III - Clash
Chapter three, here it comes! Please enjoy this chapter!
CHAPTER THREE
Arlene's POV
Mag-aaral na naman ulit kami? But we already finished school! Kaya nga namin tinapos ng maaga eh, para 'di na kami pumasok. Kasi diba papasok ka kasi gusto mo matuto, eh paano naman kami na halos paulit ulit na sa pandinig ang mga tinuturo nila? Kahit nga ata naka pikit kaya namin i solve ang kahit anong problemes.
Ugh! Kahit close kami ni DadLo (Lolo Adrianne), hate ko parin siya because he always pisses me off. Ugh! Nafu-frustate ako. Isama pa na may kasama kami sa bahay. Kahit malaki ang bahay na yun, kung ako ang titira, lagi kong madadaan ang bawat sulok ng bahay. Madali kasi akong ma-bored, kaya kapag wala akong schedule, sa palaboy laboy ako lagi sa loob ng bahay. At ayoko ng istorbo kapag may ginagawa ako.
Ugh! Nakadikit talaga sakin ang malas. Hayy.
Well, umalis na kami ng mansion after nung ka-oa-yan namin. Pagdating namin sa bahay, well, wala namag nagbago except sa mas maraming flowers ang nakatanim ngayon sa garden. Dito ako tumira ng magsolo ako 'nun. Para lang din naman 'tong mansion sa States, mas lumaki nga lang ng 50%. Aba, ako kaya ang Princess ng family namin. Pangalawa siyempre si Elaine at pangatlo si Aliyah. Well, kami lang naman kasi ang babae na nabuhay talaga sa apelyidong hawak naming tatlo. Kung baga kasi, yung ibang babae sa family, napangasawa lang nila yung lalaki ng Emerald's family. Then, yung mga anak panila puro boys. And so on, and so on.
Well, back to story. Pumasok kami dala ang mga gamit namin at nakita naming makalat ang living room. Tsk. Naka-day off pa man din ang care-taker ng bahay na ito at mga maids tuwing Linggo. At sumakto pa talagang Linggo ngayon. Ugh. Alam ko ang schedule nila dahil ako nga diba ang may-ari.
Tsk. Alam ko na kung anong gender nung mga kasama namin.
"Boys are always gonna be boys." Sabi ni Aliyah habang nakatingin din sa kalat. Parehas talaga kami ng iniisip.
Chi-neck ko ang rooms dito sa first floor at wala akong nakikita 'ni anino ng isang tao. Bumalik ako ng living room ng nay narinig akong bumaba ng stairs. Isang lalaki. Sabi na eh!
Bahagya itong nagulat at napasigaw nung makita kami. Lalo na ng lumipat ang tingin niya kay Aliyah.
Pero napalitan ng ngisi ng tumaas ang kilay ni Aliyah.
"Ohh. Kung swe- swertihin ka nga naman." Sabi nito at sumipol pa. Na-tss na lang sina Flen at Clark, while napa-irap na lang kaming mga babae.
Well, nakasuot kasi kami ng dress at hanggang middle tigh lang yung abot. Sleveless pa ang mga ito kaya naman kita ang mga mapuputi at makikinis naming mga hita at braso. Nagsasabi kami ng totoo at hindi kami sinungaling.
May narinig pa kaming mga yapak ng paa na bumaba ng hagdan. Apat silang lalaki at apat ring babae. Familiar sakin yung isang babae.
"Teka, ang ingay mo naman James! Ano ba ka---- woah." Naputol ang sasabihin nung cute guy ng mapatingin ito samin. Napatingin din samin yung iba. At ng makita ko yung itsura nung babae ng buo, nakikilala ko agad ito.
"FLAMES?!/WAR?!" Sabay naming sigaw. Siya si Fenhy Love Athena Melissa Engrave Soll, my 3rd cousin sa mother side ko. Nagtataka siguro kayo kung bakit may isa pang babae na cousin ko, eh ang sabi ko, tatlo lang kami nina Elaine at Aliyah, sa father side po yung tinutukoy ko. Pero po sa mother side, siyempre, andyan ng si Mom eh!
"Teka, kilala niyo ang isa't isa?" Sabi nung nakatitig kay Aliyah kanina.
"Yep! Third cousin ko sila ni Elaine." Sabay turo kay Elaine. Napatingin naman si Cute boy kay Elaine. Awutt. May love team, dalawang cute. Hahaha. Okay balik na sa dating expression. 😑
"Small world." Sabi naman nung may malaking tenga.
"Tabi na nga! Usap ng usap ayaw pa bumaba!." Sabi nung isa na nasa pinakataas. Siya ata yung pinakamasungit. Ang cold din ng boses niya at tingin. Nakakunot din ang mga kilay niya. Gwapo sana kaso ang sungit. Oh ano?! Kala niyo itatanggi ko? 'Di ako ganun.
"Tss." Sabi naman nung isang babae na kakambal ata nung lalaki. Magkahawig kasi sila tapos parehas pa ng facial expression. Girl version niya ata. 😑
Bumaba narin sila. Niligpit ng dalawang lalaki, yung cute at yung nakatitig kay Aliyah kanina at ni Flames pati yung isa pang babaeng blonde yung kalat nila. Alam ko na kung bakit binagyo dito, hindi lang dahil sa boys, dahil din kay Flames. Burara kasing babae. 😑
Umakyat muna kami sa taas. Pumunta kami sa mga kwarto namin. May kwarto kasi sila dito dahil madalas silang mag-sleep over dito af syempre tambay dito si Elaine at dito siya tumitira minsan kapag nasa Pilipinas siya.
Nagulat ako ng tumili si Elaine. Napapunta kami sa pwesto niya.
"Huyy. *hingal* Anong nangyari? *hingal*" Tanong ni Clark. Over-protective kasi yan kay Elaine. Best friends eh!
Kung nagtataka kayo kung ba't kami hiningal, takbuhin niyo ba naman magkabilang dulo ng bahay. Malaki kasi ang bawat kwarto dito. Kasing laki kasi ng bawat kwarto ang isang bahay na tinitirhan ng limang tao. Malaki ba? Ganun talaga. Pero mas malaki ang kwarto namin ni Elaine dito.
Back to the story. Nakatingin lang si Elaine sa pinto ng kwarto niya at nakanganga. Tinignan din namin kung ano yung tinitignan niya. *Tango* *Tango* Kaya naman pala. May nakalagay na kasing ibang pangalan dun sa name tag ng room.
"Tss. Yun lang pala. Pinatakbo mo pa kami ng malayo." Sabi ni Clark ng makabawi ng sapat na hangin.
"Justine wa daredesu ka?!!!" Malakas na sigaw niya. Ang meaning po niyan ay 'Who is Justine'. Yep. Justine po ang name na nakalagay 'dun.
Narinig naman namin ang maraming yabag ng paa. Ngayon nandito kaming lahat sa tapat ng room ni Elaine, or let me say Justine, at ni Kley. Kley kasi ang nakalagay na name sa kabilang room na katapat lang ng room ni Elaine.
"Ha? Ako, bakit?" Sabi nung cute redhead guy. Pagkakataon nga naman.
"SINO NAGSABI SAYONG GAMITIN ANG ROOM KO?" Hahaha!! Galit na galit talaga si Elaine kapag may ngaialam ng mga gamit niya or may gumamit ng mga pagmamay-ari niya ng walang permiso sa kaniya. Haha!! Okay balik na ulit sa dating expression. 😑
"Ha? Room mo pala yan? Well, ang linis kasi eh, parang walng gumamit. Tapos hindi rin naman pangbabae yung kulay. Kaya akala ko talaga walang nagamit diyan. Wala narin kasing nakasulat sa name tag eh! Teka, ba't ka ba nagagalit?! Parang kwarto lang eh! Atsaka, ako na naka-room diyan! Humanap ka na lang ng iba!" Sigaw ni cute boy este Justine kay Elaine. Dapat sanayin ko na silang tawagin sa names nila.
"Aba! Eh, ako ang gumamit niyan 12 years old pa lang ako! Kaya wala ka karapatan na sabihan ako ng ganiyan!" Sigaw din ni Elaine pabalik. -___- World war 3 na ata eh!
"Eh bakit ba?! First come first serve eh!"
"Oo nga! Kaya nga ako na nagsasabi sayong umalis ka diyan kasi ako ang nauna diyan! Five years ko naring ginagamit yan! Kaya ako ang nauna, ako ang gagamit!"
"Ayoko nga. Ang laki pa man din ng kwartong yan!"
"Tama na..." Mahinahon kong sabi. First time ko atang magsalita simula ng dumating kami dito sa bahay.
Ugh. Hindi parin sila tumigil!
"Akin nga kasi!"
"Akin!"
"Sabing tama na eh!" Sabi ko na medyo tumaas ang boses. Natakot naman si Elaine dahil bahagya siyang yumuko. Alam na niya kasi ang mangyayari pag hindi pa siya tumigil.
"Sorry..." Mahinang sabi niya.
"Ahahaha! Tiklop ka pala sa kaniy---"
"SABING TAMA NA!" Napasigaw ako ng wala sa oras. Take note, nanlaki pa ang mata ko diyan. First time ko na basta basta na lang manigaw kaya huminga ako ng malalim sabay pikit bago bumalik sa poker face.
Natahimik naman ang lahat at nakayuko pa sina Aliyah. Alam kasi nila ang kabayaran pag napasigaw mo ako. Naiinis na ako sa lalaking ito, hindi makaintindi ng simpleng salita.
"Lingid sa kaalaman niyo na ako ang may-ari ng bahay na ito, lingid din sa inyo na may kaniya-kaniya kaming kwarto dito. Lahat ng okupado na kwarto na para sa kanilang apat ay lilisanin ng kung sino mang umuukupa. Naka-reserved na ang mga kwarto nila dito kahit noong mga panahong hindi pa ito natatapos. Ngayon, kung aangal pa kayo o ayaw niyong maniwala, ask dad. Now, gawin niyo na ang pipagawa ko." Tsk. Pasalamat sila, nagsayang pa ako ng laway para ma-explain ko lang sa kanila ang mga basic na bagay. Next time nga, si Elaine na lang ang ipapa-explain ko sa kanila.
Pagkatapos ng engkwentro, bumalik na ako sa tapat ng pinto ko, at binuksan ito. Paglapat pa lang ng kamay ko sa door knob at naramdaman ko ang parang medyo maiinit na manipis na linya ang naglalakbay sa kamay ko horizontally. Ito ang finger print scan. Sunod naman, may lumabas na maliit na parang t.v. pero kulay green sa left side ng pinto, itinapat ko ang kaliwang mata ko dun at naramdaman ang pamilyar na linya. Ito ang eye scan. Sunod naman, pagkatapos ng eye scan ay ang passcode. Sumirado at naglaho muli ang maliit na t.v. sa kaliwa ko at sa kanan ko naman ang nagkaroon. Inilagay ko ang passcode pattern na ako mismo ang gumawa at nag-isip. At pagkatapos nun ay pabulong kong sinabi ang katagang "Deja Vu" . Alam niyo ba kung bakit deja vu? Kasi naniniwala ako na 'History repeats itself'.
Well anyway. Bumukas ang pinto. Ang pinto ko nga pala ay parang slidding door na gawa sa narra. So hindi siya gawa sa salamin. Tapos meron siyang door knob. Mukhang ewan ng pinto? I know. Trip ko kasing gawing slide door at door knob-ed ang pinto eh.
Nang bumukas ang pinto, bumukas din ang mga ilaw. Automatic ang halos lahat ng bagay dito at boses ko lang ang kailangan.
Inayos ko ang mga gamit ko. Inilagay ko lahat ng damit ko sa walking closet ko at inayos. Inihiwalay ko ang mga ito from gowns, dresses, different kinds of top, shorts, skirts, and pants. Also, shoes to slippers. I organized it all. Well, I am the kind of person na gusto lahat organized. After that, inayos ko na din yung ibang gamit ko. Chi-neck ko rin ang mga ammos ko at different weapons na nakatago sa walk in closet ko. Hmm. Kumpleto pa ang mga ito.
Kumuha ako ng dagger. Kakailanganin ko yan para mamaya.
Humiga muna ako sa kama ko at umidlip saglit. Duh!! Pagod po ako! Ang haba kaya ng biyahe papunta dito! 1 and half hours din ang byahe no?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hmmm. Ay. Madilim na pala.
*Kruuuuuu*
Shocks. Gutom na ako. Kawawa naman yung mga dragon ko sa tiyan. Huhu. Nagwawala na sila.
Makababa na nga.
Kakalabas ko pa lang ng kwarto, naaamoy ko na merong masarap na pagkain.
*Kruuuu*
Mas lalong nagwala ang dragon sa tiyan ko! Kailangan ko ng kumain!
Bumaba agad ako. Pumunta ako agad sa kusina para kumain. Pero iba ang nakita ko.😒
World war 3 na ba? Ganun kasi yung nangyayari eh! 😑
«TO BE CONTINUE»
Hope you liked it po! Feel free to comment your thoughts and suggestions po about my story. And of course, don't forget to vote po! Arigato onesan / neechan!
~Letlet
(EDITED)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top