Chapter 2
Athena's POV
*sa loob ng interview room*
"Hi, I'm sorry for being late." mga salitang lumabas agad sa bibig ko pagpasok ng kwarto.
Nakakahiya kasi nandun na silang lahat. Isang korean na babae and dalawang pinay. Mukhang panel interview yata ito.
"No worries. You're just in time." sabi nung magandang koreana habang nakangiti sa akin.
"Take a seat." sabi ni ateng pinay na kulot ang buhok.
"Thank you." tugon ko.
"Alright. Let's start." sabi nung isang pinay. Medyo may kaliitan at maiksi ang buhok.
"So, tell us about yourself." bungad nung koreana.
"Hi, good morning. I'm Athena Sobremonte, 22 years old. I came from Pasay City. I finished multimedia arts in DLSU and got my first job experience after I graduate. I stayed there for 2 years and resigned properly due personal reasons, you may see that on my certificate of employment." sagot ko na walang kaabog-abog.
"I-i-i'm sorry, multimedia arts? And you're applying here for?" utal na sabi nung pinay na maiksi ang buhok.
"Graphic Artist." buong kampante ko pa ring sagot.
"Ohhhh. Sorry, but we already have a graphic artist. We thought you're applying for a personal assistant position." paliwanag ni ateng kulot.
KASALANAN 'TO NG BWISET KONG ATE EH. Ang sabi ko, hanapan ako ng hiring companies na aligned sa tinapos ko. Pero mukhang lahat ng hiring companies ata pinagpasahan ni gaga.
Natameme naman ako sa isang tabi ngayon, pasagot pa lang sana ako nang..
"No worries. Just accept this job and we will pay you the same amount you're receiving from your last company plus overtime pay as well. What would you say?" walang prenong sabi ni magandang koreana.
Ano bang dapat na sagot sa ganto? Nakakaloka. Nasa introduce yourself pa lang kanina pero mukhang hired na 'ko sa sinasabi ni koreana.
Mukha nagulatang din ata yung mga pinay sa sinabi ni koreana. Kaya siguro nagbubulong-bulungan silang tatlo.
Narinig kong sabi ni koreana, "We don't have all the time in the world to look for a Personal Assistant, let's have the first come, first serve basis. The debut is coming, we need to be prepared.." tas di na malinaw yung dulong part.
Debut???? May magdedebut? Personal Assistant ng isang babae?
Nung tapos na silang magbulungan, nagsalita si ateng kulot.
"Magtagalog na lang tayo sis. Pinayagan naman na tayo and mukhang hired ka naman na, desisyon mo na lang ang kulang pero matanong ko lang, marunong ka bang gumawa ng household chores like maglinis at mag-ayos ng gamit man lang? And malakas ka ba? Mabilis ka bang mautusan? Handa ka ba sa mga balyahan? Just in case lang naman." dire-diretso nyang tanong.
Teka. Ano bang hanap nila? Personal Assistant o body builder? Bakit kailangan ng malakas? Grabe ah. Di porke medyo chubby ako eh mukha na kong malakas.
"Ah eh, marunong naman pong maglinis and nauutusan din po. Pero malakas? Not sure with that." nasabi ko na lang.
"Ah yeah. Good. We will discover that moving forward so g ka ba sa offer?" tanong naman ni ateng maiksi ang hair.
Hmmm. Wala naman sigurong masama kung susubok ng ibang field di'ba? Libangan na lang siguro. Alis na lang pag nahirapan na. As easy as that.
"Ah, yes." tugon ko sa tanong nya.
Agad naman silang tumayo at unang lumapit sakin si magandang koreana to shake my hand and said goodluck sabay labas na agad ng kwarto. Mukhang busy.
"We will prepare your contract, upo ka lang dyan." sabi ni ateng kulot sabay labas nilang dalawa sa kwarto.
Makakalanghap naman siguro ako ng bagong hangin dito noh? Bagong trabaho, bagong environment. Sana hindi kasing-toxic nung last company ko.
Wala pang 2 minutes ng paglabas nila ateng kulot, biglang bumukas ang pinto at may bumungad na limang lalaki.
TEKA, TEKA, TEKA!!!!!
Sila yung kasama ko sa elevator kanina ah!!!!
Pag minamalas ka naman talaga today.
Kasunod nila si ateng maliit at si ateng kulot.
"Boys, meet your Personal Assistant, Athena. Athena, meet SB19. Josh, Sejun, Stell, Ken and Justin." pagpapakilala ni ateng kulot sa akin at sa kanilang lima rin.
PERSONAL ASSISTANT AKO NG LIMANG LALAKI?!?!?!?! AKALA KO BA DEBUT? BABAE LANG MAY DEBUT DI'BA????
Jusko. Kaya pala tinanong ako kanina kung malakas ako. Nakakaloka na talaga ito.
She introduced them from left to right. So, si Josh yung medyo maliit. Si Sejun yung may brace. Si Stell yung mukhang built yung katawan. Si Ken yung naka-hoodie kanina at si Justin yung 6 footer.
Ahhh. Nginitian namin ang isa't isa na para bang hindi kami magkakasama sa elevator kanina.
"So boys, kayo na ang bahala kay Athena. Di pa kami tapos sa contract. And magpractice na rin kayo after." sabi ni ateng kulot sabay labas na ng kwarto ulit.
Ngayon ko lang narealize na sa Dance Studio pala ako ininterview. Sa bagay, late na 'ko. Wala ng time magmasid kanina.
"Uhm, hi po. I'm Stell. Sorry po ulit kanina ah. Grabe. Who would've thought na magiging katrabaho ka namin." bungad na salita nung isa.
"Ay. Hello din. Athena nga pala. Athena Sobremonte. Okay lang yun. Tapos naman na." sagot ko na lang para hindi awkward kahit g na g ako sa kanila kanina.
"Ah, miss. Sorry pero practice na kami ah? Pwede ka namang maupo dyan sa gilid while waiting for Ate Apple and Ate Anne." sabi nung lalaking may braces.
Naku ah. Attitude. Wala man lang kaming get to know each other stage?!?! Nakakaloka. Like hello?! Personal Assistant nyo 'ko. Introduce nyo naman sakin mga gagawin ko or kahit man lang iikot nyo 'ko dito sa building. Hays. Sana lang talaga, matiyaga ko 'tong mga taong 'to.
Agad naman akong gumilid dahil hiyang-hiya naman ako sa kanila. Mukhang nakakaistorbo pa 'ko eh.
(Play Tilaluha Instrumental on this part)
"Sa tuwing ika'y nakikita, di mapigil ang luha sa aking mata.." bungad na lyrics nung kanta.
Nakanamputs, pinatabi pa 'ko dito eh kakanta lang naman pala sila.
Pero ballad song ba ito??? Well, infairness, maganda ang boses pero sige, we'll see hanggang matapos ang kanta.
"Unti-unting lunurin ang aking nadarama.." sabay-sabay nilang kanta.
Chorus na ata itong part na 'to. Sabay-sabay na sila eh.
Ninanamnam ko pa ang pakikinig sa kanila nang bigla ng dumating si ateng kulot at ateng maiksi ang buhok.
"Sorry kung ngayon lang kami. Tara, doon tayo sa office at di tayo magkakarinigan dito." sabi ni ateng kulot.
"Apple nga pala ang name ko and Anne naman itong isa. Sana magkasundo tayong tatlo. Girl power kumbaga. Lima lang kasi tayong babae dito. Yung isa, manager nung boys, busy sa meeting palagi. Ryzza naman ang name nun. Yung isa, yung koreana kanina, si Ms. Hong yun, teacher ng boys. Yung iba nating kasama, puro lalaki na. Papakilala kita pagdating sa office." dire-diretsong sabi ni Ate Apple habang naglalakad kami papunta sa office.
Di naman masyado malayo ang nilakad namin at agad na kaming tumapat sa isang pinto na I guess, office namin.
Andddddd bwalaaaah.
"Kaya hindi ka dito ininterview kanina. Magulo." paliwanag ni Ate Apple.
And yes, magulo talaga sya. Papers everywhere, props everywhere and mukhang busy ang mga tao.
*clap clap clap*
To caught everyone's attention siguro kaya nag-clap clap si Ate Apple.
"GOOD MORNING, GUYS! MEET ATHENA, OUR NEW WORK MATE. PLEASE BE GOOD TO HER." sigaw ni Ate Apple.
Woaaaaah. Parang hangin lang kami ni Ate Apple dito. No response.
"Okay na yan. Pagpasensyahan mo na. We're on busy days. Kasi yung mga lalaking hahawakan mo ay magdedebut na as a group by Monday kaya ganyan yan sila ka-busy. By the way, dun yung station mo sa dulo. Silipin mo lang then you can go na. Or kung gusto mong tumulong, pwede din naman. Nandyan lang si Anne. I'll go muna and do some errands. Dami talagang gagawin eh. Welcome ulit." paliwanag ni Ate Apple sabay alis na rin.
Oh yeah, welcome to hell.
-
Author's Note: Medyo napahaba ata itong chapter na 'to. Hehehe. Di ko alam kung pano icucut eh. Sana na-enjoy nyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top