Chapter 1

Athena's POV

"ATHENAAAAA SOBREMONTEEEEEEEEEEE!!!!!" isang malakas na sigaw ang bumungad sakin ngayong umaga.

Anaknampucha talaga oo. Sabado naman ngayon, di ko maintindihan kung bakit gustong-gusto na lang ako laging gisingin at istorbohin ng mga tao.

"OHHHHH?!?! Baket ba?" iritang sagot ko sa ate ko habang pikit pa ang isang mata.

Oo, ate ko yung tumatawag sakin galing sa baba. Nandito kasi ako sa kwarto ko ngayon eh.

"Ay oh. Baka lang nakakalimutan mong ngayon ang interview mo sa ShawBT." pagpapaalala sakin ng ate ko.

Aw. Shoot. Anong oras na ba??? Nasan na ba yung cellphone ko?

"Alas sais na?!?!?!?!?!" sigaw ko na tila ba abot kapitbahay nang makita ko kung anong oras na.

Potek na yan. Anong klaseng ligo ang gagawin ko neto? Alas syete yung interview eh.

Boset ka talaga, Athena. Dakilang manginginom tuwing biyernes kasi eh. Abnormal.

Eh baket ba? TGIF nga kase.

Mukhang tanga na 'ko dito habang namimili ng damit na dapat suotin sa interview.

Di na nga ko nakapag-isip ng isasagot ko sa interview eh. Boset kasi 'tong ate ko eh. Pinipilit akong pumasok sa ShawBT eh sobrang layo naman dito sa bahay. For experience daw.

Ah by the way, isa akong graphic artist. Kaka-alis ko lang sa past company ko dahil nagiging toxic na. I've been there for 2 years din, na-tiyaga ko eh. Hehe. Ate ko ang nakahanap sa ShawBT, hiring daw. Kaya yon, wala naman mawawala kung susubukan ko eh.

"Hoy Athena, bilis-bilisan mo namang kumilos. Parang hindi alas syete ang interview ah." sabi ni ate sabay katok na sa kwarto ko.

"Oo na, eto na, maliligo na." sabi ko sabay bukas ng pinto at diretso na sa banyo.

Jusko, Athena. Maligo ka within 5 minutes at mag-make up ka sa loob din ng 5 minutes.

*after 25 minutes*

Sa wakas, tapos na rin. Told yah. Magaling sa mabilisan. Okay naman na siguro 'tong plain make up. Tamang lipstick lang at blush on. Sagot sa interview ang magdadala nyan.

So now, kailangan ko namang mag-book ng Grab or Angkas.

Grab's waiting time, 10 minutes.
Angkas' waiting time, 6 minutes.

Wow, Athena. Tanggapin mo na lang na hindi para sayo 'tong trabaho na 'to. Maghanap ka na lang ng iba.

Handa na kong tanggapin ang kapalaran ko nang..

"Hoy panget!" boses mula sa isang pamilyar na lalake.

Waaaaaah!!!

"Marv!!!!!!" sigaw ko sabay yakap sa kanya.

"..my saviour." bulong ko.

Tinanggal nya yung pagkakayakap ko sa kanya pagkabulong ko non. Hahahaha. Mukhang nakatunog na ata.

"Ano na naman kailangan mo ha? Alam ko na yang mga linyahan mong yan." sabi nya na puno ng pagtataka ang mukha.

"Di mo ba mahulaan sa suot ko, nget? Job interview. Tara na. Ihatid mo na 'ko." dire-diretso kong sabi sabay lingkis sa kanang braso nya. Hahahaha.

Si Marvin ang matagal ko ng bestfriend. Since highschool pa. Sya ang aking knight in shining armor, palagi. Di ko alam pero everytime na kailangan ko ng tulong, palagi syang dumadating.

"Anong oras ba interview mo? Oh." tanong nya sabay abot ng helmet sakin.

Yes, mag-momotor kami. Hahahaha.

"Alas syete." buong kampante kong sagot sa kanya sabay tingin nya sa relo nya.

"Anak ng putris ka talaga. Bilisan mo. 6:30 na oh." pagmamadali nyang sabi.

Pagka-angkas ko sa motor eh agad nya naman itong pinaandar at sa biyahe kami nag-uusap kung saan yung location. Oo, nagsisigawan kami.

"Oh, bakit ka huminto?" takang tanong ko kay Marv.

"ShawBT dba? Ayan na oh." sabi nya sabay turo sa isang building na nasa harap namin.

"Pano mo nalamang dito? Wala namang nakasulat na ShawBT eh." pag-aalinlangan ko.

Bumaba sya sa motor sabay alalay sakin sa pagbaba sa motor nya.

"ShawBT yan, maniwala ka na lang. Magtanong ka dyan sa guard kung anong floor yung para sayo. Bilisan mo, 6:50 na." sabi nya sabay tulak sakin para magmadali na.

"Thanks, bes!" sigaw ko ng makalayo ako sa kanya.

Alright. 10 minutes to go.

"Kuya, for interview po. ShawBT." sabi ko sa guard at binigyan naman ako ng temporary pass after mag-fill out dun sa listahan ng visitor at sinabing 11th floor daw.

Agad naman akong nagmadaling pumindot sa elevator habang nakatingin sa relo ko. 6:53 am na. Bat parang ang tagal naman nitong elevator na 'to?

6:55 am, saktong sakay ko sa elevator nang..

"Miss, teka lang!!!!" sigaw ng isang lalaki na 6 footer sabay hawak nya sa pagitan ng elevator.

Bwiset. Dapat sinarado ko na agad eh.

"Josh at Ken, bilisan nyo!" sigaw nung isa pang lalaking kasama nung matangkad na lalaki.

"Miss, sorry ah. Ang tagal nung mga kasama ko eh." paghingi ng paumanhin nung lalaking may brace.

Matipid na ngiti na lamang ang naisagot ko kasi sa loob loob ko eh kumukulo na talaga ang dugo ko.

6:57 am, sa wakas. Umandar na ang elevator.

Halatang tensyonado na 'ko dahil kanina pa ko tingin ng tingin sa relo ko at kanina pa 'ko nagtatap ng sapatos ko. Mukhang napansin ata nila.

"Ate, sobrang sorry po talaga. Mukhang nagmamadali ka po." sabi nung lalaking 6 footer.

Isinenyas ko na lamang ang kamay ko na wala yun at ngumiti na lamang.

Ito kasi yung mga oras na pag nagsalita ako, baka makapagsabi pa 'ko ng masasakit na salita so better shut up na lang.

Palabas na sana ako ng elevator pagkatungtong ng 11th floor nang..

"Miss, mag-iingat ka." sabi nung lalaking naka-hoodie sabay hawak sa kamay ko. Muntik na kasi akong matumba. Di ko naman akalain na sa 11th floor din sila bababa at nakipag-unahan pa 'ko.

"Ah eh. Salamat." sabi ko sabay takbo na agad sa reception area ng 11th floor.

Saktong 7am, nasa reception na 'ko nang makita ako nung isang staff at sinabing, "Ikaw na lang po ang hinihintay, Miss Athena."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top