Chapter 2
When Steve starting to gain some consciousness, realizing the fact that he has been knocked off by his two prisoners, he knows it would be a total chaos.
He was found by another knight inside the cell and the fact that no one was there, but him, they were alarmed.
Steve tried to tell the other knight not to say anything since it would create panic. Or maybe, Steve was just trying to protect his reputation. He's holding important prisoners which tails on his responsibility and now that they could be sneaking in around the premises, it would be bad for them.
Dahil hindi kampante si Steve sa knight na nakakita sa kanya, alam niyang anumang oras lamang ay aabot na ang balitang ito sa kinauukulan. Iyon ang kinatatakot niya. Ang parusang kaakibat nito.
Kung susubukin niyang hanapin ito sa buong paligid nang hindi nahahalata ng iba ay magagawa niyang hanapin ito. Nagsuot na lamang siya ng sumbrero upang gawing pantago sa pasa na nakuha niya sa pagkasusuntok ni Nathan sa kanya.
Hindi rin naman makapaniwalang naisahan siya ng mga ito. Kinapa niya ang mga bulsa niya. Wala ang ilang susi niya roon. Ang susi niya sa kwarto at sa ilang pribadong kwarto sa kanilang lungga. Kinatatakutan ni Steve na mangyari 'yon.
There's a lot of things could go wrong, ito pa ang nangyari kay Steve.
Sinubukang hanapin ni Steve sa ilang lugar na maaaring magtago ang mga ito, ngunit sa ilang lugar na pinuntahan niya ay wala sila roon. Kumakabog sa sobrang kaba ang didbib ni Steve. Ito ang maaaring maging setback niya upang kalabanin ang monarkiya.
If he wasn't able to find those knights, it would be the end of him.
Mayamaya lamang ay nakasalubong ni Steve si Haji. Hindi nito ipinaalam sa kasamahan ang nangyari pero huli na ito nang sabihin ni Haji sa kanya ang nalalaman nito.
"Paano 'yon nangyari? 'Di ba, sinigurado mo naman na naka-lock ang selda nila no'n? Paano sila makatatakas do'n? Nakakapagtaka naman."
"Kaya nga sila ang mga knights na nandito ngayon sa atin. Marami silang alam. Marami silang skills at abilidad na nagagawa sa iba't ibang paraan. Hindi ko lang alam kung paano nila ako naisahan. Pero tama ka, bago tayo umalis kanina, sinigurado ko muna 'yon. Nakakapagtaka pa rin kung paano nila nagawa 'yon..."
Napailing na lamang si Steve. Hindi lubos maisip na sa puntong ito ay labis-labis ang pangambang iniisip niya. Kung ano man ang dapat niyang unahing gawin.
"Sa tingin mo ba'y kailangan ko ng ipaalam ito sa mga pinuno natin?" tanong ni Steve.
Tumango naman si Haji. "Sa tingin ko iyon ang tamang aksyon na kailangan mong gawin. Kung itatago mo ito sa kanila, baka mas lalo ka pang mapahamak. Dati kang Gold Knight, alam mo na dapat kung anong gagawin dito."
"Tama..." aniya. Napahugot na lamang ito nang malalim na hininga saka nag-decide na gawin ang nararapat. "Tara. Samahan mo ako sa opisina nila."
Sinamahan naman ni Haji si Steve papunta sa opisina ng kanilang pinuno. Bagama't buo ang desisyong ipaalam sa kanilang pinuno ang nangyari, hindi pa rin maialis sa kanyang dibdib ang kaba at takot. Kung nakatakas man sa kanilang puder ang dalawang knight na iyon, posibleng matunton na sila ng monarkiya.
Malayo at liblib ang kanilang tinutuluyan ngayon. Ligtas sa panganib, ngunit kung ito ang magsisimula sa pagkaguho no'n, alam niyang isang malaking pagkakamali ang ginawa niya. Kapabayaan ang kanyang sinisisi rito.
Nang marating nila ang opisina ay papasok na sana ang dalawa ngunit pinigilan sila ng guwardiya sa labas na makapasok. Hindi binanggit ng guwardiya kung anong meron dahil pinaghintay lamang sila nito sa labas.
Kita naman ang kaba sa mukha ni Steve at sa panginginig ng binti nito. Sinusubukan niya lamang magmukhang kalmado ngunit iba pa rin ang dala ng takot.
Saglit lamang nang makarinig sila ng ingay sa loob ng opisina at hanggang sa bumukas ito ay bumungad kina Steve at Haji ang mga tumakas na knight. Sina Nate at Ken. Nakatali ang mga kamay nito sa likod habang may tikom ang bibig ng tela.
Gulat na lamang ang namutawi sa mukha ni Steve nang makita ang dalawa ngunit ang tingin sa kanya ng mga nadakip na knights ay mga nakasisindak na tingin. Guwardiyado ng anim na Black Knights, walang ideya si Steve ngayon kung saan nila ito dadalhin.
Naiwan pa rin sila sa tapat ng opisina dahilan upang makita ng isa sa kanilang mga pinuno.
"Ipapatawag pa lang sana kita, Steve. Pumasok ka sa loob," utos nito.
Sumunod si Steve sa utos nito. Naiwan sa labas si Haji gayong pribadong pag-uusap ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa.
"Alam mo na kung anong ibigsabihin nito, Steve," panimula ng kanyang pinuno.
Tumango naman ito. "Yes, sir."
"Isang malaking responsibilidad ang naatas sa 'yong bantayan ang dalawang knights. Ngunit, nagkamali kami na ilagay sila sa iisang selda. Sa puntong ito ay ihihiwalay ang ang Gold at Silver knight sa magkaibang selda at bibigyan kita ng isa pang oportunidad na gawin ang trabaho mo."
"Sir?" hindi makapaniwala nitong usal.
"Tama ang narinig mo, Black Knight Steve. Binibigyan ka pa namin ng isang chance na gawin mong maayos ang responsibilidad mo. Ngunit sa puntong mangyari ulit ang ganitong pangyayari ay ititiwalag ka ng organisasyon. Wala ng susunod na chance. Ito ang ating proseso, Steve. Sa ngayon, inaatasan kitang bantayan ang Silver Knight. Makakaasa ba ako muli sa 'yo, Steve?"
Determinado itong tumango. "Yes, sir! Makaaasa po kayo sa akin."
"Mabuti kung gano'n. Mahahanap mo ang panibagong selda ng mga knights sa sagradong tower. Iyon lamang, maaari ka nang lumabas."
"Maraming salamat, pinuno."
Ang laki nang iniluwag ng dibdib ni Steve nang makalabas siya ng opisina. Nang ibalita niya rin kay Haji kung anong nangyari ay hindi rin ito makapaniwala.
Sa isip-isip ni Steve ay isa itong malaking oportunidad na ituwid ang pagkakamaling nagawa niya. Patutunayan niyang hindi siya pahirap sa kanilang sistema. Ngayong, binigyan muli siya ng pagkakataon, gagawin niya ang lahat.
Kailangan niyang maipahatid sa monarkiya na ang kanilang mithiin na magkaroon ng patas na sistema sa kanilang kinaluluguran ay maihirang o kung hindi... isang malaking rebelyon ang mangyayari. O kung sa kinatatakutan ng iba, isang giyera—at walang sinuman ang gustong mangyari ito, ngunit kung ito lamang ang paraan upang maiparating ang kanilang hinaing, maghanda ang buong bayan.
Hindi nagbibiro ang Black Knights... matagal na nila itong pinaghandaan. Wala nang urungan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top