Chapter 20
Chapter 20
Many had died already and the rebellion kept going and no one ever is going to stop this until the other group were all done... but who will remain standing firm at their own feet at the end of this rebellion?
It could the Black Knights or the monarchy... it's between them now.
When the others are fighting for the cause they have been meaning to happen, sinundan naman ni Steve kung saan nagtungo ang apat na kanyang nasilayan kanina lamang. It would be a good way for Steve to end the life of these knights. They may have done wrong, but Steve believes that they shouldn't live after they've seen the life had back in the camp. Things could go wrong if they open their mouth and speak about the truth.
Hindi siguro si Steve kung anong sunod na gagawin ng mga ito kaya siya na mismo ang gagawa no'n. No one will know. At this stage of rebellion, one will do everything he can to get the power.
Ilang saglit lamang nang matanaw ni Steve si Nathan at si Moira kasama nito sina Kennan at Princess Kalia. Sa isip nito, alam na nito kung anong gagawin nila. Simple lang, tatakas sila at iiwanan ang iba na ipaglaban ang kanilang palasyo. Alam ni Steve na ang mga pamilya nila ay sa puntong ito ay pinalaya na kaya malakas ang loob ng dalawa na gawin na ang kanilang mga gusto.
"Magaling," panimula ni Steve nang makalapit sa kanila.
Napatingin ang apat sa kanyang direksyon. Walang anumang hawak na armas ang apat kung hindi ang sarili lamang nila bagamat si Steve ay may granada, baril, at kutsilyong dala.
"Saan kayo pupunta? Tatakas kayo?" Nakangising tanong ni Steve. "Hindi niyo ba tutulungan ang mga kasamahan niyo? Hindi niyo ba nakita kung paano nila ipinaglalaban ang sarili nila? Bakit hindi niyo magawa 'yon? Siguro nga ay mga naturang duwag kayong dalawa." Natawa na lamang ito.
"Kilala kita..." ani ng prinsesa. "I know I've seen you before..."
"He was a Gold Knight and was banished from the palace," sagot ni Kennan.
Napangisi si Steve. "In very flesh, Princess..." Yumuko pa ito as he was just mocking on bowing to a royal.
"Ano pa bang kailangan mo?" tanong ni Nathan. "Nakuha niyo na ang gusto niyo, 'di ba? Ano pang kailangan mo sa amin?"
"Madali lang..." Binunot ni Steve ang baril sa kanyang pantalon at itinutok iyon sa direksyon ng apat. Nabato sa kinatatayuan ang apat at hindi alam kung anong gagawin.
"You don't have to do this," ani ng prinsesa. "We can help you in anyway you want... just don't shoot or kill us."
"There's no other way," sagot ni Steve. "This is the only way to end things right. At kung hindi ito, sa anong paraan pa, 'di ba? Let's just end this in an easy way. 'Wag na kayong pumalag."
Ikinasa ni Steve ang baril and as he placed his finger on the trigger and could even pull it off, something happened that shocked everyone. Pumutok ang baril at mabilis na dumapa ang apat sa sahig upang iwasan ang pagtama ng bala sa kanila dahil ang sunod na lamang nilang nasilayan ay ang pagbagsak ni Steve sa lupa.
Ininda ni Steve ang natamong saksak sa tagiliran niya nang bumagsak ito at pilit na sinilip kung sino ang mga sala. He was just looking at someone he had met before during his tenure as a Gold Knight—his Gold Chief before.
"Go on, Steven... we're better off without you. You're best friend is waiting for you... it's time for you to go..."
Wala ni isang salitang nabitawan si Steven kung hindi ang malagutan ng huling hininga. Lumapit ang Gold Chief sa apat kung saan inalalayan niyang makatayo ang mga ito at siniguradong ligtas ang mga ito. Idinala niya ito sa isang lugar kung magiging maayos at ligtas sila ro'n.
Ipinaalam na rin ng Gold Chief na ang ibang miyembro ng royals ay nandoon na rin. Kaba at takot pa rin ang namumuo sa kanilang mga dibdib hangga't sa matunton nila ang silid kung saan nanatili ang mga royal at ilan sa kanilang mga tauhan na lubhang sugatan na rin.
"Nate at Ken," tawag ng Gold Chief sa kanila. "Ayoko mang dalhin kayo sa kaguluhang ito, pero dahil nanumpa tayo na ipagtatanggol natin ang bansang ito sa abot ng ating makakaya, ipaglaban natin ang tama."
"Hindi na, chief. Hindi na sila aalis," pagpigil ni Princess Kalia.
Ngunit hinarap naman siya ni Ken. "Ayos lang ako at magiging ayos lang ako. Responsibilidad ko ang pangalagaan kayo at ipagtanggol ang monarkiya. Ngayon, kailangan kong gampanan ang trabaho ko. Pangako, babalikan kita... babalik akong buhay."
Tumango at sumang-ayon naman si Nathan. "Hindi ako aatras. Ipaglalaban ko rin ang ating mga mamamayan. Ito ang nararapat. Ito ang tama. Hindi rebelyon ang sagot sa kaayusan ng bansa. Tapusin na natin ito."
Before Ken could even leave, Princess Kalia parted him a gift of kiss. That was just a quick moment as they have to leave the room.
Tumungo ang tatlo kung saan tinipon nila ang kanilang mga kasamahan at nagsimulang bumuo ng plano.
Sa kabilang banda ay hinahanap ni Haji ang kaibigan sa iba't ibang parte ng palasyo hangga't sa makita niya ang isang pamilyar na katawang nakahalandusay sa lupa. Nang lapitan niya ito ay hindi siya makapaniwalang makitang walang buhay ang kaibigan. Mulat ang mga mata nito at naliligo sa sariling dugo. Bahagya nitong inaalala ang mga panahong nakasama ang kaibigan hangga't sa nag-iwan ito ng salita sa kaibigan.
"Hindi kita bibiguin, Steve... magwawagi ang rebelyon..."
Bago ito umalis ay kanyang ipinikit ang mata ng kaibigan. Kinuha ang ilang armas sa katawan ng kaibigan na magagamit niya bilang depensa. Kung ang rebelyong ito ang maglulutas sa kaayusan ng bansa, kailangan nilang maiparating sa buong mundo na hindi na babalik sa dati ang bansang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top