II - School?!! AGAIN?!!!

So heres the second chapter. Hope you like it!

CHAPTER TWO:

Aliyah's POV


*Beep* *Beep* *Beep*

Sino na naman ba ang nag text sakin ngayon?

'Bettet get your asses in the starbucks, NOW!!'

From : Queen Arlene

*Sigh* Ang reyna lang naman pala. Utos na naman! Bahala na nga, susunod na lang ako kaysa naman sa mabawasan ang magaganda sa mundo.

Anyway, pag dating ko sa starbucks ay nakita ko na silang lahat dun except for Elaine.

"Where's Elai---" Naputol yung sasabihin ni Clark ng biglang dumating si Elaine.

"Here." Umupo na kami sa upuan na natira at hindi pa okupado. Tumahik ang paligid.

"So, what now?" Basag ko sa katahimikan.

"Well, kaya ko kayo pinatawag dahil, sabi ni Dad we're going to live in one house, and sadly, we have some other people to share that house with." Straight forward na sagot ni Arlene sa tanong ko.

Actually, we're already at the Philippines and na-explain na samin ang gagawin namin sa misyon. Well, tungkol sa misyon, alam ko na curious kayo about dun. At kung iniisip niyong magkwe kwento ako tungkol sa bagay na yun, well, it's actually for me to know and for you to find out.

"Do you, in some possibilities, know those people you're talking about?"

"Well, I have this feeling that I know them, but no, really." Sagot naman niya.

"So, what are we waiting for! Let's go!" Hayy. Ang childish talaga ni Flen.

Lumabas na kami ng starbucks which is nasa loob parin ng airport, at pumunta ng entrance. Nakita namin sa entrance sina Butler George, Butler Jin, Butler James, Butler Hej and Butler Hem sa labas at ibang guards na hinaharang ang mga reporters. Nagtaka naman ang mga tao kung bakit ang daming reporters sa labas. Siyempre, wala namang lumabas sa balita na may dadating na importanteng tao or artista galing ibang bansa, diba?

Let's just get back to topic. So lumapit samin sina Buttler George. Mas lalong nagpumilit namang makawala ang mga reporter sa mga guards ng makita nila kami.

Napatingin naman samin ang mga tao. Nakarinig din kami ng bulungan.

"Mommy, I'm afraid. The human-sized barbie are alive and walking." - Sabi ng isang cute na bata. Hahaha. Nagtago siya sa likod ng mommy niya nung tumingin ako! Takot nga siguro talaga siya! Hahaha.

"Daddy, can you buy those barbies for me?" - spoiled brat 😑. Tao po kaya kami! 😒

"Sino sila? Pa-VIP naman." - Uchisira no.1. Walang pakialamanan.

"Oo nga eh. Kala mo kung sinong maganda, hindi naman." - Uchisira no.2. Wow. Nahiya ako sa mukha mo 'te! Mas maganda pa nga ata maids namin sayo eh! 😈

"Mas maganda pa akong 'di hamak diyan eh! Nagpapansin lang yan!" - Uchisira no.3. Mangarap ka lang 'te.

"Ang gwapo nila beh oh! Pakk!! Halata ang abs at muscles sa suot nilang tight shirt." - Beki no.1. Ang landi!

"Oo nga beh, kaso mukang taken na!" - Beke no.2. Buti alam mo. De joke lang. Wala po kami relationship sa mga kumag na nasa likod namin ni Elaine. (Nasa harap po kasi namin si Arlene at siya yung nangunguna.)

"Hindi yan beh. Agawin natin. Mas maganda pa tayo diyan!" -Beki no.1 again. Hayy. Ayaw talagang mag-paawat, nakakita lang ng gwapo!😒

"Kala mo kung sinong gwapo, 'di naman." - Kuyang cute. Kuya gwapo po talaga sila, ang hirap lang aminin, baka kasi lumaki ulo.

"Hindi nga sila bagay 'dun sa mga babae eh! Mas bagay kami mung naka-red." - Sabi ni kuyang gwapo. Ayy! Naku koya, bet kita wag ka mag-alala. Bagay po talaga tayo. Hahaha!

"Shit. 'Pre, ang sexy!!" - Lalaking Cute (I think ka-age lang namin sila). We know right!

"Magiging girlfriend ko ang naka-red na yan." - Lalaking gwapo. Shit! Type ko 'to, type na type. Mas bet ko kaysa dun sa isa kanina. Sorry na lang kay kuyang gwapo pero mas gwapo talaga 'to eh. Playgirl ALERT!

"Maganda sila kahit naka-takip ng sumbrero yung mukha. Halata naman eh! Labi palang!" - Sabi naman nung isa pang cute na pula ang buhok. Ang innocent ng mukha niya parang kay Flen at sa akin, kaso nagmumukha siyang bad boy dahil sa buhok niya.

Ilan lang yan sa mga narinig ko. Pero nagulat ako ng may marinig ako tumili na bata. Lumapit ito samin. Siguro mga 10 years old na ito. Familiar sakin ang mukha niya.

"Kyahh! Diba po kayo po ang Olympiads? Ako po si Jaimie and I'm one of you fans po. Actually po nagkasama na po tayo ate Aliyah sa isang photo shoot, if you still remember po. Pwede po magpa-autograph?"

Tumingin naman ako kay Arlene. Nag-nod lang siya.

" *chuckles* Okay, okay." Then pumirma na ako with a heart sa gilid, then name niya sa baba. Tinanong ko kung tama yung spelling, mali daw. Kaya inulit ko. Hahaha. Jayme kasi pagkakasulat ko, yung next naman Jaime, mali parin daw, kaya tinanong ko na kung ano spelling ng name niya.

" *chuckles* Jaimie po, J-A-I-M-I-E." Napatango na lang ako. Grabe naman 'to. Spelling na nga lang ng pangalan, pahirapan pa. 😑

Pumirma din silang apat. Same page lang nung akin.

Bago pa may makakilala samin, umalis na kami after niyang magpa-picture at magpa-hug. Buti na lang hindi narinig nung ibang tao yung tili niya kanina dahil sa ingay ng reporter at mga cameras nila.

Sumakay na kami sa limo na nakahanda na sa pagdating namin. Pinapalibutan din ito ng mga convoys. Nag-gasp naman yung mga nangba-bash samin kanina ng makita kung saan kami sumakay.

Umalis na kami at nagtungo muna sa mansion ni Grandpa Adrienne. Si Grandpa Adrienne ay grand father namin ni Arlene sa side ng Dad naming tatlo. Well, magpinsan kasi kami ni Arlene and Elaine, that's why.

Nagkwentuhan lang kami, at siyempre, kung nakulitan kayo kay Tito, mas malala pa si Grandpa sa kaniya. Mas hyper pa ito na akala mo mas bata pa sa amin.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano and doon narin natulog. Kinabukasan, nagkwentuhan lang din kami pero ng mag-a-als dyis na napagpasyahan na naming pumunta ng bahay. Nagpaalam kami kay Grandpa and then sumakay na kami sa mga lamborghini na naka-park sa parking lot ng mansion na ito na nakahanda na para sa amin. Next time na ang description ng mansion dahil bibisita pa din naman kami dito.

Bago pa kami makasakay, lumbas si Grandpa ng pinto.

"And wait. Before I forgot, you'll going to study again, in my school." Pahabol nito. Ah. Yung lang pal----. Whattt!!!

"SCHOOL?!!! AGAIN?!!" Sabay-sabay naming sigaw. This is ridiculous! Ugh. Another sakit ng ulo!!!

«TO BE CONTINUE»

Hope you like it po. Feel free to comment and vote. Love you guys.

~Letlet

(EDITED)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top