Chapter 18

Chapter 18


"Ano bang gagawin natin?" tanong ni Nathan.

Napakibit balikat naman si Kennan. "Hindi ko alam. Kung may sasabihin ba sila sa atin o wala, iyon ang hindi ko sigurado. Ipapaalam nga ba talaga nila sa atin iyong mga plano nila? Hindi natin sigurado 'yon, syempre dahil iniingatan pa rin nila ang kanilang aksyon. Kasi kahit sabihin natin na sumasang-ayon tayo sa plano nila at huwag sumuway, pagkatitiwalaan ba nila tayo? Hindi, 'no."

Napabitaw na lamang nang malalim na buntonghininga si Nathan. 

Kung ano man ang utos na ibibigay sa kanila, wala silang magagawa kung hindi ang sundin ang mga 'yon. Naiipit sila sa sitwasyon kung saan wala silang kawala. Kailangan nilang gawin iyon kung hindi ay buhay niya at ng pamilya ang magiging kapalit ng pagsuway niya. Lagi nilang itinatatak sa isipan 'yon dahil hangga't nasa puder sila ng oposisyon ay wala silang kalayaan na sundin ang mga gusto nilang gawin.

Lahat ng galaw nila ay mandato at kung makita mang sumuway ay isang kaparusahan ang kapalit nito.

Habang naghihintay ang dalawa sa isang silid ay may pumasok. Nakita nilang si Steve ito. Kung nitong mga nakalipas na linggo ay hindi nila ito nakakasama sa isang silid nang matagal. Lagi itong nasa kabilang side ng pinto kung saan ay nagbabantay sa kanila kaya ngayon ay nakakapanibago ito ng kaunti sa kanila dahil nakasasalamuha na nila ito ngayon.

"Mag-uusap tayong tatlo," panimula ni Steve. Kinuha ni Steve ang silya at ipwinesto niya iyon sa harap ng dalawa saka ito umupo. Seryoso ang paligid at nag-aabang lamang sa mga susunod na mangyayari. "Ako ang binigyan nila ng permission na kausapin kayo sa gagawin niyong pagbabalik sa palasyo."

Alas y dies pa lamang ng gabi. Walang malay ang dalawa sa oras kaya hindi nila ito alintana.

"Bago tayo magsimula, may mga gusto na ba kayong itanong?" ani Steve.

Nagtinginan naman ang dalawa saka nang ibalika ng tingin kay Steve ay umiling ito.

Steve clapped his hands and seated properly. "Alright, makinig kayo sa mga sasabihin ko. Sa pagbabalik niyo sa palasyo, magiging malaking parte kayo. Inaasahan na ang inyong pagbabalik ay magiging senyales ng pagsisimula ng rebelyon. Hindi nila alam 'yon at hindi niyo maaaring ipaalam iyon dahil sa napagkasunduan na kapag sinuway niyo ang utos ng ating lider ay buhay ng pamilya niyo ang magiging kapalit nito, naiintindihan niyo ba?" 

Tumango ang dalawa.

"Simple lang naman ang gagawin niyo," pagpapatuloy ni Steve. "Papasok lamang sa palasyo at kung tanungin man kayo kung anong ginawa namin sa inyo, sabihin niyo ang totoo. Hindi namin kayo pinipigilan kung anong gusto niyong sabihin. Itong mga naging pag-uusap lang natin at kasama ang mga lider natin ang hindi niyo maaaring sabihin. Simple lamang ito... at ang iba pang detalye ay malalaman niyo kapag nakarating kayo sa palasyo dahil kakausapin kayo ng tauhan natin doon."

"Sino naman 'yon?' tanong ni Nathan. "Paano namin malalaman kung iyong tauhan niyo ang kausap namin?"

"Hindi ko maaaring sabihin," sagot ni Steve. "Malalaman niyo lang 'yan kapag nakatungtong na kayo sa palasyo. You'll be surprised once you meet that person..."

"Kung iyon lang ang gagawin namin... may iba pa kaming dapat alamin o asahan?" dagdag na tanong ni Nathan.

"Ako, may gusto akong itanong..." tanong naman ni Kennan kasabay ng pagtaas ng kamay niya. Tiningnan lang siya ni Steve. "Bakit mas pinili mong maging parte ng Black Knights kung magiging maganda naman ang buhay mo sa pagiging Gold Knight? Iyon lang ay kung ginagawa mo ang tama..."

Napangisi naman si Steve. "Wala kang alam..."

"E, 'di, sabihin mo sa amin. Para namin malaman kung bakit mo 'to ginagawa... at kung anong eskandalo ang nagawa mo para sumanib sa grupong ito."

Napailing na lamang si Steve. "Hindi niyo kailangang malaman 'yon."

"Totoo ba?"  pagpapatuloy ni Ken. "Narinig ko na ito noon. Hindi lang ako naniwala, pero mukhang totoo nga... isa kang Gold Knight at may access ka sa ilang parte ng palasyo at nagawa mong magnakaw ng mga bagay na hindi mo naman pagmamay-ari. Hindi pa iyon... nahuli ka pang nakikipagtalik sa isang babaeng staff noon—ang problema lang ay hindi pumayag ang babae at pinilit mo—"

"Tumigi ka," matigas na babala ni Steve. Umigting ang panga nito at kumuyom ang kamao. Napatayo ito mula sa kanyang pagkakaupo. "Wala kang ebidensya sa mga paratang na tinutukoy."

"Talaga ba?" Ngisi pa ni Ken. "Kung hindi man iyon totoo, sana isa ka pa ring Gold Knight at hindi nagbubulag-bulagan sa katotohanan at naniniwala sa rebelyong ito."

Hindi na lamang pinansin ni Steve ang sinabi nito kung hindi ay naglakad palabas ng silid. Natawa na lamang si Kennan dahil asar-talo pala si Steve sa mga pinagsasabi nito.

"Bakit mo naman sinabi 'yon?" takang tanong ni Nathan.

Napakibit balikat ito. "Bakit naman hindi? Pawang katotohanan lamang, Nate."

Ang inakala nila na umalis na nang tuluyan si Steve ay nagkakamali sila. May tatlong lalaking kasunod si Steve at ang sunod na lamang nilang ginawa ay hinawakan ng dalawang lalaki sina Nathan at Kennan at saka nila ito sinimulang pinagbubugbog.  

Hindi nakapalag ang dalawa hangga't sa halos bumagsak na lamang ang katawan nila nang bitawan sila ng mga lalaking nakahawak sa kanila. 

"Ang sabi kasi tumigil na." Napangisi na lamang si Steve. "Bukas, maaga kayo aalis. Maghanda kayo."

Matapos no'n ay umalis ang apat sa silid at ni-lock ito upang siguradong hindi ito makakatakas. Nang maiwan ang dalawa sa loob ng silid habang iniinda ang mga natamong bugbog sa katawan ay pinilit nilang makaupo at maisandal ang likod sa pader.

"Ayan tuloy... sana pala hindi mo na lang talaga sinabi," natatawang usal ni Nathan.

Natawa rin ng bahagya si Ken. "Well, I tried to bring his colors out. Well, after this day, we'll be out of this place. Makakalaya na rin tayo at makakasama ang pamilya natin..." 

Huminga nang malalim si Nathan at saka ito tumango. "Sana nga... sana nga..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top