IV - Punishment

Hi guys. Hope you'll enjoy this chapter!!

Well bago ko i-end ang author's note, gusto ko magpasalamat sa isang onesan ko, si JaccelRoxas -chan. Thanks po dito sa cover na ginawa mo! Effort appreciated po. Thanks rin po sa pagsubaybay nitong story ko kahit medyo corny. Thanks po talaga. Dedicated ko po ito sa iyo!

CHAPTER FOUR

Arlene's POV

"Tumahimik ka nga! Kala mo kung sinong gwapo, pangit naman ang ugali!"

"Aba! Akala mo naman maganda ka? Tama ka! Akala mo lang yun!"

"Tse! Maganda po kaya ako! Kung hindi, ba't ka nakakatigtig sakin kanina?! Akala mo di ko nakita?!"

"A-aba! Nakatitig a-ako sayo ka-kasi! Ano! Ano! Ang pangit mo so-sobra! Oo! Ganun nga! Ang gaganda kaya ng mga kasama mo, ikaw lang pangit!"

Alam niyo ba kung sino ang mga yun? Well, alam kong alam niyo. Pero kung tanga kayo, sila Elaine at Justine yan! Oh diba? Sabi sa inyo world war 3. Mukhang maling ideya ang pagsamahin silang dalawa. -___-

"Oww. You're lying sweety." Sabi ni Elaine. Tsk. Gumamit pa siya ng bedroom voice or let say husky one. Napalunok naman ng wala sa oras si Justine. Halatang affected. Tsk. -___-

"W-hat are yo-you saying? Tsk. And stop that! Hi-hindi mo ako madadala sa mga ganiyan mo!" Sabi naman ni Justine. Tss. Halata siya.

"Ano ba sinasabi mo Jus? I'm not doing anything. And don't stummer babe." Sagot ni Elaine dito. Ganun parin yung voice niya. What?! Playgirl kaming tatlo. Wag na kayo magtaka.

"Stop it. You're not in the right place to do such things. Kung maglalandian kayo, make sure hindi sa hapag kainan. -___- " Sumingit na ako. Di matatapos bangayan nila kung hindi.

"Aww. Winter, are you saying na papatol ako sa unggoy---"

"Correction. Poging unggoy."

"Wag ka nga sumingit. Kaya amoy singit ka eh!"

"Aba! Kala mo kung sino magsalita! Ika---"

"Stop. Kailan niyo balak kumain ng dinner? Pag-umaga na? Pwes kung oo, atleast pakainin niyo man lang kami. -___-" Sabi ni Flames. Naku. Ayan na ang patay gutom.

"PG." Sabi ko. Tsk. Kala mo di kumain kanina.

Nakita ko kasi yan dumaan sa room, ang daming dalang pagkain. Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman, may cctv akong nilagay just outside my room para malaman ko kung sinong tao ang papunta sa room ko ng less hassle.

"Narinig ko yun ah! Ang hard mo sakin WAR! *pout*" Tss. Bipolar. Kanina poker face ngayon pout. Ano next aso (puppy face)?

"Bipolar."

"Tigilan mo nga ako WAR! Kumain ka na lang din." Sabi ni Flames at umupo narin sa upuan niya.

Well, dahil gutom na rin naman talaga ako, umupo na ako't kumain. Yung dalawa nag-aaway parin. Bumaba narin yung iba. Sabay sabay kami kumain kaso parang hindi ata yun yung nangyayari.

World war 3 parin eh!! -___-

Si Elaine at Justine ayun nag-aaway parin. Si Aliyah at yung lalaking isang nakatitig sa kaniya nagtutusukan ng tinidor na ginawa nilang espada. Yung dalawa, si Flen at Clark, ayun nakikipaglandian sa mga babae ng kabilang group. But at the end, nag-away lang sila. Yung mga lalaki naman sa kabila na natira, ayun, nagrarambulan. Kami lang nung leader ng boys sa kabila at girls din sa kabila at si Flames ang tahimik na kumakain. Ng biglang.

"What the fuck!" Sigaw ko ng wala sa oras. Fucking shit! Argh!!

Tumahimik silang lahat at natigil sa mga ginagawa nila. Dapat lang. Argh. Naiinis na talaga ako sa Justine na 'to ah! Hindi ko na nga muna ginalaw nung napasigaw niya ako eh! Grr. Nakakainis na!

"That's it! You need to be punished." Sabi ko at tumayo.

"Follow me. And don't you ever escape." When I say those sentence naglalakad na ako palabas.

Elaine's POV

"Oh-ow! Lagot tayo niyan." Sabi ko ng wala sa sarili.

"Tss." Sabi nung lalaking parang boy version ni Arlene sa ka-cold-an.

"Maghanda ka na Justine. Bugbog ka ngayon." Sabi ni Flames na ngayon ay nakatunganga sa doorway ng kusina kung saan lumabas si Arlene.

Yes po. Si unggoy ang may kasalanan kung bakit ganon yun.

"Patay. Baka mapatay ka nun bro. Condelence na lang." Sabi ni Flen at tinapik-tapik pa ang balikat ni unggoy.

"H-ha? Ano bang kasalanan ko dun? Parang natapon lang ang pagkain niya, galit na agad?" Tsk.

"Kasi nga unggoy, ayaw na ayaw nun ang maistorbo sa pagkain lalo na kung gutom siya at tempura ang kinakain niya. Paborito niya yun at ayaw na ayaw niya ang masayang ang mga ito kahit isa lang. Eh sinaktohan mo pang tempura ang kinakain niya. Patay ka ngayon!" Sabi ko sa kaniya ng nailing. Totoo yun guys.

"Sumunod nga kayong lahat! Lahat sa -2 floor!" Rinig naming sigaw ni Arlene.

"Mukhang mas malala pa ang sasapitin mo 'pre. At kung iniisip mong babae lang siya kaya matatalo mo siya, wag kang pakikisigurado. Wala pang hindi natatalo yan." Sabi ni Clark na nagsimula ng lumakad. Napalunok naman si Justine dahil gumalaw ang adam's apple niya. Tsk. Dapat lang talaga siyang matakot. Hayy. Kawawa naman si unggoy.

Sumunod narin ako kay Clark at sumunod narin sila Aliyah at Flen.

Hayy. Sana hindi masyadong mabugbog si unggoy. Sayang kasi ang mukha! Hahaha!

Justine's POV

*gulp* Katapusan ko na ata. Naku! Eh parang pagkain lang eh! Wahh! Huhuhu. Kawawa naman yung mga flings ko, maiiwan ko na sila. Huhuhu.

"Tss." Sabi ni Gabriel at sumunod na rin sa kanila.

Aww. Ang bad talaga 'nun! Ang cold pa! Aist. Bakit ba siya ang pinoproblema ko eh malapit ko na nga makita si kamatayan. Huhuhu. Mom, Dad mahal na mahal ko kayo. Mga babes, sorry hindi ko na kayo makaka-make-out. Huhuhu.

"Good luck 'bro. Wag mo na lang kami multuhin pag tigok ka na. Rest in peace 'pre." Sabi naman ni James. Tss. Hard niya sa'kin oh!

"Yan kasi. Lagot ka kay insan. Say hi for me kay Satanas." Sabi ni Flames na paalis na pero hinablot ko yung braso niya.

"Anong satanas, kay God ako mapupunta no!" Sabi ko. Good boy kasi ako!

"Tss. Sa dami ng napatay mo? Ikaw tatanggapin ni God? Loko-loko ka ba? Taas mo mangarap ah! Si satanas, baka tanggapin ka pa." Sabi nito at umalis na. Nga naman. Hahaha. Isang gang kasi kami. Tawag samin 'Hell's Dark Piece'. Mahilig kasi kami sa chess. Yep. At wala pang nakakatalo sa'min 'dun. At siyempre, mga demonyo kasi kami kung lumaban at pumatay. Yep. Pumapatay kami. But not like the others who are pathetic who only kills for their own sake. For power, fame and such. We kill because of their deeds. Pumapatay kami ng mga taong walang ginawa sa mundo kundi masasama.

"Tara na bro. Pagdadasal ka na lang namin. Pfft. Hahaha" Sabi naman ni Jason. Wahh! Ambad talaga nila sa'kin! Huhuhu. Wala na. Mukhang hahayaan pa nila akong matigok. Huhuhu.

Nag-umpisa na kaming sumunod sa kanila.

"Teka. Saan bang -2 na floor? Tsaka meron ba nun? Negative 2? The hell!" Sabi ko. Naglakad kami papuntang grand stairs kasi dun papunta sila Flames.

"Teka, saan nga ba 'yun makikita? Aist nalimutan ko na eh!" Sabi ni Flames.

"Pinagsasabi mo?" Sabi ko.

"Yung elevator. Aist. Bakit ba kasing andaming hidden things dito!" Sabi niya. Ha? Elevator? Meron ba nun dito? Eh halos 4 months na kami dito at wala naman akong nakitang ganun' dito.

"Sabi na nga ba at hindi mo na alam kung saan ang elevator dito. Tsk. Sundan niyo ako." Sabi nung isa pang babae. Pinsan din ata nila ito ni Pangit.

"Hayy. Buti na lang Aliyah at andito ka." Sabi ni Flames. Ahh. Aliyah pala yung pangalan.

"Tss." Sabi nito. Wait, moody ata ito eh! Parang kanina, ang ingay pa nito at sobrang mapang-asar, ba't ngayon parang sumeryoso at tumaray. Anyare?

Sumunod kami sa kaniya. Pumunta siya sa gilid ng grand stairs.

"Teka, sure ka bang may elevator talaga dito at dito natin ito makikita? Seriously?" Sabi ko sa kaniya ng 'di kapani-paniwala.

"Shut the fuck up. Matagal na kaming tumira dito at kaming tatlo nina Arlene ang nag-design nito kaya shut up. Alam namin ang bawat edge at every single information about this fucking house. So if I were you, shut up at sundan niyo na lang ako." Sabi nito na parang nainis na. *gulp* Nakakatakot naman.

"Pffft. Pfft." Narinig kong pigil ni Flames sa tawa niya. Tss.

Tinignan ko na lang ulit si Aliyah. At, what the fuck!

"Aliyah Jane Scott Emerald." Sabi niya at bigla na lang may lumabas na tatlong maliit na screen sa right side niya. Para galing sa pader may lumabas na metal na kasing taba ng isang stick at doon nakakabit ang screens.

"Welcome back Miss Aliyah. You're already have access. Please verify." Sabi ng parang computerized na voice.

Itinapat niya ang mata niya sa isang screen na katapat lang ng mata niya. May tumunog naman. Pagkatapos nun itinapat niya ang daliri niya dun sa isa pa. May tumunog uli. Naglagay naman siya ng isang number pattern sa isang screen na may keyboard na maliit.

"Access complete. Please enter now Miss Aliyah." At bumukas yung pader. Huh? Elevator nga!

"Kung susubukan niyo gayahin ako, para makapasok ulit dito someday, don't try. Kaming lima pa lang ang may access dito. Ang names namin at iba pa ay magkaka-connect at i-co-connect dito. At isa pa, voice lang namin ang kinikilala ni Cerberus, ang system na nangangalaga sa bahay na ito. Ang mga infos ng lahat ng tao ay naka-download na sa system niya kaya kung pupunta kayo dito, siguraduhin niyong kasama niyo ang isa saming lima. Tara pumasok na kayo." At pumasok na kami sa elevator, kaso walang pindutan. Malaki ang elevator at kasya kami 15.

"Teka paanong aandar 'to eh walang pindutan?" Tanong naman ni James.

"Remember, voice-based ang elevator na ito at most ng gamit dito. Tss." Sabi nito at inirapan si James.

Nang makapasok na kaming lahat may command na sinabi si Aliyah kay Cerberus.

"Cerberus close! Negative two, arena."

"Wakaru Miss Aliyah. Now going to Negative 2 underground floor. Please wait for a moment."

Ha? Underground?

"Underground? Ano yun?" Sabay na sabi namin ni Jason.

"Well, sabi ko sa inyo na kami ang nag-design ng bahay na ito---"

"Correction, mansion AJ." Sabi ni James. Wow meron na silang CS.

"Whatever JB." Sabi nito sabay irap kay James.

"So, as I was saying, kami ang nag-design nito kaya kami ang may kabisado nitong buong bahay-- este mansion. Okay na ba JB?" Nag-thumbs up naman si James. "At lingid din sa kaalaman niyo na we're gangsters. Yep, we're gangsters kaya lagot ka talaga Justine boy. Well, ang underground floors ay para samin. Mga training and more. Sa -1 nandiyang close combat hand-to-hand training room. Sa -2 naman ang arena ng hand-to-hand combat. Hiwalay ang mga arena base sa combat na isasagawa. Yung iba idi-discuss na lang natin bukas. So ito na, we're here."

Nang bumukas ang elevator, nagulat ako kasi ang laki ng lugar na ito. Kaya pala ang tagal bago namin marating floor na ito. Malaki pala talaga kasi siya.

Paglabas namin ng elevator, nakita na namin yung iba *gulp*. Bye bye na ba dis?

3rd Person's POV

Naglakad na ang grupo nila Aliyah na galing sa elevator patungo sa pwesto nila Arlene na ngayon ay nasa weapon-selection wall. Ang mga weapon dito ay mga ginagamit lang sa hand-to-hand combat.

"Pumili ka na ng armas mo." Sabi ni Arlene. Ngunit dahil si Justine ay magaling sa hand-to-hand combat at black belter din siya sa martial arts kaya hindi na siya pumili ng armas.

"Haha! Ang swerteng malas ng lalaking 'to. Siya ang isa sa sampung taong nakalaban ni Queen ng hindi dumadaan samin. Pero ang malas niya dahil bugbog naman abot niya. Hahaha!" Nasa isip ni Aliyah.

"Kawawang unggoy, mukhang makakaharap niya si kamatayan ngayon." Nasa isip ni Elaine.

" Makikita ko na naman ang kaniyang mga mata." Nasa isip ni Clark.

"Tss. Lagi naman siyang panalo. Sayang lang sa oras. Pero di bale, makita ko lang mata niya, maghihintay ako." Nasa isip naman ni Flen.

"Gaano kaya kalakas ang babaeng 'toh? Bakit takot sa kaniya ang iba niyang kasama? Mamamatay na ba ako?" Nasa isip naman ni Justine.

"Excited na akong makita muli ang matang 'yon, ang mata ng isang tunay na DEMONYO." Nasa isip ni Flames.

Lahat sila ngayon ay inaabangan na ang susunod na mangyayari. Lahat sila 'di na mahintay pang mag-umpisa ang laban, laban sa pagitan ng isang DEMONYO at isang tupa. Ngayon, mararanasan ni Justine ang kaparusahan ng isang walang awang demonyo.

Sabihin nating mababaw lamang ang dahilan nito. Ngunit hindi sa paningin niya. Ayaw niyang naiistorbo sa pagkain, lalo na kapag tempura ang kinakain nito. Isa ito sa mga ugaling masasabi nating pambata. Ngunit ibang usapan na kapag napasigaw mo ang isang Winter Arlene Rein Cliff Emerald. Isang kalamado at cold na dalaga. Hindi ito basta-basta napapasigaw. Sumisigaw lamang ito kapag galit at sobrang inis na niya, at yun nga ang nagawa ni Justine sa kaniya. Ginalit niya ito. Sapat na para bigyan siya ng 5th punishment, ang LUMABAN sa kaisa-isang Winter Arlene Rein o mas kilalang WAR ng underground society.

"Are you already ready to be beaten up? You surely need to be punished by me. *Smirk* You need to see hell." Saad ni Arlene at sa sandaling iyon, lumabas ang tunay na kulay ng kaniyang mata na tinatago niya sa mga contact lense niya. Ang mata nito na brown, na tunay niya ring kulay ng mata ay naging red. Magulo ba? Hayaan mong i explain ko pa ng mas maayos. Ang kaniyang mata ay tunay na kulay brown. Ngunit kahit ganun, tinatakpan niya parin ito ng contact lense sa kadahilanang kapag nagagalit siya o naiinis ay nagiging kulay pula ito. Ngunit kung minsan ay di parin natatakpan ng mga ito ang kulay ng kaniyang mga mata kapag galit. Depende sa galit niya ang pagkakapula ng kaniyang mata. Kapag naiinis siya ay nagiging mild red ang kulay ng mata ngunit pulang pula naman ang mata niya kung galit na galit na siya at kapag malakas naman ang pagnanais niyang pumatay, nagiging itim ang puti niyang mata at ang brown na pupil niya ay nagiging pula, pulang pula na parang nakikita mo ang impiyerno sa mga titig niya. Para siyang buhay na demonyo, hindi. Mali. Para siyang si Lucifer, ngunit mas matakot pa kay Lucifer.

"Wha-what's with your eyes?" Kinakabahang tanong ni Justine. In his 18 years of existence, it's his first time na makakita ng ganitong mata. Nakakatakot. Nakakapanlambot. Parang kaharap mo na si kamatayan sa paraan ng pagtitig nito. Para siyang nasa impiyerno at kitang kita niya ang mga apoy sa mga mata nito. Labis siyang pinagpawisan sa isipang kaharap niya na si kamatayan, hindi. Hindi lang si kamatayan ang kaharap niya, kundi isang demonyo. Nakakapangilabot ang kulay ng kaniyang mata na parang apoy.

"You're shaking. Are you afraid?" Sabi nito sa malamig na boses. Mas malamig pa sa dati nitong boses. Pawang naramdaman niya ang lamig na iyon na nagpatayo ng mga buhok niya sa katawan. Tama ito dahil tunay siyang nanginginig, sino ba naman ang hindi, kung kaharap mo na ang reyna ng impiyerno, the Queen of the FALLEN ANGELS.

And now, he will face the punishment of the Queen. Ano kayang magiging resulta?

«TO BE CONTINUE»

Okay lang po ba yung ud? Medyo sabaw pa kasi ako kaya ganiyan. Sorna. Ii edit ko na lang pag may time ako okay? 😉
Thanks po sa pagbabasa at sa lahat ng nagbabasa at magbabasa pa lang ng story kong ito. Don't forget to vote and comment po!

~Letlet

(UNEDITED)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top