Chapter 1

Chapter 1

"May natanggap ka na bang bagong utos mula sa pinuno natin?" kaswal nitong tanong sa kanyang kasamahan.

Umiling naman ito. "Wala pa. Pero sa tingin ko, kung tama ba ang pagkaririnig ko kanina. May iaanunsyo raw sa lahat kaya sa tingin ko iyon ang kailangan nating abangan."

Tumango na lamang si Steve. "Sige. Daanan mo na lang ako mamaya rito kapag magsisimula na."

Tinanguan din naman siya ng kasamahan nito saka umalis. Nanatili naman si Steve sa kanyang posisyon. Sa basement ng lugar na kanilang kinalulugakan ngayon ay nando'n ang dalawang knights na nawawala at patuloy na pinaghahanap ng kanilang mga kampo. Ngayon, trabaho ni Steve ang bantayan ang dalawang ito. He believes that keeping them is a leverage to make the monarch listen to them. At kung hindi man iyon mangyari, hindi rin nila magugustuhan ang kahahantungan nito.

"May tao ba riyan?" tanong nang nadakip na Silver Knight na si Nathan.

Hindi naman sumagot si Steve.

"Tao po?" pagtawag naman ni Kennan na isang Gold Knight. "Gusto lang namin ng maiinom na tubig. Wala naman kaming kawala rito. Gusto lang namin ng maiinom na tubig."

Ngunit nanatiling tikom si Steve. Naririnig niya ang hiling ng mga ito ngunit sa oras na pagbigyan niya ang mga ito ay lulubos-lubosin na ito o kaya naman ay may mangyari pang hindi inaasahan na kanyang iniiwasan. Dahil hindi pinapansin ni Steve ang dalawa ay wala namang nagawa kung hindi maghintay kung anong gagawin sa kanila.

Nanatili pa si Steve sa kanyang kinatatayuan ng isang oras hangga't sa bumalik ang kanyang kasamahan upang tawagin siya. Muli naman niyang sinigurado ang pintuan bago umalis. Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong sitwasyon kabilang ang mga Black Knights ngunit ang madalas na nagiging biktima ay ang mga normal na mamamayan hangga't sa tuluyang nagiging kasapi na ito ng kanilang grupo.

Nang masiguro nilang maayos ang lahat ay nagtungo na ang dalawa sa assembly hall kung saan kanilang nadadatnan at unti-unting pagdalo ng ilan pa nilang mga kasamahan.

"Ano naman kayang ipaaalam nila ngayon?" takang tanong ni Steve.

"Hindi ko rin sigurado," sagot ni Haji--kanyang kasamahan. "Pero kung tungkol ito sa mga taong nasa silid na binabantayan mo. Malaki ang magiging papel mo rito."

Napangisi naman si Steve. "Ang bigat na nga ng responsibilidad na meron ako ngayon, sana'y hindi na madagdagan, pero kung sa ikaaayos naman ng lahat. Walang problema ro'n. Gagawin ko ang lahat mabawi lang natin ang nararapat na para sa atin."

"Lumalabas ang pagiging Gold Knight mo, Steve." Tawa pa ni Haji.

Napailing na lamang ito habang nakangisi. "Pinagsisihan kong naging kabilang ako ng mga duwag na knights na 'yon."

"Hm? Pa'no mo naman nasabi 'yon?" takang tanong ni Haji. "'Di ba, sila ang nagbabantay ang pumo-protekta sa royals? Sa tingin ko sila ang may pinakamalaking responsibilidad do'n."

Ngunit muling umangal si Steve sa kanyang sinabi. "Tama ka naman sa ilan do'n. Pero nakita mo na ba silang lumaban? The main thing they do is to protect the royals and without the royals, they are pretty useless. But you know what, I don't have to be that useless knight and here I am doing something incredible to save us from the possible--no, that's gonna happen for real, so being a Knight will help us save from their cruelty."

Napatango na lamang si Haji bilang pagsang-ayon sa kasamahan. 

Saglit lamang ay dumating na ang isang taong magbibigay ng anunsyo sa kanila. Tumungtong sa isang platform ang kinikilala nilang Pinuno Uno. Hindi nila alam kung anong totoong pangalan nila ito. Madalang nilang makita si Uno sa kanilang kinaluluguran ngunit kapag makikita nila ito ay nakasuot ito ng itim na kurbata at tila ba'y nagpapahatid ng mga hindi maipaliwanag na intensyon.

Inabangan ng lahat ang anunsyong ipaalam nito sa lahat.

"Magandang araw sa inyong lahat," bungad ni Uno. "Gusto ko lamang ipaalam sa inyo na ang hangarin ng bawat Black Knights sa oras na ito ay mabibigyan ng solusyon sa tiyak na panahon. Hawak natin ang dalawa sa pinakatatanging miyembro ng mga Knight. Isa ito sa magiging hakbang natin upang mapunta sa ating kamay ang batas at sila'y magiging sunod-sunuran sa atin. Matagal na nila tayong paulit-ulit na pinapabagsak at pinipigilang umangat sa ating mga hangarin ngunit sa puntong ito, nasa atin ang lakas."

Napakunot na lamang ng noo si Steve habang ang iba ay nagsipalakpakan ang naging speech ni Pinuno Uno. Nagtataka lamang siya kung paano mangyayari iyon. Sa kabilang banda, kahit na hawak nila ang dalawang natatanging Knight na ito ay maaaring maging malakas pa rin ang impluwensya ng kanilang kalaban dahil sa kanilang mga resources. Bilang lamang kung anong meron ang Black Knights at sa ilang taong sinusubukang kalabanin ang kabilang kampo, hindi sila nagwawagi.

Ano nga ba sa tingin ni Steve ang kulang upang tuluyang makuha ang kapangyarihan mula sa monarkiya? Sa puntong ito, ginagawa lamang niya ang trabaho niya. At kung may mga pagkakataon man na kailangan nila ang serbisyo ni Steve, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya.

Naging kabilang siya sa balikong sistema ng monarkiya kaya nang maging miyembro ng Black Knights ay kanyang ibinigay ang ilan sa mga nararapat na impormasyon upang makatulong sa ilang ginagawang hakbang ng kanilang grupo. Ngunit hindi iyon sapat. 

Siyam na taon na ang lumipas simula nang umalis siya sa puder ng mga royal. Maraming nagbago at ngayon na napabilang siya sa Black Knights, ramdam niyang hindi magwawagi ang kanilang grupo ay nanatili sa anino ng kanilang hangarin.

Sa mabilis na anunsyo ni Pinuno Uno ay namuo ang ilan sa mga haka-haka ng iba. Ang iba ay naiinip at may gustong gawin na mismong hakbang upang kamtam ang pagwawagi ng grupo nila.

Pero sa iniisip ni Steve... bahagyang malayo pa nilang marating iyon.

Bumalik si Steve sa kanyang kinalulugaran kanina ngunit ang hindi niya inaasahan ay nakitang bukas ang pinto na kanyang siniguradong nakakandado bago umalis. Sinilip niya ang loob ng selda ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, may nagsara ng pinto ng selda.

Nang harapin ni Steve kung anong nangyayari ay nanlaki na lamang ang mga mata nito nang makita ang dalawa sa harapan niya. Hindi sila nakatakas ngunit sa hindi niya inaasahang pagkakataon, siya ang kinorner nito.

Sinuntok ni Nathan si Steve sa mukha dahilan upang mawalan ito ng malay. Naiwang nakangiti si Nate at Ken dahil sa puntong ito ay malaki na ang tiyansya nilang makabalik sa kanilang pamilya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top