Still You
Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Katulad din yan ng kasabihan na pinagtagpo pero hindi itinadhana.
Tatlong taong relasyon. Sa loob ng tatlong taong relasyon namin ni Saint, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magbabago ang lahat. Hindi ko naisip na mayroon palang hangganan ang relasyon namin dalawa.
Sa loob ng tatlong taon, madami kaming pinagdaanang pagsubok. Kasama na doon ang hindi pagtanggap ng lipunan sa aming relasyon. Naging matatag kami sa bawat masasamang salitang naririnig namin mula sa iba. Wala naman talaga kaming paki sa kanila, ang importante sa amin, tanggap kami ng aming pamilya.
We already planned our future. We already planned to get married pakatapos ng kontrata ni Saint sa kanyang agency. He want to be a plain house-husband for me. He planned to end his career, and settle down with me, take good care of me and the children we are going to adopt. Everything was already set, pagtatapos nalang talaga ng kontrata ni Saint ang inaantay namin.
Ngunit hindi ko inakala na maari pala magbago ang lahat. Maybe, naging kampante na ako sa relasyon namin. Naging kampante ako dahil nakaplano na ang lahat.
"I'm sorry Perth, but I fall out of love."
Iyon yung pinakamasakit na salitang narinig ko. Para akonh sinaksak ng milyong punyal. Hindi ko inaakala na maririnig ko iyon sa kanya. I never saw it coming. Naging kampante ako masyado sa nararamdaman ko na pagmamahal nya.
"Walang kulang Perth. Sapat ang lahat, sobra pa nga. It's just that, I really fall out of love."
Pinilit kong pinaniwalaan ang sinabi nya. Masakit pero inisip ko na siguro nga talagang dumarating ang time na nawawala ang pagmamahal mo sa isang tao. Yung tipong magigising ka nalang, hindi mo na pala syang mahal. You fall out of love for no reason. Kahit na sapat sayo ang lahat, you will out of love. Siguro may mga bagay na ganun lang kadali talagang mangyari.
Or so I thought. Huli ko nang nalaman na may pumutok palang issue patungkol sa aming dalawa na muntik nyang ikasira.
I tried to fixed it and yeah, naayos ko ang isyu na yun, pero huli na ang lahat.
Sinubok ng panahon ang aming relasyon. At dahil marupok ang aming pondasyon, gumuho at natibag ang aming relasyon dahil sa simpleng bagyo.
Huli na din ng marealized ko kung ano ang kulang sa aming relasyon. Too late to fixed it because the damage is already done.
"Saint, how's your relationship with Zee?"
"Maayos naman, going strong despite of all the obstacle."
"Any plan in the future?"
"We're engaged."
Mapait akong napangiti ng itaas ni Saint ang kanyang kamay na may suot na engagement ring. Nagulat ang mga reporter dahil sa kanyang rebelasyon.
Zee is his friend in the showbiz. Ito ang umagapay at nanatili sa tabi nya noong panahon na pumutok ang issue. Noong mga panahon tinawag sya special escort ng lahat, Zee was there, comforting him. Si Zee ang gumawa ng mga bagay na dapat ako ang gumawa.
Hindi ko pwedeng irason na magkaiba ang mundong ginagalawan namin. I'm a businessman and he is an actor. Sadyang naging kamapante lang ako masyado. Hindi rin kami masyadong nag-uusap sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho namin, maliban nalang kung sadyang kailangan. We fixed our own problem in our own way. Komunikasyon ang naging kulang sa amin.
Pinatay ko ang tv. Bumaba ako sa aking kama at nagtungo sa banyo upang maligo. Masyadong masakit na makita ang kanyang ngiti. Ngiti na darati ako ang dahilan.
Pakatapos ko maligo at nagtungo ako sa restaurant para kumain ng hapunan. I'm too lazy to cook my own food. Ayaw ko din kumain mag-isa. At least sa restaurant, may makikita ako na ibang tao.
I'm in the middle of eating my simple dinner ng pumasok ang dalawang tao na hindi ko inaasahang nakikita ko sa lugar na ito. They're holding eac other arm. Both of them has a beautiful smile in their lips. Ngiti ng mga taong in love.
Matama ko silang pinagmasda. Mali. Sya lang pala ang pinagmamasdan ko.
Walang magbago, sya pa din yung Saint na mahal ko. Yung ngiti nya, yung kislap ng kanyang mga mata. His jolly personality is still their. He is still the person I used to call mine. But the reason of all of it is not me anymore.
Hindi na ako ang dahilan ng kanyang mga ngiti, ng kislap ng kayang mata maging ng kanyang bawat tawa. Hindi na rin ako ang taong mahal nya.
Kung naibabalik ko lang ang oras, itatama ko ang lahat at hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin.
Katatapos ko lang basahin ang lahat ng quarterly report na pinasa ng mga department head ng pumasok ang aking sekretarya.
"Boss, may nagpapabigay." Wika ni Ylla, sabay abot sa akin ng powder blue envelope.
"Sino?"
"Si sir Saint po."
Tumango nalang ako bilang tugon sa kanyang sinabi.
Nang umalis ang aking sekretarya, tsaka ko binuksan ang envelope na inabot nya.
At hindi nga ako nagkamali. It's Zee and Saint wedding invitation.
Hindi na ako nag-abala na basahin ang nilalaman ng invitation. Masyadong masakit, gayong pangalan lang nila ang nabasa ko.
Tumayon ako at nagtungo sa tabi ng glass wall. Hinayaan ko mag-unahang pumatak ang aking luha. Hinayaan ko na balutin ng sakit ang aking buong pagkatao.
Ako yun dapat. Pangalan sana naming dalawa ang nakalagay sa imbitasyon. It was our plan. Kami ang unanh nagplano ng ganito.
Ngunit sa huli, hindi pa rin pala kami.
Ako man ang nauna, hindi naman ako huli. Nauna lang ako na mahalin sya. Nauna lang ako na mahalin nya.
I'm his once upon a time but not his happily ever after.
Masakit, sobra. Ngunit wala akong magagawa. Pinagtagpo lang kami pero hindi kami ang nakatadhana. All I do is give them the blessings they deserve.
"Saint, baby. I wish you happiness. Pauubaya na kita sa kanya. Kung sya ang mahal mo, sya ang ikakaligaya mo, hahayaan na kita. Hahayaan kita sa kaligayahan mo."
"I might say goodbye in words, but my heart can't let you go. You're still the one in my heart. Gayumpaman, ipapaubaya na kita sa kanya. Be happy, my baby."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top