Chapter 3

Athena's POV

*sa loob ng office*

"Hi, Athena. I'm Xian." bungad nung lalaking katapat ko ng table habang mukhang busy at tutok na tutok sa laptop.

Wow. Infairness ah. Busy pero narinig si Ate Apple kanina.

Isang tipid na ngiti lang ang aking tugon at kaway syempre.

"Hi. I'm Harold." sabi nung isang lalaki sabay lahad ng kamay nya sa harap ko na agad ko namang inabot para makipag-kamay sabay balik nya naman sa table nya.

Mukhang sya lang ata ang lumapit sakin para makipagkilala.

Mukhang busy silang lahat kaya para di na ko makaistorbo pa sa kanila, aalis na lang ako. Monday pa naman first day ko eh.

Paalis pa nga lang ako nang..

"Hey, Miss Alena? Miss Alena, right? Can I ask a favor? Bili ka naman ng malaking tubig dyan sa may convenient store tsaka glue. Magpasama ka na lang jan kay Harold tutal tapos naman na sya sa ginagawa nya. Please? Thanks." dire-diretsong utos nung lalaking tabachoy sa likod sabay tutok ulit sa laptop nya.

Napakagandang timing naman seeeeeeer.

Bilang isang baguhan, ano pa nga bang magagawa ko? Syempre sumunod.

Agad akong lumapit sa table nung lalaki at inilahad ang palad ko.

Aba, ang damuho, mukha lang nagtataka. Sabay abot ng kamay ko para makipag-shake hands.

Ano ba 'to? Kahapon lang pinanganak?

"Yung pera ho pambili?" agad kong sabi matapos kong tanggalin yung kamay nya.

"Ah oo nga. Sorry." paumanhin nya sabay kuha ng wallet nya.

Nakatalikod na 'ko nang may bigla akong naalala.

"Tsaka, Athena po. Hindi Alena." paglilinaw ko sa pangalan ko bago ako lumakad palabas.

At saktong paglingon ko, lahat naman sila eh nakatingin sakin at napahinto sa mga ginagawa. Mga 5 seconds lang naman sabay back to work na din.

Agad naman akong tinapik ni Harold sa balikat at sinabing, "Tara na."

Kaya sabay na kaming lumabas ng office. Saktong paglabas namin ay..

"BOOM. BURN SYA EH. BUUUUUURN!!!!" agad na sigaw ni Harold nang medyo nakalayo na kami sa office.

Medyo weird ang mga tao dito ha.

"Alam mo Athena, unang beses pa lang kitang makita kanina, I knew it. Ikaw ang sisira ng sumpa. Hahahaha." sabi ni Harold na may halong tawa na pang-kontrabida sa teleserye sabay lingkis sa kanan kong braso.

Ano bang ginawa ko para magkaganito 'to?

Agad kong tinanggal ang pagkakalingkis nya sakin at tinignan lang sya ng may buong pagtataka sa mukha.

Mukhang nakaramdam naman kasi tinanggal nya yung pagkakalingkis nya sakin eh.

Pero akala ko yun na yung pinaka-weird na ginawa nya. Nope. Tumingin tingin sya sa paligid bago kami sumakay sa elevator at ilang ulit pinindot yung G button sa elevator para siguraduhin na wala ng makakapasok pa.

Takot man pero tinitignan ko lang sya habang ginagawa yon.

Baliw na ba 'to?

"Ah sorry Athena ah. Ikaw kasi yung unang tao na gumawa ng ganun kay Sir Reign. Kaya siguro napansin mo na nagtinginan silang lahat sayo kanina. Na-amaze din siguro sila. Si Sir Reign ang Senior Admin Staff dyan sa office. Lahat ng documents, ideas at kung ano pang kailangan ng approval, sa kanya muna dumadaan bago nya iakyat sa taas. Sya kasi ang kumakausap dun sa mga bosses. Kaya halos lahat kami takot banggain yun kasi nga baka maging katapusan na namin. Buti pa si Apple tsaka si Anne, di masyadong nakikita pagmumukha nun ni Sir. Hays. Pero salamat kanina, kahit hindi kami ang gumawa nun kay sir, medyo gumaan ang loob namin." dire-diretsong paliwanag ni Harold saktong pagkasara ng elevator.

Yeah. I knew it. This ride is going to be a taste of hell.

Jusko, Athena. Gusto mo ng bagong environment na maganda pero wala ka pang first day, sinisira mo na.

Buti pa sila, gumaan ang loob after ko gawin yun samantalang ako, heto, lugmok naman.

Nakalabas na kami ni Harold ng elevator at lahat, ang daldal nya pa rin. Wala ng pumapasok sa kokote ko sa dami ng sinasabi nya.

Hays, Athena. Mukhang hindi ka talaga destined magtagal sa mga trabaho. Sobrang ga--

*boogssshh*

"Araaaaaaay!!!" sigaw ko sabay hawak sa ulo kong nauntog sa..

"Ikaw?!?!" sabay pa naming sabi netong lalaking nasa harap ko.

Si lalaking naka-hoodie. Ken ata ang pangalan neto eh.

"Sorry." sabi nya lang sabay alis nang nakayuko ulet.

Ang bilis naman ng mood swings non. From nagulat to nag-sorry agad. Pareho kasi ata kaming nakayuko kanina kaya di namin nakita ang isa't isa.

Parehas din kaya kami ng nararamdaman ngayon? Frustrated?

Di ko alam kung anong meron pero kahit nakatalikod na sya, nakatingin pa rin ako sa kanya and I can feel his sadness just by looking at his back and based on his voice kanina. Malungkot.

"Huy, sino tinitignan mo dyan? Bet mo? Kanina pa ko salita ng salita tas wala na pala kong kausap. Tara na." sabi ni Harold sabay hatak sakin para maglakad na ulit.

Nakalimutan kong may kasama pala ko.

Should I ask Harold about Ken's personality? And other members too? Matino kaya magiging sagot neto sakin?

-
Author's Note: Salamat sa mga nakapagbasa na ng story na ito. Kindly leave a comment para alam ko ang mga dapat kong iimprove and syempre, pa-vote na rin. Hehe. Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top