Chapter 4
Chapter 4
Bago muling magsimula si Steve sa pagbabantay sa kanilang mga bihag ay maaga silang pinatawag para sa isang mahalagang pagpupulong. Walang ideya ang binata kung anong pag-uusapan do'n, pero hindi naman nalilihis ang pag-iisip niya na pag-uusapan nila ang kanilang mga bihag.
Nakita ni Steve si Dobber doon kung saan nagkasalubong silang dalawa papuntang great hall.
"Sa tingin mo, ano kayang pag-uusapan mamaya?" tanong ni Dobber.
Napakibit balikat naman ang binata. "Hindi ko alam. Siguro mas hihigpitan nila ang seguridad sa paligid o kaya naman ay bibigyan na nila ng hatol itong mga bihag natin. Maraming pwedeng pag-usapan... hindi lang ako sigurado kung ano."
"Sa tingin ko hindi pa nila bibigyan ng hatol 'yong mga 'yon," ani Dobber. "Malakas ang impluwensya ng dalawa sa grupo ng kanilang mga kinabibilangan kaya malaki ang magiging parte nila sa kug ano man ang gagawing hakbang ng rebelyon."
Bahagyang napatango si Steve. "Sabagay... but whatever happens, kung hanggang saan aabutin itong pagbabantay natin sa mga bihag natin. I hope our hard works would pay off good."
"Naniniwala ako riyan," ani Dobber.
Saglit lang nang marating nila ang great hall. In-escort din sila sa meeting room kung saan ay naghihintay na rin ang iba nilang kasamahan. Tumungo sila sa bakanteng silya kung saan sila umupo at naghintay sa oras ng pagpupulong.
Ilang minuto lang nang dumating na ang kanilang mga lider. Umayos nang pagkatatayo ang lahat at kanilang itinuon ang atensyon sa lider.
"Magandang umaga sa lahat," panimula ng lider. "Masaya akong makita ang lahat na nandito ngayon dahil may anunsyo ako na alam kong matagal nang pinaghahandaan ng ating mga kasamahan."
Muling nagkaroon ng bulong-bulong sa paligid kung anong mangyayari at anong anunsyo itong ibabahagi ng lider nila.
"Sa adhikain nating makuha mula sa monarkiya ang kamay ng bansang ito, gagawin natin ang lahat upang maibalik sa tamang landas ang lahat. Gayong hawak natin ang dalawa sa pinakatitiwalaan nilang mga lider ng Silver at Gold Knights. At sila ang magiging daan natin upang maalis sa monarkiya ang kanilang kapangyarihan."
May nagtaas naman ng kamay at tinuro iyon ng lider upang bigyan ito ng boses na makapagsalita.
"Anong gagawin nila? Kung sila ay may paniniwala pa rin na darating ang mga grupo nila para iligtas sila?"
Bahagya natawa ang lider saka ito tumango. "Ayan ang dahilan kung bakit nandito kayo ngayon..."
Sa puntong ito ay kung ano-ano na ang namumuong ideya sa kanilang mga isipan hangga't sa bumukas ang TV sa gilid ng lider. Ang atensyon ng lahat ay napunta ro'n at makita ang pamilya ng Gold at Silver Knight na pinalilibutan ng Black Knights sa silid kung saan hindi sila matatagpuan.
Napakunot ang noo ni Steve dahil hindi niya lubos maisip na hahantong pala sa ganitong sitwasyon ang kayang gawin ng Black Knights. Ngunit hindi na siya naninibago sa mga gawain ito, pero ang ikinatatakot niyang mangyari ay mauwi sa mas malaking disgraya ang lahat.
Dahil hindi makampante si Steve at nagtaas ito ng kamay at nakuha niya ang atensyon ng mga ito.
"Yes, Steve?" tanong ng lider.
"Anong gagawin sa mga pamilya nila?" tanong nito.
"Magandang katanungan," panimula nito. "Bago pa man tayo maunahan ng monarkiya na protektahan ang pamilya ng mga bihag natin, nauna na nating ginawa iyon hindi dahil para saktan natin sila o ilagay sa kapahamakan upang maging rason na hindi tayo tatalikuran ng mga bihag natin dahil ang planong pagsakop sa monarkiya ay kabilang ang Gold at Silver Knight. Sa madaling salita... sila ang magdadala sa atin ng kapangyarihan."
Hindi man kumbinsido ang lahat na magiging matagumpay ang plano na ito dahil ngayon pa lamang ay iniisip na nilang magiging komplikado ito.
Ngunit hindi sila nawawalan ng pag-asa na magiging matagumpay ang isasagawang plano ng kanilang lider. Kung iyon ang magiging daan upang maibalik sa mga mamamayan ang naturang karapatan ay isang malaking kawagian ito para sa lahat—maliban sa monarkiya.
Inisip na lamang ng mga dumalo sa pagpupulong na ang pagdakip din sa mga pamilya ng mga bihag ay isang malaking asset na mapagtagumpayan ang plano.
Nang matapos ang pagpupulong ay isa-isa nang nag-alisan ang mga taong dumalo. Si Steve at Dobber ay tumungo na naman sa tower kung saan sisimulan nila ang oras sa pagbabantay sa mga bilanggo.
Nagpalitan naman ng diskusyon si Steve at Dobber habang patungo sa tower at kung ano ang opinyon nila sa plano ng kanilang lider.
"Kung sa tingin ko na ito ang paraan upang maging maayos ang lahat, susuportahan ko na lang ito."
"Kahit sa tingin mo magiging mali ang resulta nito?"
Nagtataka siyang nilingon ni Dobber. Napailing na lang din ito. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Steve? 'Di ba nanggaling ka sa pagiging Gold Knight? Alam mo kung anong pamamalakad ang meron sila. Nagdadalawang isip ka ba ngayon?"
Umiling si Steve. "Hindi... natanong ko lang naman."
Napangisi si Dobber saka nito tinapik ang balikat ng kasamahan.
Naghiwalay lamang silang dalawa nang tumungo sa selda ng kanilang mga bihag na babantayan. Nang marating ni Steve ang selda ni Nathan kung saan ay naabutan niya si Haji na siyang papalit sa kanyang puwesto.
"Salamat, Haj, sa pagbabantay," ani Steve. "Kumusta 'yon?"
"Okay lang naman," anito. "Hindi siya nag-iingay o kung ano man... pero hinahanap ka niya. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi ko naman tinatanong."
"Sige, sige. Ako nang bahala rito," ani Steve sabay tapik sa balik ng kaibigan.
"Mauna na ako, " sabi ni Haji. "Magpapahinga na muna ako."
Nang umalis si Haji at pumwesto si Steve sa kinalulugaran ng kaibigan kanina, umayos lamang ito sa kanyang pagkakatayo at nanatiling alerto.
Napahugot na lamang ito nang malalim na hininga dahil sa mga susunod na araw, maraming posibilidad na mangyari at iyon ang pagbagsak ng monarkiya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top