Chapter 9

Chapter 9

After the devastating event that happened a month ago, nanindigan ang mga natitirang trainees na kailangan nilang pagtagumpayan na makamit ang kanilang mga pangarap. Hindi lang para sa kanilang mga sarili at pamilya, kung hindi pati na rin sa mga kasamahan nila na nasawi sa aksidenteng kinasangkutan nila noon.

Hinding-hindi iyon makakalimutan ni Steve lalo na't tumatak sa kanyang isipan ang pangyayaring iyon. Para sa kanyang kaibigan na si Elton, hindi niya bibiguin ito at ang kanyang sarili kabilang ang mga taong naniniwala sa kanya.

Isang araw bago ang kanilang graduation, gaganapin ang pagbibigay pugay sa walong kasamahan nila na nasawi sa aksidente. Ayaw man dumalo ni Steve dahil mabigat para sa kanya gawin iyon, pero bilang respeto ay pumunta ito.

Kasama ang mga pamilya ng mga nasawi, hinding-hindi ito makakalimutan ng lahat. Ang alaala ng mga dati nilang kasamahan ay dadalhin nila patungo sa kanilang mga pangarap.

After the day was over, they are going to wait for another day to wait for the day they have been waiting for. Six months of training was so long and along the way, a lot of things had have happened. It would be a bitter-sweet success for some of them—especially for Steve.

When he heard that the people behind these attacks could be the group they called "Black Knights". Sa umpisa ay hindi naniniwala si Steve na nag-eexist ang grupong iyon, pero habang nasa kampo siya ay inalam niya kung anong meron sa grupong ito at bakit nila ginawa ang pag-atake sa mga Gold Knight trainees.

Ang sabi ng iba, isa lamang iyong statement na ang kanilang grupo ay hindi susuko sa anumang gawin ng monarkiya. Hindi sila papatalo. Hindi nila hahayaang manalo ang monarkiya. Sa puntong iyon ay ang nasa isip lamang ni Steve ang hanapin ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang kaibigan at gagawin niya iyon sa kung ano mang kakayahan niya.

Hindi niya hahayaang mauwi na lamang sa wala ang mga ginawa ni Elton. 

Pero hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang bagong hakbang na ito. Pero panigurado sa kanyang bagong posisyong tatahakin ay magkakaroon siya ng mga pribilehiyo na ang kanilang mga grupo lamang ang nakakaalam.

Hindi niya alam kung paano niya hahanapin ang mga taong umatake sa kanila at dalhin ito sa hustisya ay hindi niya ito magagawa. Hindi niya kilala ang Black Knights. Wala siyang ideya, ngunit ang ikinababahala niya na baka isa sa mga taong makakasalamukha niya ay miyembro ng Black Knights.

Nang dumating ang araw ng kanilang pagtatapos at pagiging opisyal na Gold Knights—labing isa sa kanila ang nagtagumpay at ginawaran ng pagpupugay. 

Halo-halo ang nararamdaman ni Steve. Muli niyang nakasama ang kanyang pamilya matapos nitong nakaraang buwan na pagbisita nila sa kanyang kalagayan.

Masaya si Steve para sa sarili niya at para sa kanyang mga kasamahan. Iniisip na lamang niyang kasama niya si Elton sa pagtatapos na ito. At ngayong magiging official Gold Knight na sila ay isang malaking responsibilidad ang kailangan nilang gampanin at iyon ang pagbabantay sa mga royal.

It would be a new journey for all of them, and a start of something chaotic for Steve.

Bago man magsimula ang kani-kanilang bagong responsibilidad ay nabigyan ng pagkakataon ang mga bagong Gold Knights na makasama ang kanilang pamilya sa buong araw.

Masaya ang pamilya ni Steve sa naabot nito. Hindi man niya ipinagsasabi noon na ang pagiging Gold Knight ay isa sa mga pangarap niya. Naging tahimik lamang siya sa pag-abot nito dahil alam niyang sa paraang iyon ay makakapag-focus siya sa sarili at sa mga dapat niyang gampanan.

At hindi siya nagkamali at nagawa niya nga iyon. Maraming binubuong pangarap si Steve para sa sarili at sa kanyang pamilya. Hinding-hindi niya bibitawan ang prinsipyo na maging isang mabuting mamamayan.

Sa puntong iyon din ay hindi na pinalampas ni Steve ang pagkakataon na mabisita ang pamilya ni Elton. Mabigat man para sa kanyang gawin iyon, pero bilang pag-alala at respeto sa naiwang pamilya ng kaibigan niya ay dinalaw niya ito.

Nang marating niya ang bahay at makasama ang pamilya nito. Nagpaabot lamang ng mabubuting salita si Steve patungkol sa kanilang anak. May iniabot pang tulong pinansyal ang binata sa pamilya ni Elton ngunit tinanggihan nila iyon at naiintindihan ni Steve ang kanilang desisyon. Bago siya tuluyang umalis ay may binigay siya sa pamilya ng kaibigan na siyang ibinigay ni Elton noon at naging sandigan niya upang tapusin ang training para sa pangarap ng kaibigan.

Nagulat na lamang si Elton nang hindi rin ito tanggapin ng pamilya ng dating kaibigan. Pinilit niyang tanggapin nila iyon, pero ang sabi na lamang ng magulang ni Elton ay itabi niya ang mga ito bilang alaala sa naturang pagkakaibigan nila ng kanilang anak.

Bibigay na sa pagiging emosyonal si Steve ngunit tinatagan lamang niya ang loob. Mabigat para sa kanya na alalahanin ang lahat lalo na ang aksidenteng nangyari. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan kaya ngayon ay nagpursige siyang maka-graduate at ipagsigawan na isa na siyang opisyal na Gold Knight.

Nang dumating ang araw na kailangan nang dumalo ng mga bagong Gold Knight sa pagpupulong kasama si King Medeval, sa puntong iyong ay alam nilang magsisimula na ang panibagong karera ng kanilang buhay at kahit man delikado ay kanilang gagawin ang lahat upang maipakita sa lahat na ang kanilang trabaho ay hindi basta lamang.

Ngunit nang magtagal... tatlong taon ang makalipas, nagbago ang buhay ni Steve... at doon siya namulat sa katotohanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top