Chapter 17

Chapter 17


When Kennan learned that the Princess was looking for him, he run multiple hallways just to look for her, but never had a chance to find her. Hinihingal at hinahapo itong napatigil sa isang tabi habang sinusubukang alisin sa isipan ang kaguluhang nangyayari. 

"Princess... nasaan ka na?" nag-aalala nitong tugon.

Nang makarinig si Kennan ng mga yabag ng paa ay mabilis itong nagtago. Karamihan ng mga nakikita niya ay mga Black Knight na sinisuyod na ang paligid ng palasyo. Hindi alam ni Kennan kung paano kabilis nila ito napasok dahil sa taas ng seguridad na nakapaligid sa buong paligid ng palasyo ay isa lamang ang ibigsabihin no'n... pinaghandaan talaga ito ng oposisyon.

Hindi siya nawawalan ng pag-asa na makita muli si Princess Kalia. Hindi niya maintindihan kung bakit pinili pa ng prinsesa na umalis sa silid na mas safe sila. Alam na nga nito kung anong panganib ang nakataya kung lumayo kasama ang iba nitong pamilya nito. 

Iniisip na lamang ni Kennan na natagpuan ng hari ang prinsesa. Pakiramdam ni Kennan na sumuko na lamang pero hindi niya hahayaang malagay sa alanganin ang buhay ng prinsesa.

Sa patuloy na paghahanap niya kay Princess Kalia ay sa pagliko niya ay nakita niya si Sir Obdam. Nakatayo lamang ito sa isang gilid kung saan pinapanood niya ang bawat pangyayari. Dali-dali namang pinuntahan ito ni Ken. Nagulat pa nga ito nang bumulaga si Ken sa harapan niya.

"Ito ba ang plano niyo? Ang sirain lang ang monarkiya?" galit na tanong ni Ken. Namumuo ang galit sa mga mata nito.

Napangisi na lamang ito. "Ito nga, Ken. Matagal na itong inaasam ng Black Knights at ngayon ay makikita mo na kung paano bumagsak ang monarkiya."

"Nasaan ang pamilya ko? Ang sinabi sa amin ni Steve ro'n na papakawalan nila ang pamilya namin. Nasaan na sila?"

"Huwag kayo mag-alala, ligtas sila," nakangiting tugon nito. "Tapos na ang trabaho niyo rito. Umalis ka na ng palasyo o maging isa ka pa sa kaswalidad ng rebelyong ito."

Umigting ang kanyang panga at hindi matanggap ang mga salitang binibitawan nito. Umalis na lamang si Sir Obdam at iniwang nakatulala ang binata sa mga susunod na gagawin nito. Sa puntong ito ay sinusubok na ang kanilang loyalty sa monarkiya. Nangako si Kennan na gagawin niya ang lahat sa ngalan ng pagiging Gold Knight, pero ngayon... magagawa pa rin kaya niyang isaalang-alang ang dangal at puri para lamang sa sariling kapakanan?

Pinagpatuloy niya ang paghahanap kay Princess Kalia hangga't sa makaliko ito sa isang hallway. Wala gaanong tao ngunit nagkalat ang buong paligid ng mga debris ng semento at ilang materyales.

Doon na lamang narinig ni Nate na mistulang may mahinang boses na humihinga ng tulong. Dahil ang boses na naririnig ni Ken ay pamilyar sa kanyang pandinig ay dali-dali niyang hinanap kung sana ito nanggagaling hangga't sa makita nito kung sino ang nadaganan ng mga nagbasakang column.

Nanlaki ang mga mata ni Ken nang makita ang prinsesa na naipit ang paa nito sa napakabigat na dumagan sa kanyang paa. Hindi rin naman ito makapaniwala na nakita niya si Kennan kaya mabilis nitong hinablot ang kamay at hinigit palapit sa kanya upang bigyan nang mahigpit na yakap.

"Nakakainis ka," bulalas ka ni Ken. "Anong ginagawa mo?"

Unti-unti namang kumalas ang dalawa mula sa pagkakayakap.

"I was just trying to look for you..." she said, looking away. "I was on my way to the room where all of you are in, but I've got swarm by knights and then I lost myself when near bombings happened closed to me and this happened... I'm sorry, I'm should've known better... but I'm glad you're the one who found me here..."

"Me, too," he said. "But let's get you out of it as soon as possible. The attack is still ongoing and we need you to get you to safety. The palace isn't safe anymore."

"What about my family?" she asked worriedly.

"They've got knights there and they what know what to do, so just help me get this column out of your leg and come with me to safety, alright? Is that clear?"

Isang tango na lamang ang binigay ng dalaga hangga't sa buong lakas na pinilit ni Ken na maalis ang column mula sa pagkakadagan sa paa ni Princess Kalia. Makailang ulit nila iyong ginawa hangga't sa tuluyang maialis ni Ken. Umimpit pa sa sakit ang prinsesa at hindi rin nito magalaw nang maayos ang kanyang mga paa kaya dahan-dahan siyang binuhat ng binata upang tuluyang makaalis ng palasyo.

Wala man silang ideya sa kung anong totoong nangyayari, ang kailangan lang nilang gawin ay makatakas at kung magawa man nila 'yon ay kanila na lamang ibibigay ang tiwala sa mga kasamahan na maipaglaban ang tama.

Sa ilang parte ng palasyo ay may mga sunog nang nagliliyab at walang magawa ang mga tao sa palasyo kung hindi ang tumakbo at humingi ng tulong. Maraming buhay na ang nasawi, pero hindi ro'n natatapos ang lahat...

Tila ba'y nagsisimula pa lamang ang lahat para sa Black Knights... at hanggang saan aabutin ang rebelyong ito? Maipaglalaban pa kaya ng monarkiya ang kanilang palasyo... o ito na ang simula nang pagbagsak ng bansa at tuluyang pagsipil sa pamumuno nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top