya Blade niya.

Pilit na ngumiti si Charlene. Mukhang kailangan pa niyang mag-effort ng mas bongga para tuluyan na siyang mapatawad ng mga magulang.

Nanlumo siya dahil hindi pa man niya natatapos ang problema sa pamilya ay mukhang may pagsubok na naman na darating sa buhay niya.

Ilang minuto rin niyang tahimik lamang na pinagmamasdan ang mga magulang na magiliw na kinakausap ang mga anak niya. Kahit papa'no ay masaya siya dahil mahal na mahal ng mga ito ang mga anak.

"Nasabi na ba sa'yo ni papa ang tungkol sa rancho?" tanong ng kuya niya. Katabi niya ito sa sofa.

Tumango siya at akmang magsasalita nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon nang makita kung sino.

"Hi, Gav. Napatawag ka."

"Bakit, ayaw mo na ba akong makausap?" umikot ang mga mata niya. Akma siyang tatayo upang lumabas nang lumapit si Chance.

"Mama, si papa Gavril po ba 'yan?" she asked expectantly. Tumango siya.

"Please let me talk to him, mama."

"Kausapin ka raw ni Chance." inbinigay niya sa bunso ang telepono. Maya-maya pa ay lumapit na rin si Chase at masayang nag-video call ang mga ito.

Thankfully, Gavril was always been there for them through the years.

****

Ano ang masasabi niyo sa chapter na 'to?

COMMENT

VOTE

SHARE

FOLLOW

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top