Chapter 8
Chapter 8
Over the few months of training, it has been hard for Steve to go by each day since all the trainings are difficult which is fair to train their discipline, strength, and everything they could offer to this job.
Being away from his family is one of the things he has been dealing with. Pero ginagawa niya rin ito para sa kanila kaya hindi niya ito susukuan. Kahit ano man ang mangyari. Tatagan lamang ng loob ang kailangan dahil kung susukuan niya ito sa kalagitnaan ng training ay parang sinayang lamang niya ang napakalaking pagkakataon na ito. Pagkakataon na tiyak na makapagbabago ng buhay niya.
Sa mga nakalipas na buwan, mula sa higit thirty trainees na nakapasa sa matinding screening ay unti-unti silang nabawasan. Ang iba ay nagkaroon ng medical kondisyon na dahilan upang hindi na maipagpatuloy ang kanilang training. Malaking panghihinayang iyon para sa kanila dahil kaunti na lamang ang tatahakin nila, pero napurnada pa ang lahat.
Marami ring lumabag sa batas na dapat nilang sundin habang nasa loob ng kampo. Higit walo ang napatalsik sa training at ang mga ito ay hindi na maaaring sumali pa sa mga susunod na training kabilang na rin doon ang pagsali sa Silver Knights. Malaking pagkakamali ang lumabag sa batas gaya ng pagkukubli o pagtatago ng mga bagay na ipinagbabawal at palihim na paglabas ng kampo na siyang ginawa ng ibang kasamahan ni Steve.
Muntik na mapasama si Steve sa mga muntik mapatalsik kung hindi niya lang inuna ang sariling kapakanan niya. Maraming bagay siyang isinaalang-alang nang pumasok siya rito sa kampo ng Gold Knights at kailangan niyang sundin ang mga panuntunan kung hindi ay pangarap niya ang magiging kapalit nito.
Sa ikalimang buwan ng kanilang training—mula sa pagkaka-isolate sa ibang tao upang mapagtuunan nila ng pansin ang kanilang training ay for the first ay lalabas sila upang ma-meet ang mga royals.
Nananabik ang labing-siyam na trainees sa araw na iyon dahil matagal na nilang kinakapanabikan na makasalamuha harap-harapan ang mga ito. Bukod sa nakikita lang nila ito noon ay walang pagkakataon na makausap ay sa puntong ito ay magagawa nila iyon.
Ngunit binigyan man sila ng ilang restriction sa gagawing aktibidad na ito, limitado pa rin ang kanilang mga gagawin dahil ang punto lamang ng pagpunta nila sa palace ay makilala sila ng mga royal dahil isang buwan na lamang ang kailangan nilang pagdaanan ay ga-graduate na sila bilang isang opisyal na Gold Knight.
Mabilis na nag-ayos ang mga trainees at sa hudyat ng kanilang office na humanay sa dalawang pila ay sinunod naman nila ito.
Nagbigay naman ng mabilis na instruction ang kanilang officer sa mga bagay na kanilang gagawin at mga hindi dapat gawin. Tumungo ang labing-siyam na trainees sa isang coaster-bus kung saan magdadala sa kanila papunta sa palace.
Nang mahanap ng bawat isa ang kanilang mga upuan at maging komportable ito ay hindi na nila mapigilan ang nararamdaman kaba at excitement.
"Steve, excited ka na ba?" tanong ng kaibigan nitong si Elton.
Lumaki ang ngiti sa labi ni Steve at saka ito tumango. "Sino bang hindi, 'di ba?"
"Ako rin!" Hagikgik pa nito. "Ito lang, imagine mo lang, kapag nagkaroon ka ng chnace na makausap si King Medeval. Anong sasabihin mo?"
Napakibit balikat naman ito. "Hindi ko alam sa totoo lang. Siguro matatahimik na lang ako. Matagal ko ng gustong makausap si King Medeval at kung may pagkakataon man, kung ano na lang siguro ang masabi ko. Alam mo namang nakaka-intimidate sila, 'di ba?"
Natawa naman si Elton saka ito tumango at tinapik ang balikat ng kaibigan. "Tama ka nga naman. Kahit siguro ako rin, hindi ko rin alam kung tama ba ang sasabihin ko o kung nasa tamang pag-iisip ako that time. Pero bahala na, isang malaking pagkakataon pa rin para sa atin na makasalamuha silang lahat."
Habang nananabik ang karamihan sa aktibidad nilang gagawin, isang hindi inaasahang pangyayari ang hindi nila inaasahan.
Isang kotse ang sumalpok sa coaster-bus na kanilang sinasakyan. Mabilis ang pagtakbo ng kotse dahilan upang bumagsak ang bus.
Ang inaasahang masayang aktibidad ng mga ito ay nauwi sa disgrasya.
Ang mga lula ng bus ay unti-unting bumangon at hinanap ang daan kung sana sila maaaring makalabas. Nang tulungan ng bawat isa na makalabas ay isang pangyayari naman ang hindi nila inaasahan dahil ang kaninang kotse na sumalpok sa kanila ay bigla na lamang sumabog. Ang mga taong lulan ng bus ay tuluyang nawalan ng malay.
Nang magdaan ang ilang minuto ay dumating ang tulong upang sagipin ang mga biktima. At isa-isa nang inilabas ang mga katawan ng mga biktima mula sa loob ng bus at ilan doon ay binawian ng buhay kabilang na ang kaibigan ni Steve na si Elton.
Mula sa labing-siyam na Gold Knights na lulan ng coaster-bus ay labing-isa lamang ang nakaligtas mula sa aksidente. Hindi na natuloy ang pagpunta ng mga Gold Knights sa palace dahil sa alarmang ibinigay ng aksident. Dahil doon ay nagsimula ang imbestigasyon na kanilang suspetya na sinadya ang pangyayaring iyon.
Ilang araw na nanatili ang mga sugatan at nakaligtas na trainees sa infirmary upang magpalakas habang ang mga pamilya ng mga biktima na hindi nakaligtas sa aksidenta ay kanila nang kinuha ang mga piling sa buhay.
Hindi maipaliwanag ni Steve ang nararamdaman niya dahil nawalan siya ng kaibigan. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ito sa kanila. Hindi niya inaasahan na ang mga taong nakikita niyang makakasama niya sa dulo ng training na ito ay makakapiling niyang abutin ang kanilang mga pangarap, pero hindi na iyon matutuloy ngayon.
At isa dahilan iyon na hindi na nila nakausap ang mga royal.
Alam ni Steve ang kanyang pinasok. Na buhay ang nakataya sa anumang sitwasyong mangyayari, ngunit sa pagkakataon na wala silang alam at laban ay doon sila inatake.
Ano nga ba ang gagawin ni Steve? Kanya pa bang ipagpapatuloy ang nasimulan? Iyong ang isa sa matinding pinag-iisipan ni Steve dahil hindi na lamang para sa pamilya niya ang laban na ito kung hindi ay pangarap na rin ng mga kasamahang nitong buhay ang naging kapalit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top