I - Mission?! Philippines?!

Hi guys! Here comes the 1st chapter! Feel free to leave a comment or suggestions for this story.

CHAPTER ONE

Arlene's POV

*Boogsh*

*Boogsh*

*Klang*

*Boogsh*

*Swish*

Yun lang ang maririnig mo sa lugar na pinuntahan namin. Hmm. Magaling sila. Pero kulang sila sa experience at tactics kaya madali silang napagod at napataob ni Flen. Tsk.

Sinalag niya ang atake ng huling miyembrong natira bago nagbigay ng isang suntok sa mukha na siyang di inaasahan ng huli kaya muling nanalo si Flen.

"And once more, the winner for this night's event, our very own, the Fallen Angels' Soul Eater!" Sigaw ng emcee sa mic (na siyang muntikan ng nagpabingi sakin) na nagpahiyaw sa buong arena.

Nasan ba kami? Nasa isang arena dito sa U.S. Arena kung saan tambayan ng mga gangsters at gangsters wanna be. Dito ginaganap ang mga laban, mapa race man o actual fight.

Kung nagtataka kayo kung bakit kami andito at kung kaano ano namin si Flen, at kung bakit ba ako kami ng kami, sasabihin ko sa inyo dahil good mood pa ako. Kasama ko si Elaine, kapatid ko, kakambal actually, si Aliyah, bestfriend at pinsan ko sa father side ko, si Clark, bestfriend ni Elaine at si Flen, kaibigan namin. Andito kami kasi gangster kami katulad ni Flen at nasa iisang gang lang kami. Si Flen ang may pinakamababang rank pagdating sa gang, sumunod si Clark, si Elaine at si Aliyah, pagkatapos ako.

Kami din ang pinakamalakas na gang sa buong mundo at tulad ng sinabi nung host kanina, kami ang Fallen Angels.

Umalis na kami ng arena at tumuloy sa isang bar.

"B to the A to the N to the G to the uh

B to the A to the N to the G to the hey

See anybody could be good to you,

You need a bad girl to blow your mind, your mind (okay)

Bang bang into the room (I know you want it)

Bang bang all over you (I'll let you have it)"

Pumasok na kami at sa isang iglap, nasa amin na agad ang mga tingin at atensyon nila.

Sa gilid kami dumaan para iwas hassle sa pagtawid ng dance floor. Sa bawat madadaanan namin na staff o worker, nagba- bow samin.

Bakit? Kasi si Aliyah ang may ari ng bar na 'to. Kami naman ay may kaniya kaniyang shares sa business niyang ito.

At dahil dun, meron kaming room na exclusive lang para samin. Doon kami lagi pumupunta kapag nandito kami sa bar except sa dance floor.

Nakailang bote narin kami ng tumawag si Dad. Buti na lang mataas ang tolerance namin sa alcoholic drinks kaya di pa kami lasing. Kakapasok pa lang ng alak sa sistema namin kaya 'di pa rin kami nahihilo.

"Yes, dad?"

"Winter, I want you to come home immediately. But come home in our mansion. Isama mo na ang kakambal mo."

"Clear, dad. Is that all?"

"Yeah. And also, are you with your gang?" Yup, alam ni Dad na gangsters kami kasi mas malala pa sila Dad. Si Dad ang dating big boss ng mafia na ngayon ay nasa pangangalaga ko na. Siya din ang dating lider ng yakuza- na nasa pangangalaga na ngayon ni Elaine. Siya din ang Gangster at Mafia King while si Mom ang Queen.

"Ah, yeah. Why, Dad?"

"I want them also to come."

"Understand, Dad. Bye."

"Bye, baby."

*Tooooot tooooot*

Sinabi ko sa kanila ang napag usapan namin ni Dad at agad na umalis sa room at pumunta ng parking lot.

Malaki ang paniniwala naming misyon ang dahilan kung bakit kami pinatawag ni Dad.

"How about a race? The loser will do something that the winners will agree to." Pag aaya ni Aliyah.

"Sure! Sure!" Sabi naman ni Flen.

Napaka isip bata talaga! 😑

So sumakay na kami sa mga sasakyan namin. Kaniya kaniya kaming drive papunta sa stop light na malapit sa bar. Buti na lang naka stop pa at desserted yung kalye. 1 am na rin kasi kaya ganun. Wala naman kami sa New York kaya tulog na ang kalahati ng tao dito samin. Tago rin kasi ang bar at karamihan sa mga pumupunta dun ay mayayaman at gangsters, mafias at iba pa. Uwian ng mga yung mga 3 o'clock onwards pa kaya wala talagang masyadong tao sa kalye.

Paglipat ng ilaw sa green. Kaniya kaniya na silang andaran. Ako naman naghintay pa ng isang minuto at kalahati.

Wala na sila sa paningin ko ngunit hindi hadlang yun para habulin sila.

Hindi nila kayang hindi bagalan ang sasakyan nila kapag lumiliko. Hindi din nila kayang mag drift ng hindi manlang inaapakan ang brake. Kaya sa bilis kong 180 kmh, naabutan ko si Clark.

Binaba ko ang bintana ko sa gilid ko para lang sigawan siya ng, "Goodbye loser!"

Lumiko ako pakaliwa ng hindi manlang bumabagal ang takbo ko. Diniinan ko pa ang pagkakaapak ko at dinagdagan ang bilis ko ng 20 kmh para makuha ang bilis na 200 kmh na siyang dahilan para abutan ko si Elaine sa pagliko ko sa sumunod na kalye.

Binaba ko ang kanang bintana ng kotse ko at sumigaw din katulad ng isinigaw ko kay Clark. Sakto namang naka bukas ang bintana niya kaya dinig na dinig niya ang sigaw ko kaya napailing na lang siya.

2 down, 2 more to go. 😏

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Naka dating na din kami sa mansyon. Modern ang design nito ngunit homey parin ang aura ng bahay. Pero kung katulad ka namin, mararamdaman mo agad ang kakaibang aura nito na nag susumigaw ng kapahamakan.

Merong fountain sa harap ng mansyon kung saan may parang round-like na daanan ng mga sasakyan doon.

Merong horse statue na nakatayo sa itaas ng fountain. Nakalabas ang dila nito na siyang parang labasan ng tubig. Naka tayo ito na parang nagwawala. Sa second layer naman ay parang may mga malilit na fairy na estatwa na may hawak na jar na mas malaki sa kanila at medyo nakatagilid. Mabusisi ang pagkakagawa ng fountain dahil sinakto talaga ang lakas ng paglabas ng tubig sa bibig, o dila, ng kabayong estatwa para bumagsak ito sa pitong jars kung saan pag umapaw ang tubig ay tuluyan ng babagsak sa pinaka foundation ng fountain.

Madami ding mga bulaklak at puno sa paligid. Iba't iba ang mga ito, pulang rosas, puting rosas, bughaw na rosas, daisy, at marami pang iba. Ngunit ang nakakabighani sa lahat, ang itim na rosas na nakakarami sa lahat.

Ang pinto papasok sa mansyon ay gawa sa narra na galing pa talaga sa Pilipinas.

Pumasok na kami at bumungad samin ang napakalaking sala. Napakalinis ng paligid. Carpeted ang gitna ng sala ngunit tiled na ang ibang portion ng sala. Meron ding marble sa gilid (right side) na hindi sakop ng tiles na 7 inch ang laki. May chandelier sa itaas na kumkintab sa liwanag ng mga ilaw na siyang mayroon din ang chandelier. Gawa ito sa ginto at napakakinang.

Sa kanan, makikita ang isang sliding door patungo sa labas kung saan makikita ang swimming pool at iba pa. Sa left naman makikita pasilyo kung saan naroon ang mga pinto ng movie room, entertainment room, music room, kitchen at dinning.

Sa harap namin ay may isang napakalaking hagdan or grand staircase kung tatawagin. Ang hagdang ito ay nahahati sa dalwa. I mean, isang stairs pa siya sa umpisa pero kapag nasa dulo ka, mamimili ka kung saan ka daan, yung hagdan sa kanan o yung nasa left. Nagle-lead sa different rooms ang dalawang stairs, sa left ang bedrooms, habang yung nasa sa right ay ang training room, sports room (which is a room na technologised at kaya niya magpalit ng itsura based sa lalaruing sports.), gym at marami pang iba.

Pumunta kami sa gilid ng stairs at nakita namin ang office ni Dad. Nasa ilalim ng stairs ang office niya, para daw hindi mapupuntahan ng kung sino-sino except kung close niya or related sa kaniya dahil sa tago narin at 'di halata na may office sa lugar na iyon.

Pagpasok namin, bumungad samin ang mga nagliliparang punyal, maybe 5 dozens din yun.Nasalo ko yung 15, nasalo ni Elaine ang sampu, nasalo ni Aliyah ang siyam, nasalo ni Clark ang walo at nasalo ni Flen ang lima, the rest ay iniwasan na lang namin.

"Still fast, huh?" Nakita namin si Dad na nasa upuan niya, napangisi ako sa naisip ko. Tumingin ako sa kanila at mayroon din silang nakakalokong ngiti sa labi nila, iisa lang talaga ang isip namin. It's revenge time.

Tinapon namin lahat ng nasalo naming punyal papunta sa kaniya galing sa iba't ibang direksiyon. Gumulong Elaine at si Aliyah papunta sa kabilang dulo ng silid at ako sa gitna at nasa pinto parin naman ang dalawang lalaki. As expected, nailagan niya ang mga iyon at nasasalo ang iba kapag nahihirapan siyang ilagan. 😏 Maaaring nailagan niya nga. Ngunit hindi ang susunod kung tira.

Akmang itatapon ko na sa kaniya ang punyal at sasaluhin niya sana ito, ng dinelayed ko ng kaunti ang pagtapon dito. Nawala siya sa timing ng pagsalo at nasugatan siya sa pisngi. And I'm still wearing my smirk. 😏

"Tsk... tsk... tsk. Hayy. Anak nga kita. Ang galing mo din gumawa ng kalokohan at talagang timming ko pa ang sinira mo, pati yung gwapo kong mukha. Pa'no yan? Baka iwan na ako ng mama niyo! *Huhuhu*" Drama ba ng Dad ko? Alam ko na yun, dati pa. Ewan ko nga kung diyan ba talaga ako sa kaniya nagmula eh. Si Elaine lang ata nag mana diyan. Magka-ugali kasi kami ni Mom. Maloko pero cold. Si Dad naman, SOBRANG maloko tapos childish pa at ang drama. Hayy. Nagtataka nga ako kung pa'no nagustuhan 'to ni Mom eh!!

"Tss. Drama. Ano ba yun? Mission A ba at kasama kami ni Elaine diyan at kailangang buo pa talaga ang gang?" Tanong ko kay dad.

May iba't ibang uri kasi ng missions. Mision D, ipinapadala dun ang mga members ng mafia. Mission C kapag Yakuza na ang humahawak. Mission B kung Reapers at Assassin na ang humahawak (at sila Aliyah yun) at Mission A kung kasama kaming leaders.

"Nope. It's an Elite Mission." Naging seryoso si Dad ng banggitin niya ang uri ng mission.

Elite ha?

Elite Missions ay binibigay lamang sa isang group, it's either Fallen Angels which is kami, o ang Dark Removers o Hell's Dark Piece ang ipapatawag. Pero ngayon, mukhang iba ito. Instinct.

"It's an Elite Mission A actually. So hindi lang kayo ang ipapadala ko. May nakausap na akong ka-alyansa natin sa Pilipinas para tu----" Naputol ang sasabihin ni Dad ng sumabat kaming lima.

"Ano?!!! PILIPINAS?!!"

«TO BE CONTINUE»

Please vote and comment po for your thoughts about this story po. Feel free to critiziced it. Just don't be too harsh. Maybe makatulong sakin criticism na gagawin niyo at uulitin ko po, wag lang masyadong harsh.

~Letlet

{EDITED}

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top